Chapter 39

At least I've got the chance to meet my father.

It's quite short --- hindi man lang pinaabot ng tadhana na makasama ko 'yong Papa ko kahit good for one month.

Tahimik kaming naglalakad ni Trisha sa kalagitnaan ng gubat. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon na tinatahak namin. I don't even know how we will escape in this forest that seems like we're walking to infinity.

It was hard for me to forced Trisha na tumakbo na palayo matapos masaksihan ang unti-unting pagbagsak ng walang-buhay na katawan ng Tatay namin sa lupa. Nahirapan din ako na piliing tumakbo na lang palayo instead of running onto my father and try to save him by calling someone to give us assistance.

I also want to save my father, but I can't. He put his life at stake just to save us from that terrorist, so that I didn't let his sacrifice go wasted.

"Stood up," I murmured. "We have to escape this place as soon as possible, Trisha. So, can you please stop crying for heaven's sake?!"

Hindi niya ako pinakinggan dahil ipinagpatuloy niya pa rin ang pag-iyak. "Of course, you won't be able to know how it hurts to lost a father like him kasi hindi ikaw 'yong matagal niyang nakasama. Kaya ganiyan lang kadali para sa iyo na kalimutan kaagad 'yong nangyari!"

She resumed whimpering her heart out, while I was just stunned by what she uttered.

I clenched my fist. "So, you're saying I'm not affected?" I asked before giving her a weak smile. "How come? Ikaw man 'yong nakasama niya nang matagal, I believe we're at the same level of pain we are now enduring.

Hindi mo ba alam kung gaano kasakit din para sa akin na makitang unti-unti siyang nawawalan ng buhay sa harap ko! Ngayon lang ako nabigyan ng chance to finally meet him...

While I was watching him dying, of course it hurt. For the nth time, another loved one has left me. I was back to being alone again, Trisha."

Mas lalong lumakas ang hagulgol niya na talagang hindi ko inaasahan. "It was my fault," humahagulgol niyang sambit. "Tama kayo, e. Kung hindi lang siguro ako naging makasarili, hindi sana mangyayari kay Papa ito.

Sana nakinig na lang ako sa paulit-ulit niyang pakiusap sa akin noon. Hindi ko na sana hinayaang manaig 'yong galit na nararamdaman ko, edi sana buhay pa si Papa ngayon."

Wala akong magawa ngayon kung hindi ang tingnan na lamang siya. Kung naaawa ako sa sarili ko dahil mag-isa na naman ako, I felt the same with Trisha.

We both lost a loved one --- our shelter has completely left us for good.

I don't even know how to comfort her. Gustong-gusto ko siyang yakapin para lang mapagaan kahit papaano 'yong pakiramdam niya. But our gloomy past halts me from doing so. Hindi ko pa rin magawang kalimutan nang tuluyan ang mga kasalanang kailangan pagbayaran ni Trisha.

"Magpahinga muna tayo rito, Magi. Hindi ko na kasi talaga kayang maglakad." Hinang-hina na sambit niya.

"Alright," I sounded defeated.

Naupo ako sa kabilang parte ng puno na sinasandalan niya. Malayo-layo na rin naman ang nalakad at natakbo namin palayo sa lugar na 'yon, so I think hindi na kami matutunton ng mga rebeldeng 'yon dito.

But of course, we shouldn't be unflappable. We're still at this menacing forest and we have to escape from this place as soon as possible. Kailangan namin malaman ang daan palabas sa kagubatan na ito bago pa mahuli ang lahat.

As much as I want to contact Dylan's company, hindi ko magawa. When I woke up earlier, wala na sa bulsa ko 'yong cellphone ko. 'Yong kay Trisha naman, na-lowbat daw kaya wala kaming magamit na device upang humingi ng tulong.

Out of the blue, I looked up at the dreary sky. Thousands of stars are aligned with the brightness of the moon, adding supplemental bewitchment in the night sky.

"It's so tragic that you are no longer able to hear me calling you Papa," I smiled bitterly. "Kung naririnig mo man ako ngayon, I only want to say that I'm glad to meet you right before you leave this world.

