Chapter 19: Attitude

Elora Amore Point of View

“Hindi ko naman sinabi sa’yo na gustuhin mo ako.”

Hindi niya na ‘yon kailangang sabihin pa sa akin. Sa asta at kilos niya pa lang sa akin, alam na alam ko na.

“Parang ang yabang mo naman yata. Baka nakakalimutan mo na sampid lang kayo ng mama mo rito,” mahinang napapikit ako. Wala namang ginagawa sa kaniya si mama tapos dinadamay niya.

Tumayo ako at humarap sa kaniya. “Hindi ako mayabang. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ko naman talaga sinabi sa’yo na gustuhin mo ako. Ano bang mali roon?” Kapag ba sinabi ko ‘yon, nagtutunog mayabang na agad? Baka para sa kaniya lang ‘yon.

“Isa pa, hindi kami sampid ni mama rito. Kasi kung sampid kami, ibig sabihin ba rin no’n, sampit din kayo ng mama rito?” Ama niya ang kapatid ni papa.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Dahil ba ‘yon sa sikat ng araw o sa galit niya sa akin. Pero bakit naman siya magagalit? Wala naman akong ginagawang mali.

“Ang sama naman pala talaga ng ugali mo. Tinatago mo lang sa maamo mong mukha. Plastic,” naiinis na sigaw niya sa akin at nag-martsa na palabas.

“Plastic na pala kapag nagsasabi ng totoo?” Mahinang bulong ko sa sarili. Sa palagay ko, hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng babae na iyon.

“Bakit hindi ka maligo? Hindi ako marunong lumangoy ‘no?” Inis na tiningnan ko siya dahil sa ginawa niya. Malakas na tinulak niya ako papunta sa dagat. Mabuti na lang mabilis akong naka-balanse kaya hindi tuluyang natumba sa tubig.

Ang tahimik kong nanonood dito sa ibang naliligo tapos bigla siyang susulpot. “Ano bang problema mo?” Hindi ko na napigilan pa na mainis talaga sa kaniya. Wala akong ginagawa tapos magsisimula siya. Mas malala pa pala siya kay Laila.

“Naiinis ka na niyan? Bakit totoo ba? Na hindi ka marunong lumangoy?” Umarte pa siyang nagugulat at concern.

“Ano naman sa’yo kung hindi o marunong ako lumangoy? Bakit? Hindi ka rin ba marunong?” Kapag ba nakatayo ka lang sa dalampisan, ibig sabihin no’n hindi na agad marunong lumangoy? Parang ang babaw naman.

“Ako? Ako hindi marunong lumangoy? Nagpapatawa ka ba?” Tumawa siya na parang hindi makapaniwala. “Ang galing-galing ko ngang lumangoy,” mayabang niyang pahayag

“Edi maligo ka na. Mukhang ikaw naman itong gusto ng maligo. Idadamay mo pa ako,” nilampasan ko na siya. Kapag nagtagal pa, tiyak akong hindi na maganda ang mangyayari. Mabuti na lang hindi siya sumunod.

Bumalik ako sa kuwarto namin. Wala sila mama sa loob. Tiyak akong nasa lobby sila at nag-uusap. Kinuha ko ang phone at nag-online. Sakto namang online rin si Klofie kaya mabilis siyang nag-chat.

@Klofie Shane Astro:

Ano na, Eloira? Maganda ba riyan?

Naiimagine ko ang mukha niya. Mukhang excited na makakuha ng sagot at nakangiti.

@Elora Amore Villacorta:

Sobrang ganda rito, Klofie. Kung nandito ka lang tiyak akong magugustuhan mo rin.

Naglakad ako papunta sa balcony ng kuwarto. Mula rito makikita ang dagat at magandang tanawin ng bundok na nasa tapat. Kung iyong titingnan parang malapit lang, pero kapag pinuntahan malayo pala.

@Klofie Shane Astro:

Ano ba ‘yan. Naiinggit tuloy ako. Send ka naman ng picture riyan. Bilis na. 😳🙂

Natatawang pinunta ko sa camera at tinpat sa dagat. Kumuha ako ng limang larawan na may magandang tanawin. Mabilis ko ng send ang nga picture.

@Klofie Shane Astro:

Ang ganda nga. Sana makapunta rin ako diyan.

