Chapter 20: Kabanata 20

"It's Carmen, Miss."

Ngumiti siya sa amin. Siniko naman ako ni Zarina dahil sa inasal ko. Naupo kami sa dalawang upuan sa harap ni Carmen.

"Ahh, hi Carmen ako nga pala si Zarina and this is Chelsea, my friend siya bibili ng libro," pagpapakilala ni Zarina.

Tumango-tango si Carmen at tinitinan ako.

"B-Bank transfer ba o cash?" tanong ko sa kan'ya.

Tumawa siya sa tanong ko.

"Check mo muna," sabi niya bago sinulong sa tapat ko ang libro.

Walang kahit anong nakasulat sa cover ng libro nang buklatin ko iyon ay bumungad sa akin ang itim na tintang ginamit pansulat. Maganda ang sulat kamay, hindi siya libro kundi diary ni Teresa.

Agad na tumulo ang luha ko nang makita ko ang pangalan ni Teresa na nakasulat sa unang pahinga.

PAGMAMAHAL NA WALANG KATUMBAS

ni TERESA MARTINEZ

Isang binibini na naiiba ang ganda ang kasama ng aking kuya noong araw na umuwi ito. Josefa, iyon pala ang kan'yang ngalan. Ipinakilala na siya sa amin kanina ng aking kapatid. Agad ko siyang sinama sa ilog. Napakasaya ko, kasama kong lumangoy sa ilog si Josefa!

Napagsabihan ako ni Kuya Leandro noong gabi dahil sa muntik nang pagkalunod ni Josefa.

Nilagpasan ko na ang ibang pahina at nagtungo sa padulong parte.

Alam kong tuluyan nang nahulog ang loob ni Kuya Leandro kay Josefa ngunit ikakasal na sila ni Elizabeth. Nais kong pigilan ang kasali, nais kong malaya si kuya na mahalin ang binibining nilalaman ng kan'yang puso ngunit hindi ko nais na mapahamak si Josefa.

Naiiyak ako kung paano ako pahalagahan ni Teresa.

Nagkagulo ang lahat nang umalis si kuya sa simbahan. Sana ay kasing tapang ako ng aking kapatid. Kitang-kita ko kung paano saktan ni Manolo ang aking kapatid ngunit walang nakikialam para hindi na lumaki ang gulo. Sumiklab ang galit ko nang makita kung paano saktan ni Elizabeth si Josefa. Hindi ko napigilan ang aking sariling sugurin ito at maisiwalat ang aking nalalaman.

Siniko ako ni Zarina nang mapalakas ang iyak ko.

"Chelsea..." tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Pinagpatuloy ko lamang ang pagbuklat at pagbabasa sa mga pahinga.

Nagkamali ako, hindi si Elizabeth. Nalinawan lamang ako nang nagmamadali ng magtungo sa mga Gomez si kuya. Alam kong hindi maganda ang magaganap kaya't labag man sa kalooban ko ay kinuha ko ang baril ng namayapa kong ama. Bitbit ang baril ay nagmamadali kong sinundan ang aking kapatid. Mabilis man ay nahuli parin ako.

Wala nang buhay ang kapatid ko maging ang pinakamamahal kong kaibigan na si Josefa o Chelsea.

Nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ko, a-alam niya. Mabilis kong nilipat sa kasunod na pahina...

Ang sabi ni Kuya Pedro ay alam nila ni Kuya Leandro na galing sa ibang panahon si Chelsea. Hindi ko alam kung papaano ngunit masaya ako na nakilala ko siya. Hihilingin ko na ingatan ng pamilya ko ang talaarawan kong ito, nais kong makarating ito kay Chelsea. Alam kong gagawa ang tadhana nang paraan, gaya nang pagdating niya sa panahon namin. Kung hindi dahil sa kan'ya ay hindi lalabas ang katotohanan. Ang pagmamahal ng aking kapatid ang naging dahilan para lumabas ang tunay na kulay ni Silvia Gomez.

Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha ko. Kung hindi ako dumating sa panahon nila ay baka nga nakasal na si Leandro at Elizabeth, pagkatapos ay papaslangin din ni Silvia si Elizabeth. Kapag wala na si Elizabeth saka gagawa nang paraan para mapansin siya ni Leandro. Nakarating ako sa huling pahinga at mas lalo akong nasaktan.

Ang pagpaslang ko kay Silvia Gomez ay walang kapatawaran ngunit masaya ako na nabigyan ko nang hustisya ang lahat nang kan'yang pinaslang. Ilang araw na lamang ay isasakatuparan na ang kaparusahang kamatayan sa akin. Mamaya ay ihahabilin ko na kay Kuya Pedro ang lahat ng aming mga pag-aari at itong aking talaarawan.

Mahal kong Josefa/Chelsea,

Nakauwi ka na sana sa iyong panahon, ako'y nananalangin na maayos kang nakabalik. Masaya ako na nakilala kita, ng aming pamilya. Salamat sa lahat, sa pagmamahal mo sa aming mag kapatid. Ilang araw na lamang ay makakasama ko na sa kabilang buhay ang kapatid at magulang ko, matatapos na rin ang lahat nang sakit na nararamdaman ko. Wag mo na kaming alalahanin, mabuhay kang masaya sa iyong panahon. Mahal na mahal kita.

- Teresa Martinez

Hindi ko na na pigilan ang sarili ko at humagulhol na ako. Teresa... Sobrang sakit nang sinapit niya, ang unfair! Siya na nga ang nawalan ng pamilya pero kamatayan parin ang naging parusa niya. Hindi ko kaya 'yong sakit, sobra-sobra. Papaano ako mamumuhay nang masaya gaya nang sinabi mo Teresa kung ganoon ang sinapit mo? Hindi ko matanggap.

"Chelsea, ano ba! Tumahan ka nga, pinagtitinginan na tayo!" saway sa akin ni Zarina at inagaw ang binabasa ko.

Na tahimik si Zarina nang mabasa niya ang laman ng diary ni Teresa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nagtatanong ang kan'yang mga mata.

"Hindi naman ikaw 'to diba?" tanong niya at umiiling-iling pa.

"A-ako y-yan," hirap na hirap kong sagot sa kan'ya.

"N-no way!" hindi makapaniwalang sabi ni Zarina.

"Uh..."

Napalingon kami kay Carmen nang makuha niya ang atensyon namin.

"Kailangan ko nang umalis, hmm you don't have to pay. That's our family treasure, pero sayo talaga dapat mapunta 'yan. Hindi ko na kailangang sabihin na ingatan mo 'cause I'm sure you will."

Ngumiti siya sa amin bago tuluyang umalis. Naiwan kami ni Zarina, ako na umiiyak at ang kaibigan ko na yakap ako.

Lumipas man ang maraming taon, ang karanasan ko sa panahon ni Teresa at Leandro ay nanatili sa puso ko. Kahit anong limot ay hindi ko magawa. Gabi-gabi kong hinihiling na maulit ang lahat, kahit na masakit ang wakas gusto ko paring paulit-ulit maramdaman ang pagmamahal na sa iisang lalaki ko lamang naramdaman. Ang mga yakap ni Leandro, ang marahang halik nito at ang galit niya pag pasaway ako.

Lumabas mula sa kusina ang isang babae na hanggang balikat ang buhok. Mas marami pa ang puti kumpara sa itim na buhok nito. Kahit kulubot na ang mga balato ay bakas parin ang kagandahan. Nakahawak ang isang kamay sa bewang habang mabagal na lumalakad, ang isang kamay naman ay may hawak na tasang may lamang tsaa.

Naupo siya sa harapan ko at humigop ng tsaa bago ako binalingan.

"Wag mong sabihin na inaalala mo na naman ang lalaking nakilala mo sa ibang panahon?"

Sinamaan niya ako nang tingin, "kaya hindi ka na nakapag-asawa e!"

Natawa ako kay Zarina matanda na kami pero naiinis parin siya sa akin. Hindi na ako nakapag-asawa dahil sa pagmamahal ko kay Leandro.

"Dinamayan mo naman ako," sagot ko sa kan'ya.

"Tss! Sino na lang makakasama mo kung nag-asawa ako?"