We did share a misshapen moment, but still I promised to you I will treasure that moment. You will forever be missed, Papa."

Droplets of tears suddenly streamed down my cheeks. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako while thinking random things inside my head. I just can't stop overthinking whenever I'm in pain.

Masakit... Pero pipilitin kong kayanin.

---

"Sigurado ka ba sa dinaraanan natin, Magi? Bakit parang nadaanan na natin ang daan na ito kanina?"

My forehead creased. Tiningnan ko ang paligid at napansin ang tinutukoy ni Trisha. Parang nanggaling na nga kami sa sapa na ito... Pero bakit nandito na naman kami ulit?

"Subukan naman natin dito sa kanan dumaan," turo ko sa kanan na daan.

Maglalakad na sana ko nang hawakan niya ang braso ko. "Na-e-engkanto na yata tayo, e. Tingnan mo, kahit diyan ka sa kanan dumaan, dito ka lang din mapapadpad. Kanina ko pa kasi talaga napapansin na pabalik-balik lang tayo sa lugar na ito, Magi!"

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Dito na lang ba tayo sa lugar na ito habambuhay? If you are willing to stay in this kind of place, well I won't. Bahala ka rito!"

"You're going to leave me here?!" Naglalakad na ako upang tahakin ang daan na itinuturo ko nang maramdaman kong nakasunod siya sa likod ko. "Dapat kasi hindi mo binalibagan ng sapatos 'yong isa kong phone para sana matawagan natin sina Dylan.

Edi sana hindi na tayo nagpapakahirap na maglakad kasi may helicopter naman tayo. Tanga ka rin, e!"

Inis kong hinarap ang malditang ito. "Na-s-sense ko kasing gagamitin mo 'yon to escape from your unforgivable sins. Hindi ko hahayaan na makatakas ka na lang nang gano'n kaya ko ginawa 'yon."

"Because I'm afraid to be a prisoner," she mumbled. "Nakakadiri kayang matulog sa loob ng kulungan. Tapos ang breakfast, lunch at dinner pa nila roon ay lugaw lang na may sahog na luya. Paano ko masisikmura ang gano'ng buhay? Sige nga!"

I rolled my eyes. "Ayaw mo pala ng ganiyang buhay, edi sana hindi ka gumawa ng bagay na alam mong labag sa batas." Nagpatuloy ako sa pagtahak sa daan na napili ko. "Just because you're my other half, doesn't mean I'm going to change my decision.

Bali-baliktarin man natin ang mundo, nagkasala ka pa rin, Trisha. At kinakailangan mo 'yong pagbayaran sa kulungan."

"As if I can do anything just to please you," rinig kong sambit niya mula sa aking likuran. "You know what... After what happen to Papa, ang dami kong realizations sa buhay."

My feet suddenly stopped walking when I heard her talk. I turned around to face her... She hummed softly while having a sparkle on her eyes.

"I was blinded by the spotlight which turned my eagerness to earn everyone's praise to go widely. Forgetting the essence of contentment, I strived harder just to gain more achievements that eventually can be used to grow my head elongated.

Nabulag ako sa kagustuhan kong makahakot ng maraming awards in order to build myself up and give an honor to my parents, especially to my Mom.

I want them to be proud of me...

Pero hindi ko namamalayan na ang ginagawa ko na pala sa career ko ay hindi na para maging proud sila sa akin. Napalitan ito ng labis na kagustuhan kong makilala at maging matunog ang aking pangalan."

Natutuwa akong na-realize niya ang mga 'yon. In the name of having plenty of achievements, she chose to be a bad person.

"Kaya siguro gano'n ko na lang kagusto na malinis ang pangalan ko sa mga tao... Dahil natatakot akong i-bash nila ako at mawalan ako ng mga supporters." She added. "Pero ano nga bang magagawa ko? Nandito na 'yan, e.

The only way I can think of regaining my crown is to go back to the drawing board. I have to start a new page of my life by beginning to make every mistake I've done right."

