Chapter 14
Nasa kusina na ngayon sila Rian habang si Alec naman ay nagluluto ng agahan nila.
“Ano ba, Rian. Ano na naman bang ginawa mo kagabi at nandito ka sa bahay niya, huh?” Bulong ni Rian sa kanyang sarili.
Napatingin naman ang dalaga sa binata na nakatalikod sa kanya at nagluluto. Nakasuot na rin ito ng damit dahil kanina ay naabutan niya itong naka-tapis lamang ng tuwalya. Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya mapigilang maginit ang kanyang mukha.
Bagong gising siya at natagpuan na lamang niya ang sarili sa kwarto ng binata at tumambad pa sa kanya ang katawan nito na basa pa dahil sa katatapos lang maligo.
At hindi niya maitatanggi na pati ang katawan nito ay nagbago na. Hindi niya alam na sa suot nitong suit kagabi ay may itinatago pala itong six packs.
“Kagabi…? KAGABI! Ano ba ang nangyari kagabi at wala akong maalala? Huh?” Bulong niya sa isip at napasabunot na lamang sa kanyang buhok.
“Ayos ka lang? May masakit ba sayo?” Rinig niyang tanong kaya naman ay iniangat niya kanyang tingin.
Napaatras naman siya sa gulat ng makitang malapit sa kanya ang mukha ng binata. Umayos naman siya ng upo at iniayos ang buhok niya. Inilapag naman ni Alec ang niluto niyang agahan at isang kape sa tapat ng dalaga at saka umupo sa katapat nito.
Natakam naman si Rian ng makita ang pagkain na niluto ng binata. One sunny-side up egg, three pieces of bacon at sinangag na kain. Agad naman siyang humigop ng kape na nagpagaan naman sa kanya.
Ibinaba naman ni Rian ng dahan-dahan ang kape atsaka tumingin sa binata na busy sa pagbasa ng dyaryo at pagkain. Tumikhim muna siya bago magsalita.
“Nga pala, matanong ko lang…A-Ano pa lang…nangyari kagabi…Hehehe…” Tanong niya dito.
Tumigil naman ito sa ginagawa at tiningnan ang dalaga. “Gusto mo ba talagang malaman?” Tanong nito dito.
Tumango naman ang dalaga dito. Naghintay siya ng ng ilang minuto dito upang magsimulang magkwento ngunit ibinalik naman nito ang tingin sa dyaryo. “Kumain ka na lang diyan, nilalamig na pagkain mo.” Saad nito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Napasimangot naman si Rian ng ito ang isagot sa kanya ng binata. Inayos na niya lamang ang sarili at nagsimulang kumain.
Nang matapos sila sa pag-agahan ay nagpalit na muna ng damit si Rian na galing kay Alec. Nagtataka pa siya nung una dahil binigyan siya ng binata ng isang paper bag na may laman na damit at mga undergarments. At nagulat pa siya na sakto ang mga ito sa kanya.
“May girlfriend na kaya iyon?” Tanong niya sa sarili habang nagbibihis.
“Hey. Are you done?” Tawag ni Alec sa labas ng banyo.
“Oo, tapos na.” Tugon niya sabay bukas ng pinto ng banyo. Nagulat naman si Rian ng makita ang binata sa labas habang nakasandal sa pader.
“Let’s go.” Saad nito at nauna ng naglakad.
Nakasunod lamang siya dito hanggang sa makapunta na sila sa sasakyan nito. Agad naman siyang inalalayan nitong makapasok at umikot sa kabila. Tahimik lang sila sa loob habang tinatahak nila ang daan papunta kila Leah at Troy.
Napagpasyahan nilang doon na dumeretso dahil pinapapunta rin naman sila lalo na si Rian na may gustong tanungin sa kaibigan.
Tinanong niya kasi muli ang binata kanina ngunit naging tahimik na at iniiwas na nito ang tungkol doon kaya tumigil na rin si Rian sa pagtatanong dito.
Nang makarating sa bahay nila Leah at Troy ay agad naman silang bumaba. Sinalubong naman sila ng mag-asawa at ang anak nilang si Carlo. Ngayon ay nasa kusina ang sila Leah at Rian upang magluto ng panang-halian. Naiwan naman sila Alec at Troy sa sala upang pagusapan ang business kuno.
“Nga pala, Leah. Paano pa ako napunta sa bahay ni Alec kagabi?” Tanong ni Rian sa kaibigan ha ang naghihiwa ng mga gulay.
