Chapter 6

THIRD POV

“Sir! May babaeng nanggugulo sa labas!” sabi ng kanyang sekretarya habang naglalakad papasok sa kanyang opisina.

Napatigil si Martin at napangisi. Hinarap niya ang sekretarya niya na naghihintay ng order niya.

“Sir, may I allow her?”

Tumango siya sa sekretarya niya na yumuko bago lumabas ng opisina niya. Sumugod sa opisina niya ang babaeng nanggugulo sa labas.

“Martin!” galit na pumasok ang babae sa loob mismo ng opisina niya.

“What do you want—” He didn’t finish what he was saying when the business proposal that he didn’t want to sign was thrown at him.

“What does this mean? Why haven’t you signed yet? This is not what we’re talking about!” sigaw ni Chloe sa kanya. Pag gising niya sa isang hotel, walang Martin sa kwarto at walang signature from him on a deal they had.

“I didn’t say that I would also sign Mrs. Villalobos,” sambit ni Martin, na lalong ikinagalit ng babae.

Lumapit si Chloe sa mesa at pinaghahampas ito dahil sa inis na sinira ng lalaki ang pangako niya.

“I agree with what you want just because of our agreement, Martin!” sigaw ni Chloe at kumuyom ang mga kamao niya. Sana pala hindi na siya pumayag sa alok ng binata sa kan’ya.

Hahayaan niyang mabulok ang business proposal ng asawa niya kung alam niyang pinaglalaruan lang siya ni Martin. Hindi rin niya alam kung kailan babalik sa dating sarili si Mateo na hindi pa rin makapagsalita. Siya tuloy ang gumagawa ng trabaho na dapat ay ginagawa ni Mateo.

Nang marinig ni Chloe na tumawa si Martin, napatigil siya sa pag-iisip at tumingin siya sa binata.

“Did I hear correctly? You just agreed to what I want because of a deal?” Martin laughed as he stood from his seat and loosened his necktie.

Nilingon niya si Chloe na naiinis pa rin sa kanya at naglakad siya palapit sa babae na napaatras naman para iwasan siya.

“Do you know I just used you?” Asked Martin with a smirk on his lips. “But I never said I would sign your husband’s business proposal.” He came closer to Chloe and caressed her face and whispered, “Will your husband die if I don’t sign the paper?” he asked.

Nanlaki ang mga mata ni chloe nang mapagtanto niya ang sinabi ni Martin sa kanya.

Naglagay naman siya ng space sa pagitan nila at umiling. “W-what?” nauutal na tanong niya. “So, Martin, wala lang ang nangyari sa atin sa hotel?”

Nang makita ni Martin ang reaction ni Chloe, ay napataas ang kilay niya.

He sighed and smirked as he lost interest. “Oh, come on, Miss Chloe, I never said I’d agree to our deal,” he said as he walked back to his desk to get back to work.

“If you have nothing to say, you can leave,” Martin told Chloe, who was becoming annoyed as she realized he was no longer interested in talking to her.

Naikuyom ng dalaga ang kamao, at namumula ang mukha sa galit.

“I will sue you! You have no shame! Tatandaan mo ang araw na ‘to!” sigaw ni Chloe sa kanya. Tumalikod na siya para umalis, ngunit napatigil siya nang marinig ang sinabi ng lalaki.

“Was that what you said to Miss Ana before she died?” tanong ni Martin. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalang matagal na nilang nakalimutan.

Muli niyang hinarap si Martin dahil hindi siya makapaniwala na alam ni Martin ang pangalang binanggit.

“W-what? H-how did y-you know?” nauutal na tanong niya. Nang makitang muli ni Martin ang reaksyon nito ay ngumisi siya at sumandal sa kanyang swivel chair.

“Do you think I’m a fucking idiot? Do you think I know nothing about my territory?” tanong ni Martin. Napalunok siya. Hindi siya makasagot sa binata dahil nauubusan na siya ng sasabihin.

“Miss Ana Bernardino was found dead on a cliff, right? And she was Mr. Mateo Villalobos’ ex-wife. I believe it was foul play,” Martin added. Nanginginig si Chloe at halos mamutla sa takot.

Napailing si Chloe at naikuyom ang kamao. “What does that have to do with me? I don’t know who she is!”

Tumango si Martin kay Chloe at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Hinawakan niya ang labi niya at ngumisi.

“I just don’t want a crime to happen in my territory, and I don’t want trouble in my town. Go leave!” sambit ni Martin.

Dahil sa takot, tumakbo si Chloe palabas ng opisina niya. Naguguluhan ang mga empleyado kung bakit siya umaalis na parang nakakita ng multo. Napangisi  na lang si Martin ng makitang tumakbo palabas ng kumpanya si Chloe na nanginginig at takot na takot.

“Just run and run. No one can get away from her, and I will wait for the day you fall into her hands,” said Martin, as he sipped his glass and looked at Chloe as she left his company.

Pinaandar ni Chloe ang kanyang sasakyan papunta sa mansyon ng Villalobos para sabihin sa nanay ni Mateo ang nangyari nang magkita sila ni Martin.

