Chapter 41

"Isang clove po talaga ng bawang ang ilalagay n'yo riyan sa fried rice? Ang dami naman po yata?"

"Paborito kasi ng Mama niya ang fried rice na maraming bawang," rinig kong humagikgik ito. "Baka namana ni Magi 'yon sa Mama niya... malalaman natin."

Tuluyan na akong lumabas sa room ko upang tingnan kung sino ang may-ari ng mga tinig na 'yon... only to see Dylan and my father in the kitchen area. They are both wearing an apron; Dylan was busy cutting garlic and onions on the chopping board, si Papa naman ay nagpiprito ng hotdog.

Napangiti ako as I watched them quietly in the corner, thinking random thoughts about how I'm lucky to have them both in my life.

Parang kahapon lang, galit na galit ako kay Papa. Halos walang paglagyan ang sama ng loob ko sa kanya just because he will do everything para mapawalang-sala si Trisha.

I almost hate him when he approaches me just to plead my forgiveness para sa isang taong hindi karapat-dapat patawarin.

But I didn't expect everything to changed dahil sa isang pangyayari na muntik ko nang paniwalaan na totoo. After everything that happened, after all the pains I endured because of Trisha, to be this delighted was I think something that I didn't expect will occur.

"Nako, anak... Gising ka na pala. Hindi pa kami nakaluluto nitong boyfriend mo," aligagang sambit ni Papa. "Maupo ka muna riyan. Sandali na lang ito."

Like what my father said, naupo ako sa dining table while still watching them cook for me.

Buhay-prinsesa ako, e 'no? Pasensya na, hindi kasi talaga ako pinagkalooban ng talent sa pagluluto kaya umaasa na lang ako sa ibang tao upang ipagluto ako. If ever sipagin ako, I will try na mag-take ng cooking lesson para naman hindi ako ma-bash na kesyo ako itong babae pero wala akong alam sa pagluluto.

"Kanina pa ba siya rito?" I asked Dylan as he placed those fried foods on the table.

"About 2 hours ago," he answered. "Nagulat lang din ako na napadpad siya rito and he told me he's your father kaya pinapasok ko kaagad.

Gusto niya raw makabawi sa iyo sa pamamagitan nito, so I offer him an assistance... pinayagan naman niya ako."

"Really?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Dagdag pogi points na rin sa future father-in-law ko," he winked at me before going back to the kitchen.

"He never failed to make me thrilled," bulong ko sa sarili.

Honestly, gusto ko siyang gawing punching bag dahil sa sinabi niya. What he did is illegal --- he almost killed me! Because my heart suddenly skips from beating.

"Sorry for the long wait, my beautiful daughter!" Sambit ni Papa bago ibinaba sa lamesa ang isang malaking bowl na may lamang fried rice.

Gaya ng narinig ko sa usapan nila ni Dylan kanina, tadtad ng bawang 'yong sinangag. Sinangag na bawang na may kaunting kanin siguro ang name ng recipe ni Papa.

I flashed a smile. "Thank you, Pa." Hindi ko namalayang naipagsandok na ako ni Dylan ng fried rice sa plato ko and he already placed two pieces of hotdog and sunny side up egg on top of the fried rice.

Although I don't like the taste of a garlic, sumubo pa rin ako ng kanin. Nahihiya ako kay Papa kung sakaling malaman niya kung gaano ko ka-hate ang lasa ng garlic, sayang naman 'yong effort niya sa pagluluto.

But everything had change nang matikman ko na ang niluto ni Papa. It seems like nagbago rin sa panlasa ko ang lasa ng garlic. I didn't expect this to taste so good.

"Were you two a living partner already?" Sa kalagitnaan ng pagkain, natigil ako dahil sa itinanong ni Papa. "Hindi naman sa nakikialam ako sa relasyon niyong dalawa... but in our family's tradition, magsasama lang sa iisang bubong ang lalaki at babae once na kasal na silang dalawa."

"Temporary lang naman po, Pa." Sagot ko. "One of these days, babalik na po ako sa bahay..." I looked at Dylan. "And he'll do the same."

"Opo, Sir. Nirerespeto ko po 'yong tradisyon ng family niyo kaya 'wag na po kayong mag-alala, 'di naman po ako magtatagal dito ng sobrang tagal."

My father placed his hand on Dylan's shoulder. "Call me Tito," aniya. "Pwede rin namang Papa kung advance kang mag-isip." Pagbibiro pa nito.

