Chapter 3

THIRD POV

“Wait for me Mateo!”

“Mateo!”

“Huh?”

Napatingin sa paligid si Mateo at napasapo na lang siya sa noo ng maalala niyang nasa bar siya kasama ng mga kaibigan niya.

“Kanina ka pa namin tinatawag, pre. Pero nakatulala ka lang d’yan na para kang na hynopsis!” sigaw ng kaibigan niya at hinawakan siya sa balikat. “Are you sure you’re okay?”

Napatango na lang siya at napasabunot sa buhok niya dahil hindi niya alam pero parang may bumulong sa kan’ya.

Ilang gabi na rin siyang binabangungot tungkol sa nakaraan nila ng dati niyang asawa at hindi rin niya alam kung isa ba yung pangitain o isa yung alaala. Sobra siyang nagsisisi dahil sa isang pagkakamali na nawala ang kan’yang asawa.

Kung may pagkakataon lang na makahingi siya ng tawad ay gagawin niya basta bumalik lang ang asawa sa piling niya.

“A-Ana, I-I’m sorry…”

Pagdating naman ni Martin sa Royale, maraming mga negosyante ang sumalubong sa kaniya dahil after ng mga ilang taon ay nagbalik na si Martin sa Royale.

“Martin, It’s been a long time!”

Napangisi siya ng makita ang dalawa niyang panauhin.

Si Levy Villalobos ang bagong leader ng San Alfonso at ang First lady na si Donya Caridad Villalobos.

Umupo siya sa harapan ng mga ito at inabutan siya ng isang kopita ng kanyang tauhan.

“It’s been a while. I realize it is too late, but congratulations on becoming the new leader of San Alfonso.” Nakangising bati ni Don Martin kay Don Levy.

“How lovely. Thank you so much for your support.” Nakangiti ngunit mahinhin na sambit ni Donya Caridad. Tumaas lang ang kilay ni Martin pero ngumisi rin s’ya.

“Iisa lang naman ang hangarin natin ang mapaunlad ang bayan natin, ‘di ba?” natatawang tanong ni Don Martin sa kanila na kinabigla nila at napalunok na lang at nakisabay na rin ng tawa sa batang Don.

“My late father left me all of the Montecillos’ property to grow and develop properly, providing a future for our constituency. He also asked me to support you in developing our town.” Sumandal si Martin at napatitig siya sa hawak niyang baso. “That was my father’s final request. We should work together,”

Nginisihan niya ang kaharap niya na nawala naman ang mga ngiti pero pinilit ng mga itong ngitian si Don Martin.

Kahit na leader at first lady na sila ng bayan hindi pa rin nila mahihigitan ang yaman at kapangyarihan ng isang Montecillo.

“Cheers for the new future of our town!” tinaas ni Don Martin ang wine glass niya kaya napilitan na sumunod ang mag-asawa at pilit din na ngumiti.

“Mr. Mateo Villalobos made a deal with me…” sambit ni Martin. “Why didn’t he follow in your footsteps?”

Napalunok naman si Don Levy at ngumiti ng tipid. “Gusto daw niya mag-negosyo kasama ng pamilya niya,” aniya ni Levy.

Napatango naman si Don Martin sa kanila at ngumisi sa kanila bago tumingin sa paligid saka sinenyasan niya ang mga tauhan niya na umalis muna at iwan sila rito. Naintindihan naman nito ng mga tauhan niya.

“By the way, Don Levy, your former Daughter-in-law died 5 years ago; What was her name again?”

Nanlaki naman ang mga mata ni Levy at Caridad sa gulat at nagkatinginan silang dalawa bago muling tumingin kay Don Martin na naghihintay ng sagot nila.

“Mawalang galang na Don Martin pero personal na ang tinatanong—”

“Caridad.”

“What?”

“Enough.”

Napangisi ng palihim si Don Martin na nagaaway ang dalawa sa harap niya kaya umubo siya para makuha niya ang atensyon ng mga ito.

“I’m sorry; I don’t want to get involved, but won’t that ruin our town?” tanong ni Martin. Napasapo naman sa noo si Don Levy at humingi ng paumanhin kay Don Martin dahil sa inasal ng asawa niya.

“Matagal ng nasarado ang kaso no’n iho. Suicide ang ikinamatay ng daughter-in-law ko.” Malungkot na saad ni Levy. “Hindi ko rin alam kung bakit niya naisipang magpakamatay sa gayong mahal na mahal naman nila ang isa’t-isa at masaya ang pagsasama nila kahit ako nabigla din sa pangyayari.” Dagdag pa nito.

Nawala naman ang mga ngiti ni Don Martin at bahagyang kumuyom ang mga kamao niya. Natigil lang sila ng lumapit si Alexis ang right hand at driver ni Madrtin.

“Master.” Yumuko siya at bumulong, “Ms. Ana is missing.”

Nabigla si Martin kaya napatayo na siya sa kinuupuan niya at napatingin sa bisita niya.

“Martin, may problema ba?”

Napahinga si Don Martin at walang emosyon niyang tinignan ang mga bisita niya.

“We’ll talk again some other times, Don Levy. I’m just going somewhere important.” Seryosong sambit ni Don Martin at mabilis na lumabas ng royale kasama ang mga tauhan nito.

