Chapter 30: Pretty

SAVANA'S POV

Panaka-naka kong tinatanaw si Roux mula sa kusinang kinalalagyan ko, busy ito sa selpon nito at pabago bago ang ekspresyon nito sa mukha tapos ang nakaka gulat sa lahat ay tumawa ito habang naka tingin sa selpon niya.

I guess kausap niya ang babaeng nagugustohan niya. Ganiyan rin ba ang epekto ko kay Altair? Para naman kasing wala e.

Nang matapos ako sa pag titimpla ng juice ay marahan akong nagtungo sa kinaroroonan ni Roux, na naka titig sa isang litrato ng isang magandang babae. Mukha itong my lahi at s palagay ko ay Japanese.

"Ang gand niya" lintaya ko dahilan para mapa igtad si Roux.

Binalingan ako nito ng tingin at tiningnan niya rin ako ng masama.

"Ginulat mo ako" ani nito habang naka sapo sa kaniyang dibdib.

"Sorry" pang hingi ko ng paumanhin at inabot ang juice dito na agad naman nitong tinanggap.

"It's okay, just--wag mo ng uulitin. And you're right, my girl is so damn fine" ani nito at muling tiningnan ang litrato habang may malawak na ngiti sa labi at hindi ko namalayan na pati ako ay napangiti na rin.

"You're head over heels huh?" Ani ko at naupo sa tabi nito pero syempre may distansya sa pagitan naming dalawa.

"I am, so as Altair to you." ani nito at pinatay ang kaniyang selpon at pinamulahan naman ang ng pisngi ng dahil sa huling lintaya nito.

"Naku malabong mangyari iyan. Alam kong gusto niya ako at gusto namin ang isa't isa pero malabong lalalim pa iyon, paniguradong makakahanap pa ito ng mas better kaysa sa akin" ani ko at mapait na napangiti ng maimagine-ing may ibang babaeng pinamahal si Altair.

"Cheer up, miss and trust me. When i say that my friend is head over heels with you it's hundred percent true" ani nito habang naka tingin sa akin ng seryoso.

"Sana nga... mahirap pa namang mag assume at umasa" ani ko at ngumiti ng alanganin, inismiran naman ako nito at ininom ang juice na ibinigay ko sa kaniya.

Nag tagal pa ng ilang oras si Roux sa bahay, hindi kami nag uusap dahil may sarili itong mundo at gayon din naman ako. Ang swerte naman ng girlfriend ni Roux, loyal kasi ito base sa impresyon ko.

Napabaling ako ng tingin dito jg bigla itong tumayo.

"Bakit?" Tanong ko.

"I received a message from Altair, pauwi na siya kaya kailangan ko ng umalis." Ani nito.

"Ah okay" ani ko naman at pilit na kinakalma ang aking sarili at puso na halos tumalon ng dahil sa sobrang kagalakan at tuwa.

"Don't tell him na pumasok ako sa bahay mo, got it?" Ani nito na may halong pagbabanta kaya sunod sunod akong napatango.

"O-okay" turan ko at bahagya pang nautal.

"Good and it's nice meeting you by the way" ani muli ni Roux bago tuloyang umalis ng bahay.

Pagka alis nito ay agad akong nag ligpit at naligo, naglagay din ako ng kunting kolorete sa aking mukha at nag suot rin ako ng dress kahit na ito ay bulaklakin at luma, nag lagay rin ako ng pabango at inayos ko rin ang kulot kung buhok. Ngumiti ako ng napaka tamis sa harapan ng salamin at pinag masdan ng maigi ang aking kabuoan.

Nang makarinig ako ng kaluskos mula sa sala ay agad akong lumabas ng aking silid at duon tumambad sa akin ang napakaraming punpun ang bulaklak halo halo iyon kagaya na lamang rosas, daisy at sunflower.

Napatutop naman ako ng aking bibig ng dahil sa gulat at ang mata ko ay nagsimula naring mag tubig ang aking mga mata at hindi ko na nga siya napigilan ng ng biglang sumilip sa mga punpun ang maamo't gwapong mukha ni Altair.

Bumalatay sa mata nito ang takot ng kaba ng ako ay lumuha kaya agad ko itong pinunasan at ngumiti sa kaniya.