"Kung sabagay, magiging in-law rin naman po kita, 'di ba po, PAPA?" And they laugh in chorus, while I was just watching them both laughing their asses out.

At least I finally found the true definition of happiness with their chortles. In my almost two decades of living as an outcast and a black sheep in our family, now I experienced being this delighted.

I can't imagine this day will possibly come in the least expecting it to happen.

Fortunately, even how the world has been unfair with me, binigyan pa rin ako nito ng pagkakataon na sumaya.

Ang buhay nga naman ay parang tatsulok, isang magandang simbolismo na ang buhay ay hindi patas sa lahat ng tao. Ngunit ang buhay rin ay maihahalintulad sa hugis-bilog, ang mga taong nasa tuktok ay hindi habambuhay nakaluklok.

Humans have to learn that change will not come in their lives, until they take action. Hindi gugulong ang gulong ng buhay kung hindi ka gagalaw... kaya kung gusto mong may maganap na pagbabago sa buhay mo, gumalaw ka.

Changes always start within yourself --- start a new page of your life by beginning to prioritize and love yourself.

---

"Hindi na nga sana ako kukuha ng lawyer, 'cause what's the use of having a lawyer, 'di ba?

Wala rin naman siyang magagawa because at the end of the hearing, the judge will still find me as guilty." She was saying that without a trace of frustration or sadness in her face. Mukhang sa pagkakataon na ito, she fully accepts that she's fated to be a prisoner.

"Well, my apology for bringing you into this kind of situation... putting stain on your image." I sincerely said.

Umiling siya. "It was all my fault, anyway. Like what you're saying again and again, naging makasarili ako at nagpasilaw sa ambisyon ko... ending up doing such things.

Ako mismo ang nagdumi sa pangalan ko at ako mismo ang gumawa ng kapalaran ko na maging isang bilanggo."

"You know what... paniwalaan mo man ako o hindi, I'm not a bad person, Magi. Malayong-malayo ang pagkatao ko sa nakikita mo ngayon---"

"I know," hinawakan ko ang kamay niya. "Nabanggit nga rin sa akin ni Eli na hindi ka nga raw masamang tao.

But can you blame me if my first impression of you was that... you're a daughter of the devil?" Mahina akong natawa. "Nagpakilala ka sa akin na isang masamang tao kaya siguro gano'n ang impression ko sa iyo no'ng una.

Hanggang ngayon nga sana, but thankfully, you choose to change yourself... for the best version of yourself."

"Naniniwala akong mabuti kang tao, Trisha. Your immense love for Eli and for your ambition made you become a bad person and made bad decisions." Kahit pilit, pinili kong ngumiti sa kaniya. "Promise me... that after you are released from the prison, magbabago ka na. Be the best version of yourself, Trisha."

"Of course," she cried in front of me which literally astounded me. If not my first, it's the second time that I see her weep. "Mangako ka rin sa akin, Magi."

"Hmm?"

"Habang nasa kulungan ako, take good care of our father. At this moment, I'm not yet ready to lose him. Gusto ko pang makasama ng matagal si Papa, so I'm begging you na alagaan mo siya habang wala ako."

I nodded... although I'm not sure if matutupad ko 'yon.

"Kukunin ko na rin ang opportunity na ito para mag-sorry," umayos siya ng pagkakaupo sa bench na kinauupuan namin. Humarap siya sa akin wearing her solemn look. "I owe you an apology for attempting to win Eli back from you.

Mahal na mahal ko kasi siya kaya ko nagawa 'yon, Magi. Dala ng sobrang pagmamahal ko sa kanya, I'm not aware na sinisira ko na ang relasyon n'yong dalawa."

"Siguro kung hindi ako dumating at nanggulo sa buhay ninyong dalawa, kayo pa rin siguro ni Eli, 'no? Hindi siguro kayo hahantong sa desisyon na tapusin ang relasyon niyo kung hindi ako nanghimasok---"

"Thankful pa nga ako na nangyari ang lahat ng iyon," pagputol ko sa sinasabi niya. "Every break-up brings pain, but it also brings blessing in disguise.

Magsisinungaling ako if I tell you na hindi ako nasaktan sa paghihiwalay namin ni Eli. It was not that easy to set him free because I spent almost my whole life for him. Ang dami kong sinakripisyo para lang hindi kami mag-break, dumating na nga ako sa punto na kahit magmukhang tanga ako sa harap ng mga kaibigan ko, e wala akong pakialam.