Napailing na lamang ako. Ang totoo isa lang naman ang lalaking minahal niya at hindi siya gusto kaya ginawa niya akong dahilan para wag nang mag-asawa. Kunwari pa hindi lang maka-move on!

LEANDRO MARTINEZ (WAKAS)

Habang namamahinga sa kubo malapit sa palayain ay natanaw ko ang aking kasintahan na si Esperanza. Marahan itong naglalakad palapit kasabay nang dalawa pang binibini. Nang makalapit ay matamis na ngumiti ito sa akin.

"Leandro," malambing na tawag nito sa aking pangalan.

Tumayo ako at ngumiti sa kan'ya. Madalas ay bumibisita siya dito sa palayain ngunit ngayon ko lamang napansin na may kasama siyang kaibigan.

"Nais kong ipakilala sa iyo ang mga kaibigan ko," tumigil siya panandalian at tumingin sa dalawang kasama. "Si Elizabeth Rogelio," ngumiti ang nasa kaliwang bahagi niya. "At si Silvistria Gomez," nakatingin lamang ito sa akin habang may nakatakip na pamaypay sa kan'yang mukha.

Ngumiti ako sa kanila at bahagyang yumuko. Ang akala ko ay masaya ang kasintahan ko sa kan'yang mga kaibigan ngunit nagulat ako nang isang araw ay hiniling ni Esperanza na makipaghiwalay na sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Mas nababagay kayo ni Elizabeth, mayaman din siya samantalang ako ay anak lamang ng isa sa mga magsasaka ninyo," nakayukong paliwanag niya.

"Ano ba ang iyong sinasabi? Alam mong kailan man ay hindi ako tumitingin sa estado nang buhay," wika ko bago humakbang palapit sa kan'ya ngunit mabilis siyang umatras.

"Hindi ba dapat ay ang naglayas na kaibigan niyo ang iyong inaalala ngayon?" tanong ko sa kan'ya dahil kalat na kalat na ang paglalayas ng anak ng mga Gomez.

"Nasa tahanan niyo lamang naman si Silvistria hindi ba?"

Nagulat anong alam niya iyon. Lumapit si Silvistria sa magulang ko at nakiusap na maging kasambahay. Dahil sa pagiging misteryo ng binibini ay wala pang nakakakita sa buo nitong mukha kaya't hindi ito nakilala ng magulang ko ngunit ako ay hindi nito malilinlang.

"Papaano mo nalaman?"

Ngumiti siya at hindi ako sinagot.

"Basta ipangako mo, pakakasalan mo si Elizabeth."

Natagpuan sa gubat ang bangkay ni Esperanza akala ko ay iyon lamang ang mararamdaman kong sakit ngunit isang linggo pa lamang ay natagpuan din ang magulang ko na wala nang buhay.

Kahit masakit ang lahat ay pinili kong tuparin ang hiling ni Esperanza na pakasalan si Elizabeth. Naglakbay ako nang isang buwan upang makalimot. Sa itaas ng bundok nakatitig ako sa mga bituing habang nakahiga sa damuhan.

"Panginoon, bigyan niyo po ako nang lakas may kapatid pa akong kailangang pangalagaan," dasal ko.

Alam kong labis ang sakit na nararamdaman ko ngunit may kapatid pa ako, kailangan kong maging matatag para kay Teresa.

Umuwi ako sa araw nang aking kaarawan. Naghanda kami at maraming dumalo. Nagulat ang lahat nang makarinig nang pagbagsak. Nagmamadali ng pinuntahan iyon ng lahat.

Nakatingin ako sa binibining gulat na gulat na nakatingin sa amin. Kakaiba ang kan'yang kasuotan. Napilitan akong sabihin na siya ay aking panauhin at nahulog lamang sa bintana.

Josefa iyon ang unang pangalan na pumasok sa aking isip. Hindi ko na siya natanong kaya't iyon na lamang. Nasa labas ako ng simbahan nang maalala na pupunta ng ilog ang kapatid ko. Baka isama nito si Josefa kaya nagmamadali akong bumalik sa aming tahanan, wala na ngang tao roon. Hindi ko na nagawa ng magpaalam kay Elizabeth, pagkalabas noon ng simbahan ay tiyak na magtataka iyon na wala ako.

