Chapter 23

Naging masaya ang pagsasama namin ni Diovre. May kaunting hindi pagkakaintindihan minsan dahil na rin sa akin pero hindi naman iyon hinahayaan ni Diovre na lumipas.

Gumagawa siya ng paraan para agad kaming magkaayos.

At tuwang-tuwa ako dahil kahit tinotopak at tinotoyo ako madalas ay hindi siya napapagod na mahalin ako. Pati na rin ang iparamdam sa akin ang kahalagahan ko sa buhay niya.

Our life is almost perfect. Walang problema sa trabaho namin. Palaging hectic ang schedule namin dahil sa mga tapings, mall shows, interviews, endorsements at marami pang iba.

But he still find ways to date me and surprise me.

Minsan, hindi ko siya kasama dahil may mga pagkakataon na siya lang ang kinukuhang mag endorse. Tulad ng boxer o kaya pabangong panlalaki. At ganoon din naman sa akin.

May mga pagkakataon din na ako lang ang nagtetaping para sa mga kontrabida roles ko.

Pero siya palagi ang naghahatid sa akin pauwi. Hindi na sila Kia. Dahil iyon na rin ang nagiging oras namin para makapagkuwentuhan at kamustahan.

Our three years of being together is awesome. Maihahalintulad ko iyon sa mga movies na napapanood at ginagawa namin.

Walang negang balita akong natatanggap.

Not until, Leialia talked to me. At isang pasabog ang kaniyang ibinalita sa akin. Na nagpaguho sa almost perfect kong mundo.

“Open it, Vria. At tignan na lang natin kung kaya mo pang pakisamahan si Dio. Nakakadiri ka. You are a trash and… a whore.”

Hindi ko gustong magpaapekto sa mga sinasabi niya pero naapektuhan ako sa pagsasabi niya sa akin na isa akong basura at malandi.

“Sinasabi mo lang iyan para masira ang relasyon namin ni Diovre. Pero, sorry ka dahil hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi mo,” mariin ang bawat salitang sinasabi ko sa kaniya.

Hindi ako magpapatalo sa kaniya. Hindi ko hahayaan na masira ng kahit sino ang almost perfect naming relasyon ni Diovre.

“Why don’t you open this envelope? Para naman maging malinaw sa iyo kung ano ang nais kong iparating? I’m a concern citizen, you know. Bahala ka, ikaw rin.”

Puwersahan niyang ibinigay sa akin ang hawak niyang envelope. Wala na akong nagawa kung hindi kunin iyon.

Dahan-dahan kong binuksan ang envelope at dahan-dahan ko ring inilabas doon ang mga laman.

Sumambulat sa aking harapan ang iba’t ibang kuha ng mga litrato.

Isang batang babae.

Kasama niya si Diovre.

Sa bawat kuha, kitang-kita ko ang pagkakahawig nilang dalawa. Mas lalo kong nakumpirma ang pagkakahawig nila ng makita ko ang self portrait ng bata.

Kung titigang mabuti, sigurado akong nasa edad sampu o labing-isang ang batang babae na kasama ni Diovre.

May anak siya?

Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?

Why did he lied to me?

Hindi ba ako karapat-dapat na pagkatiwalaan ng mga sikreto?

“No! Hindi ito totoo!” Sigaw ko. Na tinawanan naman ni Leialia.

“Totoo iyan, Vria. Concern lang naman ako sa iyo. Kung tutuusin, hindi naman maganda ang pakikitungo natin sa isa’t isa. But you are still an acquaintance. Kaya sinabi ko sa iyo ang mga nalaman ko. Noong una hindi rin ako naniwala pero noong makita mismo ng sarili kong mga mata. Doon ko na nakumpirma.”

Wala na akong balak pang pakinggan ang iba pang sasabihin ni Leialia. Iniwan ko siya roon. Ipinasok ko ang envelope sa bag na dala ko.

“Vria, saan ka pupunta?” Pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa.

Thankful akong sinabi sa akin ni Leialia ang mga nalaman niya. I owe her one. Pero ‘tsaka ko na iisipin iyon.

Kailangan ko ang utak ko ngayon. Kailangan niyang mag function. Kailangan kong isiping mabuti kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

Will I believe that information?

O patuloy kong paniniwalain ang sarili ko sa kasinungalingan?

Bigla kong naramdaman ang panghihina ang mga tuhod ko. Para akong naging jelly dahil sa panlalambot na nararamdaman. Mabuti na lang may pader kaya roon ako napakapit.

Paanong hindi ko alam na may asawa at anak na siya? Ginawa akong kabit ni Diovre?

Kaya ba hindi niya pa ako ipinapakilala sa tita niya dahil may asawa at anak na pala siya. Kaya pala sa tuwing magtatanong ako sa kaniya ay lagi niya lang sinasabi na darating din ang araw na makikilala ko siya.

Kaya pala.

Ibinuhos ko ang lahat ng galit at sama ng loob ko sa pader. Malakas ko iyong pinagsusuntok. Sumisigaw rin ako. Pinagsisipa ko rin ang pader. Kasabay niyon ay naging parang waterfalls ang mga mata ko kakaiyak.

Nang tuluyan na akong manghina at napasalampak na lamang ako sa lupa.

Kasalanan ko ito. Hindi ko muna minake sure ang lahat. Kasalanan ko talaga ito.

Ako na naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan.

Naninikip na ang dibdib ko. Hawak ang dibdib ay hinahanap ko ang phone ko para tawagan si Leuis.