Ilang ulit nila akong pinagsasabihan na ang tanga ko para mag-stay pa rin sa relasyon namin to think that he's no longer sparing me his time... unlike before he entered showbiz. Minsan na rin akong dumating sa point na dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Eli noon, I forgot to love myself."

"Naging mahirap para sa akin ang lahat, Trisha." I added, forcing my voice to not break. "But as they say, your true love comes in your mess, not in your best. Matapos ng nangyari, Dylan was always by my side para samahan ako through my ups and downs.

I find solace in his arms... which Eli failed me to provide. Thanks for breaking my heart 'cause I'm able to find the right man at the most unexpected time."

"I see," aniya. "Wala man akong masyadong alam sa buhay mo, but I'm sure you really love him... even before you met Eli." Her face broke into a smile. "Kung sabagay, bagay na bagay naman talaga kayo ni Dylan. He's a nice guy, tamang-tama lang para sa iyo. Plus, he's a good cook, huh?"

"How did you know?"

"Dinalhan niya ako kanina ng kimbap," she replied. "Grabe, ang sarap ng luto niya. Hindi ka na mamomroblema sa pagluluto kung siya ang mapangasawa mo."

"As if I have someone in my mind rather than him to marry," my lips curved into a smile. "I will never wear a white long gown and be a bride, unless he's my groom."

Humalukipkip siyang tumingin sa akin. "What if si Park Seo Joon ang nag-propose sa iyo? Kakayanin ba ng konsensya mo na tanggihan siya?"

"Well, he is an exemption." Natatawa kong sambit. "Ang thick naman ng face ko kung tatanggihan ko 'yong isa sa mga actor na magaling lumamon---" walang-malay akong napatakip sa bibig. "Este, mukbang!"

"So, you're saying hindi masarap humalik si Dylan---"

"Stop!" I shouted. "Hindi gano'n ang ibig ko sabihin!"

"Edi masarap siyang humalik?"

"W-Well---"

"Ano'ng lasa ng lips niya? Kumusta naman? Fluffy ba?"

"Hey!" Saway ko sa kanya. "What kind of questions are you asking? Could you please stop? It's making me uncomfortable."

"What's wrong with that?" Natatawa niyang tanong. "Pinag-uusapan lang naman natin kung paano niya kagatin 'yang labi mo---"

"Bahala ka nga!"

"What? Why?!" Tumatawa pa rin siya hanggang sa tuluyan ko na siyang iwan sa lugar na 'yon.

Talking about that kind of stuff really makes me uncomfortable. 'Yong mga gano'ng klase ng topic, hindi dapat ikinikwento sa iba. For I believe that kind of topics should be confidential between two lovers.

---

"Siguradong tutulo ang laway ni Warren once na makita ka niya," ani Julia habang abala na gupitin ang bangs ni Delancy.

Nasa bahay kami nina Julia ngayon para sa experiment niya, ginamit niya ang buhok ni Delancy upang pag-practice-an sa paggupit ng bangs.

"Baka naman tawanan niya ako," nakangusong sagot ni Delancy.

"Wala ba kayong tiwala sa kakayahan ko?"

"Wala!" Sabay na tugon namin ni Delancy.

"Palpak 'yan, tingnan mo." I added before I leaned my back on the chair.

Pinanonood ko lang kung gaano kaseryoso si Julia sa paggupit ng bangs ni Delancy, while Delancy's face streaked with concern and anxiousness.

"Edi kung mukhang bao ang kalabasan, i-clip mo na lang. Para namang ang mahal ng presyo ng isang hair clip!"

"Para mo na ring sinabi na hindi nga pantay 'yong bangs na ginugupit mo?!" Delancy looked at me. "Ano nang itsura ko, Magi? Mukha na ba akong bao?"

I examine her face with her new bangs... well it's quite messy. Nasa itaas ng kilay niya 'yong length no'ng bangs and uka-uka pa 'yong pagkakagupit.

Pinilit pa akong pakiusapan ni Julia na 'wag sabihin kay Delancy ang nakita ko by shooking her head at me, but I chose to ignore her.

"Ang panget," I said. "Pwede ka nang gamitin ng mga high school student na pangkiskis sa sementong bagong lagay ng floorwax."

