Chapter 60: Kabanata 55: IS JM ALIVE?
“Jam Bie! Bakit hindi ka nagsasalita? Huwag mong sabihing may nangyayaring masama sa iyo? Magsalita ka naman o!” sumisigaw ang lalaking nasa kabilang linya. Hindi ko alam kong ano ang isasagot gayong kilalang kilala ko ang boses ng lalaking nagsasalita. “Nahol ap ka ba? Bakit ka umiiyak?” Wala akong magawa kundi puro hikbi. Nakakapanindig balahibo pero bakit parang totoong siya ang nagsasalita? “Jam Bie, Ano ang nangyayari sa iyo? Ayos ka lang ba? Sino ang umaway sa iyo? Huwag mong sabihing nag-away na naman kayo ni Jeany?”
“Nasaan ka ba kasi?” kusang kumawala sa bibig ko ang mga katagang iyan. Gusto ko siyang makita at makasiguradong siya nga ang kinakausap ko. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko habang humahakbang papasok sa pinasukan ni Tito Lucas.
“Magrelax ka nga muna. Bakit ka ba mukhang nagmamadali, hinahangos, humihikbi? Ano ba ang nangyayari?” Hindi ko siya sinagot at pumasok ako sa bukas na pintuan kung saan nasilayan ko ring pumasok si Tito Lucas. Labis ang pagkagulat ko ng makitang pagbukas ng telang nakabalot sa isang katawan ay ibang tao. Hindi si James Martin.
“Jam Bie, sagutin mo ako! Nag aalala ako sa iyo!” Imbis na sagutin ang mga sinasabi niya ay napukaw ang atensyon ko sa mag-amang lumalapit sa bangkay.
“James Martin! Anak!” Humihikbi ang babaeng sa tyansa ko ay ina ng binatang wala ng buhay. “Patawad kung hindi ka namin nabigyan ng magandang buhay.” Niyayakap nito ang isang wala ng buhay na anak. “Patawad sa mga kasalanan namin sa iyo. Patawad kung may pagkukulang kami sa iyo.” Gamit ang mga kamay ng isang lalaking sa tyansa ko ay ama ng binatang wala ng buhay ay hinahagod nito ang likuran ng kanyang asawa. “ Hayaan mo. Magbabayad ang gumawa nito sa iyo!”
“Kumpare!” biglang nagsalita si Tito Lucas sa mag-asawa na ngayon ay nagyayakapan at parehong nahihirapan. Pinapalabas na rin kami kasi kailangan na raw na galawin ang katawan ng bangkay. Wala na kaming nagawa kundi maghintay sa labas.
“JM?” untag ko sa walang katapusang pangungulit na may pag-aalalang nagsasalita sa kabilang linya. “Nasaan ka ba ngayon?” untag ko. Kung buhay nga siya ay hindi pa huli ang lahat maililigtas ko pa siya. Ibinigkas naman niya ang lugar kung nasaan siya kaya agaran kong sinarado ang cellphone at pumara ng taxi. Bago pa ako makaalis ay naabutan ko pa at narinig ang usapan ng magkumpare.
“Kumpare! Wala na ang inaanak mo.” Tumango naman si Tito Lucas. “Alam mo ba kung ano ang huli niyang sinabi sa akin? Malapit na raw siyang sumunod sa tukayo niya. Iyong anak mong James Martin din ang pangalan.”
Ang inaakala naming James Martin ay hindi pala iyong James Martin na kakilala ko kundi ang James Martin na kapitbahay ni James Martin na kakilala ko. Medyo magulo pero isa lang naman ang mahalaga. Maaari ko pang iligtas si James Martin, ang JM, ang bestfriend ko at ang taong hindi ako sinusukuan.
Umaandar na ang taxi.
“Ma’am, mukhang mayroon tayong tourist guide a. Tingnan mo sa unahan!” bigkas ni Manong Driver na nagpakaba ng lubasan sa akin. Kitang kita ng dalawang mata ko ang itim na paru parong lumilipad. Tila ba kami ay ginagabayan sa lugar na aming pupuntahan. Kanina lang ay nasabi ko na sa Driver kung saan ako ihihinto.
“Malapit na ako sa iyo! May importante akong sasabihin. Kaya huwag ka munang umalis!” saad ko sa kanya. Kinuha ko kasing muli ang aking cellphone mula sa aking bulsa upang tawagan uli siya. Sa puntong ito ay agaran naman siyang sumagot.
“Jam BIe, wala na ako riyan. Kinakailangan kong magdeliver ng gulay kaya narito ako ngayon sa palengke. Alam mo naman todo racket para sa aming dalawa ni Daddy!” Pinahinto ko si Manong Driver.
“Manong Driver, umikot muna tayo pabalik. Lumagpas na tayo.”
“Ma’am, hindi pwedeng ganyan. Malulugi ako sa ginagawa ninyo. Malayo layo na ang nalagpasan natin. Sayang iyong…”
“Oo na. Babayaran kita ng doble. Dalhin mo lang ako sa lugar na sinabi ko!” Malakas kong pagkakasaad. Agaran namang natarantang nagmaneho ang driver at lumiko pabalik.
“Teka nga! Ano ba ang nangyayari sa iyo, Jam Bie?” untag ni JM sa kabilang linya.