Tumigil naman sa paghuhugas si Leah at tumingin kay Rian. “What…Ang ibig mong sabihin hindi mo maalala ang nangyari kagabi?” Gulat na tanong nito kay Rian sabay tawa. Napatingin naman dito si Rian at itinigil ang ginagawa.
Lumapit naman siya kay Leah at hinawakan sa magkabilang braso nito. “B-Bakit? Ano bang nangyari kagabi? May ginawa ba akong hindi maganda? Huh?” Sunod-sunod na tanong ni Rian dito.
“Hahaha. Seriously, Rian. Nagconfess ka lang naman ng iyong pagibig kay Alec kagabi habang hawak mo ang mic. Ikaw huh, hindi mo sinabi na si Alec pala ang tinutukoy mong first love mo noon.” Saad nito atsaka tumawa.
“W-What…? Tama ba narinig ko? Ako? Nagconfess? Kay Alec…!?”
Nang marinig naman iyon ni Rian ay bigla na lamang siya nakaramdam ng panlalamig hanggang sa maramdaman niyang uminit ang buong mukha niya. Naipikit na lamang niya ang kanyang mata ng bigla na lamang pumasok sa isip niya ang pangyayari kagabi.
Pagkatapos magsayaw nila Alec at Rian ay agad na dumeretso ang dalaga sa buffet area. Pinapaypayan naman niya ang kanyang sarili dahil sa kahihiyang ginawa niya kanina lalo na ng maalala niya ang pagyakap sa leeg sa binata at pagsiksik ng kanyang mukha sa dibdib nito.
Nang makarating sa buffet area ay nahagilap niya ang isang baso ng wine at saka ininom iyon ng deretso na parang tubig. At dahil dito ay napatingin naman sa kanya ang ibang tao. Hindi niya pinansin ang mga ito at saka kumuha pa ng baso.
Hindi na namalayan ni Rian na nakakailan na siyang inom na iyon hanggang sa makaramdam na siya ng hilo. May nakita siyang mga nagsasayaw sa harapan niya kaya naman ay sumali siya doon. Napuno naman ng hiyawan ng mga tao ng sumali siya. Kaya naman ay mas rumami ang tao sa gitna ng hall at sumayaw.
At dahil sa kalasingan na rin na nararamdaman ni Rian ay umakyat siya ng stage at kinuha ang mic saka nagsalita.
“Party! Party! *Hik* This is the best reunion ever! WWOOHH!” Sigaw ni Rian sa unahan na sinabayan rin ng marami at nagpatuloy ulit sa pag-sayaw.
Maya-maya ay naramdaman niya na may umagaw ng mic sa kanya dahilan upang lingunin kung sino ang kumuha nun.
“Stop. You’re drunk. Tara na iuuwi na kita.” Rinig ni Rian.
Hindi niya mamukhaan ang lalaki kaya naman ay inilapit niya ang sarili sa lalaki dahilan upang makilala niya ito. “Sir Alec!” Saad ni Rian habang naka-bungisngis dito.
“Tama na iyan. Uuwi na tayo.”
“No! *Hik* Ayoko pa.” Tugon ni Rian atsaka kinuha ang mic na hawak ni Alec at bumalik muli sa stage.
“Stop. S-Stop the music guys… I have a story to tell, all of you guys *Hik* Hihihihi…”
Dahan-dahan namang tumigil ang pagtugtog ng musika ganun rin ang lahat ng tao sa loob at itinuon ang atensiyon kay Rian na nasa gitna ng stage.
Si Leah at Troy naman ay lumapit na sa unahan at sinamahan si Alec na nakapa-meywang habang titig na titig sa dalaga.
“Mama, Is Tita Rian crazy?” Tanong ni Carlo habang nakahawak sa kamay ng ina.
“N-No baby… It’s just---”
“So, this story is about a guy who I have a crush on since highschool *Hik* but he rejected me. Huhuhu. Because I’m young…and…and…”
Napuno naman ng nga reaksiyon ang loob ng hall sa sinabi ng dalaga. Ngunit magsasalita na sana si Rian ng may lumapit muli sa kanya at si Alec na iyon upang mapunta ang atensiyon ng lahat dito sa binata.
“Hey. You’re drunk. Stop this and let’s go home.” Saad ni Alec sa dalaga atsaka hinila ito. Kumawala si Rian sa pagkakahawak sa binata at muling nagsalita.
“He’s here! He’s my crush and he rejected me before, huhuhu…*Hik*” Pagpapatuloy ni Rian at turo na rin sa binata. Marami ang nagulat ng sa sinabi ni Rian maging si Leah at Troy ay gulat rin sa nangyayari itong.
Si Alec naman ay hindi maintindihan kung paano magrereak sa sinabi ng dalaga.