Inabutan kong nagtatampisaw ang kapatid ko kasama si Josefa sa tubig. Napangiti ako nang makita ang mga ngiti at tawa ng aking kapatid. Wala akong alam kung saan ba talaga nagmula si Josefa ngunit, kung napapasaya niya ang kapatid ko ay gusto kong manatili siya sa amin.

Umahon si Teresa at naiwan sa tubig si Josefa. Pinagmasdan ko ito habang nakatayo sa hanggang balikat niyang tubig. Matangos ang maliit na ilong niya, tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok patungo sa pisngi niya. Mamula mula ang manipis na labi nang binibini. Nahuli niya akong nakatitig sa kan'ya at nagulat ito. Lumubog siya sa tubig at nagulat ako nang mapunta siya sa malalim tila nahihirapan siyang lumangoy. Wag mong sabihin na hindi siya marunong lumangoy?

Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa tubig. Lumangoy ako patungo sa kan'ya, hinigit ko ang bewang niya pataas ng tubig. Lumangoy ako patungo sa mababaw at nang makarating doon ay agad ko siyang binuhat. Matapos ko siyang ibaba sa malaking bato ay umalis ako. Hindi ko maunawaan ang kabang nararamdaman ko kanina habang tila malulunod si Josefa. Naghalong takot at galit, takot na baka hindi ko siya masagip at galit dahil hindi siya nag-iingat.

"Dito ka magtampisaw Josefa, wag na wag ka nang lulusok sa ilog, patuloy ko na lamang daragdagan ng tubig," sambit ko matapos ilagay ang isang malaking kawa sa harapan nila ng kapatid ko.

Nang minsang ayain ni Elizabeth si Josefa sa pag-aayos sa na lalapit na sa sayawan ay hindi ko ito pinayagan. Iniisip ko pa lamang ang mga tingin ng mga binata roon ay uminit na ang ulo ko.

"Hindi mo pinayagan si Josefa?" tanong ni Kuya Pedro.

"Maraming lalaki roon na tumutulong din," sagot ko sa kan'ya.

"Ngunit ang magpapang asawa mo ay hinayaan mo? Hindi ko na talaga maunawaan ang mga kinikilos mo, naaalala ko kung paano ka noon kay Esperanza," puna niya.

"Hindi ako ganito kay Esperanza," kailan man ay hindi ako naging mahigpit kay Esperanza dahil kapag may nais siyang puntahan ay sinasamahan ko na lamang.

"Oo dahil mas labis ka ngayon kay Josefa."

Hindi na ako nagsalita pa. Ayokong umalis si Josefa, dahil kahit masulyapan lamang ng mga lalaki ay ayaw ko. Nais kong maging maramot pagdating sa binibini. Nais kong ako lamang ang nakakakita nang kan'yang kagandahan, ako lamang ang nakakalapit sa kan'ya at tanging ako lamang ang makakahawak sa kan'ya.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang mabagal na sumasayaw kami sa mabagal na awitin. Nakatitig siya sa akin at pinagmamasdang mabuti ang mukha ko.

"Anong nasa isip mo?" tanong ko sa kan'ya.

"W-wala salamat sinayaw mo ako."

Wala akong sinayaw buong gabi kung hindi si Josefa. Hinayaan ko lamang na magsaya si Elizabeth kasama ang ibang tao. Nang pauwi na ay nagulat ako nang may sumaksak kay Josefa.

"Josefa!" sigaw ko at mabilis na tumakbo pa palapit sa kan'ya.

Labis ang takot ko sa tuwing may mangyayaring masama kay Josefa. Dumating pa sa punto na dinukot pa siya mabuti na lamang at salapi lamang ang hiniling nang dumukot sa kan'ya.

Kung maaari lamang na ikulong na lamang siya sa kan'yang silid ay ginawa ko na, ngunit hindi naman siya bilanggo para gawin ko iyon. Isang hapon na umuwi ako ay nagulat ako nang wala siya sa bahay, silang tatlo ni Teresa at Silvistria o mas kilala nila bilang Silvia.