“May importante akong sasabihin sa iyo. Kaya huwag na huwag kang aalis sa kinatatayuan mo ngayon. Papunta na ako!” Mabilisan kong wika. “Huwag na huwag mong ibababa ang cellphone mo.”
“Nauubos na ang baterya ng cellphone ko. Hihintayin na lang kita dito sa may maraming masasarap na durian. Ililibre mo ako!” Bigla na lamang tumunog ang hawak kong cellphone. Patunay na mukhang naubos na nga ang baterya ng cellphone na ginagamit niya.
“Manong! Dito na lang ako!” Sobrang dami ng tao sa buong palengke. Siguro, dahil sa maraming mamimili pero bakit parang may kakaibang pinagpupuntahan ng mga tao? Mukhang may nakawang nagaganap o kaya?
“Walang hiya talaga iyong multicab na bumangga na lang bigla sa may prutasan. Naawa ako roon sa poging nasagasaan habang kumakain ng durian.”
“Oo nga e. Sayang ang lahi. Sana masagip pa siya.”
“Mukhang imposible na raw e. Nagmarka sa katawan niya ang balat ng durian at dumudugo rin ang kanyang buong katawan.”
Napahinto ako ng masilayan ang tatlong babaeng nagtsitsismisan na dumaan lang din bigla. Isang lalaking pogi? Nasa durian? Hindi naman siguro? Baka nagkakamali lang ako? Para saan pa at tumawag siya sa akin? Para ano?
Nanginginig man pero pinagpatuloy ko ang paghakbang mula sa mga nagkukumpulang mga tao. Kitang kita ko ang itim na paru parong lumilipad papunta sa aking titingnan.
Huwag naman sana. Lumusong ako sa mga nagkukumpulang tao. Kailangan akong makasigurong hindi si JM ang lalaki. Nakakapanghina lang kasi mukhang siya nga ang pinapahiwatig ng mga nagsasalita.
Nanghina ako at napa upo sa gitna ng masilayan ang paru parong itim na dumapo sa dugo. Siguro, ito na nga ang totoo. Wala na talaga si JM.
“Jam Bie?” Hindi ko matingnan ng maayos ang lalaking nasa aking harapan na biglaan na lamang nagsalita. “Ano ang nangyayari?” Biglaan ko na lamang siyang hinagkan ng mahigpit. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero kailangan niya ding maramdamang nag-aalala rin ako sa kanya. Kahit hindi ko siya sinasagot ay mahalaga pa rin siya sa akin. Malaki ang kasiyahang ambag niya sa pag-aaral ko.
“Hayaan mo muna akong umiyak!” Humagulgol na nga ako sa kanyang mga bisig. Nasisilayan ko naman ang itim na paru-parong dumadapo sa kanya. Siguro, kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat. “Ayos na ako. Ice cream muna tayo!” Pinapahiran ko ang aking mukha habang naglalakad papunta sa may malapit na upuan na may ice cream na tinitinda.
“Dalawang chocolate ice cream po. Para sa aming dalawa!” Nirerelax ko na muna ang aking sarili. Ang mahalaga ay magkasama na kaming dalawa at maaari ko ng masabi sa kanya ang aking mga dapat sabihin.
“Ano nga ang nangyayari? Nagulat ako at biigla na lamang nagtanong sa akin si Jeany kung kamusta na ako. Wala pa naman akong load kaya hindi ko siya matawagan o ikaw. Naiisip kong sa lunes na lang iyong tungkol sa panaginip mo.” Magkaharap kaming nakaupo habang kumakain ng ice cream. “Ano ba kasi ang napanaginipan mo?”
Isiniwalat ko sa kanya ang lahat. Mula umpisa ng panaginip ko hanggang sa pagbabago nito sa kasunod ng panaginip ko.
“Ibig sabihin, nagmamadali ka kanina para sabihin sa akin ang panaginip mo pero isang disgrasya ang naganap sa bahay namin. Tapos, inasume mo agad na ako nga iyon?” tumatango ako. Paano niya nalaman? Baka may mga nagtext sa kanya o nagsabi. Bahala na nga lang. “Nag-aalala ka para sa akin?”
“Hindi no!”
“So, inaakala mong ako iyong lalaking nasa fruit stand kanina?” Hinuhuli niya ang aking mga tingin kaya naman puro ako iwas.
“Bakit? Mali ba? E ang sabi sa akin, si James Martin daw ang naghihingalong nabangga sa harap ng inyong bahay!” napapalakas ang aking mga boses. “Ang sabi mo sa durian ka maghihintay? Isang matakaw kumain ng durian daw ang nabangga sa may fruitstand e. Ikaw lang ang nakikilala kong ganoon!”
“Sorry!” Nakangiti niyang hinablot ang panyo mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin. “Salamat dahil naramdaman kong mahalaga rin pala ako sa iyo.” Hinawakan niya ang isa kong kamay at kinusot kusot. “Hayaan mo at mag-iingat ako.”
“Ano ang tingin mo sa panaginip ko?” untag ko sa kanya.
“Maraming mga bagay na hindi ko alam kung ano ang kahulugan e. Pero, sa pagkakaalam ko, malas daw ang kulay itim na puso!” Napapangiti na lamang ako. Maraming salamat sa Diyos. Walang masamang nangyari kay JM. Nailigtas ko pa siya mula sa sumpang nakabalot sa mga symbolong hindi ko mawari sa aking panaginip.
—---