Chapter 21: The Deal
Mabilis na mabilis ang tibok ng nagwawalang puso Pamela nang makita si Lucas na bumaba ng kotse nito. Nakasuot lang ito plain white Lacoste polo shirt, jeans, at sneakers. May dala pa itong isang bouquet ng mga bulaklak sa kanya. Malapad ang pagkakangiti nito nang makalapit. “Ang gwapo naman ng suitor ko ngayon,” nakangiting sabi niya.
“Ngayon lang? Gwapo ako lagi,” mayabang na asta nito na halatang nagbibiro lang.
“Okay sige na, pogi ka na everyday.”
“Iyan, magkakasundo tayo lagi,” sagot nito saka humalik sa pisngi niya.
“Nandiyan ba ang parents mo?”
“Naku nasa office pa sila. Bakit magpapakilala ka bang jowa ko ngayon ha?” Nakangiti siya.
“Nagtanong lang eh,” nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa batok.
“Okay. Ipapasok ko lang ito,” aniya at nagmamadaling iniakyat sa kuwarto niya ang mga bigay nito. Tumatakbo pa siyang bumaba nang makarinig ng mga pagtikhim. Pagtingin niya ay ang tatlong kuya niya iyon na tapos nang mag-dinner. Kasama ng Kuya Hilton niya si Genevieve na fiance na nito. “Mga kuya, may pupuntahan ako.”
“Hindi ka man lang nagpaalam?” Nakakunot ang noo ng panganay na kuya niya.
“Sinong kasama mo?” Nakasimangot ang Kuya Wyndham niya.
“Relax, mga kuya,” nakangising awat ng Kuya Marriott niya. “Kasama niya ang boyfriend niya, Lucas Lagdameo ang pangalan.
“Boyfriend?”
“Si Lucas?”
Natataranta siyang nagpaliwanag sa mga kuya niya na hindi naman official. Pag-uusapan nila iyon nang masinsinan dahil hindi pa siya sigurado. Nahirapan pa siyang magtahi ng kuwento dahil magkakagulo kapag nalaman ng mga kuya niya ang pinaggagawa ng mga ito. “Kailangan po muna naming pag-usapan.”
“Dapat lang,” mataas na ang boses ng kuya niya.
“Sinasabi ko sa ‘yo, Pamela,” babala ng Kuya Wyndham niya. Marahil ay alam na nitong hindi na single si Lucas.
“Pabayaan niyo munang mag-usap iyang dalawa. Malalaki na iyang mga iyan. Saka tayo kumilos kapag official na talaga sila,” seryosong sabi ng Kuya Marriott niya.
“Thank you, kuya,” aniya at nagmamadali nang lumabas ng bahay. Naroon pa rin si Lucas na muling ngumiti nang makita agad siya. “Pasensya na at natagalan ako sa paglabas. Kinausap din ako ng mga istrikto kong kuya eh.”
“G-ganoon b-ba? Kakausapin na ba nila ako?”
Napakunot na siya ng noo dahil parang natataranta na ang binata. “Hindi pa naman kasi sinabi kong hindi naman din tayo official. Mukhang ikinuwento ni Kuya Marriott. Sinabi ko lang na pag-uusapan pa lang natin dahil pinag-iisapan ko.”
“G-good. Halika na,” anito at ipinagbukas na siya ng pinto saka nagmaneho papuntang restaurant sa Estrella.
Nag-dinner na sila at habang hinihintay nila ang dessert, nagsalita na siya. “Linawin mo na ngayon, Lucas.”
“Truth is, Maureen left for the States again. After she told me she would stay here for good, she decided she wanted to think about pursuing her masters degree in the US. I didn’t know what she wanted to do with my life, with me. I don’t want to wait for her anymore.”
“Pag-iisipan pa lang naman pala.” Sinusubukan niyang umaktong casual kahit gusto niya nang sampalin ang lalaki. Lumalabas na ginagawa na lang din siya nitong diversion, panakip-butas. Iyon ang pinipilit pang itanggi nito. Hayun at siya ang kinukulit tuwing bibitawan sa ere ng nobya nito.
“H-hindi na naman iyon babalik. B-baka sigurado na naman siya.”
“Kaya ako naman ang gusto mong maging kapalit?” Nakataas ang isa niyang kilay.
“N-no, it’s not like that. I really like you.”
“But you love her.”
“M-mawawala din siguro agad iyon kapag naging girlfriend na kita.”