Nagmamadali akong lumabas at nakasalubong si Mang Juan.

"Nagtungo sa ilog ang kapatid mo nakita ko, kasama ang isang kasambahay ninyo at ang magandang binibining kasama niyo sa bahay."

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi ni Mang Juan. Sa ilog, talaga ba Josefa? Wala kang kadala-dala. Sumakay ako sa kabayo at mabilis na nagtungo sa ilog.

"Hindi pa kayo aahon?"

Kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Nagtinginan muna sila bago nagmamadaling umahon at inayos ang kanilang mga dala. Galit na galit silang pinagsabihan ni Aling Pasing. Nang umalis ang matanda ay ako naman ang humarap sa kanila.

"Bakit hindi kayo nagpaalam?" mahinahong tanong ko sa kanila.

"Hindi naman kami papayagan, Kuya."

Ang isang ito!

"Iyon naman pala, alam niyong hindi kayo papayagan pero tumuloy pa rin kayo?"

Napangiwi ang kapatid ko.

"Kasalanan ko ako nag-aya," pag-amin ni Josefa.

Napahilot ako sa sintido ko, binibini naman, nanghihina ako sa maamo mong mukha. Natutunaw ang galit ko pagdating sa iyo.

"Josefa..." malambing na tawag ko sa kan'ya.

"Josefa, alam mo ba kung gaano kalabis ang takot ko nang umuwi ako dito at hindi ka matagpuan?" tanong ko sa kan'ya.

"Ay, si Josefa lang?" singit ng kapatid ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Teresa. Nais niyo yatang isang buwan hindi makalabas ng ating bakuran," pa nanakot ko sa kanila.

"Ikaw ang bahala Kuya, ngunit hindi kami makakadalo sa kasal mo."

Tila natauhan ako sa tinuran ng kapatid ko. Labis-labis ang pagtatangi ko kay Josefa ngunit ikakasal ako sa iba.

"Umakyat na kayo."

Nagkainuman kami ni Kuya Pedro at nang malasing na ay umakyat na ako sa taas upang matulog na ngunit nang mapatingin ako sa pintuan ng silid ni Josefa ay lumapit ako. Marahan akong kumatok at nang pag buksan ay pumasok ako.

Hinalikan ko si Josefa, marahan at maingat. Gusto kong tumigil ang oras at namnamin na lamang ang Sandali.

"Leandro..." tila tinig ng anghel.

Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad ang maamo niyang mukha.

"Josefa..."

"Chelsea," pagtatama niya.

"Hindi mo ba siya mahal?"

"Hindi," diretsong sagot ko

"May ibang laman ang puso ko," tumigil ako sandali at tumingin sa mga mata niya, "ikaw... Hindi ko alam kung saan ka nagmula... Hindi kita lubusang kilala pero sa panahong na kasama kita, ayoko nang pakawalan ka pa."

Umamin ako, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko para kay Josefa.

"Sabihin mo lang na iniibig mo rin ako, lalaban ako. Hahanapin ko ang galit nila, hayaan mo lang ako na mahalin ka," matapang na sambit ko.

Sa araw nang kasal, nais ko mang panindigan ang huling hiling sa akin ni Esperanza ay hindi kaya ng puso ko. Nataranta ako nang makitang wala na si Josefa sa kan'yang inuupuan kanina. Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan kahit pa sabay-sabay nila akong tinatawag. Kinuha ko ang kabayo ni Kuya Pedro na nakatali sa isang puno.

Bumuhos na ang ulan at nakita ko si Josefa na nakasalampak sa lupa at nakatingala at hinahayaan ang sariling mabasa nang ulan. Bumaba ako ng kabayo at lumapit sa kan'ya. Napabuntong hininga ako, itinapat ko ang palad ko sa mukha niya upang wag tumama ang ulan sa kan'yang mukha. Napansin niya iyon at nagmulat.

Umiiyak ang aking binibini, umiiyak ang aking mahal. Hindi ko magawa ng malungkot sa mga luha niya dahil alam kong ang pag-ibig niya sa akin ang dahilan noon.

