Chapter 26

"Hoy! Pre! Saan ka ba galing?!" bungad sa'kin ng best friend ko. Madali itong lumapit sa'kin pagkapasok ko sa loob ng kanyang apartment. "Pucha ka pre! Para kang basang sisiw ah!" kinuha nito ang towel sa ulo ko at s'ya ang nagtuyo ng aking buhok.

"Okay lang ako pre, liligo naman ako... Hayaan mo na 'yan," saway ko rito at hinahawi ko pa ang kanyang kamay. Nakatanggap naman ako nang tampal sa aking kamay mula sa kanya.

"Natural na maliligo ka! Sira ulo ka ba?! Kung kelan gabi tsaka mo naisipan maligo ng ulan!" panenermon pa nito. "Saan ka ba talaga galing? Ha?!" tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako habang nakapamaywang.

"M-May... Dinaanan lang,"

"Hinayaan mo lang mabasa ka ng ulan?!" naiinis nitong tanong.

"Hunghang!" bulyaw ko, "hindi ba pwedeng naabutan ako ng ulan? Gago ka rin e 'no?!" nilampasan ko ito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ito sa'kin.

"Sabi ko nga...." sagot nito, "maligo ka na, titimplahan na kita ng kape..."

"Okay..." tinalikuran ko na ito para pumunta sa kwarto.

"H'wag kang magtatagal sa panliligo pre!!! Gabi na!!" rinig ko pang sigaw nito.

"Opo Tay!!!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Tay, amputa! Sira ulo!"

Tinawanan ko lamang ito, naghanda agad ako ng damit at naligo. Mabuti na lamang dalawa ang banyo ng apartment n'ya, isa sa kwarto at isa malapit sa kusina.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasan ang matigilan. Naiisip ko pa rin ang sinabi ni Mrs. Montemayor sa'kin, hindi ko alam kung kailangan ko pa ba sabihin ito kay Lucas kapag bigla itong nagtaka.

Kapag sinabi ko, sila naman ng Mommy n'ya ang masisira. Kung hindi ko naman sasabihin, ano ang idadahilan ko sa kanya kung bakit iniiwasan ko s'ya? Pucha! Bakit ko ba pinoproblema 'to?! E ano naman kung mawala na lamang ako bigla sa buhay n'ya? Secretary lang naman n'ya ako noon, yon lang! Tss.

Bahala sila buhay nila!

Matapos ko maligo ay dumiretso na ako pabalik sa kusina. May mga pagkain na sa mesa, sa pwesto ko ay may plato na rin at kape sa tabi nito.

"Akala ko nalunod ka na, buti naka-ahon ka pa.." sarkastiko nitong ani habang pinapanood ako palapit sa lamesa. Nakaupo na ito sa tapat ng pwesto ko at seryosong nakamasid sa'kin.

Inismidan ko naman ito bago inirapan, "batang dagat ako pre, paano ako malulunod?!" sagot ko naman bago naupo na sa pwesto ko.

"Tss, kumain ka na nga at magpahinga ka na."

Mas madalas na si Rustom ang gumagawa sa kusina, lalo na ang pagluluto. Sa paghuhugas ay kailangan ko pa s'yang pilitin para makapag hugas ako. Masyado kasi akong bine-baby nito, akala mo naman limang taon lamang ang kasama. Tss.

Matapos namin kumain, at matapos ko maghugas ng mga kinainan, ay handa na sana akong bumalik sa kwarto ko para magpahinga. Pero natigilan ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko.

"Alam kong may pinagdadaanan ka, alam ko na.... May tinagpo ka kaya ginabi ka, hindi na ako magtatanong. Pero... Pre, gusto ko lang ipaalala sa'yo, nandito lang ako. Meron ka pang ako na nandito lang palagi para sa'yo. Hangga't kaya ko na samahan ka, hangga't kaya kong intindihin ka, mananatili akong nakasuporta sa'yo. H'wag mo sana kakalimutan 'yan. Good night...." lumapit ito at hinalikan ako sa noo bago ako talikuran.

Tinitigan ko lamang ito, pinanood ang paghiga sa kanyang higaan.

Pagtingin muli nito sa gawi ko ay ngumiti pa ito sa'kin, nginitian ko lamang s'ya pabalik bago dumiretso sa kwarto.

Thank you for having him, thank you for having a best boy, a best friend... I'll treasure him forever..

Kinabukasan ay normal na estudyante lamang ako ulit kagaya ng mga nakaraang araw. Kulitan sa mga kaibigan, at tahimik na nakikinig sa mga prof.

"Tara fishball time na!!!" masiglang anunsyo ni Cess pagkalabas ng last prof namin para sa araw na 'yon.

"Bakla! Patulad ako sa assignment bukas ha..." sabi ni Lani kay Cess.

