Chapter 2
THIRD POV
“Don Martin is here!”
“Magbigay galang kay Don Martin!”
“The patient is awake, Don Martin.”
Napahinto si Don Martin sa tapat ni Doc Agoncillo ang doctor ng pasyente nila.
“How is she?” walang emosyon na tanong niya kay Doc Agoncillo at sinulyapan niya ang babaeng nakaupo sa kama habang nakatulala.
“As you can see, Don Martin, after five years, the patient also woke up. But she didn’t speak. She was just stunned, as if there was no life. That was because of the severe trauma that happened to her.” Marahang paliwanag ni Doc Aragon kay Don Martin.
Napatango naman ang Don at muling sinulyapan ang dalaga na nakatulala lang kung saan. “Alright, let me handle her. You can leave now.”
Tumango naman ang Doctor at yumuko bago umalis sa harapan ni Don Martin.
Napatingin naman si Don Martin sa paligid bago siya pumasok sa inupahang silid at sinarado niya ang pintuan at humarap siya sa dalaga. “That’s enough,” sambit ni Don Martin sa dalaga na biglang gumalaw at lumingon sa kaniya.
“How long will I be here, Martin?” tanong ng dalaga. “I need to get out of here because Mateo needs me.”
Binigyan ni Don Martin ng seryosong tingin ang dalaga bago bumuntong-hininga. “You can leave. But for now, you need to pretend because we still don’t know who is trying to kill you.” Humarap si Don Martin sa bintana at tinitignan niya ang mga taong nagpapahangin sa garden.
Natahimik siya sandali bago siya magtanong muli, “Don’t you remember anything?”
Umiling lang ang dalaga at malungkot na tinignan siya nito. “Mateo is looking for me. I need to see my husband.”
Lumingon si Don Martin sa dalaga at inis na tinignan niya ito. “Do you remember anything prior to the accident?”
“No! Why? Are you doubting me?” tanong nya. “I told you I remembered nothing!”
Napabuntong-hininga si Don Martin sa pagiging pasaway ng dalaga at sakit niya ito sa ulo, 3 years ago.
3 years ago niya na napansin na nagkakamalay na ang dalaga galing sa pagkaka-coma, mabuti na lang di siya ang unang nakapansin kaya nakagawa siya ng plano na patagalin sa hospital ang dalaga upang hindi manganib ang buhay.
Pagkagising nito sa pagkaka-coma pangalan pa rin ng asawa ang binanggit ng dalaga at parang hindi nito maalala ang nangyari bago ang aksidente.
“Gusto ko ng lumabas Martin. Pwede naman ako sa bahay mo. Ayoko rito sa hospital,” pagmamakakaawa ng dalaga sa kaniya.
Tinignan lang siya ni Don Martin at napailing na lang. “You can’t leave until you remember something,” seryosong sambit nito sa dalaga na napanganga naman sa gulat.
“W-what?! Martin naman! Mahirap makaalala!” inis na sambit nito sa kaniya.
Sinamaan naman niya ng tingin ang dalaga na natahimik naman at napanguso na lang sa mismong pwesto nito.
“You have nothing to look back on.”
Natigilan ang dalaga at nilingon siya “W-what are you talking about? He is my husband. I’m going back to him!”
Napabuntong-hininga ulit si Don Martin at umupo ito sa harapan niya. “You are not his wife; the paper you both signed is not legal, so your marriage is void,” paliwanag ni Don Martin. Nagulat naman si Ana sa narinig niya at natulala na lang.
Hindi niya akalain na maririnig niya ito sa mismong bibig ni Martin.
Umiling si Ana at galit niyang tinignan si Martin. “N-no! That’s not true! You’re lying!” nanginginig na sigaw ng dalaga kay Don Martin.
“While you were unconscious, I investigated Mateo Villalobos and discovered that your marriage was fake. And he is now happily married to model Chloe Cain.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa balitang nagpagunaw ng mundo niya. Unti-unting tumulo ang mga luha niya habang nakatulala kung saan.