Marahas na tumayo si Delancy at itinulak palayo sa kanya si Julia. Agad siyang humarap sa salamin at---

"JULIAAAAA!" Sigaw niya. "Ano'ng ginawa mo sa buhok ko?! Paano na ako haharap kay Warren nito, huh?!"

"I-clip mo na nga lang," kaswal na sagot ni Julia.

"Kung bakit kasi pinagkatiwalaan pa kita na gupitin ang buhok ko!" Umaarte pa rin siyang naiiyak tiyaka bumalik sa salamin upang titigan ang sarili. "Bagay naman sa mga Koreana ang 'di pantay na bangs... pero bakit sa akin hindi?"

"Delancy, hindi ka naman Koreana." I mumbled. "Go for Julia's suggestion instead of crying your heart out dahil hindi patay 'yang bangs mo. As if naman maibalik ng mga luha mo 'yong mga nagupit ng buhok ni Julia."

"Kaya siguro ang lakas ng loob mo na gupitan ako," she poked Julia's direction. "Kasi pwede nga namang i-clip na lang 'yong bangs if ever hindi pantay ang pagkakagupit mo!"

"Ang bright ko, 'di ba?"

"Sarap mong ipakulam!" Singhal ni Delancy. "Kapag nakipag-break si Warren sa akin dahil sa bangs na ito, hindi na talaga kita papansinin."

"Huwag niyo ng palakihin 'yan," pag-awat ko sa dalawa. "And besides, don't ever think na hihiwalayan ka ni Warren nang dahil lang sa hindi pantay ang bangs mo.

Ikaw ang lagi niyang nakakasama, so among the three of us, ikaw ang mas nakakakilala sa kanya. Is he the type of person na makita lang na 'di pantay ang bangs mo ay ma-t-turn-off na siya sa iyo?"

"Shruee!" Ani Julia. "Tiyaka sorry na nga! Hindi ko naman sinasadya na gupitin nang ganyan ang bangs mo. Paniwalaan mo man ako o hindi, sinikap kong maging pantay 'yang bangs mo. Hindi lang talaga nakisama 'yong gunting."

"Talagang sinisi mo pa 'yong gunting, 'no?" Ani Delancy.

"Noon pa talaga ako curious," my gaze landed on Delancy. "You've been crushing Dylan for a long time, yet you manage to give him up that easily para ipagpalit sa taong hindi mo pa ganoon katagal na nagugustuhan. What made you think of doing that?"

"Relasyon kasi ang pinapatagal, hindi ang "getting-to-know each other stage." Tiyaka isa pa, ang love ay hindi palaging tungkol sa kung gaano mo katagal nagustuhan 'yong isang tao para mahalin mo.

Let's say, mas matagal kong naging crush si Dylan kaysa kay Warren. But because I've been waiting for too long for him to love me back, my attention diverted to someone who's more capable of returning the affection I give."

"Sometimes, we should learn to stop adoring someone who cannot return the efforts and love we give to them. Kung baga, pakiramdaman lang 'yan. Kung pakiramdam mo, e may ibang gusto na 'yong taong gusto mo, imbes na ipilit ang sarili mo sa kaniya, learn to let them go.

Divert your attention to someone who's willing to appreciate your existence rather than someone who does not even know you are existing." Delancy added.

"Parang pagiging fan girl lang," natatawang sambit ni Julia. "It's okay to idolize them, but limit yourself na hanggang doon ka lang. Love them as your idol at siguraduhing hindi na 'yon lalampas pa roon.

Hindi ka naman prinsesa sa disney at mas lalong hindi ka character sa isang fiction story or movie para mangyari 'yong pangarap mo na maging jowa 'yong idol mo. Wake up, dreamers!"

"Oo, Julia. Maglinis ka na bago pa maabutan ni Tita Ellen 'yong kababalaghan na ginawa mo rito." I said while pointing those trimmed hair on the floor.

"Ito na nga... kukuha na ng walis."

---

"The jury finds the accused... GUILTY!" The judge slams down the wooden hammer on his desk, a sign that he punctuated a decision regarding the case. "The jury is thanked and excused. Court is adjourned."

Bitbit ng mga pulis ang naka-unipormeng pangbilanggo na si Trisha, saglit na nagtama ang mga paningin namin. Although it's forced, she managed to draw a small smile on her face.

