Chapter 11

CIARRA'S POV

Bakit naman ang bango? Medyo masikip pa. Sa pagkakatanda ko maluwag yung kama ko

Kinapa ko yung nakapatong sa bewang ko, medyo mabigat kasi.

Kinakapa kapa ko palang ito nang biglang gumalaw. G-gumagalaw?

Napamulat ako ng wala sa oras at tinignan ang nakapatong sa bewang ko.

Kaninong kamay to? Dahan dahan akong tumagilid at hinarap si...

"Enlil..."

Hala! nakalimutan ko dito pala ako natulog sa kwarto niya kagabi.

Tatanggalin ko na sana yung kamay niya kaso biglang humigpit at mas hinila ako palapit sa kanya.

"E-enlil... gising kana?" wala akong natanggap na sagot.

Baka akala nito unan ako. Ang lapit ko sa lalamunan niya, natural na amoy niya ba 'to? Bakit ang bango?

Dahan dahan ko ulit na tinanggal ang kamay niya pero mas hinihigpitan lang niya ang yakap sa bewang ko.

Paano ko ba tanggalin to?

Nasa ganong sitwasyon kami nang biglang bumukas ang pinto, sa gulat ko ay pabato kong tinanggal ang kamay ni Enlil sa bewang ko, tumalikod ako sa kanya at nagkunwaring tulog.

"What the fuck?!" Inis sa singhal niya at naramdaman kong bumangon siya

"Master Enlil, gusto pong lumabas ni young master shin ngayon" batid kong si sir Terri 'yon

"Fine, whatever. I don't care" kakagising palang pero napaka sungit na

Narinig kong bumukas at nagsara ang pinto, naramdaman ko ding bumangon si Enlil. Naramdaman ko ding nagpunta siya dito sa harap ko, ano na naman gagawin niya?

"Jeez this woman" sabi niya at marahang hinaplos ang pisngi ko.

Narinig kong may nagsarang pinto kaya dali dali akong bumangon

Shit! Yung puso ko. Hindi na ako nag sayang ng oras at dali dali ding lumabas ng kwarto ni Enlil

"C-cia? Ba't nasa-" Hindi ko na pinatapos magsalita si merlyn at hinila ko nalang siya paalis.

Hinila ko lang siya paalis hanggang sa makarating kami sa storage room

"Cia bakit ka ba tumatakbo?" hingal na tanong niya sakin

"Tinatakbuhan ko kasi si Enlil" sagot ko at naghabol ng hininga

"Bakit? May kasalanan ka?"

"W-wala... hindi ko alam"

"Ano ba nangyari?"

"Nagising kasi akong naka yakap siya sa bewang-"

"Kyaaaaaaaaah! Seryoso?! Yiiiieeee"

"Sshh" sita ko sa kanya at tumingin sa paligid

"Ay sorry, seryoso? Aaaaaack" kilig na kilig na sabi niya

"Hindi pa ako tapos"

"Ay sorry, yiiieee. Sige ituloy mo"

"Naka yakap siya sa bewang ko pagkagising ko, tapos biglang pumasok si sir Terri kaya pa bigla kong natanggal yung kamay niya, nahulog ata siya sa kama. Galit ata siya" nakangiwing kwento ko

Tinignan lang ako ng nanlolokong tingin ni merlyn "Sabi na nga ba may special something kayo si master Enlil eh! Yiiiieeee" sundot pa niya sa tagiliran ko

"Huy! Wala ah"

"Eh bakit nasa kwarto ka niya? Magkatabi kayong natulog tapos naka yakap pa siya sa bewang mo? Yiiiieeee"

"Aish. Wala nga, ewan ko sayo merlyn"

"Ewan ko din sayo Cia, yiiiieeee. Basta mas boto ako sayo kesa kay Lady Lan"

Lan... asan na nga pala si lan?

"Asan na pala siya?"

"Hay nako, maagang umalis kaninang umaga. Galit na galit"

"Ganon ba?"

"Oo eh. Sige na, dinamay mo pa ako sa pagtakbo mo. May gagawin pa ako" paalam niya sakin na tinanguan ko lang

Galit na galit? Dahil ba sakin kaya galit si Lan? Sana hindi na magcross ang landas namin.

LAN'S POV

"You're from cortex high Lan, what are we doing here?"

"You told me that Ciarra Flínch is currently studying here, right?"

"Yes, why?"