“I-I d-don’t believe you!” sigaw ng dalaga at pinagbabato siya ng unan nito. “You’re lying! You’re lying! You’re lying!” umiiyak na sigaw nito at mabilis na lumapit si Don Martin sa dalaga at niyakap niya ito pero pinaghahampas siya habang nagwawala. “Tell me, you’re lying!” nanghihinang bulong nito habang patuloy na pinaghahampas si Don Martin.
Napakuyom ang kamao ni Don Martin bago niya kinuha ang injection at mabilis na tinusok sa leeg ng dalaga na agad namang nawalan ng malay sa bisig niya. Hiniga ni Don Martin ang dalaga muli sa kama at napatitig na lang siya rito saka niya pinunasan ang mga luha nito.
“Just be patient and you’ll get out of here soon. And we will destroy the people who hurt you,” hinaplos niya ang buhok ng dalaga habang masama ang tingin kung saan. “We will make them pay for everything they did to you, Ana. And I promise, no one will hurt you again.” Seryosong sambit niya at hinalikan niya ang dalaga sa noo bago siya umayos ng tayo.
Inayos naman niya ang mga unan na pinagbabato ng dalaga at itinago niya ang injection sa kaniyang bulsa at lumabas na ng silid.
Naglakad siya palabas ng hospital patungo sa parking lot kasama ng mga tauhan niya at pinagbuksan siya ng pintuan.
“Let’s go,”
Tumango naman ang driver at nagsimula ng paandarin ang sasakyan paalis ng hospital habang nakatingin naman si Don Martin sa labas ng bintana ng bigla siyang may naalala.
(“President!”)
“Call Villalobos Enterprise’s CEO and tell them I need to see him.”
(“Yes, sir.”)
Pinatay na niya ang tawag at tumingin siya sa mga tauhan niya. “What did you find out about the case? Do you have any information?” tanong niya.
Nilabas naman ng isa niyang tauhan ang isang folder at inilapag ito sa harapan niya. “Tinanggal ang preno ng sinasakyan niya at may nagsabotahe dito para magkaroon ng isang aksidente.” Yumuko sila dahil kulang la ang nakakalap nilang impormasyon. “Sa ngayon ’yan lang muna ang nahanap naming impormasyon,” magalang na sambit ng isa niyang tauhan.
Tumango siya.
“Keep looking for evidence and information. Continue the investigation with no one knowing,” he said. Tumango ang mga tauhan niya at bumaba na ng sasakyan niya.
Tumingin naman siya sa right hand niya at napa crossed legs habang ang mga kamay niya nasa tuhod niya. “Alexis, let’s go to the Royale,” utos niya sa driver niya na ngumisi lang sa kaniya.
Pinaharurot na ang sasakyan patungo sa royale kung saan maraming mga negosyante ang nagsusugal.
Napangisi naman si Don Martin nang makakabalik siya muli sa royale at nando’n ang mahalaga niyang panauhin.
ANA’s POV
“Is she dead, Tita?”
“Of course. Pinatanggal ko ang break ng sasakyan niya. She’s dead now. Wala na ang babaeng hadlang sa mga plano natin at ikaw Chloe darling ay ang bagong magiging asawa ng anak ko.”
“I love it, tita! Matagal na’kong nasusuka sa pagiging mabait sa kaniya!”
Who are you? Where am I?
“Master, may babae po na nasa gilid ng kalsada!”
“What?”
“Yes po! Kamukha ho siya ng babaeng nasa painting!”
“Damn! Take her!”
Anong ginagawa ni Martin dito? Anong nangyari sa’kin?
“The patient is currently in a coma, Don Martin. She was severely injured when she fell off the cliff. We’ll just have to wait for her to regain consciousness.”
“Damn, do whatever you can to keep her alive!”
“Yes, Don Martin.”
Patay na ba ako?
“Hindi ka pa maaaring mamatay, Ana. Maghihiganti pa tayo sa mga nanakit sa’yo. Kailangan mo pang matuklasan ang mga lihim sa buo mong pagkatao.”
Napabalikwas ako ng bangon at napahawak ako sa dibdib ko. What on earth was that? Is that a nightmare? Why do I feel so real?
Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko maalala kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Bakit ako naririto sa hospital at bakit hindi manlang ako dinadalaw ng asawa ko?