At this moment, I should be the one celebrating because finally, nabigyan ko rin ng hustisya ang pagkamatay ni Lola... pati na rin ni Mama at ang tangkang pagpatay kay Julia. Pero sa kabila ng mga nangyari bago ang hearing, mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya pa rin ako sa kusang pagsuko ni Trisha sa batas... but I'm a little bit sad because of how we ended up things, as a siblings.

"It's not too late to change things," Dylan's arms curl around my waist. "Huwag mong tingnan na ito na ang wakas ng kwento. Mahaba pa ang panahon na natitira sa iyo para makasama mo si Trisha as your sister."

"Of course,"

The best is yet to come... and will patiently wait for that to happen.

Nang makaalis sa trial court, we headed to our dearest campus upang panoorin sina Warren at Yuwi na magmartsa sa stage at abutin ang kanilang diploma na apat na taon din nilang pinaggugulan ng oras para matanggap.

After four years ng pagsusunog ng kilay, they are finally finishing their degree... our future Computer Engineers.

"Sana all graduate na, 'no?" In the midst of watching the program, I heard Julia's "sana all" sa gilid. "Tayo kasi, isang taon pang makikipagdigmaan."

"Kaunting tiyaga na lang at sipag sa pangongopya, ga-graduate din tayo!" Pag-c-cheer up ni Dylan sa kapatid. Siniko ko nga. "What was that for?"

"Tanong mo sa guard," inirapan ko siya.

Dalawa't kalahating oras din nag-init ang pwet ko sa upuan bago tuluyang natapos ang program. Lumapit kami roon kina Warren at Yuwi upang batiin silang dalawa.

"Congratulations!" Pagbati ko roon sa dalawa.

"Maghanap ka kaagad ng trabaho, Yuwi. Ako naman ang ilibre mo, hindi 'yong puro pambuburaot lang ang alam mo." Julia mocked Yuwi.

"Oo naman... bilhan pa kita house and lot."

"Weh? True ba 'yan?"

"Hintayin mo na lang ipadala ko sa bahay niyo 'yong doll house na ibibigay ko. May garden na 'yon at may libreng kotse pa."

"Gago---" aamba pa siyang papaluin si Yuwi nang pigilan siya ni Dylan.

"Picture-taking na kayo rito tapos diretsyo na tayo kaagad sa venue... 'yong surprise natin kay Israel, malapit na mabulok." Muttered Dylan.

"Akin na, ako na photographer niyo." Kinuha ko ang phone ni Warren to take them a photo. Sayang naman kung magbibihis 'yong dalawa na hindi man lang nakukuhanan ng shots na nakasuot sila ng graduation gown pati ng toga.

I've captured tons of photos, may mga epic pics pa nga kasi ang gulo mag-pose ng dalawa. Ang dami ko pang nasayang na click sa camera doon sa paghagis ng toga kasi blurred raw lagi 'yong kuha ko. Doon talaga kami nagtagal kasi saksakan ng arte no'ng dalawa.

Right after the picture-taking session, umalis na kami sa campus para pumunta sa venue na ni-rent namin for celebrating Warren and Yuwi's graduation day... pati na rin ang birthday ni Israel.

Today, September 1, the little angel of DWEIYAH was borned.

Naghanda kami ng surprise birthday party sa kaniya, at para mapanindigang surprise 'yon, isinama ni Eli si Israel sa photoshoot niya just to divert his attention. Para na rin syempre hindi siya maghinala na may surprise kami for him.

Nang makarating sa venue, everything was all set. Foods are already placed on the long table and the place was finished decorating with balloons, at kung ano-ano pa. Isa na lang ang kulang... ang birthday celebrant.

"We're all ready," rinig kong sambit ni Alec. "Bring him here." Dagdag niya bago ibinaba ang tawag.

"Hoy, congrats sa inyong dalawa." Habang wala pa si Israel, binati ni Harris 'yong dalawa. "Welcome to the outside world!"

"Ano kami? Kakalabas lang sa bahay ni Kuya?" Natatawang tanong ni Warren.

"Welcome to reality... mula sa apat na sulok ng silid-aralan, mapapasabak na kayo sa totoong digmaan." Ani Delancy. "That's what he means."

"Alam namin, kunwari lang na hindi." Depensa no'ng si Yuwi.

"Sus, lulusot ka pa!" Umakbay si Dylan dito upang mas lalong asarin.