"Send yourself to prison," I said.

Nagulat ako nang irapan niya ako. "Paano ko naman gagawin 'yon kung hanggang ngayon ay hindi tayo makaalis sa lugar na ito? Mukhang dito na ata ako makukulong. Kamalas-malasan mo pa kasi nakasama pa kita rito."

"Insane," bumalik ako sa paglalakad at tinahak ang daan.

May natagpuan kaming maliit na kubo sa gitna ng kagubatan. Nakakapagtaka nga dahil umaga ngayon at tirik na tirik ang araw pero nakasindi ang mga ilaw nito sa labas at loob ng kubo.

"Pupuntahan mo 'yan? Paano kung may nakatira palang mangkukulam diyan?"

"Huwag mo kasing gawing libangan ang panonood ng horror movies sa gabi at sasabayan mo ng kape, nagiging nerbyosa ka tuloy."

Naglakad ako patungo sa kubo. Siguro naka-tatlong beses akong tumawag sa labas bago lumabas sa kubo ang isang matandang babae. Kulubot ang kanyang balat at hirap na hirap lumabas ng kanyang muntik kubo dahil siguro pasan niya sa likod ang katandaan.

"Ano'ng kailangan ninyo? Bakit kayo narito sa lugar na ito?"

"Naliligaw po kasi kami," sagot ko. "Maaari po ba naming itanong sa inyo kung saan po ang daan palabas sa lugar na ito?"

Napailing-iling ang matanda. "Minsan na rin akong naligaw sa lugar na ito ngunit hindi ako nakalabas. Hindi ko alam ang daan na tatahakin ko palabas kung kaya't sa lugar na ito ako tumanda."

"Hala," rinig kong bulong ni Trisha sa tabi ko.

I swallowed before forcing myself to smile. "Wala po ba talaga kayong ideya kung paano po kami makakalabas sa lugar na ito? Hindi po kami pwedeng manatili sa lugar na ito nang matagal."

"Kung gugustuhin niyo talagang makalabas dito, magiging mapanganib. Maraming mga rebelde ang nagkalat sa gubat at maaari nila kayong dakpin at gawing parausan."

Sa sinabi ng matanda ay mas lalo akong kinilabutan. Torn between staying in this place for good... Or choosing to find a way to escape but risking our lives this time?

"Magi, virgin pa ako. Ayokong mga rebelde pa ang makakauna sa akin!" Gigil na bulong ni Trisha sa akin.

"Sino bang gusto?" Inis kong balik sa kanya.

"Maaari ko kayong samahan upang makalabas sa lugar na ito,"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran ng matanda. "Akala ko po ba, walang daan para makalabas dito---"

"Mayroon... Ngunit delikado." Aniya. "Hangga't maaari, ayokong may mga kagaya niyo ang makulong sa impyernong kagubatan na ito. Hangga't sa kaya ko, tutulungan ko kayong makalabas dito."

Natuwa kami sa sinambit niya at pagkaraa'y umalis na rin kami upang ihatid niya sa sinasabing lugar na magdadala sa amin palabas sa kagubatan na ito.

Nakaakay kami ni Trisha sa matanda sa magkabila nitong kamay. Mabagal ang naging usad ng lakad namin dahil nga may kasama kaming matanda pero ayos lang. Ang mahalaga naman ay makakalabas na rin kami rito at makakauwi.

"Bakit ba kayo napadpad sa lugar na ito?" Tanong ng matanda sa kalagitnaan ng paglalakad.

"Kasalanan ko po---"

"Mahabang kwento po, e." Sagot ko. "Sa katunayan nga po niyan, may naka-engkwentro po kami na isang rebelde kagabi... Pero agad naman namin siyang natakasan."

Dahil na rin sa tulong at sakripisyo ni Papa.

"Nagkalat ang mga rebelde sa lugar na ito. Pati na rin sa ilang mga bayan sa probinsya upang dumakip ng mga kabataang babae na madadala nila sa kanilang kuta." Paliwanag nito. "Hindi kayo nararapat na maparito. Delikado ang mga buhay ninyo lalo't mga dalagita kayo."