W-wait… “You are not his wife; the paper you both signed is not legal, so your marriage is void,”
No! That’s not true! Totoong kasal kami ni Mateo!
Ang naalala ko noon pumirma ako sa isang marriage contract na alam kong hindi isang fake.
Right! Martin is lying.
Napahinto ako ng makarinig ako ng yabag na para bang papunta rito sa silid ko kaya napaayos ako ng upo at napatulala na lang.
Hindi pwedeng malaman ng iba na matagal na akong nagising mula sa pagkaka-coma dahil baka magalit pa sa’kin si Martin kapag nagpasaway ako at baka rin hindi niya ako palabasin ng hospital.
“Nakatulala pa rin ba siya?”
“Oo. Nakakaawa nga eh.”
“True!” sambit ng nurse. “I heard na confidential daw yung impormasyon ng babaeng na coma ng limang taon,”
“Oo. Tanging si doc at tayong mga nurse lang ang maaaring makapasok sa silid para tignan siya,”
“Ano kayang nangyari sa kaniya?”
“Shh! Kahit nakatulala ’yan naririnig tayo n’yan! Baka makarating pa ito kay Don Martin na pinagchichismisan natin ang pasyente at baka masisante pa tayo,”
“I’m curious!”
“Ako rin naman!” segunda naman ng isa pang nurse. “Pero pagiging nurse lang ang trabaho natin dito.”
Napansin ko naman na nakapasok na sila rito sa silid ko at nilapitan ako.
“Paliguan natin siya. Ang sabi ni Doc linisan daw natin araw-araw ang pasyente gaya na rin ng utos ni Don Martin,”
“Sure!”
Pinagtulungan nila akong buhatin para maidala sa banyo para paliguan. Hindi ko alam kung ano ba ang mga utos sa kanila ni Martin.
Pagkatapos nilang ako linisan binihisan nila ako ng hospital dress at muli akong pinaupo sa kama at sinuklayan ang buhok ko habang pinapatuyo nila.
“She’s pretty! Nakakainggit!”
“Yeah! Lumalabas ang ganda niya!”
“Mas maganda pa nga siya sa modelong si—Ano nga ulit pangalan n’ya?”
“Chloe Cain.” Sambit ng babae. “I don’t like her.”
Chloe… I know her. She’s my best friend kaya alam kong hindi niya ako tataluhin alam kong hindi niya magagawa sa’kin ang paratang ni Martin na ikinasal na sila ng asawa ko.
I know her more than Martin do.
“Okay! We’re done here!” napapalakpak pa sila. “Please, get some rest, Ms. Ana,” nakangiting sambit ng nurse at inalalayan nila ako na mahiga sa kama saka ako kinumutan.
“Kumain na tayo! Tapos na rin ang ship natin!”
“Ay, bet ko ’yan! Let’s gooo!”
Narinig ko na lang ang mga yabag nila palabas ng silid ko at pinatay nila ang ilaw bago sinarado ang pintuan. Ilang minuto pa ang tinagal ko at sinigurado na wala na talaga sila at wala ng papasok sa silid ko saka ako nakahinga ng maluwag.
Bumangon na ako at sinuot ang tsinelas na iniwan ni Martin dito para raw makapaglakad-lakad daw ako rito sa loob ng silid ko. Napatayo ako at napahinga ng malalim bago ako magpaikot-ikot rito sa loob ng silid ko.
Naboboring na ako at gusto ko ng makalanghap ng simoy ng hangin. Natigilan ako at napangiti na lang sa naiisip kong gawin…
Pupuntahan ko si Mateo!
Right! Pupuntahan ko ang asawa ko para ipaalam na buhay ako.
Kinalkal ko ang bag na dala ni Martin at nakahanap ako ng jacket at iilang pera hindi na ako makapaghintay na makita si Mateo baka kasi nagaalala na siya sa’kin at hinahanap na niya ako. Nagsisinungaling lang ’tong si Martin sa’kin.
Kumuyom ang kamao ko. Magkikita na rin tayo, Mateo, wait for me.
A/n: Kapag sinipag ako. Hahatiin ko ang isang chapter kapag mahaba ang word count. Hehehehe. Happy reading!!!