“Alexis, do you know where she is?” seryosong tanong niya sa driver nito na may tracking devices sa sasakyan.

“She’s in the villa, master.”

‘Damn! What are you up to, Ana? Are you causing yourself harm?’ sambit ni Don Martin sa kaniyang isipan at inutos niya sa driver niya na puntahan si Ana.

“Let’s go straight there!”

ANA’S POV

“Nandito na ho tayo, Ma’am.”

Ngumiti ako kay manong driver at inabutan na siya ng bayad bago ako bumaba ng sasakyan.

Napatingin pa ako sa paligid at napangiti ng makitang wala pa ring pinagbago ang lugar kung saan marami kaming alaala ni Mateo. Tumakbo ako patungo sa puno baka kasi nalaman na ni Martin na tumakas ako sa hospital at pinasundan niya ako rito.

Napasilip pa ako sa bahay namin ni Mateo at napangiti muli.

“Wala pa rin pa lang pinagbago ang bahay,” nakangiting bulong ko sa sarili at natigilan ako ng may narinig akong engine ng sasakyan na mukhang patungo rito sa bahay ni Mateo.

Sumilip ako at laking tuwa ko ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Mateo. Ako mismo pumili ng sasakyan niya noon.

Napatago ako ng pumarada sa tapat ng bahay namin ang sasakyan at napasilip ng kaunti.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Mateo ang bumaba ng sasakyan. Napahinga naman ako ng malalim at lumabas na’ko sa pinagtataguan ko para ipaalam sa asawa ko na nandito na ako at buhay na buhay.

Akmang tatawagin ko na siya ng matigilan ako at mapaatras kung sino ang lumabas ng bahay para salubungin ang asawa ko.

Chloe… Anong ginagawa niya sa bahay namin? Bakit magkasama sila?

“Sweetheart, you’re drunk again!”

A-anong…?

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang mga susunod na pangyayari. Naghalikan silang dalawa. A-anong nangyayari? Bakit sila naghahalikan?

Napasandal ako sa puno at namalayan ko na lang na sunod-sunod ng tumulo ang mga luha ko.

M-Martin is right? Totoo ngang kasal na sila?

N-no! This is not true! Please wake up Ana! Nananaginip ka lang!

Napayakap ako sa sarili ng biglang kumulog ng malakas na para bang nagbabadya ang ulan.

“M-Mateo, anong ibig sabihin nito? Nagpakasal ka sa iba? Bakit? Bakit mo nagawa ’to? Ako ang asawa mo!”

Bakit niya nagawa ’to? Ako ang asawa niya! Ako dapat ’yon!

Hindi niya ba alam na buhay ako?  Hindi niya ba ako hinahanap? Ilang taon akong nagtiis na magpanggap, dahil alam kong may babalikan pa ako. Pero… Ano itong nakikita ko?

Hindi pwedeng magsinungaling ang mga mata ko.

Sumilip ako at mas lalong nadurog ang puso ko na may karga siyang bata at masaya silang nagke-kwentuhan na para bang isang buong pamilya. Tumayo ako at lumabas ako sa pingatataguan ko saktong pagpunta ko sa kalsada ang pagpasok nila sa loob ng bahay kasabay ng malakas na ulan.

Hindi na ba ako, Mateo? Wala na ba talaga ako para sa’yo? Si Chloe na ba ang mahal mo? Hindi mo na ba ako mahal?

“Mateo, nandito ako, oh! Nandito ako! Buhay na buhay at bumalik para sa’yo! Bakit hindi mo manlang ako hinintay?”

Napaluhod na ako sa lupa at sumigaw ng malakas kasabay ng pagkulog na para bang nakikisabay sila sa nararamdaman ko.

Nangako ka! Nangako ka sa harap ng dambana na ako lang ang mamahalin mo na Ako lang ang babaeng para sa’yo!

Nangako ka Mateo! Nangako ka!

Ang sabi mo magsasama tayo habang buhay pero bakit mo ako pinagpalit?!

“Bakit?!” napahagulgol na lang ako ng malakas at hindi pinapansin ang malakas na ulan.

Napahinto ako ng may ilaw na tumapat sa’kin at napaangat ako ng tingin. “M-Martin…”

Mabilis siyang lumapit sa’kin at niyakap niya ako ng mahigpit kahit nababasa na rin siya ng ulan.

“Shhh… I’m here,” sambit ni Martin at niyakap niya ako ng mahigpit.

Napasiksik ako sa dibdib niya at napahagulgol na lang ako sa harap niya.

“N-niloko niya ako Martin! Niloko niya ako!”

Pinaghahampas ko siya habang humahagulgol ng iyak. “N-Niloko niya ako!”

He just caressed my back to stop me from crying. “Shhh, I know, okay?”

Napatulala na lang ako at hinawakan ko ng mahigpit ang damit ni Martin. “I-uwi mo na ako Martin!” pagod na sambit ko at tinanguan naman niya ako.

“Sure, Let’s go home.”

Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at sumakay na ng sasakyan.

“Everything will be okay…”

Napapikit ako ng maramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo muli ng mga mata ko habang nakapikit.

You won’t leave me, right, Martin?