Chapter 32

Of all people, bakit siya? Ang laki ng tiwala ko sa kaniya and I almost treated that person a family. Paano niya nagawa sa akin 'to?

True enough, people tend to be great pretenders. Wearing a mask in order to hide their true identity, that's how fake people lived. I just can't believe I let someone enter my life without knowing their true self.

This is absurd!

I left the phone on the table before leaving the venue. Staying in this place makes me suffocated --- feels like I'm running out of air to breathe. Instead of taking a cab, I just used my feet and sauntered to my place.

Deadma na kung ma-weird-uhan man sa akin ang iba dahil ang ganda ng suot ko tapos naglalakad lang ako. Well, I feel at ease when I'm walking.

My phone suddenly rang, so I took it. An unregistered number was calling me, that's why I'm having second thoughts if I will answer the call.

Nakita ko na lang ang sarili ko na pinindot ang answer button, and placed my phone in my ear. "Who are you?"

[It's not important who I was,] his baritone voice makes me goosebumped. Sa boses pa lang niya, parang kilala ko na kung sino siya.

"Your voice sounds familiar. Hindi ba't ikaw 'yong nagligtas sa akin noon?" I asked. "Noong muntik na akong masagasaan, and also, ikaw 'yong lalaking nagbigay sa akin ng phone, 'di ba?"

[Don't waste your time figuring out what my identity is. Hindi rin naman ako magpapakilala sa iyo.] He replied. [My purpose of calling you is to give you reminders about what you've found earlier. Calm yourself before you reveal the truth, so everything will fall into place.]

"Wait---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin na niya ang linya. I re-dialed his number but it was already out of coverage.

Damn! Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya, e. Tama ba namang babaan ako bigla ng tawag?

Gusto ko pa sanang malaman kung bakit niya ginagawa 'yon? Bakit siya nakikialam sa kaso ng Lola ko? May alam din ba siya sa nangyari? Bakit parang tinutulungan niya akong ma-unfold ang katotohanan?

Who is that guy?

"Kung sino ka man, thank you for helping me. Without you, hindi ko pa malalaman na pinapaikot na pala ko ni Trisha."

---

While I was looking at the pairs of gloves, too many questions in my head were deliberately answered.

That guy in black helps me to find out the truth --- kaya ko pala nakita sa place ni Eli ang kapareha ng glove na ibinigay ni Trisha sa akin, 'yon ay dahil sinadya na ilagay sa lugar na 'yon ang glove para paghinalaan ko na si Eli ang may gawa.

I was wrong because I judge Eli too early, nang hindi ko man lang sinisigurado na tama ang mga suspetsya ko. Ayan tuloy, napaikot ako ni Trisha.

She made me believe that it was either Eli or Dylan who killed my grandmother, but in fact, wala sa kanilang dalawa ang salarin.

Pero nananatili pa ring katanungan sa isip ko kung bakit nag-match ang fingerprint ni Eli roon sa towel kung saan nakita raw ng witness na hawak 'yon ng suspect habang pinupunasan ang sahig. That will not fully erase my suspicions to Eli, not until I get an answer from him regarding that matter.

Speaking of Eli, he's right outside my unit now. I opened the door and what welcomed me was his stony-faced. Literally, I don't know what's with his behavior. Parang naninibago ako sa kanya, just now.

"What brought you here?" I asked as I sat my butt down on the sofa. "Hindi ba 'yan pwedeng ipagpabukas? Gabing-gabi na, huh?"

"Bakit ka biglang umalis sa venue, Magi? Is there something wrong?" His question made me stop. 'Yong pagpapanggap ko to sound normal in front of him suddenly vanished.

Napayuko ako. "Ang boring kasi," palusot ko. "Inantok lang ako noong narinig kong kumanta si Trisha, that's why I left."

"You're not good at pretending, so please stop it. I know there's something wrong, that's why I came here to check you."

"No need," I said before I lifted my face up. "Okay lang ako, Eli. Just leave me alone."

"Magi," lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I can't leave you like this---"

"Kilala ko na," mangiyak-ngiyak na sambit ko. "I already knew the person who's responsible for the assassination, Eli!"

"Sino?" Gulat niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin. "Pinaikot ako ng demonyong Trisha na 'yon. She made me believe na isa sa inyo ni Dylan ang killer, but turned out to be another person who is the suspect."