"Why not give her a visit jorah" I smirked as I saw her walking with her friend

You fucking bitch.

"What are you planning?" he asked with a hint of concern in his voice

"What was that?" I looked at him and creased my brows

"What?"

"You're concerned"

"Of course, she does nothing wrong"

"You're defending her?! So you're on her side?!"

"Lan I'm not, I just don't want you to get in trouble. How sure are you that she's the right cia?"

"I saw with my own two eyes jorah, they slept together last night. Because of this bitch Enlil doesn't want me to go in his house anymore. I'm not welcome anymore"

"Really?"

"Yes, so come on" I said

Bumaba na kami ng kotse at sinundan sila cia. Fuck you bitch

I saw them heading to somewhere. It looks like a garden, they sat down and continued talking.

"Hey cia!" I called her and as soon as she turn to look at me I slapped her

"Cia!" -Her friend

"Lan!" -Jorah

"Hoy! Ikaw yung sikat na model diba? Ano nalang sasabihin ng media pag nalaman nila tong ginawa mo?" her friend said while supporting her bitch friend

"Really? I doubt it, it won't reach the media" I smirk at them

"Lan, let's go" Jorah held my hands but I took it back

"I'm not yet done Jorah" I said and approach cia

"Hindi nga makakaabot sa media pero tong kamay ko aabot sa mukha mo" her friend angrily said and slapped me two fucking times

"Ah!" Fuck it hurts

"Lan!" Jorah held my both arms "Hey! That's enough"

"Enough? Kami pa ini-enough mo eh yang kasama mo nga nauna" galit pa ding sabi ng kaibigan niya

"Lou tama na, halika na umalis na tayo" Cia said and took her things

Oh no! You will not leave until I'm done. Kumawala ako sa hawak ni Jorah at hinablot ang bag ni cia

"You can't leave my perimeter without getting messed up" I said at hinampas sa kanya ang bag niya

"Ah!" -Cia

"Cia!" -Her friend/Jorah

"Lan, stop!" Jorah tried to stop but I pushed him away

"Stay out of this jorah! This is my business" I said and I tore her bag apart

"Lan! Ano ba ginawa ko sayo?!" she said as she stood up, getting support from her friend

"Ha! What you did to me last night. You really have the guts to question"

"Binigay ko na nga sayo yung kwarto, pinagsilbihan din kita. Ano pa ba ang kinagagalit mo?"

"Now you're talking back?!"

"Kasi hindi makatao tong ginagawa mo, satingin mo tamang nananakit ka ng tao dahil lang inggit ka!"

I slapped her again, I thought she'll stay quiet again but she slapped me back

"How dare you?!" I angrily shout and was supposed to attack her but jorah stopped me

Keeping me held from his arms "Let go of me jorah! This bitch will die in my hands"

"Stop it Lan, you're getting out of control" -Jorah

"Lan, kung ano mang kinakagalit mo sakin handa akong humingi ng tawad"

"Sorry?! You think that's enough?! And yes! I am angry, I hate you. Your presence is good enough to piss me off, your existence is the main problem"

"Pareho lang kayo ni Aria! Tara na Cia" her friend said and they both left

"Lan! What the fuck was that?!"

"Why are you so angry?"

"You hurt her"

"She slapped me!"

"You did it first"

"Does it matter?! They slapped me, both of them"

"Because you started it"

"Now you're taking her side?! Be honest with me Jorah, do you like her?"

"It doesn't matter. Why does it even matter? Just don't hurt her again, or else..." he said and left

Really?! No one even dare to understand me?!

You're a total bitch ciarra! I'll get you next time.

DEAN'S POV

Pabalik palang kami sa office ni Enlil galing sa business meeting. Magkakasama man kami araw araw pero may sari-sarili kaming kumpanya.

Nasa kalagitnaan kami ng Chen corporate nang makita namin ang isang kumpulan

"What's happening?" Tanong ni Qin sa isang employee

"S-sir Qin, si lady Lan po kasi umiiyak na nagpunta dito kanina"

Si lan? Dumeretso si Enlil sa kumpulan kaya sumunod kami

"Enlil" tawag ni Lan kay Enlil habang umiiyak

"To my office" Enlil ordered

Pagkarating sa office ay pinaupo namin si Lan

"What happened to you? Is that a slap mark?" Tanong ni Qin habang sinusuri ang mukha ni Lan

"Yes, someone slapped me" she said while crying "Enlil, how could you pick a girl without knowing she's crazy"

"What do you mean?" -Enlil

"That Cia, I went to visit her at her school. Just to say sorry about last night, but she said I'm a bitch and I shouldn't be going around you. I said no because we're close, she got angry and slapped me twice"

Impossible. Nakilala ko lang ilang araw si Cia but I know what she's capable of, she cannot harm anyone.

