Chapter 7

KAIBIGAN. Siya yung dadamay sayo tuwing di ka ok. Siya yung iintindi sa mga kalokohan mo. Siya yung mag-aalala sayo. Siya yung tutulungan ka sa assignment mo. At siya rin 'yung mananatiling totoo sayo sa kahit anong sitwasyon mo.

Isang maulan na umaga ang sumalubong sa mga mata ko pagkamulat ko kinabukasan. Pinagmasdan ko ang langit at kahit madilim ito, hindi ko maramdaman ang lungkot. Hindi ko maramdaman na mabigat ang buhay, 'di tulad nitong mga nakaraang araw.

Beeeep!

Cellphone ko yun ah.

Beeeep!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ko agad ang sapin ng kama ko. In fairness, ang ganda. Plastadong plastado. Ang saya pala ng ganto noh, yung wala kang inaalala. 'Yung masaya lang ang pakiramdam mo. Lumakad ako papunta malapit sa bintana at umupo sa upuan na katabi ng makalat kong study table. Inisa-isa kong ayusin ang mga nakapatong doon na gamit, notebooks, books, index cards, mga ballpen at pencil. Inilagay ko ang mga ito sa kani-kanilang pwesto nang bigla kong mapansin ang papel na ibinigay sakin ni Sir Kris. Inabot ko ang bag ko galing sa ilalim ng mesa at kasama ko dun inilagay ang lumang papel. Marahan kong inipit ito sa isa kong libro para hindi malukot ng sobra.

Krrrriiiiing!

"Hello?" Masaya kong sabi pagkasagot ko sa cellphone ko.

"Aya?! Ano na? Ang tagal mong 'di nagparamdam! Ni hi ni ho wala! Ano ba nangyayari sa'yo?! Sobrang nag-aalala na 'ko!"

Napatigil ako sa sinabi ni Ree. Halatang-halata sa tono ng boses niya na sobrang nag-aalala nga talaga siya.

"Ree? Pwede time-out?"

Narinig kong huminga siya ng malalim sabay sabi ng 'whew'.

"Ok. Ok. Sorry. Eh kasi naman, halos magdadalawang linggo ka ng 'di nagpaparamdam."

Natawa na lang ako. Ang sweet ni Ree, ang sweet niyang kaibigan. Nakakatouch na ganyan siya sakin kung mag-alala.

"Nasan ka ngayon?"

"Sa bahay. Bakit?"

"Pwede magkita tayo ngayon? As in ngayon na."

"Aya, sure ka? I mean, 'di ba... yung parents mo... ano..."

Bigla kong naalala yung sinabi ni Ate kahapon. Yung tungkol sa deal namin nila Papa at Mama. Hindi ko man alam kung ano yun, hinayaan ko na lang at nagkunwaring alam ko dahil sigurado akong magkakalituhan pa kami ni Ree pag nagpahalata ako na wala akong alam sa sinasabi niya.

"Oo, Ree. Pero 'di naman ako lalayo. Magkita na lang tayo dun sa lugar na medyo malapit dito samin." Paliwanag ka sa kanyan. Nag-isip siya saglit.

"Ganto na lang. Pupunta na lang ako dyan sa inyo."

"O sige." Natutuwa kong sabi. "Kahit dun na lang sa park dito sa loob ng village namin. Gusto ko rin kasi lumabas at magpahangin."

"Ok. Sige, sige. Text na lang kita pag malapit na ko dyan."

"Ok."

"Ok. See you panget." Sabay end niya ng tawag. Natawa ko sa sinabi niya. Ganun ata pag kaibigan mo ang isang tao, imbis na mainis ka kapag nilalait ka, matatawa ka na lang.

****************

Malakas ang hangin pagkarating ko sa park. May iilang bata ang naglalaro ng takbuhan. Humanap agad ako ng mauupuan na bench at pagkaupo inilabas ko agad ang cellphone ko para tingnan kung nagtext na si Ree pero wala. Ibinalik ko ulit ito sa bag ko at hinugot ko naman galing sa pagitan ng libro ang papel na ibinigay ni Sir Kris sakin. Pinagmasdan ko ito maigi. 1-10 talaga? 5 na lang kaya? Pwede naman siguro noh?

Kumuha ako ng ballpen sa bulsa ng bag ko at sinimulan magsulat. Ayaw nanaman sumulat. Inalog alog ko ang ballpen ko at sinubukan ulit magsulat. Wala pa rin. Ba yan.

"Walang tinta?"

"Ree?" Pagulat kong sabi pagkakita ko kay Ree na nakatayo sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Obvious ba?"

"Haha. Oo na. Akala ko ba magtetext ka sakin pag malapit ka na?"

"Nagtext ako. 'Di lang nasend, walang load."

"Ewan ko sa'yo."

Humalakhak ng malakas si Ree at pati ako napahalakhak. Nakakahawa yung tawa niya eh. Parang kahit anong gawin mo, matatawa at matatawa ka. Napahinga ng malalim si Ree sabay ubo konti.

