Chapter 18

Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama. Agad na nataranta ang aking sistema. Hindi alam ang gagawin.

Kung sasagutin ko ba ang tawag o hahayaan na lamang na tumunog iyon ng tumunog.

Hindi pa ako nakakapagdesisyon ng biglang maging missed call na iyon. Ngunit hindi pa tuluyang nakakapagproseso ng tama ang utak ko ng biglang tumunog ulit ang aking phone.

Xeidiovre is calling me again.

Sa nanginginig at kinakabahang estado ng aking sarili ay sinagot ko na ang tawag.

Maybe it was important.

“Hello?” he said in a baritone voice. His voice sounds intimidating, but why do I find it hot?

Shut it, Vria. This is not the time to admire his voice. You have to think straight.

“Vri, you there?” Ang muling pagsasalita niya ang siyang pumutol sa aking iniisip na maaaring umabot sa mahahalay na isipin.

Ipinilig ko ang aking ulo. Focus, Vria! Don’t try thinking lustful thoughts. It’s gross.

“Ye-yeah! Bakit ka nga pala napatawag?”

“I just want to know if you changed your mind about our partnership or not. We are all waiting here for you. By the way, if any chance na nagtataka ka kung paano ko nakuha ang number mo. Hiningi ko kay Mama Mina. Nag volunteer kasi akong tawagan ka but I remember I didn’t have your number. Kaya hiningi ko kay Mama Mina.”

Dahil sa sinabing iyon ni Xeidiovre ay napatingin ako sa wall clock.

Patay! Mukhang late na ako. Wala nang oras para isipin ko pa ang huling mga sinabi ni Xeidiovre.

Mag-aalas nueve na ng umaga. Mama Mina texted me last night that I should be there at six A. M. so I can prepare myself before the interview starts.

Pero mukhang hindi na ako ma-i-pe-prepare dahil late na akong makakarating doon.

“Hey, Vri!”

“I’m so sorry. I sleep late. I just prepare myself. I’ll be there. Bye!”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Xeidiovre. Ibinaba ko na kaagad ang tawag at nagdali-dali nang inayos ang sarili. I just wear my usual outfit. Hindi na rin ako kumain ng breakfast. Nang makarating sa garahe ay pinaharurot ko na agad ang sedan ni daddy.

Hindi na rin ako nakapagpaalam sa mga tao sa mansiyon dahil sa pagmamadali.

Lakad-takbo ang ginawa ko patungo sa elevator. Hindi ko na tinuunan ng pansin ang mga nagkalat na reporters sa building ng DZBNA corporation.

Nang marating ko na habang humahangos ang conference ay naroroon na ang lahat.

Huminga na muna ako ng lalim bago nagsalita. “I’m sorry for being late. Hindi ako kaagad nakatulog for some private reasons.” Paliwanag ko sa kanilang lahat ng nakayuko.

“It’s fine, Vria. Ayusin mo muna ang sarili mo pagkatapos ay pasisimulan ko na ang interview. Don’t worry, isang tao lang ang mag-i-interview sa iyo. Just be yourself and tell your truth,” saad ni Mr. Envido.

Ngumiti na lamang ako kay Mr. Envido bago tumabi sa kinaroroonan nila Mama Mina.

May nilahad na tubig sa akin si Xeidiovre. Nahihiya man ay kinuha ko pa rin iyon at ininuman.

Naroon din sila Wella at Kia. Girl scout na girl scout ang datingan ni Wella dahil nakahanda na agad ang make-up kit nito.

Pinaupo niya ako at masinsinan niyang inayos ang aking mukha. She fixed my hair into a messy bun. Ayon sa kaniya ay bagay raw iyon sa suot ko. Nagpasalamat ako ng taos-puso nang matapos na niyang maayos ang dapat maayos.

“Let’s go to the other room, Vria. Naroon na sila. Naghihintay na sila sa sasabihin mo. Goodluck!”

I know my truth, but why am I still feeling nervous? Maybe because I know that even if I say the truth, they won’t still believe it. They will still think that I am making up stories just to save my name.

Well, it’s their problem, anyway. As long as I know the truth. I won’t feel guilty. I can live peacefully. That’s all that matters, right?

I took a long deep breath. Anak, please guide mama. I love you.

Hinawakan ni Mr. Envido ang aking likod ng makalapit ako sa pwesto niya. At iginiya patungo sa kabilang kuwarto. Nang makapasok kami sa loob ay nasilayan ko ang isang magandang report.

She gave us her best smile.

“Good morning, Miss Katie. Pasensiya kung napaghintay ka namin ng matagal. May nangyari lang na hindi inaasahan,” paghingi ng paumanhin ni Mr. Envido.

“Ayos lang ho iyon, Mr. Envido. So, pwede na po ba tayong magsimula?”

“Ahm, yes, yes. Vria, maiwan na kita rito, okay. Just be yourself.”

Tumango-tango ako habang umuupo sa kaharap na upuan ni Miss Katie. Nagpaalam na rin si Mr. Envido kay Miss Katie bago ito tuluyang umalis.

“Hi, Vria. Are you ready?” May sinenyasan siya sa aking likod. Nang lingunin ko iyon ay doon ko lamang napansin na may kasama pa pala kaming iba. May hawak itong kamera.

Muli kong itinuon ang aking mga mata kay Miss Katie. “Y-yeah. I-I’m ready.” I cleared my throat and took a deep breath.