"T-tapos n-na?" tanong niya.

Itinayo ko siya mula sa pagkakaupo niya sa lupa. "Umuwi na tayo."

"Tapos na ba?" ulit na tanong niya.

Pinunasan ko ang luha niyang walang tigil sa pagpatak.

"S-sagutin mo ako..."

Hinalikan ko ang mga mata niyang lumuluha, matapos sa isa ay iyong kabila naman. Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit, mahal ako ng aking binibini. Humagulhol siya sa aking dibdib.

"Umuwi na tayo, magkakasakit ka."

Umiling siya, ramdam ko.

"Ayokong umuwi sa bahay mo, sa panahon ko, doon ko gustong umuwi," bulong lamang iyon at tila hindi ko dapat marinig pero malinaw kong naintindihan.

Sa hinaharap, doon siya nagmula. Hindi ko alam kung papaano ng napunta siya dito pero nagpapasalamat ako.

Nang makauwi ay inamin ko sa buong angkan ko na si Josefa ang nilalaman ng aking puso. Alam kong tanggap nila ang iniibig ko ang suliranin na lamang ay ang galit ng pamilya ni Elizabeth.

Hinayaan kong saktan ako ni Manolo dahil nararapat lamang iyon sa akin. Ngunit nang saktan ni Elizabeth si Josefa ay lumabas ang galit ng aking kapatid. Kahit siniwalat na ng aking kapatid ang kan'yang nalalaman ay tila pakiramdam ko ay may mali parin.

Si Silvistria, kaibigan din siya ni Esperanza pero nakakapagtakang hindi siya nagsasalita tungkol sa mga pangyayari. Ang akala ba niya ay hindi ko alam ang pagkatao niya?

Nagulat ako nang magbigay sa akin ng sulat si Aling Pasing, pinabibigay daw ni Silvia galing kay Josefa. Bumalik na siya sa pinagmulan niya iyon ang nilalaman. Imposible hindi niya ako maloloko.

Nagmamadali akong nagtungo sa lupain ng mga Gomez.

"Leandro! hindi ka maaaring pumasok na lamang!" si Ginoong gomez.

"Nasa loob ng lupain niyo si Silvistria!" sigaw ko.

"I'm posible, Leandro matagal nang hindi bumabalik ang anak namin."

"Pakiusap."

Hinayaan na nila akong makapasok dahil kilala naman daw nila ako. Tumakbo ako patungo sa magubat nilang lupa in. Sinuyod ko ang kagubatan at nang matagpuan ko kung nasa an sila ay nakatutok na sa mahal ko ang baril na hawak ni Silvistria. Mabilis kong niyakap si Josefa at naramdaman ko ang pag tama ng bala sa likod ko.

"L-Leandro... Hindi..."

Labis-labis na ang iyak ng aking binibini, nasasaktan ang mahal ko. Konting tiis na lamang mahal, alam kong makakabalik ka rin sa panahon mo.

"M-mhal ko, tama ako hindi mo ako basta-basta iiwan na lamang."

Hindi ako naniwala sa sulat na ginawa ni Silvia. Kahit gusto mong bumalik sa panahon mo hindi mo ako basta na lamang iiwan, kami ng kapatid ko. Umiling siya.

"H-hindi, hindi kita iiwan kaya paki usap wag mo rin akong iiwan," pakiusap niya.

"H-higit pa sa pagmamahal k-ko kay Esperanza, sa iyo'y walang kapantay. C-chelsea... bumalik ka sa pinagmulan mo."

Sa huling pagkakataon ay nila pat ko ang labi ko sa mga labi niya. Masuyo kong hinalikan ang babaing minahal ko nang labis, ang babaing handa kong iaalay ang buhay ko.

Narinig ko ang sigaw ni Silvia, gamit ang natitira ko pang lakas ay niyakap ko nang mahigpit si Chelsea at tinanggap ang balang nagmula sa baril ni Silvia.

Paalam mahal ko, maaaring hindi na ako sa panahon mo, ngunit sa puso ko'y mananatiling ikaw, hanggang sa muli tayong pagtapuin ng mundo.

----WAKAS---