Chapter 7

ANA’s POV

“Ana, ayaw mo bang lumabas at makalanghap ng sariwang hangin?”

Nang makita ko si Paris na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko, ngumiti ako sa kanya. Hindi rin ako sigurado kung gaano na ako katagal dito sa hacienda simula nang malaman ko ang totoo sa relasyon namin ni Mateo.

Simula rin no’n, nagkulong na lang ako sa kwarto at wala akong kinakausap maliban na lang kay Paris at Martin. Kaya nga lang parang nagiging pabigat na ako sa kanila, at hindi na nila na-eenjoy ang kanilang honeymoon.

Bumuntong hininga ako at ngumiti kay Paris. “I’m sorry, nagiging pabigat na ako sa inyo ni Martin. Dahil sa akin, hindi na kayo nakakapag-honeymoon.” Sambit ko. Nahihiya na nga ako sa pang-iistorbo ko sa kanila.

I know her. Martin introduced her to me, but I had a feeling they were a couple because of their closeness. Nakakahiya nga na naging sagabal pa ako sa kanilang dalawa.

Dahil sa sinabi ko, napakunot ang noo ni Paris. “Huh? Martin and I are not married and I’m her friend!”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at tinakpan ko na lang ang bibig ko dahil sa mga kalokohan ko. Natawa naman si Paris dahil masasabi niyang nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. Damn!

“It’s okay. Many people have suspicions about us, but I swear we’re not married; I like someone else, and he likes someone else,” sambit niya habang papasok sa kwarto ko. I try not to look at her kasi nahihiya ako, baka isipin niya na chismosa ako. Gosh!

Umubo si Paris para makuha ang atensyon ko kaya humarap naman ako sa kanya. “Hindi mo ba naaalala si Martin?” tanong niya. Natigilan naman ako sa tanong niya.

Isa ‘yon sa mga tanong niya na hindi ko masagot. Dahil ako rin, hindi ko alam ang sagot.

Nagkita na nga ba kami dati ni Martin? I don’t know kasi hindi ko maalala kung nakilala ko na ba siya dati. At mayro’n din akong nakitang portrait ng isang babae na kamukha ko sa sala ng mansion. Hindi ko naman maitanong kay Martin dahil nahihiya ako sa kanya baka isipin pa no’n na nakikialam ako sa mga gamit niya rito sa mansion.

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin ako kay Paris pero umiling naman ako dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Tumango naman siya sa’kin at napahawak sa labi. “Ayoko sanang makialam pero… Hindi mo ba sinubukang makaalala?” Tanong niya habang nakatitig sa’kin dahil mukhang hinihintay niya ang sagot ko.

Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa glass wall ng kwarto ko.

“I’m trying, pero sumasakit lang ang ulo ko.” Natawa ako habang naiiling. “Ginagawa ko naman ang lahat para makaalala, at malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari sa’kin, 5 years ago.” Huminga ako ng malalim at kumuyom ang mga kamao ko. “Kung bakit ako nandito, at bakit si Martin ang kasama ko sa halip na ang asawa ko?” Tanong ko, at pilit kong ngumiti sa kanya.

Bumuntong hininga siya, at lumapit siya sa akin. “Hmm… Mas gugustuhin kong hindi pangunahan si Martin, pero hindi ako yung tipong naglilihim.” Sambit ni Paris habang nakatingin ako sa kanya.

“Hindi ako sigurado, pero hindi ba ang asawa mo ay si Mateo Villalobos, ang anak ni Levy?” tanong niya. Tumango ako sa kanya, at tumango naman siya pabalik. “Ang natatandaan ko lang noon, nang nagkaro’n ng balita tungkol sa nangyari sa dating daughter-in-law ni Levy, ay yun din yung taon na nanalo sila sa election.” Napahawak si Paris sa baba niya habang nakakunot ang noo na tila inaalala ang mga pangyayari noon.

“Yun din ang taon na ipinakilala ang model na si Chloe Cain bilang bagong asawa ng kanyang nag-iisang anak, Mateo Villalobos.” Dagdag niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa pero napaiwas lang ako ng tingin sa kan’ya.

Ang taon na inakala nilang namatay ako ay ang taon din nilang ipinagpatuloy ang kanilang mga plano sa kasal. Bakit nangyayari ito sa akin? Hindi ako sigurado kung paano ako maniniwala sa lahat ng sinasabi nila. Hindi rin ako sigurado kung ano pa ang dapat kong maramdaman.

“Ang nangyari sa ‘yo ay nasa buong balita, at ang kotse na sinasakyan mo ay nawalan ng preno,” sambit ni Paris. “Dahil sa malakas na ulan, at ang kotse na sinasakyan mo ay nadulas at nahulog sa bangin, na nagtangkang pumatay sa ‘yo at ang balita pa nakasama ka sa pagsabog ng sasakyan.”

