Chapter 17

I didn’t go straight home. Bumili muna ako ng bulaklak sa isang flower shop dahil dadaan muna ako sa Arviolle Cemetery para bisitahin ang puntod ng anak ko. Naisip ko kasing magandang pagkakataon iyon para mabisita ko si baby Meya.

Pinark ko muna ng maayos ang sasakyan ni daddy bago lumabas at pinuntahan na ang puntod ng aking anak.

I felt so ashamed while standing in front of my daughter’s graveyard. Matagal ko siyang hindi nadalaw. Matagal ko siyang pinaghintay.

Do I deserve to be called as her mother?

“Hi, baby Meya.” Inilapag ko muna ang hawak kong bulaklak sa tabi niya bago naupo sa may damuhan.

Walang kalat ang kinaroroonan ng anak ko. Sigurado akong pinalinisan ito ni ate Bia.

“Kumusta ka na, anak? Ayos ka lang ba riyan sa langit?” Panimula kong pagkausap sa aking anak. Tumingin ako sa langit at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

“I’m sorry. You shouldn’t be there, but I failed as your mother. I know that saying sorry won’t fix anything, anak. But I want you to know that I’ve been loving you more than life. You’re my light while stepping on a dark path. You are and will always be my guide in this lifetime.”

Namuo ang mga luha ko sa aking mga mata. Sa paglipas ng ilang saglit ay tuluyan nang umalpas ang mga ito sa aking pisngi. Hinayaan ko lamang na magsitulo ang mga iyon. Banayad kong hinaplos ang lapida ng aking anak.

Habang ginagawa iyon ay isang magandang panaginip ang aking naisip.

My daughter is running through the vast field. She was wearing a flowery Sunday dress; her straight hair was swayed by the wind. Habang siya ay tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko ay tinatawag niya ang pangalan ko. Her little giggles filled the quiet yet peaceful place.

Nang makalipat na siya sa akin ay ipinalibot niya sa aking bewang ang kaniyang mumunting mga braso. Then she murmurs her “I love you’s” using her cute and little voice.

A contented smile crept on my lips. My daughter.

Ngunit bigla akong natauhan ng may maramdaman akong pagpatak ng kung ano sa aking balat. Patak iyon ng nagbabadyang ulan. Tiningala ko ang kalangitan, ang kaninang maaliwalas na langit ay naging makulimlim. Unti-unti na ring dumarami ang patak ng ulan.

“I will see you again, anak. Please protect mama. I love you.” Hinalikan ko muna ang puntod ng aking anak bago mabilis na tumakbo patungo sa sasakyan ni daddy.

Sa loob ng sasakyan ni daddy ko na pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Inayos ko muna ang aking sarili. At muling sinulyapan ang lugar na kinaroroonan ni baby Meya ko bago ko mabagal na pinasibad ang sasakyan.

Hindi naging ganoon kabilis ang pagpapatakbo ko dahil lumakas na ang pag-ulan. Sumabay ata sa nararamdaman kong kalungkutan ang ulan.

Naipit ako sa trapiko. Ngunit gayunpaman ay safe naman akong nakauwi.

Ipinarada ko na ang sasakyan sa garahe ng makarating na sa bahay. Tumila na rin ang ulan kaya hindi ko na binuksan pa ang payong na nasa backseat.

Tumingin muna ako sa relong nasa bisig ko. Mag-aalas nueve na ng gabi. Hindi ako sigurado kung tapos na bang kumain sila mommy o nagsisimula pa lang.

Para malaman ko ang sagot sa aking tanong ay pumasok na ako sa loob ng bahay pagkatapos kong maisara ang sasakyan. Nasalubong ko ang isa sa kasambahay. Binati niya ako kaya ginantihan ko siya ng pagtango at isang ngiti.

“Ay, ate. Sila mommy po? Nasaan sila?” Pigil ko sa akma niyang muling paghakbang paalis.

“Nasa dining po silang tatlo. Kumakain. Punta na po kayo roon. Hinihintay rin po kayo ni madam Ianna. Kanina ka pa niya hinahanap, miss.”

Tanging tango na lang ang naging tugon ko bago ko siya tinalikuran.

Pagkarating ko sa hapag-kainan ay tahimik na kumakain sila mommy. Lumapit muna ako kay daddy para humalik sa pisngi nito bago kay mommy. Ginawaran ko naman ng ngiti si Zrio.

“Ate, nakita kita kanina sa entertainment news. You were bombarded with so many questions by the reporters. Ayos ka lang ba, ate?”