"Are you alright?" Tanong nito sa akin.

"I am" ani ko naman at tumango.

"A-ahm, flowers for you?" Alanganing ani nito at inabotan ako ng isang pirasong kulay pulang rosas na agad ko rin namang tinanggap at inamoy.

Ang bago niyon ay nanunoot sa aking ilong.

"Thank you" ani ko at ngumiti.

Nakita ko naman ang bahagyang pamumula ng pisngi at tainga nito na siyang aking ikinatawa.

"What's funny?" Supladong tanong nito kaya napa tigil ako.

"You're blushing and it's amusing" ani ko naman kaya napa yuko ito.

Lumapit ako sa kinaroroonan jito at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Thank you" ani ko at hihiwalay na sana dito ng bigla ako nitong hinapit sa bewang dahilan para mas lalong mapalapit kami sa isa't isa.

"You're always welcome, moya koroleva... always" ani ni Altair at pinatakan ako nito ng mumunting halik sa noo.

Napuno naman ng kasiyahan ang aking dibdib ng dahil dito, lahat ng ginagawa nito ay kakaiba ang epekto sa akin at ang lahat ng iyon ay pinapahalagahan ko.

"P-pwede mo na akong binatawan" ani ko na agad naman nitong tinalima.

"I'm sorry moya koroleva, nadala lang ako ng bugso ng aking damdamin" ani nito kaya napangiti naman ako.

"Okay lang ano ka ba, at maraming salamat nga pala sa rosas mong bigay kahit na sobrang napakarami ay na appreciate ko talaga dahil sa tanang buhay ko ay ito ang unang beses na naka tanggap ako ng rosas" ani ko at nginitian ito.

Tiningnan naman ako nito habang nanglalamlam ang mga mata na ani mo ay nagbabadya ng umiyak.

"I am so happy that i am your first" ani ni Altair at pinunasan ang butil ng luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.

Ngayon lang may umiyak ng dahil sa akin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay lalaki pa iyon, ang lalaking kailan ko lang nakilala pero inukupa na halos kabuoan ng puso ko at iyon ay walang iba kundi si Altair at wala ng iba.

"Wag kang umiyak ano ka ba" ani ko habang nagpipigil ng hikbi.

"I'm not crying, it's just that i'm happy" pag papaliwanag naman nito.

"Oo na, kunwari wala akong nakita" ani ko naman at umayos ng tayo.

"Nasabi ko na bang ang ganda mo?" Tanong nito sa akin.

"Oo, lagi mo naman kasing sinasabi 'yan sa'kin" ani ko naman at bumungisngis pa.

"Totoo naman e, ang ganda mo Savana... na u-ulol ako sa taglay mong ganda" seryosong saad nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakita ko ang pag balatay ng pagkamangha sa kulay asul nitong mga mata ngunit nangunot ang noo nito ng dumapo muli ang tingin nito sa aking mukha.

"What's on your face?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Makeup, pangit ba?" Ani ko naman at marahang kinapa ang aking mukha.

"It's pretty but i don't like it." Seryoso nitong saad at lumapit sa akin. Naglabas ito ng panyo at marahang sinapo nito ang aking mukha at ang sumunod na nangyari ay naramdaman ko na lamang ang banayad nitong pag punas sa aking mukha pagkatapos niyon ay bahagya itong lumayo sa akin at sinabing.

"There, you look more prettier" ni nito na siyang ikinapula ng husto ng aking nagkabilaang pisngi.

Tangina naman Altair. Hindi ako ready!!

"S-salamat" nauutal kong lintaya.

"Always welcome pretty Savana" ani nito at ngumiti pa.

Lumapit itong muli sa akin at inilahad ang kaniyang kamay sa aking harapan na agad ko rin namang tinanggap.

Iginaya ako nito papalabas ng bahay at pasakay sa kotse nitong sa palagay ko ay bago na naman, iba kasi ang desinyo nito at kulay pula narin ang kotse.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"In a date" ani nito at ngumiti ng malapad bago pinaharorot ng kaniyang sasakyan.

A date, it's my first time too and i'm glad na si Altair ang lalaking ka-date ko.