Napatingin sakin si Qin, I know he doubt it too.

"Really?" -Enlil

"Yes! She's evil. She's no different from other girls"

I've known Lan for over a years now, why do I feel like she's acting.

"Dean, call Cia. Now" seryoso at galit na utos ni Enlil

CIARRA'S POV

Kalagitnaan ng klase namin nang may magring na phone

"Who's phone was that?!" galit na sigaw ng teacher namin

Shems, cellphone ko ata. Feel ko kasing nagba-vibrate.

Dahan dahan akong nagtaas ng kamay "Is it yours?!" Tanong pa niya

Umiling iling ako at tumayo "I would like to excuse myself ma'am, naiihi po ako"

"5 minutes!" sabi niya kaya tumakbo agad ako palabas

Agad kong sinagot ang tawag

"Hello?"

[Yow, Cia. Si Dean to]

Dean?

"Ba't napatawag ka?"

[Pwede ka ba magpunta dito sa office ni Enlil?]

"Huh? May klase ako eh, bakit?"

[Importante lang sana. Don't worry pinaalam kana ni Qin sa teacher mo, pakidalian sana]

Huh? Bakit ba ako pinapapunta doon? May marka pa ata tong pisnge ko sa sampal ni Lan kanina.

"S-sige" sabi ko at pinatay na ang tawag

Masama pakiramdam ko dito ah. Hindi na ako bumalik sa klase at nagtungo agad sa Chen corporate

Bago ako kumatok sa pinto at pinahiran ko muna ng cream ang pisnge ko, mas malaking bag din gamit ko ngayon. Pinahiram lang sakin ni Morgan, sinira kasi ni Lan yung bag ko kanina.

Kumatok muna ako bago pumasok, kaso pagpasok ko umiiyak na mukha ni Lan ang unang bumangad sakin.

Napabuntong hininga nalang ako, mukhang alam ko na kung saan patungo tong usapang to

"Bakit?" deretsong tanong ko kay Enlil

"Take a sit" sabi niya kaya naupo ako sa harap nilang apat habang nakatingin kay Lan

Ikaw pa may ganang umiyak, ikaw nga tong naunang nanampal sakin

"Tell me what happen again Lan" -Enlil

"I went to visit her at her school to say sorry, but instead accepting my apology she came at me saying I need to stay away from you Enlil. When I told her no, she slapped me twice"

Ha! Sorry? Ako nga nagsabing hihingi ako ng tawad. Visit? Ako, sinabihan siyang layuan si Enlil?! Ha! Ikaw kaya unang nanampal

"Is that true?" baling sakin ni Enlil

"Sinampal ko siya, Oo. Pero hindi ako nananakit ng walang dahilan, kulang din yung kwento. Ako na ba tatapos?" baling ko kay Lan

"How dare you?! You really have guts to lie in front of them"

"Alam mo Lan, kung si Enlil lang din naman habol mo sakin, kung si Enlil lang din kinakagalit mo sakin, sayong sayo na si Enlil. Bakuran mo yang Enlil mo"

"Wow! Now you're acting like a victim, you told me layuan ko na si Enlil kanina. And now! You're telling me I can own Enlil, what a great actor you are"

"Dahil ba sa kanya kung bakit niyo ko tinawagan?"

"We just want to clear this situation out" sagot ni Qin

"Kung yan lang din naman dahilan, aalis na ako. May mas mahalaga pa akong gagawin" tumayo na ako at tumalikod sa kanila

"I'll file a lawsuit against you" sigaw pa ni Lan

Sa sobrang inis ay nilabas ko ang sinira niyang bag ko tsaka binato sa harapan niya

"Tahimik akong tao Lan pero ayokong tinitignan ako paibaba ng isang taong tulad mo"

Ayaw na ayaw ko ang sinisiraan ako sa harap ng ibang tao. Kayang kaya kong tiisin lahat ng pwede niyang gawin sakin, pero ang pagmukhain akong masama sa harap ng iba ay hindi ko matatanggap.