Nag-unahan na ang mga luha na pumatak sa mata ko. Hindi ko na naman maiwasan na maiyak kapag sa ganitong usapan.

Like I was that person that even though I tried to take a deep breath before speaking, 'cause I know I'm so close to crying, still my emotions got the victory.

I just hate how soft-hearted I am.

"Hush now," I heard him say before moving closer to me and enveloping my body to give a warm hug.

Literally, I need this kind of comfort, for the meantime.

"Trisha has to learn her lesson, so I think it's time for her to face her greatest downfall." Nang marinig ang sinambit ni Eli, agad akong napahiwalay sa kaniya tiyaka siya tinitigan. "Matagal ko ring itinago ang sikreto na ayaw niyang mabunyag. Hawak niya ako sa leeg kaya wala akong nagawa."

"What do you mean?"

"Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang pangarap ko na maging artista, hindi ba? Since I was a child, I dreamt of becoming a superstar, so letting out this dream I have will be so hard for me."

"Can you please go to the point? What are you trying to say?"

"Magi," he mentioned my name and started sobbing. "Hindi namatay sa panganganak ang Mama mo. Trisha's mother killed your Mom, Magi."

Kaagad akong napatakip sa bibig upang impitin ang hagulgol ko. All my life, naniwala lang pala ako sa kasinungalingan na namatay ang Mama ko because of giving birth to me.

Napakademonyo nila! Pamilya sila ng demonyo!

"Kami pa ni Trisha that time, when I accidentally watched a video from her phone. After ka maipanganak ng Mama mo, nagkita raw sila ng Mama ni Trisha. Maybe that video was from your mother's memory card. Your mother filmed the happenings, sapat na ebidensya na magtuturo sa Mama ni Trisha na siya ang pumatay sa Mama mo.

Kaya kinuha niya 'yong memory card ng Mama mo... kung saan naroon 'yong video. Trisha told me that, na nakita niya ang Mama niya na may itinapon sa basurahan. She's young that time kaya pinulot niya 'yon kasi baka importante. Ikinabit niya sa phone niya ang memory card and she finds out the truth.

Hindi ko alam kung ano'ng dahilan ni Trisha kung bakit hindi niya pa rin binubura sa phone niya 'yong video. Dahil doon, napanood ko ang kabuuan ng pangyayari, Magi."

"D-Do you have a copy of that video?"

He nodded. "Right before Trisha caught me holding her phone, naipasa ko na sa phone ko 'yong video. Kasi alam kong darating ang araw na 'to para na rin matigil na ang kabaliwan niya.

Kung kinakailangan na sirain ko ang imahe niya sa publiko, gagawin ko 'yon kahit na makaapekto pa 'yon sa pangalan ko. The most important thing is that an important lesson will edify her because of her reckless actions."

I smiled. "Thank you."

"You shouldn't be grateful to me, Magi. Magalit ka dapat sa akin dahil ang tagal kong itinago ang sikretong ito sa iyo. Dapat matagal mo na 'tong alam pero kasi ang selfish ko. Pangarap ko lang ang mahalaga sa akin noon, at 'yon ang kahinaan ko para ibunyag ang katotohanan." He held my hand and quickly pecked a kiss on it. "I'm sorry, Magi."

Umiling ako. "There's no reason to blame you. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin. Simula't sapul, mulat ako sa katotohanang mas importante sa iyo ang pag-aartista above anything else. You're working hard to achieve all of your goals, and I understand that.

Naipit ka lang sa sitwasyon, because I know how influential Trisha is, in the world of showbiz. Hawak niya ang pangarap mo at kung sakaling ilaglag mo siya, laglag ka rin." Natawa ako ng bahagya. "I can't imagine myself going to be as open-minded as I am now. Looks like I'm officially bidding goodbye to my old self, where all I know is to have an argument with someone."

Muli ko na naman naalala 'yong mga pagkakataon na mas pinaiiral ko 'yong emosyon ko kaysa ang pakinggan muna ang sasabihin ng iba. Just like how I met Dylan, inakusahan ko siyang maniac kasi akala ko sinisilipan niya ako, e. Even though he provided me with an explanation, still, I didn't bother to listen.

That time kasi, I just hate to accept someone's explanation because I believe, there's nothing someone should explain kung sapat na ang mga mata natin para masaksihan ang isang pangyayari. Ang childish ko, without knowing that every circumstance has an untold story.

Hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo. That's why sometimes, it's better to listen to someone's explanation before exploding like a ticking bomb.

"I am so proud of you, Magi." Suddenly, Eli uttered those words at me. "Mabuti na rin pala na nagkaroon tayo ng bitter-sweet ending. At least you became a better person. I'm very proud of the woman you've become."

"You're making me cry, aren't you?" Childish kong sambit while wiping my tears away.

"Actually, kanina pa nga tayo nag-iiyakan dito. Pasensya na talaga, naging dramatic ang hatinggabi mo."

Natawa ako. "Well, it's alright. In return, I found out the truth. Bibigyan ko ng pasabog ang Trisha na 'yon by using that video. Hindi ako papayag na buhay ko lang ang masisira."

"Count me in, Magi. Nandito lang ako if ever you need a backup."

"Of course, I will." Tiningnan ko siya with my solemn looks. "May I ask you something important?"

"What is it?"

"Nag-match kasi ang fingerprint mo sa towel na ibinigay ng witness sa private investigator. According to the witness, may nakita raw siyang lalaki sa loob ng bahay namin gamit ang tuwalya na 'yon. Ipinamumunas daw niya sa sahig na may bahid ng dugo."

He nodded. "Ako nga 'yon, Magi."

"What?"

"Pupuntahan sana kita sa bahay niyo that time, nagba baka-sakali na nandoon ka. Pero imbes na ikaw ang naabutan ko, 'yong Lola mo na nakahiga sa sahig ang nakita ko.

Pinunasan ko muna 'yong sahig na may bahid ng dugo bago nag-presinta ang ilan sa mga katulong niyo na sila na lang ang lilinis no'n. Nang matapos, binuhat ko ang Lola mo at nagpasama ako kina Manang Yolly na dalhin sa ospital ang Lola mo."

"But when I arrived at the hospital, I didn't saw you---"

"Dahil may shooting ako no'n. Tinawagan ako ng manager ko and agad pinapabalik sa set. Honestly, I escaped from the set just to talk to you. Kaso 'yon ang nadatnan ko, e."

So, Eli's name wasn't really involved in the crime. Now that I proved my claim wrong, isa na lang ang kailangan ko. I have to talk to that person --- who owns that number.

"If you need anything else, do not hesitate to give me a call, okay? On behalf of Dylan's absence, consider me to replace him for the meantime."

"Sure," nakangiti kong sagot. "Take care!" I said before closing the door.

I let out a heavy sigh bago sunod-sunod na nagsitakasan na naman ang mga luha sa mata ko. 'Yong kaninang pagpipigil ko sa sarili na maiyak sa harap ni Eli ay sa wakas, nailabas ko rin.

Pinatay ng Mama ni Trisha ang Mama ko. Tapos ngayon naman, p-in-lano ni Trisha na patayin ang Lola ko. Ano ba talagang problema sa akin ng babaeng 'yon? Bakit ba galit na galit siya sa pamilya ko? Gusto niya ba talagang maging miserable ang buhay ko?

Nang dahil ano? Nang dahil lang sa isang lalaki? I already set Eli free. Malaya na 'yong tao kaya ano pang sense na gawin ni Trisha sa akin ito? Pwede niya nang angkinin si Eli ngayon, pero bakit kailangan pa mangyari sa akin 'to?

Like a mother, like a daughter. Mga demonyo sila! Hindi ko sila mapapatawad. Gagawin ko ang lahat para lang maparusahan ang dapat na maparusahan.

I will make sure of that.

---

"Malapit na ako sa katotohanan. One of these days, I will finally reveal the person who killed my grandmother." I smirked at both Delancy and Julia. "Sounds exciting, right? Finally, mapagbabayaran na rin ng taong 'yon ang kasalanan na ginawa niya---"

"Nakagawa na ba kayo ng assignment?" Delancy suddenly asked.

"Completion na lang tayo, 'di ba? Ano'ng assignment ang sinasabi mo?"

"Oo nga naman, Delancy. Lutang ka siguro!" Tumatawang sambit naman ni Julia.

"Ahh, oo. Nakalimutan ko," alangan nitong sagot.

Why is she acting like that? She's kinda weird. What's with Delancy?

Ayaw kong dagdagan ang paghihinala ko but I just can't help myself to formulate another theory in my head. Seems like she's uncomfortable talking about my grandmother's issue --- malayong-malayo sa noon.