@Elora Amore Villacorta:

Ayan, ouh. Dagat pa nga ‘yan nakikita mo maganda. Paano na kaya kapag ang loob ng resort ay makita mo talaga? Baka lumuwa na ang mata mo.

Natatawa na lang ako sa sariling message ko. Ayaw niya sigurong lalo pang ma-iinggit kaya hindi nagyaya ng video call. Inabot din ng halos isang oras ang pagcha-chat namin.

Bumaba na ako at baka hinahanap na ako nila mama. Hindi pa naman nila alam na nasa kuwarto lang ako.

“Nandito na pala ang mabait niyong anak,” nagtaka ako sa talim na tinging binibigay ni Tita Agatha, ina ni Nicole, pagkalapit ko. Tiningnan ko sila na may pagtataka.

“Elora, humingi ka ng tawad sa pinsan mo,” maotoridad na utos ni papa.

“Khaizen,” tutol ni mama. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Nalilito sa nangyayari.

“Bakit po ako hihingi ng tawad kay Nicole, papa?” Wala akong maalala na dahilan para humingi ng tawad. Wala naman akong ginawa.

“Talagang nagmamaang-maang ka pa. Anong akala mo sa sarili mo? Inosente ka?” Kumapit ako kay mama nang sumigaw na si Tita Agatha. Galit na galit ang mga mata niya.

“Huminahon ka muna, Ate Agatha,” pagpapakalma ni Tita Brielle. Inismiran niya lang kami. Nanatiling nakatingin lang sila lola at lolo, pati ang iba pa naming pinsan.

“Elora, alam mong masamang magsinungaling. Tiyak din akong hindi ka pinalaki ng ganiyan ng mama mo. Kaya humingi ka ng tawad sa pinsan mo sa ginawa mong kasalanan sa kaniya.” Humigpit ang kapit ko kay mama na hindi ko na namamalayanan. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko na nakakapit sa kaniya.

“Wala akong ginawang kasalanan sa kaniya. Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Ano ba kasing klaseng kasalanan ang tinutukoy nila. Bakit hindi ko alam?

“Talagang hindi ka aamin?” Hinawakan ni Tita Brielle si Tita Agatha at pinaupo ulit. Hindi ako nagsalita. Wala naman talaga akong aaminin.

Pinaharap ako ni mama sa kaniy. Akala ako maniniwala siya sa akin at kakampihan ako. Pero... “Amore, tama na. Alam mong may mali kang ginawa kaya humingi ka na ng tawad ngayon para hindi na lumala pa ang lahat,” pero akala ko lang pala ‘yon.

Pakiramdam ko parang maiiyak ako sa harap nila. Hindi mo inaasahan na hindi maniniwala sa akin si mama. Inaasahan ko kasina sa lahat ng tao, siya ang unang maniniwala sa akin.

“Pati ba naman ikaw, mama? Ano ba kasing ginawa kong kasalanan para humingi ako ng tawad sa Nicole na ‘yan? Kasi totoo lang, wala akong matandaan na may ginawa ako,” bahagyang pumiyok ang boses ko.

Pakiramdam ko, sa sinabi kong iyon tuluyan ng nagalit si papa. Ramdam ko ‘yon sa marahas at mahigpit niyang biglang paghawak sa akin.

“Talaga bang hindi mo aaminin?” Natatakot na tiningnan ko siya. Ano ba kasing aaminin ko kung wala naman akong ginawa.

“Khaizen, nasasaktan ang anak natin,” pero hindi nakinig si papa. Hindi pa rin lumuluwag ang pagkakahawak niya sa akin.

“Kuya, ano ba? Tinatakot mo na ang bata,” mabilis na lumapit si Tita Brielle at nilayo ako kay papa.

“Sa ginagawa niyo mas lalo niyo lang siyang tinatakot,” nakayuko akong nasa likod ni Tita Brielle.

“Tinatakot? Hindi namin siya tinatakot, Brielle. ‘Tsaka bakit ba siya natatakot? Saan ba siya natatakot?” Mapanghamon at galit na tanong ni Tita Agatha. Hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanila. Kung alam ko naman na matalim na tingin ang sasalubong sa akin. Lalo na sa mag-inang Agatha at Nicole.