“Teka lang ha. Last time we talked, you no longer wanted to become my boyfriend because she was back. You realized you didn’t stop loving her. So because she’s now in the US, you want to come back to me.”
“L-let me explain.”
“Nagegets ko ang takbo ng gusto mong mangyari. Gusto kong maging totoo sa ‘yo. Asshole ka, sa totoo lang, Lucas, sigurista, hindi alam kung ano ang gusto talaga. Gusto mo ako pero mahal mo siya. Hindi iyon patas.”
“G-galit ka? S-sorry,” nahihiyang sabi nito sa kanya.
Galit siya at nasasaktan sa ginagawa nito pero hindi niya ito bibigyan ng satisfaction na malaman iyon. Magagamit nito ang kahinaan niya. Madali itong makakaisip ng tactics. Lalambingin lang siya nito at kukulitin. Siya namang si tanga ay papayag na naman. Masama ang loob niya noong nakaraan pero feel na feel niya pa ang pakikipagniig dito ng ilang beses. Ang dali niyang nagpadala sa tuksong si Lucas Lagdameo. “Hindi naman. Hindi naman kasi ako sigurado rin, Lucas.”
“So anong gusto mong gawin natin sa isa’t isa?”
“Ikaw ang dapat na nakakaalam niyan, hindi ba? Umiiwas ako last time dahil may girlfriend ka na at ayokong magmukhang third party. Pumayag na nga ako maging friends tayo pero wala pang one hour ayan na sex na tayo nang sex.”
“K-kaya nga girlfriend na kita.”
“Mahirap nga iyon dahil mahal mo ang Maureen na iyon. Magiging rebound relationship lang iyon. Pwede mo akong masaktan kapag na-in love ako sa ‘yo?”
“Hindi ka pa ba in love ngayon sa akin?”
“Lucas…”
“Kung hindi ka in love, eh ‘di I’ll make you fall in love with me. You’ll make me fall in love with you. Mas maganda iyon kasi mas magiging buo ang relationship natin. I want you. You want me. I’m sure of it. Madali na iyon. I admit, I already bedded many women before. Pero iba ka. Hindi ko maintindihan. Basta. Please let me make you fall in love with me. I promise you, I’ll be your loyal boyfriend.”
“Naku, Lucas, delikado ang pinaplano natin, sa totoo lang. I have an excellent suggestion.”
“Go ahead, sweetheart.”
“Maka-sweetheart ka diyan ha. Fine, nagmukha na akong third party at nahihiya ako kay Maureen. Two months lang naman ang hinihingi niya. Habang wala pa naman siya, hintayin mo ang two months. Kapag natapos na ang two months, hindi pa siya bumalik, saka tayo mag-usap ulit diyan para mapag-isipan natin.”
Nag-isip pa ito nang ilang sandali saka agad tumingin sa kanya. “Deal,” anito at inilahad ang kanang kamay.
“Deal,” nakangiti niya sabi. Iyon na ang pinaka-safe na choice para hindi na muna siya kulitin nito. Mahirap magalit sa lalaking ito lalo na mukha itong batang may kasalanan habang nagso-sorry at nagpapaliwanag sa kanya.
“While we’re at it, we should meet as often as we can.”
“Why is that?”
“Mag-date na muna tayo. Malay mo, mag-click talaga tayo.”
“Iyan ang pag-iisipan ko dahil technically, may girlfriend ka pa.”
“I see.”
“Ihatid mo na ako pauwi dahil may pasok pa tayo pareho bukas.” Nakangiting agad na ang binata. Ang dami nitong kuwento habang nasa biyahe sila at maya’t maya ay hinahalikan pa ang mga kamay niya na ayaw nitong pakawalan. Nang makarating sila bahay nila ay nagpasalamat siya pero bago pa siya makababa ay kinabig siya nito saka siniil ng halik na agad niya tinugon.
“You will go out with me tomorrow, sweetheart,” sabi nito sa pagitan ng mga halik.
“Yes.”
“Promise?”
“Promise,” aniya.
“Yehey,” sabi nitong ngiting-ngiti nang pakawalan siya.
“Hoy!”
“Walang bawian, sweetheart. We will have a date. Ayos ha! I’ll pick you up at seven in the evening. See you again tomorrow,” anitong nakangiti na.
“Ang daya mo talaga, Lucas!” Natatawang kinurot niya ito sa tagiliran saka pinaggigilan ang mga pisngi. Agad na siyang bumaba ng sasakyan nito at pumasok ng kuwarto niya at pinag-isipan ang date nila.