"As if papayag naman ako na kunin nila ang hiyas ko. Gugustuhin ko na lang na masaktan at mamatay kaysa ang masaksihan ang kababuyan na ginagawa nila sa akin." Ani Trisha.

"Nako, apo..." Natatawang sambit ng matanda. "Mas nagugustuhan ng mga rebelde ang mga pumapalag na kababaihan."

"P-Po?"

"Narito na tayo, mga dalaga." Huminto kami sa isang lugar na may lagusan sa katawan ng isang puno. "Pumasok kayo riyan upang ihatid kayo pabalik sa pinanggalingan ninyong lugar."

"Magi, nasa fantasy world ba tayo?" Bulong ni Trisha.

Tanging pagkibit ng balikat lamang ang naitugon ko tiyaka humarap sa matanda. "Bakit hindi na lang po kayo sumama sa amin?"

Umiling ang matanda. "Matagal na rin akong nawalay sa pamilya ko at marahil nakalimutan na nila ako. Kung babalik man ako sa totoong mundo, wala rin naman akong babalikan na."

"Totoong mundo? Fake lang ba ang lugar na ito---"

"Huwag na kayong magtanong pa. Pumasok na kayo sa lagusan bago pa man dumating ang mga rebelde."

"Pero---"

Naputol ako sa sasabihin nang mamataan ang grupo ng mga rebelde sa likod ng matanda. Kasabay rin noon ay ang pagtulak sa amin ng matanda papasok sa lagusan.

Bago tuluyang magsara ang lagusan, nasaksihan pa ng mga mata ko kung paano kitilin ng mga rebelde ang buhay ng kaawa-awang matanda. Rumagasa nang tuluyan ang luha sa aking mga mata dahil sa trahedyang inabot ng matanda.

Ninais lamang niya na tulungan kaming makaalis sa lugar na 'yon... Ngunit buhay pala niya ang magiging kapalit no'n.

---

The walls were all white. Ramdam kong nasa isang malambot na kama ako. Akala ko mag-isa lang ako sa kama pero laking gulat ko nang makitang nasa tabi ko si Trisha. She's also awake at sabay naming inilibot ang paningin sa paligid.

Bumangon ako at bahagyang nag-inat. "Nasaan tayo?"

"Ito ang lugar kung saan ka namin dinala ni Papa," sagot ni Trisha. "Kasi k-in-idnap ka nga namin, 'di ba?"

"Huh? Does this mean we're still stuck in this demonic place? Baka bihag na tayo ng mga rebelde, huh?!" Dahil sa naisip, nabalot lalo ng kaba ang katawan ko.

"Walang rebelde, mga anak." May isang lalaki na pumasok sa silid... Buhay si Papa? "Oo naman, buhay ang Papa n'yo!"

Dala ng sobrang tuwa, sabay namin siyang inamba ng mahigpit na yakap ni Trisha. Nag-iiyak kami sa dibdib niya at nagpalakasan ng hagulgol.

"Akala namin iniwan mo na kami." Bulong ko, sapat na upang marinig 'yon ni Papa. Humiwalay ako sa pagkakayakap para harapin si Papa. "Alam mo bang sobrang lungkot namin ni Trisha because all we thought, you're gone. But I'm happy to see you alive."

"Sana mapatawad ninyo si Papa sa ginawa niya," aniya. "Both of you had undergone hypnotism..."

"What?" Sabay na tanong namin ni Trisha.

"P-Pa, ano'ng sinasabi mo?" Trisha asked.

"Sa kotse habang tinatahak ang lugar kung saan ka namin dadalhin, Magi... I brought someone who is knowledgeable to hypnotize one's person.

Nang makarating sa lugar, both of you have already hypnotized and visualized those things that happened in your fantasies as realistic."

"Panaginip lang ang lahat?" Gulat na tanong ni Trisha. "Hindi totoong pinatay ka ng mga rebelde at hindi rin totoo na naligaw kami sa isang kagubatan?