“Good morning, Mrs. Chloe!” bati sa kanya ng mga kasambahay sa mansyon, pero hindi niya pinansin lahat at dumiretso sa garden kung saan ang ina ng asawa niya.

“Oh, why are you here?” tanong ni Caridad, habang umiinom sa kanyang tasa. Tumango si Chloe at umupo sa harap niya.

Huminga ng malalim si Chloe. “Mama…” Nabalisa siya, at nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay. Natigilan si Caridad nang mapansin niyang namumutla at natatakot si Chloe.

“What happened, huh? Has Don Martin signed the business proposal yet?” nakangiting tanong ni Caridad, ngunit umiling lang si Chloe at hinawakan niya ang kamay ni Caridad.

“Sa palagay ko may alam si Don Martin tungkol sa nangyari, 5 years ago, mom,” sambit ni Chloe. Nagulat si Caridad sa kanyang narinig, at nanlaki ang kanyang mga mata.

Tumingin siya sa paligid at muling hinarap si Chloe. “Wait, what? Shh!” Saway sa kanya ni Caridad dahil baka may makarinig sa usapan nila.

“Anong sinasabi mo, may alam si Don Martin?” tanong ni Caridad. Nagulat siya nang mapansin niyang umiiyak si Chloe.

“I-I d-don’t know! He knows Ana! He knows about Ana! How did he know about the incident?!” natatarantang tanong ni Chloe. “Mom! I-I’m scared!” Natataranta siya habang ginugulo ang buhok niya.

Dahil hindi makapagsalita ng maayos si Chloe ay pinatahimik siya ni Caridad.

“Calm down! Walang alam si Don Martin tungkol sa pangyayari!” inis na sambit ni Caridad. “Of course, he knows Ana! She became Mateo’s wife, but that’s all!” Sigaw niya sa kanya. Napatigil si Chloe at pinunasan ang kanyang mga luha dahil hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya.

“I-I’m scared! If only we can get rid Don Martin out of our way.” Nanlaki ang mga mata ni Chloe at muli siyang humarap kay Caridad. “We need to do something! What happened 5 years ago will be forgotten!” sigaw niya habang nagpapanic.

“Let’s do it, mom! Use your power—” Natigilan si Chloe ng sampalin siya ni Caridad para magising kaya napahawak na lang siya sa pisngi niya. “M-mom…?”

“I said, calm down, okay? Hindi na mabubuksan ang nangyari 5 years ago! Patay na si Ana! Matagal nang patay si Ana, kaya matagal nang nakabaon sa lupa ang nangyari!” sigaw ni Caridad, dahil pati siya kinakabahan sa mangyayari.

“Gagawa ako ng paraan para hindi malaman ni Don Martin ang nangyari 5 years ago! Masisira ang reputasyon ni Levi kapag nalaman ito ng publiko!” dagdag pa ni Caridad. Nanatili namang tahimik si Chloe dahil nakikita niyang galit na ang kanyang biyenan.

Nang marinig nilang magsalita si Mateo, nagulat sila.

“What happened 5 years ago?” tanong ni Mateo. Nanlaki ang mga mata nila habang nagpapalitan ng tingin bago humarap kay Mateo. Sana ay hindi narinig ni Mateo ang kanilang pinag-uusapan.

Napakunot naman ang noo ni Mateo nang mapansin niyang nagulat ang kanyang asawa at ina sa kanyang pagdating.

Tanong niya ulit sa kanila, “What happened 5 years ago?”

Hindi sumagot ang kanyang ina at ang kanyang asawa na lalong ikinairita niya. “Chloe? Mom?” Napalunok at tumawa sina Caridad at Chloe, para hindi mahalata ni Mateo ang kaba nila.

Tumayo si caridad para lapitan ang anak. “It’s nothing, he-he. We were talking about your father’s campaign 5 years ago,” Paliwanag ni caridad. Tumingin siya kay Chloe para kumpirmahin ang sinasabi niya.

“Oh, yes. That’s right. He-he.” Sambit ni Chloe, habang nag-aalala pa rin na baka may narinig ang asawa niya.

Napatingin si Mateo sa kanila, at tumango naman ito na parang sang-ayon sa sinabi nila, at lumakad na ito palayo sa kanila. Nakahinga naman sila ng maluwag nang mag-walk out na si Mateo sa harap nila dahil mukhang wala namang narinig si Mateo sa pinag-uusapan nila.

Humarap si Caridad kay Chloe. “Follow Mateo. Let’s talk again when I confirm with Don Martin if he really knew something 5 years ago,” sambit niya, at iniwan na niya si Chloe.

Naikuyom naman ni Chloe ang kanyang kamao dahil naalala ang pangalan ng isang tao na matagal na niyang nakalimutan. Matagal nang patay ang taong iyon kaya hndi na siya dapat magpaapekto pa dahil wala namang makakaalam sa nangyari.

“Tama si Mommy Caridad. Patay na si Ana, at ang mga patay na ay hindi na muli pang mabubuhay.” Bulong niya.

Huminga siya ng malalim bago sumunod sa asawa, at itatabi na muna niya sa isip niya ang nangyari dahil kailangan niyang gawin ang lahat para mahalin siya ni Mateo.