“I’m fi—”

“Naikuwento sa amin ni Zrio na kaya ka nagpunta sa DZBNA corporation ay dahil pinatawag ka. I am hoping that you have brought great news with you. Wala naman kasing sinabi ang mga nagbabalita. Puro haka-haka lang na wala namang silbi.” It was mom who interrupted me from answering Zrio’s question.

“I do have, mom. Sabi ni Mr. Envido ay magkakaroon ako ng ka-loveteam. Iyon daw ang magiging daan para maging maayos ang naging problema. Bukas ay magkakaroon ako ng interview at kasabay niyon ay ipapakilala rin ang makakapareha ko.”

“Okay,” iyon lang ang tanging naging sagot ni mommy sa sinabi ko.

Itinuro niya ang katabing upuan ni Zrio. “Eat, then take a rest. You have to prepare yourself for tomorrow. Remember, Vria, don’t mess with this chance of yours. Or else, I will abandon you as my daughter.”

“Ianna! That’s too much,” biglang pagsigaw ni daddy.

Hindi ako nagulat sa sinabi ni mommy. Ang mas ikinagulat ko ay ang pagsigaw ni daddy.

His voice. Will he use it now?

“Don’t interfere, Alvrio. Shut your mouth and don’t you ever shout at me. Ever. Again.” Pagkasabi niyon ni mommy ay galit itong nagmartsa papalabas ng dining. Mabilis naman siyang sinundan ni daddy habang tinatawag ang pangalan ni mommy.

May pangyayari bang nangyari na hindi namin alam ni Zrio? Iyon kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang trato sa amin ni mommy? Paano pala kung hindi ako anak ni mommy? Hindi naman pwedeng hindi anak ni mommy si Zrio dahil nakita ko ang paglobo ng tiyan ni mommy habang ipinagbubuntis niya si Zrio.

May posibilidad na kaya ganoon na lamang kalaki ang galit at pagkairita ni mommy sa tuwing nakikita niya ako ay dahil hindi niya ako tunay na anak.

I need to know. I have to know.

“Ate, kumain ka na. Hayaan mo na lang si mommy. Mula mga bata pa tayo ay ganoon na siya sa ating dalawa.”

“Paano kung… hindi niya ako, anak, Zrio? Kaya ganoon ang trato niya.” Pagtatanong ko sa aking kapatid sa isang mabigat na pakiramdam.

“Ate! Don’t say that. Anak ka ni mommy. Anak tayo ni mommy. You look a lot like mommy and daddy, too. Baka kaya ganoon si mommy ay dahil hindi siya katulad ng ibang ina. Maybe Mommy doesn’t know how to express her feelings towards us. Pero, ate, mommy loves us. Alam ko iyon dahil nakikita ko kung paano kumislap ang mga mata ni mommy sa tuwing nalalaman niyang nag-i-i-strive ang panganay niyang anak.”

Zrio gave me a warm embrace. Sinuklian ko rin iyon ng isang mahigpit na yakap.

Maybe Mommy experienced something in the past that gave her trauma and pain. Maybe Zrio is right. That mommy did love us. After all, she carries us on her belly for nine months.

Pagkatapos naming magyakapan ni Zrio ay kumain na ako. Si Zrio naman ay nagpaalam nang aakyat sa kaniyang kuwarto dahil may tatapusin pa siyang school activities.

Nang maubos ko na ang pagkaing inilagay ko sa aking plato ay umakyat na rin ako sa kuwarto ko.

Inihanda ko ang bathtub at ilang minuto akong nagbabad doon bago nagdesisyon na tapusin na ang aking pagligo.

Ginawa ko muna ang aking night ritual bago tuluyang lumabas ng banyo. At pinilit na makatulog dahil patuloy pa ring bumabagabag sa aking isipan si mommy.

Sasagutin niya kaya ang mga katanungan ko kung sakali mang tanungin ko siya?

Batid kong hindi. ‘Pagkat nararamdaman kong iiwasan niya lamang ang mga iyon.

Ilang beses akong nagpabaling-baling sa higaan bago ako tuluyang hinila ng antok.

Ang pagtunog ng ringtone ng aking phone ang siyang gumising sa akin, kinabukasan. Kahit inaantok pa ay pinilit kong kinapa ko ang aking phone.

Nang mahawakan na iyon ay bahagya kong ibinuka ang aking mga mata para alamin kung sino ang bumulabog sa aking pagtulog.

Pagkagulat ang siyang kaagad na rumehistro sa aking mukha ng makita na ang caller ay walang iba kung hindi si Xeidiovre Castanzo Sandrevaz.

How did he get my number?