"Teka, teka. Baka gusto mong magpaliwanag man lang kung bakit halos dalawang linggo kang hindi nagparamdam. Walang tawag o text. Inactive ka sa lahat ng social media accounts mo. Nag-message na rin ako sa facebook mo pero wala ka rin reply. Alam kong pinagbabawalan ka ng parents mo dahil dun sa nangyari pero di ka naman siguro grounded sa pag gamit ng computer. Yung mga--"

Huminto si Ree nang makita niyang nakatitig lang ako sa kanya.

"Ok. Sabi ko nga ayaw mo pag-usapan."

"Hindi naman sa ganun, Ree. Mahirap kasi ipaliwanag."

"Sige. 'Di na ko magtatanong. Pero pag naisipan mong i-share sakin, nandito lang ako." Ngumiti siya sakin at yun ang unang beses ko siyang nakita na ngumiti na hindi labas ang ipin. Natawa ko sa naisip kong 'yun.

"Ano 'yan?"

"Alin?" Pagulat kong sabi.

"Yang hawak mo. Ano yan? Parang papel pa sa kapanahunan ni Cleopatra."

"Alam ko. Hahaha! Pero sa maniwala ka't sa hindi. Si Sir Kris nagbigay nito."

"Si Sir Kris? As in si Sir Kristoffer Nazareno?" Gulat na gulat niyang tanong at halos mangibabaw na ang boses niya.

"Oo. Siya nga."

"Lintik ka, Aya! Nakikipag-jowa ka sa prof!"

Tinulak ko ang noo niya gamit isang daliri. "Wag ka ngang O. A. Binigyan lang ng papel nakikipag-jowa na agad? Agad agad???"

"Ah hindi ba? Oh, sorry naman. Nabigla lang."

"Ikaw pa talaga nabigla ah."

Hahahahaha.

"Eh ano nga 'yan? Bakit ka niya binigyan ng ganyan?"

"May pinapagawa kasi siya sakin na special task."

"Special task? Ano naman 'yun? Ititinda mo yan?"

Napatingin ako sa kanya habang pinipigil ang tawa. Kitang-kita ko ang maloko niyang ngiti sakin.

"Alam mo, ang weird mo mag-isip. Eh basta ang sabi lang niya sakin isulat ko daw dito yung mga bagay na natutunan ko sa buhay, mga importanteng bagay na pwede kong i-share sa iba."

"Hmmm.. In fairness kay Sir Kris ah, may sense yung mga pinagagawa niya."

Kinuha niya ang papel galing sa kamay ko at tinitigan niya ito maigi na para bang may hinihintay siyang dapat niyang makita.

"Bakit?"

"Hinahanap ko kasi yung mga nasulat mo na. Hindi ko makita, invisible ink ba ginamit mo?"

"Hahaha! Nag-iisip pa kasi ko ng isusulat. 'Wag kang maano dyan."

"Ah wala ka pa bang naisusulat? Akala ko mata ko may diperensya."

"Alam mo..." Kinuha ko ulit galing sa kanya ang papel. "... kaysa puro kalokohan ka, buti pa tulungan mo na lang ako. Para kahit ito man lang, makumpleto ko. 'Di ko nga alam kung tatanggapin pa 'to ni Sir Kris o kung may importansiya pa 'to."

Tumahimik kami parehas na para bang may nasabi akong mali. Siguro nga meron. Naramdaman ko ang kamay ni Ree sa kaliwang balikat ko.

"Ayos lang 'yan. Lika na, umpisahan na natin 'yan para maipasa mo na kay Sir Kris."

Huminga 'ko ng malalim sabay ngiti. Binuksan ni Ree ang dala niyang bag at naghalungkat na para bang aso na nagkakalkal sa basurahan. Natawa ko pero pilit kong pinigil ang ngiti ko.

"Oh ito." Inabot niya sakin ang ballpen niya na kulay pink ang takip at white ang katawan. "Kawawa ka naman eh. Wala kang matinong ballpen."

"Over." Kinuha ko 'to sa kanya sabay ayos ng upo. Ipinlasta ko sa ibabaw ng bag ko ang papel. "Tingin mo, ano bang pwedeng ilagay ko dito?"

"Hmmm... Siguro 'yung tipong may sense. 'Yung makabagbag damdamin. Parang yung sa mga movie." Tumingin siya sa malayo sabay kunot ng noo. " 'Ginto na ang nasa harap mo, basura pa ang pinili mo.' " Humarap siya sakin ulit. "Vilma Santos. Sinasamba Kita."

"Wow ha. Mga linya mo eh noh."

"Ayaw mo nun? Ang ganda nga eh."

Tumingin ako sa kanya na hindi ko malaman kung tatawa ba ko o maiinis.

"Ah. Alam ko na. Seryoso na 'to."

"Sige. Tingnan natin."

"Ang buhay, parang mundo, umiikot ito sa araw na nagbibigay liwanag sa bawat segundo ng buhay mo."

Pumalakpak ako dahan-dahan at bawat bagsak may kasabay na iling.

"Saan site sa internet mo nakuha 'yan?"

"Masyado bang maganda at 'di ka makapaniwala na ako lang ang nag-isip nun?"