"What is that?" -Enlil

"Is that your bag?" -Qin

"Bakit sira?" -Dean

"Look Enlil! Dean! Qin! Is that what you call a friend?"

"I think there's a misunderstanding" -Qin

"Cia, mind telling me what happened" -Enlil

"I already told you-"

"I want ciarra to tell me" -Enlil

Kung sasabihin ko ang nangyari, sigurado akong babalikan ako ni Lan. Pag sinakyan ko naman si Lan, parang inbitasyon narin yon para sa kanya na kutya-kutyain ako.

Dapat pala hindi nalang ako nagpunta dito.

"I'm telling the tru-" -Lan

"Bigla nalang siya sumulpot sa garden kasama ng isang lalaki kanina habang nag-uusap kami ni Lou. Hindi ko naman alam na sorry pala ang ibig sabihin ng sampal niya sakin paglingon ko"

"Liar!" -Lan

"Shut up" -Enlil

"Nagalit si lou kaya sinampal niya din ng dalawang beses si Lan. Mas lalo siyang nagalit kaya kinuha niya yung bag ko tsaka pina-" Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba

Kailangan ko ba dapat sabihing pinaghahampas pa niya ako?

"Pinag...?" -Dean

"Pinaghahampas niya sakin yung bag, hindi pa siya kuntento kaya sinira niya. Sinabihan ko siyang huwag manakit ng tao dahil sa inggit pero sinampal niya lang ako kaya sinampal ko din siya. Alam kong masama ang ginawa ko pero hindi makatao ang ginawa niya"

"That's not true! How can you make up this story just to be the victim?!"

"Lan! Gumising ka nga, walang biktima dito. Nauna ka, nainis ako kaya nasaktan kita. Pareho tayong mali, kaso hindi ako yung taong satingin mo mananahimik lang. Wala tayo sa isang libro Lan"

Walang nagsalita, lahat kami ay tahimik nang biglang bumukas ang pinto

"Cia!" napatingin ako kay lou na galit na galit na nakatingin kay Lan

"Lou? Bakit andito ka?"

"Sabi kasi ni ma'am inexcuse ka ng Chen corporate kaya nagditch ako para puntahan ka, may pakiramdam kasi akong gagawan ka na naman ng masama nang impaktang yan" paliwanag niya

"What did you say?!" -Lan

"Oh? Umiyak ka ata! Pagkatapos mo mambulabog samin kanina at paghahampasin si Cia ikaw tong iiyak? Lol, iba ka din eh"

"Tama na lou" saway ko sa kanya at niyakap siya "Hayaan mo nalang"

"Teka lang! Naiinis pa din ako eh, halika ka nga dito pasabunot nga!" inis pang sabi niya at balak na lumapit kay lan pero pinigilan ko siya

"Lou!" Saway ko pero ayaw paawat

"Get out Lan" utos ni Enlil

"Really?! Me?!" galit pa siyang tumingin sakin bago lumabas ng opisina

"I knew she was up to something" -Qin

"Hindi ko din naman pinaniwalaan" -Dean

"Lou, hingang malalim. Kalma okay?"

Huminga hinga ng malalim si lou bago ako binatukan "Aray naman!"

"Dapat sinabunutan mo, aba! Sobra na yung ginawa sayo kanina tapos isang sampal lang?! Dapat nga may kasamang tadyak pa eh, dapat pinaghahampas mo din sa kanya yung bag mo" inis na sabi niya sakin kaya binatukan ko rin

"Aray!"

"Siraulo ka ba? Ikaw nga dapat pinapagalitan ko! Bakit nagditch ka ha?! Paano nalang pag may quiz, parehas tayong nga nga"

"Eh nag-aalala ako sayo! Kasalanan na ba 'yon?! Pasamalat ka nga iniisip pa kita eh"

"Hindi ko naman sinabing kasalanan, ang aking lang dapat hindi kana nagditch, nagpaalam ka man lang sana kay ma' am"

Binatukan niya ulit ako "Nakakailan ka na ah!" reklamo ko pero inambahan niya lang ako ng suntok

"Parehas din yon! Pag may quiz parehas din tayong nganga, anong pinagkaiba pag nagditch ako?"

Binatukan ko nga din siya "At least nakapag-paalam ka!"

"I can watch this all day" -Dean

"Agree" -Qin

"Tch" –Enlil