I just shrugged that idea off before I focused myself on the phone that I was holding. Nasa classroom kasi kami ngayon, mga nakatanga habang naghihintay na ibalik 'yong mga clearance namin. Facilitators kasi ng bawat department ang nagpapapirma no'n sa mga Professors imbes na mga estudyante dapat.

Well, mas okay na 'yon. Ang hassle kasi kung kami pa magpapapirma, pa-VIP pa naman 'yong ibang mga Prof.

"Umamin ka nga, Magi. Bakit ka maagang umalis kagabi? Hindi mo man lang tinapos 'yong party, e." Rinig kong tanong ni Israel. Kasama niya si Yuwi ngayon na nanggugulo rito sa classroom namin.

"Something urgent came up," I replied. "Related about my grandmother's death case---"

"Could you please drop that issue out? Kahit sana ngayon lang, Magi. Naririndi na kasi 'yong tenga ko dahil paulit-ulit na lang na bukambibig mo 'yan." Julia said out of frustration.

Hindi siya binansagan na walk-out queen for nothing. She used that title para mag-walk-out sa classroom. Frankly, she's unbelievable.

"Sensitive yata sa topic," sambit ni Yuwi na may sariling mundo roon sa gilid.

"We are all aware the eagerness you have para mabigyan ng justice 'yong pagkamatay ng Lola mo, Magi. But please, don't be so insensitive. Stop acting like the world was meant to revolved around the case of your grandmother." Kagaya ng ginawa ni Julia, she turned her back to me.

Sige, magkampihan kayo. After all, there's no one I should lend my trust to.

"Ano'ng nangyari sa dalawa? Badmood siguro sila?" Israel asked.

Ngumiti ako ng pilit. "Maybe," I replied.

But, maybe not.

I just can't accept the fact that those two important persons in my life began to turn their back on me. I thought we're family, pero bakit parang pinagkakaisahan nila akong dalawa?

Lumabas ako ng classroom upang hanapin sana kung saan nagtungo 'yong dalawa. While seeking of where are they, namataan ko si Julia sa likod ng Engineering building --- doon sa malawak na damuhan.

"Ano'ng ginagawa niya roon?"

Naglakad ako papalapit sa nakatalikod na si Julia. Nasa harap siya ng isang apoy at batid kong humihikbi siya dahil sa pagyugyog ng kaniyang mga balikat. She was holding a sim card and was about to throw it nang pigilan ko siya.

"Bakit mo itatapon 'to?" Mariin kong hinawakan ang kamay niya at pwersahang kinuha mula rito ang sim card.

Sinipat ko ang nakatatak na number dito. Hindi na ako nagulat nang makita ko 'yong number na ipinapahanap sa akin no'ng family lawyer namin.

"Ibigay mo sa akin 'yan, Magi!"

Mabilis kong inilayo mula sa kaniya ang kamay ko. I faced her and forced myself to smirk. "It was you, right?"

"Ano bang sinasabi mo---"

"Just please, I want the truth to come out of your mouth, Julia!" I screamed. "Ikaw ang pumatay sa Lola ko, hindi ba?"

Mangiyak-ngiyak niyang tinagpo ang mga mata ko. "Y-Yes,"

I clenched my fist just to stop myself from hurting her. "Pati mga inosenteng tao ay pinagbintangan kong killer. Kung sino pa talaga 'yong tao na hindi ko aasahan na gagawa ng ganito, siya pa 'yong maaakusahan na may sala." I faked a laugh. "Come on, are you kidding me?"

"Magi, I'm sorry---"

"Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry mo ang buhay ni Lola? Just because of your reckless action, you took someone's life. At ang Lola ko pa talaga?

Why are you dying hard to make my life miserable? Naghihiganti ka ba sa akin dahil sa nagawa ko kay Dylan noon? Kaya mo ba ginawa 'to?!"

"Hindi gano'n!" She shouted back at me. Marahas niyang pinunasan ang pisngi niya bago nagpatuloy. "Hindi ko sinasadya ang lahat, Magi. Hindi ko intensyon na mapatay ang Lola mo. Maniwala ka sa akin, please."

"Explain everything to me," I muttered... gusto kong marinig sa sarili niyang bibig ang buong katotohanan.

"That night, Trisha invited me to have a quick conversation. It was the night na nagpunta kayo sa bahay at nagwalwalan tayo nina Dylan at Delancy roon. Saktong tulog na kayong lahat nang tawagan niya ako. Akala ko mahalaga ang pag-uusapan at siguro dahil may tama na ako ng alak, nakipagkita ako sa kanya kaagad.