Ipinagkrus ni Miss Katie ang kaniyang mga binti. Tinignan niya ang hawak niyang mga papel bago muling ibinalik sa akin ang kaniyang paningin.

“First and foremost, Vria, I’d like to ask you a question. How are you feeling? How did you deal with the situation?” There is a hint of concern in her voice. That is why I felt relieved.

Earlier, as I stepped my feet into this room, I was thinking that she also thought the worst of me. That I should not have a chance to clear my name. But because of her question, I slightly relaxed.

“Ahm, to be honest, Miss Katie, I was so down. Para akong anghel na naputulan ng pakpak at sobrang sakit ang naging pagbagsak ko sa lupa. I was bruised by their hurtful words. Sinabi ko sa sarili kong hindi ako magpapa-apekto dahil alam ko ang totoo pero hindi pa rin pala mapipigilan iyon. But now, I can say that I am happy again. Sitting here with you and trying to give me a chance to know my truth makes me happy. Thank you, Miss Katie.”

“Just one look at you right now, and I can see how brave and unbothered you are. You are one of the most influential artists of your generation, but you still put your feet on the ground. Kaya noong malaman ko ang issue. Hindi ako naniwala pero noong hindi ka kaagad nagsalita ay parang nagkaroon ako ng chance na maniwala sa kumakalat. Bakit nga ba hindi ka nagsalita agad, Vria?”

“Hindi ako nakapagsalita agad dahil ang management ang nag decide para sa akin. Siguro, iniisip nila na baka mas lalo lamang masisira ang pangalan ko kung magsasalita ako sa kasagsagan ng issue. At baka mapahamak din ako. Dahil nasubaybayan naman natin kung paano naging marahas ang iilan. May iilan pa ngang death threat akong natanggap. Kaya nawala ako ng isang buwan. Hindi ako nagtago. I just keep myself safe.”

Lumawak ang pagkakangiti ni Miss Katie. Bahagya rin akong napangiti.

“Vria, can you tell us what is really the real reason behind that photo?”

“Yes, I can still remember so clearly what really happened. Lumabas ako sa tent na para sa akin para sana magpaalam kay Direk Brimo. Pack up na kaming lahat dahil tapos na ang pag take ng mga scenes. Ngunit may nakabungguan akong lalaki. Hindi ko siya namukaan dahil balot ang kaniyang mukha. Tanging mga mata niya lang ang nakita ko. Natapon ang hawak niyang kape sa damit ko. Dahil puti ang suot ko ay nagmantsa iyon at bahagyang bumakat ang suot kong bra. Humingi siya ng tawad sa akin. Sinabi ko naman sa kaniya na ayos lang. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako at muling bumalik sa loob ng tent. Nakita iyon ni Kia at Wella. Si Kia ang road manager ko habang si Wella ay ang stylist ko. Nag-aalala sila pero sinabi ko sa kanilang ayos lang ang lagay ko. I am not making up stories just to save my name. What I told you just now, Miss Katie, is what really happened.” I am full of confidence while telling her my side of the story.

Iniunat ni Miss Katie ang kaniyang kaliwang braso at dumapo ang kaniyang palad sa mga kamay kong magkasalikop at nakapatong sa aking binti.

“You are a great woman, Vria, and I admire you for that. Ngayong nagsalita ka na at nalaman na nila ang buong katotohanan. Naniniwala akong mas marami pang tao ang magmamahal sa iyo at patuloy na nagmamahal sa iyo.”

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng biglang ipinulupot ni Miss Katie ang kaniyang mga braso sa akin. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

Tumagal ang pagyayakapan na iyon ng ilang minuto. “Thank you so much, Vria. Spread your wings and don’t be afraid to fly high. I am always rooting for you.”

“Thank you rin po, Miss Katie.” Nagkamayan kaming dalawa ni Miss Katie.

I was about to stand up when the door opened. Then came Mr. Envido.

“Miss Katie, bago ka umalis. Gusto ko rin sanang ipaalam sa iyo ang bagong identity ni Vria at ang pagkakaroon niya ng kapareha.”

Matapos sabihin iyon ni Mr. Envido ay ipinakita niya si Xeidiovre. Hinila niya si Xeidiovre papasok sa loob. Ipinagtabi niya kaming dalawa.

“Miss Katie, I’d like you to meet Xeidiovre Castanzo Sandrevaz. But his screen name will be Dio. While Vria, from now on, will be Meiza.”

Nakipagkamay si Xeidiovre kay Miss Katie. Nakita ko ang kasiyahan ni Miss Katie.

Mr. Envido ordered us to take some poses. At first, I was hesitant, but when Xeidiovre put his arm around my waist, I relaxed. I felt calm.

I, on the other hand, put my palm on his shoulder. I put a genuine smile on my lips.

Inabot ng ilang segundo ang pagkuha sa amin ng litrato. Nang matapos ay nagpasalamat si Mr. Envido. Ganoon din kami ni Xeidiovre.

Pinauna na munang pinaalis si Miss Katie kasama ang cameraman niya. Nang makaalis na sila ay sumunod na rin kaming lumabas. Bumalik kami sa conference room. I quickly went to Mama Mina’s side.

I whispered a thank you to her. Mama Mina gave me a smile and a tight embrace.

I miss acting and I can’t wait to act, again.