“Tumabi ka, Brielle. Hindi matututo si Elora kung hahayaan mo siyang i-tolerate ang ginawa niya.”

Ginawa ako? Tumawa ako ng pagak na nagpatahimik sa kanila. Nag-angat ng tingin at kahit parang naiiyak, sinalubong ko ang tingin ni papa.

“Ginawa ko. Bakit papa, ano bang ginawa ko?” Hanggang ngayon clueless pa rin ako sa nangyayari. Nasa kuwarto lang naman ako ng isang oras tapos pagbaba ko, ito ang sasalubong sa akin.

“Bakit mo sinampal at sinabunutan si Nicole, Elora? Gano’n na ba ng pagkadisgusto mo sa pinsan mo para gawin ‘yon sa kaniya. Ngayon naaalala mo na? Then, humingi ng tawad sa pinsan mo.”

Lumipat ang tingin ko kay Laila. Namumula ang mukha na parang sinampal nga at magulo ang buhok na parang sinabunutan.

Baka siya ang malaki ang pagkadisgusto sa akin para siraan niya ako ng ganito. Hindi nakalagpas sa tingin ko ang ngiti niya. Ngiting til nagwagi siya sa isang laro. Mapait na napangiti na lang ako at nagbalik ng tingin sa kaniya, sa aking ama.

“Kahit kailan, hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya. Walang dahilan para humingi ako ng tawad sa kaniya dahil wala akong ginawang masama sa kaniya, papa,” nakita kong mas lalong nagalit si papa. Tatlong hakbang at nasa harap ko na siya.

“Elora, huwag mo ng pahabain pa ito. Humingi ka na Lang tawad para matapos na i---”

“Papa, hindi ko pinapahaba ito. Inuulit ko, hindi ako hihingi ng tawad sa kasalanang hindi ko ginawa. Hindi ako gumawa niyan sa kaniya,” parang namanhid ako sa sakit at pagkagulat. Pagkagulat na magagawa niya ang isang bagay dahil sa paratang.

“Kuya, ano ba sumusobra ka na,” ang malumanay niyang boses ay napalitan ng galit. Lumapit si mama at hinawakan ang pisngi ko. Tiningnan niya kung may naiwan bang bakas sa ginawang pagsampal sa akin si papa. Hinawakan ko ang kamay niya at binaba ito.

“Teka nga, magkaliwanagan tayo rito. Kumalma muna kayo, lalo ka na Kuya. Nasasaktan mo na sarili mong anak,” tinuro niya pa si papa. Parang umurong ang luha ko sa nangyari. Hindi pa rin ma-proseso sa utak ko na kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.

“Anong oras ba nangyari ang pagsampal at pagsabunot sa’yo ni Elora, Nicole?” Nagalit naman si Tita Agatha sa ginawang tanong ni Tita Brielle.

“Pinapalabas mo ba na sinungaling ang anak ko, Brielle?” Nag-aalab sa galit na tanong niya. Muling matalim na tingin na naman ang pinupukol niya sa akin.

“Hindi gano’n ang ibig sabihin ng kapatid ko, Agatha. Kaya kumalma ka,” pagpapakalma ni Tito Keizer, asawa niya at kapatid ni papa.

“Sa ‘yon ang nararamdaman kong pinupunto ng kapatid mo, Keizer.”

“Bakit ba kasi hindi na lang sagutin ng anak mo ang tanong ko, Ate Agatha? Madali lang naman ‘yon. Para matapos na ito,” bakit ba naman talaga kasi matagal niyang masagot ‘yon?

“Ano na, Nicole? Anong oras nangyari ‘yon?”

“Almost one hour na po,” mahinang sagot nito.

“Almost one hour hanggang ngayon?” Paglilinaw nito. Tumango naman si Nicole bilang confirmation.

“Kung pagbabasehan natin ang sagot mo,” tumingin si Tita sa relo niya. “Mahigit 20 minutes na tayong narito. Ibig sabihin mga around 40 or 50 minutes ago nangyari ‘yon.”

Sunod na binalingan ako ng tingin ni Tita Brielle. Sa mukha nito alam ko na ang itatanong niya. Pero ramdam ko na hindi ako inaakusahan ni Tita Brielle. Malayong-malayo sa tono nina mama kanina.

“Ngayon, Elora. Nasaan ka ng mga oras na iyon?”