At mas lalong hindi totoo na may matandang tumulong sa amin upang mahanap 'yong lagusan paalis sa lugar na 'yon? Is that what you mean, Pa?"

"Oo, anak... Ginawa ko 'yon dahil gusto kong magkaayos na kayong magkapatid. Sa pamamagitan ng panaginip na 'yon, umaasa akong naging malapit kayo sa isa't isa at makatulong 'yon upang ma-realize mo, Trisha, ang mga pagkakamali mo sa buhay."

"Papa naman! Tinakot mo ako! Akala ko talaga, patay ka na!" Yumakap ulit si Trisha sa kaniya habang ako ay tahimik na pinagmamasdan sila. Until now, my tears are halfway streaming down my face.

"It's the least I could do for Magi," he faced me and gave a weak smile. "I only do this to make Trisha learn her lesson. Gusto kong walang sapilitan na mangyari, kundi kusang-loob na isuko ni Trisha ang sarili niya sa mga pulis."

"Of course, I will. While we're in that place, I already pledge to Magi that I will send myself to prison. Gusto ko nang magbago, Pa. At sisimulan ko 'yon by doing this." Umiiyak na sambit ni Trisha. "Basta ang mahalaga na lang sa akin ngayon... Buhay ka!"

"Papa will never ever leave both of you. That's a promise!" This time, nakisali na ako sa yakapan nila.

My whole system was filled with so much happiness. I was grateful that those happenings earlier were all part of our nightmares.

It's good to be back... Still I have the chance to spend my remaining time with my father. That's all that matters.

---

"Para kang tanga, Dylan! Could you please stop putting alcohol in my entire body? Wala akong sugat, okay?"

"But you told me that you went from a forest na may mga rebelde---"

"Just a nightmare na ayoko nang maalala pa," I answered. "Like what I've told you, it was my father's plan to teach Trisha her lesson. That's it!"

"Magtitiwala ka ba agad sa Trisha na 'yon? After everything she did, malayong-malayo sa pagkatao niya na susuko siya sa mga pulis." Delancy said.

"I agree," ngumunguyang sambit ni Julia. "Si Trisha pa ba? E, mas demonyo pa nga sa demonyo ang babaitang 'yon. Malapit ko na nga siyang i-nominate bilang kapalit ni Satanas sa impyerno."

"Well, I don't believe in words..." I stopped for a moment to give them a smile. "I only believed in action, so let's see if tutuparin niya ang sinabi niya. May tiwala naman ako kay Papa na kahit ano'ng mangyari, hindi niya na kukunsintihin si Trisha."

'Yon na lamang ang isang bagay na pinanghahawakan ko sa ngayon.

"Let's see..." Dylan muttered. "Pero alam mo bang nag-alala ako sa iyo nang sobra kasi bigla ka na lang naglahong parang bula sa harap ko. Kabado sisenta ako na baka tinakbuhan mo lang ako o may nangyari na sa iyong hindi maganda---"

I stopped him by placing my forefinger on his lips. "Stop reminiscing about what happened in the past. Ang importante, nandito na ako ulit at nakakasama kayo."

"Kung alam mo lang gaano katuliro 'yang si Dylan sa sobrang pag-aalala sa iyo," ani Julia.

"Ilang gabi nga siyang walang tulog kasi minu-minuto ba naman ay tumatawag sa pulis para manghingi ng updates..." Dagdag ni Delancy.

Aambang ibabato ni Dylan 'yong unan sa may sofa ng unit ko. "Gusto niyong batuhin ko kayong dalawa nito?"

"Ikinakahiya mo bang nag-aalala ka sa akin?" Naka-pout kong tanong sa kaniya.

Ang plano ko lang naman talaga ay ang asarin siya... But I didn't expect he will leaned his face towards me to reach and touch my lips.

It was a quick kiss on my lips but still his face was close to me. "Stop pouting your lips, Magi. Next time na gawin mo 'yan, iisipin ko talagang sinasadya mo 'yang gawin para halikan kita."