"Baklang bobita ng taon!" bulyaw nito kay Lani, "bakit kaya hindi ka na lamang tumigil sa pag-aaral bakla?! Asa ka na rin naman sa lahat!"

"Grabi ka naman sa lahat! Hindi naman..."

"Hindi?! Oo, dahil siyempre kapag p. e kailangan katawan mo ang ikikilos mo, bakit? Plano mo ba na ako na rin magkilos sa katawan mo? Gagang 'to!"

Napapailing na lamang kami ni Travis sa dalawa habang naglalakad kami. Nasa harapan namin ang mga ito at panay ang bangayan.

"Are you okay?" tanong bigla ni Travis.

"Ha? Oo naman, bakit?"

"Ang tahimik mo kasi kanina pa, hindi ako sanay..." bahagya pa itong natawa.

"Ah... Wala... Medyo makirot lang ang ulo ko, sa init siguro..." sagot ko na lamang...

"Gano'n ba? Wala ka bang gamot na baon?"

"Wala e, okay lang. Mamaya na lamang sa bahay."

"Sige..."

Habang nagkukwentuhan kami, panay ang kain namin ng fishball. May mga lumalabas sa campus na mga naka-puting uniform dahilan para matigilan ako. Naaalala ko yung lalaki na nagpahiram sa'kin ng towel. Sino kaya 'yon?

"Hoy!" napakurap-kurap ako sa biglang pagpitik ni Cess ng kanyang daliri sa harapan ko.

"H-Ha?"

"Ayy! May pagnanasa ang bakla sa mga nursing students!"

"Sinasabi mo?" maang-maangan kong tanong.

"Wit! H'wag akil bakla! Knows na knows ko 'yan! Bet mo ang nursing bakla! Sinetch d'yan?"

Nagsalubong naman ang aking mga kilay dahil sa sinasabi n'ya. Tinignan ko naman ang dalawa ko pang kasama. Si Travis ay seryoso lamang na nakatingin sa'kin na parang naghihintay ng sagot ko. Samantalang si Lani ay natatawa lamang.

"Wala!" sagot ko kay Cess.

"Ako pa inokray mong bakla ka! Wit! Mga tinginan mo sa nursing student parang hinuhubaran mo na! Manyak ka girl! Sabagay... Ang yummy kasi ng mga nursing student! Gaaasshhh! Kahit naman ako luluhod agad-agad! Walang halong eklabu! H'wag na magpakemerut pa! Gorabels agad!"

"Kadiri ka bakla!" sigaw dito ni Lani dahil umaakto itong sarap na sarap habang dahan-dahang sinusubo ang itlog ng kwek-kwek.

"You're disgusting Cess! Stop it!" saway naman ni Travis.

"H'wag nga kayo! Panira kayo!"

"A-Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko kay Cess.

"Kumakain bakla! Ano ba tingin mo?"

"E bakit ganyan?" turo ko sa kanya.

"Tse! Gagawin n'yo rin 'to pag nag-kajowa kayo!"

"Ang kainin?"

Sabay-sabay silang nasamid na tatlo dahil sa tanong ko.

"Tigilan mo na kasi bakla! Alam mo naman iba ma-curious 'yang si Ivory e!" pinalo pa ni Lani si Francis sa braso.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala... H'wag mo s'ya pansinin IB, tara na..." inakbayan ako nito palayo kay Francis. "Ingat kayo..." sabi pa nito sa dalawa..."May sundo ka?" tanong nito sa'kin.

"Oo, hihintayin ko kaibigan ko. Mauna ka na. Babalik pa ako sa loob ng campus e."

"Gano'n ba, sige. Ingat ka..." inalis nito ang pagkaka-akbay sa'kin at kumaway bago tumungo sa parking area.

Tatalikod na sana ako para bumaling sa gate pabalik sa loob nang pigilan ako sa braso ng isang kamay.

Sa bilis nang pangyayari ay nakita ko na lamang na may lalaking nakayakap sa'kin. Sobrang higpit na parang isang taong nangulila sa'kin. Ni hindi ko magawang kumawala sa pagkakayakap n'ya, dahil sa pag-piglas ko para sana alamin kung sino siya ay lalong nahigpit ang yakap nito.

"S-Sandali-"

"Ang sakit..." mahinang sabi nito na ikinatigil ko. Rinig na rinig ko ito dahil nakasandal ang aking ulo sa dibdib n'ya, habang ang pisngi n'ya ay nasa tuktok ng ulo ko.

"Ang sakit pala makitang hawak ka ng iba... Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin... My Belle..."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa boses n'ya na parang sobrang nasasaktan.

Lucas...

"Pero mas masakit pala na... Nasasaktan ako nang patago, dahil wala akong karapatan... Wala akong karapatan na ipagdamot ka... Wala akong karapatan na magalit... Masakit... Masakit pala talaga..."