Hahahahahaha!

"O siya, sige. Isusulat ko na dito para naman matuwa ka na dyan."

Pumalakpak ng mabilis si Ree na bang mas excited pa siya kaysa sakin. Akala mong siya 'yung may kailangan nitong ginagawa ko. Inumpisahan kong isulat ang sinabi ni pero wala nanamang tinta pati 'yung ballpen niya.

"Hay naku. Wala ring tinta."

"Wala?" Nagtatakang tanong saking ni Ree. Kinuha niya sakin ang ballpen at siya ang sumubok magsulat pero wala rin. "Kanina lang may tinta 'to eh. Ano bang klaseng kamay meron ka?"

"Hahaha. Mana lang sa'yo yan, topakin."

Isinauli niya ang ballpen sa bag niya at naghalungkat ulit ng kung ano. Inabangan ko lang kung anong gagawin niya at ilang segundo pa, hawak na niya ang paborito niyang lapis na may drawing na Hello Kitty.

"Oh ayan ha. Paborito ko yan. Ginagamit ko lang yan pag mag-dodrawing ako pero dahil kaibigan kita, papagamit ko na rin sa'yo. Pero ngayon lang."

Natawa kami pareho sa sinabi niya.

"Bakit, ano ba 'to? Ginto?"

"Mas matindi pa dun. Kaya sige na, magsulat ka na dyan. I-rewrite mo na lang gamit ballpen pag-uwi mo."

Ngumiti ako sabay balik ng tingin sa papel. Sinimulan ko ulit magsulat pero laking gulat ko na pati 'yung lapis, ayaw sumulat. Inulit ulit kong sumubok isulat pero ayaw talaga. Bigla kong natigilan at lumingon kay Ree. Nag-aayos siya ng buhok at nakatingin sa maliit na salamin na hawak niya.

"Ree..." Papiyok kong sabi. Hindi lumingon si Ree sakin at patuloy lang ang pag-aayos niya ng buhok.

"Tapos ka na? Teka, mag-iisip pa 'ko ng iba."

"Hi-hindi."

Tumingin siya sakin at kasabay nun ay ibinaba niya ang kamay niya na may hawak na salamin habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak pamrin sa makulay niyang buhok.

"Oh, bakit ganyan mukha mo? Namumutla ka. Masama ba pakiramdam mo? Ayos ka lang?"

"Yung... la-lapis..."

Kumunot ang noo niya at hinintay pa ang susunod kong sasabihin pero walang lumabas sa bibig ko at natulala lang ako sa kanya. Tumingin siya sa lapis na pinahiram niya sa akin sabay balik ng titig sa mukha ko.

"Bakit?"

"A-ayaw s... sumul-lat."

"Ha?" Kinuha niya sakin ang lapis at siya ang sumubok. "Aya, imposibleng..."

Natigilan din si Ree nang makita niyang walang ano mang sulat ang lumalabas kahit anong gawin niya. Isinubok niya ulit pero wala talaga hanggang siya na mismo ang tumigil at sumuko. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at tumingin sakin. Alam kong gulat siya. Magsasalita na sana ko nang bigla siyang nauna sa akin.

"Hindi. Hindi. Imposible yan eh. Lapis yan, susulat yan. Siguro nasobrahan na ko ng gamit dyan kaya ayaw ng sumulat." Pinilit niyang ngumiti pero rinig na rinig ko sa boses niya ang kaba, pagtataka, pag-alaala at halo-halong emosyon. Naghalungkat ulit siya sa bag niya ng mga panulat at isa-isang isinubok na isulat sa papel na bigay ni Sir Kris. Marker, pentel pen, colored pencil, red ballpen, at mga lapis niya na ginagamit sa pag-dodrawing pero lahat ng yun, walang gumana. Hinawakan ko na ang mga kamay ni Ree na nanginginig sa kaba.

"Tama na, Ree."

"Pero Aya--"

"May naisip na ko para malaman natin kung ano talaga 'to."

Hinawakan ko maigi ang papel at bigla ko itong nilukot sa mga kamay ko hanggang sa maging bilog ito sabay hulog sa damuhan at inapak-apakan ko ito.

"Teka Aya, anong ginagawa mo?!"

Tumigil ako sa pag-apak dito at dinampot ko ulit. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa huling tiklop pero nabigla ako nang biglang mawala lahat ng lukot nito at bumalik sa dating itsura. Walang gusot, walang tiklop at walang lukot. Pinagpawisan ako bigla ng malamig at naramdaman kong napahawak sa braso ko si Ree.

"Ano 'to?" Mahinang sabi ko sa sarili ko na halos pabulong na.

"Aya, itapon mo na kaya 'yan? Baka kung anong magic meron yan." Takot na sabi ni Ree. Tumingin ako sa kanya nang bigla kong napansin ang isang pamilyar na lalaki. Siya 'yun. Siya 'yun. Agad akong tumayo dala-dala ang mga gamit ko pati na rin ang papel sabay hatak kay Ree.

"San tayo pupunta?!" Malakas niyang tanong sakin.

"Basta! Lika na!"