Natigilan ako sa sinabi niya, at parang may pumasok na imahe sa isip ko na hindi ko alam. Napapikit ako ng mariin dahil sumasakit ang ulo ko. At ilang mga imahe ang pumasok sa isipan ko. Sinubukan ko namang alalahanin o linawin kung anong imahe ang pumasok sa isipan ko, pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

“Ahh!” sigaw ko. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil ang daming imaheng pumapasok sa isip ko. Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni Paris.

“Damn, Ana! I’m sorry! I shouldn’t have told you! Damn! What should I do? Should I call Martin? Damn! He’ll be mad!” I closed my eyes and held my head up. “Damn! Ana!”

Please, stop!

Ipinikit ko pa lalo ang mga mata ko, pero hindi ko maalis ang mga malabong imahe na pumapasok sa isip ko. Ano ‘yon? Ano ang mga larawan na nakita ko? “Ahh!”

Hinawakan ko ang ulo ko na sobrang sakit na parang nahahati.

“Injection!”

Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa kama ko at may nag-inject sa braso ko. Nanghina na ako at nanlalabo na rin ang paningin ko… “A-anong nangyari sa ating dalawa, Mateo?”

***

THIRD POV

“Damn! What happened?!” sigaw ni Martin kay Paris.

Dahil sa sobrang galit ni Martin, napapikit si Paris dahil hindi rin niya alam ang sasabihin. Wala rin naman siyang choice kun’di tawagan ang lalaki, kahit alam niyang magagalit ang binata dahil sa nagawa niya.

“What happened to her?!” tanong ni Martin.

Kinagat ni Paris ang ibabang labi at napansin ang pagpasok ng mga kasambahay sa mga kwarto dahil nasaksihan nila ang galit ni Martin. Humarap si Paris kay Ana na walang malay.

Huminga sya ng malalim. “I-I’m sorry I told her about the accident, but I didn’t expect her reaction to be like that,” sambit ni Paris, idinagdag na rin niya na naiinis din siya sa sarili dahil muntik nang mapahamak si Ana dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Kumunot ang noo ni Martin. “What did I tell you, Paris? You have nothing else to tell to Ana! You disobey me!” sigaw ni Martin sa kan’ya. Muling kinagat ni Paris ang ibabang labi, at ipinikit ang kan’yang mga mata dahil alam niyang may kasalanan din siya.

‘Dahil marami kang sinasabi, Paris.’ She just pouted her lips at hindi na sumagot pa kay Martin na galit parin sa kan’ya.

“Calm down, bro.” si Cole, ay isa sa mga kaibigan nila, na pinapakalma naman si Martin. “This is a sign for Ana to remember everything,” sambit niya.

Alam ni martin na mas mabuting palitan ang doktor ni Ana dahil wala siyang tiwala sa mga doktor na naghahanap sa kanya. Kaya naman, tinawagan niya ang kaibigan para tingnan ang kalagayan ni Ana.

Natahimik naman si Martin at ibinalik ang tingin kay Ana. “So… she has amnesia?” tanong ni Martin na ikinagulat ng kan’yang mga kaibigan.

Parehong kumunot ang noo nina Paris at Cole. “What the f-ck, bro? Malamang!” sambit ni Cole.

“I was thinking…” napailing na lang si Martin. “So, how is she?” tanong ni Martin, at pareho silang nakahinga ng maluwag.

“That’s the sign that the memories she lost may return. You should prepare or tell Ana what really happened to her before she discovers the truth.” Sambit ni Cole. Sumang-ayon si Paris sa kan’ya dahil kailangang maalala ni Ana ang lahat bago gawin ang matagal na nilang pinaplano.

Bumuntong hininga si Cole. “Don’t make her suffer. She’s already suffering too much; as far as I can tell, her strength is gradually returning, and it won’t be long before she’s going back to normal,” sambit niya. Tumango si Paris bilang pagsang-ayon kay Cole.

“If you want your plans to succeed, you must wake up Ana from her nightmare.” Sambit naman ni Paris. Sinamaan siya ng tingin ni Martin, at nag-pout lang siya dahil alam niyang galit pa rin sa kan’ya si Martin.

“We’re leaving first. Call us if you need anything.” Tinapik ni Cole ang balikat ni Martin habang palabas sila ng kwarto ni Ana.

Napabuntong-hininga naman si Martin, at nag-iisip siya ng ilang minuto kung ano ang kan’yang gagawin. Nakatitig lang siya kay Ana at hinawakan ang labi niya bago tumayo at nagdial sa phone niya.

(“President?”)

“Do as I say. Finish all the documents because I need them.”

(“Yes, immediately, President.”)

Binaba na ni Martin ang phone at humarap kay Ana. “They are right. We must carry out my plans for you to exact revenge on them for what they did to you. I will not let them step on you again,” sambit ni Martin habang hinahaplos ang buhok ni Ana.

Hindi niya alam na gising na si Ana at nakikinig lamang sa kan’ya.

‘Ano ang dapat kong malaman kung ano ang nangyari, 5 years ago?’

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like