“But you know…*Hik* now that I’ve met him again. *Hik* I feel a little spark here, oh…” Saad nito sabay turo sa dibdib niya habang nakatingin sa binata at ganun rin ito sa kanya.
Maya-maya ay lumapit ang dalaga kay Alec sabay tapat ng ilaw sa kanilang dalawa. Nakangiti naman si Rian dito bago magsalita.
“So, Can I court *Hik* you now? Hihihi *Hik*” tanong ni Rian dito dahilan upang magsigawan ang tao sa loob ng hall. Ang iba ay tumitili at nagpapalakpakan.
Nang masabi iyon ni Rian ay agad na niyakap ang binata sabay halik sa pisngi nito na ikinagulat nito. Muntikan na silang matumba ngunit naalalayan siya ni Alec.
“I love you, Sir hihihi *Hik*…” Bulong ni Rian bago makatulog sa balikat ng binata.
Nang maalala iyon ng dalaga ay napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok. Grabeng hiya ang nararamdaman niya ng sabihin sa kanya ng kaibigan at maalala niya ang nangyari kagabi.
“Ito ba ang dahilan kaya bakit ako sagutin nito kanina? Hays. Rian! ‘Wag ka ng iinom ulit. Ang Boba mo. Aahh!!”
“At iyon na nga ang nangyari. Kaya kay Alec ka na namin pinaubaya dahil alam namin na walang mangyayari sayo.” Nakangiting saad ni Leah sa kaibigan atsaka inihulog na ang laman ng baboy sa kumukulong tubig.
“Aahh! Leah! Ano nang gagawin ko. Huhuhu. Paano ko siya haharapin, huh?”
“Sus. Ngayon ka pa mahihiya, eh kagabi nga halos ipagsigawan mo na yung nararamdaman mo kay Alec. Hahaha.”
“Kasi naman…” Hindi na matapos ni Rian ang kanyang sasabihin at isinubsob na lamang ang kanyang mukha sa lamesa.
“Aahh!!” Sambit na lamang ng dalaga at timulungan ang kaibigan sa pagluluto.
Matapos ang pagbisita nila Rian at Alec sa bahay nila Leah at Troy ay napag-pasyahan na nilang umuwi. Balik trabaho na uli si Rian at ganun rin ang binata na napag-alaman niyang nagmamay-ari ito ng mga sasakyan.
Muli ay inihatid ng binata si Rian sa bahay nito. Hindi na umangal ang dalaga dito dahil kulang ang pera niyang dala kung magko-komyut siya.
Tahimik lang sila sa loob habang si Rian naman ay kanina pa pabalik-balik ang tingin sa salamin kung saan makikita ang repleksiyon ng binata.
Hanggang ngayon pa rin ay hindi niya pa rin maalis sa isip niya ang nangyari kagabi. Parang gusto niya na lamang mawala ng parang bula sa hangin. Muli ay tumigin siya sa salamin at pinakatitigan ang binata.
“Nahihiya kaya ito, kaya ayaw niya sabihin? Or wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.”
Napansin naman ng binata ang kanina pang pagsulyap sa kanya ng dalaga kaya naman ay nagsalita ito.
“What’s wrong? May gusto ka bang sabihin?”
Nagulat naman si Rian ng magtanong ito sa kanya kaya naman ay napaayos siya ng upo. Tumingin naman siya dito at nagtama ang kanilang mga mata dahilan upang iiwas niya ang kanyang tingin.
“Kaya mo yan, Rian. Huminga ka lang ng malalim.” Bulong nito atsaka muling ibinalik ang tingin sa binata.
“Ahh…A-Ano uhmm…y-yung tungkol kagabi…pasensya kana…” Saad ni Rian atsaka yumuko dito.
“Ahh. Don’t worry. I know your drunk that time so I understand.” Saad nito at biglang tumahimik ang sasakyan.
“P-Pero…Paano kung…kung totoo yung sinabi ko. Papayagan mo ba ako?”
Nagulat naman si Alec sa sinabi ni Rian kaya naman ay bigla na lamang niya napatigil ang sasakyan niya.
“What?” Tanong nito at tiningnan ang dalaga.
“Sir---No. Alec Villareal, can I court you?” Diretsong saad ni Rian habang nakatingin sa mga mata ng binata.
Hindi naman makapagsalita ang binata. Bakas sa mga mata ng dalaga na seryoso ito sa sinasabi niya.
“Ngayong nagkita na tayo ulit, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Ngayong nandito kana, papakawalan pa kaya kita.”
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*√*•*•
Salamat po sa mga nagbabasa!