Nagkita kami sa isang bar at doon nag-usap. Ang tanging natatandaan ko na lang, parang may inilagay siyang kung ano sa drinks ko kaya bigla na lang akong nahilo. Dumagdag 'yong alcohol na ininom ko kaya bigla akong nakatulog.

Pagmulat ng mga mata ko, nagulat na lang ako na nasa bahay niyo na ako. Masyadong matapang ang bagay na inilagay ni Trisha sa drinks ko kaya kahit nakatulog na ako, e feeling ko may tama pa rin ako.

At nangyari na nga ang isang pangyayari na hindi ko lubos inaasahan. Paglabas ko sa kwarto mo, nakita ko ang Lola mo na paakyat sa second floor. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko kaya," nagsimula na naman siyang humagulgol. "K-Kaya naitulak ko ang Lola mo kaya siya gumulong pababa ng hagdanan."

Nag-uumapaw na ang galit na nararamdaman ko ngayon kaya wala na akong nagawa kung hindi ang saktan si Julia. Sinampal at sinabunutan ko siya pero wala siyang ginagawa kundi hayaan ako na saktan siya.

"Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi..." umiiyak niyang sambit. "Nitong nakaraang araw ko lang din nasimulang maalala ang lahat, Magi. Natakot akong sabihin sa iyo... lalo't aware ko na nag-iimbestiga na ang lawyer niyo. Ayokong makulong, Magi."

"Paano mo nagawa sa akin ito?! Wala kang kwentang kaibigan!" Umiiyak na sambit ko. "Itinuring kitang pamilya. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin kaya bakit mo ginawa sa akin 'to?!"

"Magi, tama na!" Pilit akong inilayo ni Delancy, na halos kararating lang, kay Julia. "Huwag kayong mag-away, please!"

Inilayo ko ang sarili kay Delancy tiyaka siya hinarap. "May alam ka ba tungkol dito?"

"Magi---"

"Ang simple ng tanong ko, Delancy! Oo o hindi lang ang isasagot mo. Ano'ng mahirap doon?!"

"Please, 'wag mo nang idamay rito si Delancy---"

"Oo, alam ko ang tungkol dito." Sagot ni Delancy. "Gusto mong malaman ang buong katotohanan, 'di ba?"

"A-Ano?"

"Hindi kinuha ni Dylan ang sleeping pills ng Lola mo. Sinadya kong ilagay 'yon sa condo unit ni Dylan para ilayo ang isip mo at tumibay ang suspetsya mo kay Dylan.

Tapos noong araw na sinabi mo sa akin ang tungkol sa glove na ipinadala ni Trisha sa iyo, na kay Julia talaga ang kapareha no'n. Kinuha ko lang 'yon kay Julia at sinadyang ilagay sa room ni Eli para mas lalo kang guluhin."

"H-How could you?"

"Ginulo ko ang isip mo kasi ayokong malaman mo na si Julia ang pumatay sa Lola mo. Natatakot akong masira 'yong friendship nating tatlo---"

"Kaya pinagmukha mo akong tanga?!" Pagputol ko sa sinasabi niya. "Pinaniwala mo ako na isa kina Eli at Dylan ang pumatay sa Lola ko. Muntik nang masira ang tiwala ko sa kanila dahil sa kagagawan niyo!"

"Huwag mong isumbat lahat ng sisi kay Delancy." Sambit ni Julia. "Ako lang ang may kasalanan at handa akong harapin ang batas para lang mapagbayaran ko ang ginawa ko, Magi. Gagawin ko ito para lang maayos na ang lahat."

I let out a heavy sigh just to calm myself down. Ngayon ko lang na-realize na dala ng sobrang galit ay nasaktan ko si Julia. She's still my friend, so I don't like hurting her.

"Pero hindi ako papayag na ako lang ang magdurusa sa loob ng kulungan," Julia said. "Isasama ko sa impyerno ang puno't dulo ng lahat ng ito."

"You have evidences na magtuturo kay Trisha na kasabwat mo, 'di ba?" I asked, my energy seems like running out of fuel.

"I have---"

Julia failed to complete her sentence when, suddenly, a sound from a gun appeared. Jointly, Delancy and I catch Julia's body full of bloodstains.