"Ang ipinagbabawal na technique ni Master Yuwi," umakbay rin sa kabilang side ni Yuwi si Julia.

Itinulak ni Yuwi nang malakas 'yong dalawa palayo sa kanya. "Magkapatid talaga kayo! Pareho n'yong pinapasakit ang ulo ko!"

"Huh? May ulo ka---"

"Ulo sa taas o sa gitna?" Natatawang pagputol ni Harris sa sinasabi ni Warren.

"Mamaya na kayo mag-asaran diyan. Paakyat na raw sila ni Eli." Pag-agaw ni Alec sa atensyon ng iba.

Tumakbo si Warren upang patayin ang switch ng ilaw habang kami namang natira ay nagkani-kaniyang tago sa mga upuan. Bitbit ang kani-kaniyang Whipped Cream Spray pang-welcome kay Israel, ang iba sa amin ay excited at natatawa.

Panggago talaga mga trip ng mga ito, e. Hindi na naawa kay Israel na dudungisan nila --- ay! Kasama pala ako.

Minutes had passed and finally, may naramdaman na kaming mga pares ng paa na naglalakad sa venue. Warren turned on the switch... only to see a group of policemen while pointing their guns at us.

"Ano'ng nangyayari? Bakit n'yo po kami hinuhuli?" Kinakabahang tanong ni Harris.

"Sir, we're just doing a celebration here. Is that illegal?" Asked Alec.

"Nabayaran na rin namin ang fee to rent this venue---"

"May warrant of arrest kaming natanggap para arestuhin si Julia Villarosa sa salang pagpatay sa ginang na si Teodora Serrano..." and then the police looked at me. "At si Magi Serrano, sa salang attempted murder sa binatang si Dylan Villarosa."

Nakataas ang parehong kamay namin ni Julia habang kusang-loob na isinusuko ang sarili namin sa mga pulis.

"Magi, Julia!" Umagaw sa atensyon namin si Delancy. "B-Bakit? A-Akala ko ba maayos na ang lahat? Bakit nila kayo inaaresto?" Sa pagkakataon na ito, sunod-sunod na luha ang pumatak sa mga mata niya.

"Julia..." naglakad si Dylan palapit sa kapatid. "Could you please explain everything? Naiintindihan ko kung ikaw ang makukulong kasi ikaw ang nakapatay sa Lola ni Magi." Lumingon siya sa akin kung kaya't nagtama ang aming paningin. "Pero ang akusahan na krimen ang aksidenteng pagtulak ni Magi sa akin noon, hindi 'yon---"

"Tama na!" Pagputol ko sa sinasabi niya. "Without letting y'all know, sinampahan namin ng kaso ni Julia ang isa't isa. Pareho kaming nagkasala sa batas... Ako, na muntik nang makapatay. At si Julia na napatay ang Lola ko." Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin at pinipilit ang sarili na 'wag tumulo ang luha sa aking mga mata. "Could you please let us do the right thing, this time?

Allow us to face the aftermath of our actions dahil kahit saang anggulo tingnan, nagkasala kami sa batas. We're both an offender of the law, in order for us to have peace of mind, we have to do this."

"Magi..." ani Delancy. "Julia..."

"Delancy, okay lang kami. Anytime naman ay pwede n'yo kaming dalawin. Huwag kang OA!"

"Pero---"

"We'll see each other again... soon." The only words I uttered before the police dragged us leaving the venue... and leaving those precious people for us.

If I have learned something from my experiences, it was that having the courage to face my responsibility as a violator of the law.

It's funny that I'm dying hard to seek justice for losing my grandmother, but I, myself, became a murderer once... takot na harapin ang batas sa kasalanang ginawa ko sa nakaraan.

I'm just doing Tita Ellen's a favor, dahil ayoko nang dagdagan pa ang mga pangakong hindi natutupad. As I promised, once I finally get the justice I want for my loved ones, I will pay for the aftermath of my reckless actions.

Alam kong hindi magiging madali ang buhay na haharapin namin ni Julia sa kulungan, pero siguradong kakayanin namin.

"Bestfriend goals, huh? Ngayon, parehas tayong bilanggo." Sa pagkakataon na ito, nagawa niya pa talagang magbiro.

I grinned at her. "A new life awaits us inside the jail... another experience that'll teach us an important lesson." I mumbled. "Another experience with you... to be treasured."