Leuis is still in Dubai. Hindi pa rin siya bumabalik. Sa Dubai na piling magbakasyon ni Zrio noong nakaraang bakasyon dahil naroon daw ang kuya Leuis niya.

Hindi naman nagtagal ang tawag ko dahil agad iyong sinagot ni Leuis.

“Vria?” Rinig ko ang boses niya na tila kakagising niya lang.

Hindi ko naisip na maiistorbo ko siya pero siya lang ang meron ako. Siya lang ang bestfriend ko.

“A-ayaw ko n-na, Leuis. A-ang sakit, s-sakit na,” saad ko habang humahagulgol ng iyak.

“I-I can’t b-breathe, Leuis. The p-pain is t-taking my h-happiness.”

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.

Sa pagmulat ko sa aking mga mata. Sinalubong ako ng putting kapaligiran. Akala ko ay nasa langit na ako ngunit ng ibaling ko sa iba ang aking paningin ay nakita ko ang mga taong bahagi ng buhay ko.

Si mommy, daddy, Zrio, Mama Mina, Kia, Wella, at si Diovre. Nasa tabi ko si Diovre. Hawak-hawak niya ang kamay ko.

Na agad ko namang hinablot ng marahas. “Leave!”

Marahas akong umupo sa kama kahit may kaunting panghihina pa akong nararamdaman.

“Hindi kita gustong makita. Umalis ka. Umalis ka na. Umalis ka na rin sa buhay ko. Leave me alone. Break na tayo!” Sunod-sunod na sigaw ko.

Galit na ang namamayani sa puso ko. Kung kanina ay may kaunting konsiderasyon pa ng puso kong pakinggan ang paliwanag ni Diovre ngunit ngayong nakita ko na siya.

Nagbago na ang isip ko.

Nakaramdam ako ng hapdi kaya napatingin ako sa may benda kong mga kamao. “Aww.”

“Toiveeni, ano ba ang sinasabi mo? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin. Aayusin ko.”

Sinusubukan niya akong hawakan pero hindi ko siya hinahayaan. Patuloy ko lang sinasabi sa kaniya na umalis na siya.

“Please, toiveeni. Tell me. Anong nangyayari? Please.”

Masakit man para sa akin ngunit sinabi ko ang mga salitang alam kong tuluyan nang makapagpapaalis sa kaniya.

“Umalis ka na, Diovre. Hindi kita mahal. At hindi kita minahal. Palabas lang ang lahat ng iyon. Lahat ng ipinakita ko at ipinaramdam ko sa iyo ay puro kasinungalingan.”

Umiling-iling siya. “Hindi. Hindi iyan totoo, toiveeni. Mahal mo ako. Please, sabihin mo na sa akin kung bakit mo ba sinasabi ang lahat ng iyan? Aayusin ko ang lahat. Kung ano man ang nagawa kong kasalanan. Please.”

Patuloy ko siyang ipinagtabuyan. Kahit medyo nahihirapan ako. Hindi ako nagpatinag sa nakikita kong pagmamakaawa niya.

Nakita ko sa aking daliri ang hair tie ring-like kaya marahas ko itong inalis at ibinato sa kaniya.

Wala naman siyang nagawa kung hindi kunin iyon at patuloy pa ring nagmamakaawa.

“Dio, hayaan mo muna si Vria na makapagpahinga. Kapag malakas na siya ay ‘tsaka kayo mag-usap. Sige na, umuwi ka na muna,” ma-awtoridad na saad ni mommy.

“Pero, tita—”

“Huwag ka nang makulit, Dio. Kailangan ng pahinga ni Vria. Iyon ang sabi ng doktor, ‘diba?”

Bumuntong-hininga si Diovre. “Babalik ako, toiveeni. Magpahinga ka, okay? Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Basta ang alam ko, mahal mo ako.”

“Ano ba sa ayaw na kitang makita at hindi kita mahal at mas lalong hindi kita minahal ang hindi mo maintindihan? I am breaking up with you. Kaya hindi mo na kailangan pang bumalik. Dahil kapag naging makulit ka. Kukuha ako ng restraining order para hindi ka na makalapit pa sa akin. Leave and never ever come back.”

I was hurt. Tamang dahilan naman siguro iyon para magalit ako sa kaniya, hindi ba? Niloko niya ako.

Hindi ko na kailangan pa ng iba pang ebidensya dahil sapat na ang hawak ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Bagsak ang mga balikat na umalis siya sa kuwartong inu-okupa ko.

Nang mawala na si Diovre. Doon na ako tuluyang kumalma. Muli akong humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid.

Tahimik ang mga natira sa loob. Hanggang sa binasag ni Zrio ang katahimikan. “Gusto mo ba ng tubig, ate?”

Tumango ako. Agad namang kumuha ng tubig si Zrio sa pitsel. Tinulungan niya akong nakaupo bago niya binigay ang tubig sa akin.

Inimunan ko naman agad iyon. Pagkatapos ay nagpasalamat ako kay Zrio.

Tinulungan niya ulit akong makahiga. Kaya ko naman pero may kaunting panghihina pa rin akong nararamdaman.

“I want to be alone.” Iyon ang sinabi ko ‘tsaka ko sila tinalikuran.

“Sige, Vria. Doon na muna kami sa labas. Tawag ka na lang kung may kailangan ka,” saad ni daddy.

Nang masiguro ko nang wala na silang lahat. Doon na naman muling bumuhos ang mga luha ko.

I want the pain inflicted on my heart to be gone. I didn’t pray for this. I didn’t wished for this.

Go away and leave me alone!