Chapter 10

Halos magkanda dapa-dapa na si Rian sa suot niyang sapatos paakyat ng rooftop. Hindi niya na ito nagawang tanggalin dahil agad na siyang lumabas sa kanyang silid upang hanapin si Alec.

Nang mabasa niya kanina ang sinulat ng binata ay isa lamang ang agad niyang naisip. Ang hanapin ito at sabihin dito ang kanyang nararamdaman.

Kaya naman ay heto siya at paakyat ng rooftop ng lumang building. Hindi niya ito nakita sa Faculty Room kaya naman ay hinanap niya ito kung saan-saan at napag-alaman niyang nasa rooftop ito ng lumang building. Kaya naman ay ng marinig iyon agad siyang pumunta dito.

“Sana nandiyan ka, please…”

Nang makarating si Rian sa taas ng rooftop ay agad niyang nakita ang binata. Nakasandal ito sa isang pader at nakapamulsa habang nakamasid sa papalubog na araw.

Nang makita niya ang binata sa ganoon ay hindi niya mapigilang mapangiti at makaramdam ng saya at kaunting takot. Masaya dahil nakita na niya muli ang binata at takot dahil natatakot siya na kapag sinabi ang totoong nararamdaman niya ay ipagtabuyan lamang siya nito.

Maya-maya ay napalingon ito sa kanyang direksiyon. Nang makita siya ng binata ay agad itong umalis sa pagkakasandal at mariin na tumingin sa kanya.

“Ms. Morales, anong ginagawa mo dito.” Tanong nito sa kanya at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Tumigil naman ito sa harap niya habang hindi inaalis ang mga tingin nito sa kanya.

“Hinahanap kita. Bigla ka na lang nawala ng iwan mo ito.” Saad niya at ipinakita ang maliit na papel na may sulat. Tumingin naman doon ang guro sa hawak niya. Wala namang nagbago sa ekspresiyon ng mukha nito at muli siyang tiningnan.

“Congratulations, ulit.” Saad nito at ngumiti ng bahagya. Nang makita iyon ng dalaga ay hindi niga mapigilang bumilis ang kanyang tibok ng puso.

“Jusko! Ngiti pa lang pamatay na!”

“Uhm. Tara na sa baba. Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo.” Saad mulit nito at saka nauna sa kanya maglakad. Bago pa makalagpas sa kanya ang binata ay agad niya mulit itong tinawag.

“S-Sandali! May sasabihin ako…” Ani ni Rian at tiningnan sa mga mata si Alec.

“Ano iyon?”

“This is it. Kaya mo iyan, Rian. Just confess to him, and that’s it.” Bulong niya sa kanyang isip.

“Kung hindi naman iya---”

“Gusto kita! Gusto kita, Sir!” Pikit matang saad ni Rian habang nakakuyom ang mga kamay.

Nang sabihin niya iyon ay parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Rian at tanging tibok ng puso niya lamang ang kanyang naririnig.

“Okay, okay. So, tayo na at bumaba na. Malamig na---”

“Wala man lang ba kayong sasabihin sa’kin?” Pagpuputol ni Rian sa sinasabi ni Alec.

Agad naman na tinignan ng dalaga ang binata at nakita niya sa mukha nito ang walang ekspresiyon matapos niyang sabihin dito ang kanyang nararamdaman.

“Alam mo, Ms. Morales, masyado ka pang bata sa mga ganyang bagay at naiin---”

“Bata? So sinasabing mong pambata itong nararamdaman ko sayo? Huh? Ganun ba?” Hindi na napigilan ni Rian ang kanyang damdamin dahil sa narinig sa sinabi ng binata sa kanya.

Akala niya ay magiging maayos ang lahat matapos niyang sabihin ang nararamdaman dito ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksiyon ng binata sa kaniya.

“No. It’s not that what I mean. I’m saying that it’s just a puppy love, ang it’s a normal thing for you to teenagers to feel that way, at naiintidihan ko iyon.”

Nang marinig ito ng dalaga ay nakaramdam siya bigla ng pagsikip ng dibdib niya. Ilang saglit na katahimikan ay lumapit si Rian sa binata dahilan upang magkaharapan sila at tingnan nila ang isa’t-isa sa mga mata.

“So anong gagawin mo kung totoo ito? Itong nararamdaman ko totoo ito. Ano gagawin mo huh?”

“Ms. Morales, bukas na lang natin pagusapan ito, okay? Pagod ka---”

“Answer me!” Hindi mapigilang sigaw ni Rian dahilan upang magsimulang tumulo ang kanyang mga luha.

“It is because of age gap? Huh? Kaya ba gan---”

“Oo! Dahil magkaiba tayo ng estado Adrianne! Guro mo ako at estudyante kita. Kahit na sabihin mo pang gusto mo’ko at totoo ang nararamdaman mo sakin, kahit saang anggulo tingnan, ay mali pa rin sa iba.” Tugon ni Alec sa dalaga.

At dahil sa mga sinabi niya ay nakita niya sa mga mata nito kung gaano ito nasaktan. “Kaya please, stop this whatever feeling na nararamdaman mo para sa’kin, and I’m sorry.” Saad nito at tuluyan ng umalis sa rooftop.

Naiwan naman si Rian na umiiyak at nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang dalaga. Parang isang video na nagpe-play sa isip ni Rian ang mga katagang sinabi sakanya ng binata dahil sa paulit-ulit niya itong naririnig sa kanyang isip.

At simula nun ay hindi na muli niya nakita si Alec. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pagtatapat niya sa binata ay hindi niya na ito nakita. Nagbago na rin ang kanilang Science teacher.

Akala niya nung una ay sadya itong hindi pumasok upang iwasan siya ngunit nagulat siya sa kanyang mga nalaman.

“Sayang ano. Lumipat na ng ibang school si Sir Alec. Hindi man lang natin siya nakasama dito ng matagal.” Saad ng isang guro.

Nandito si Rian sa loob ng Faculty Room upang ipasa sa homeroom teacher nila ang kanilang mga project. Siya kasi ang naatasan na mangolekta ng mga ito kaya naman ay nandito siya.

“Oo nga eh, Ayaw rin sabihin ng principal kung bakit ito nagpalipat agad ng ibang school. Hayst. Ang gwapo pa naman ni Sir Alec.”

Nang marinig iyon ni Rian ay isa lamang ang naiisip niyang dahilan. Mismong ang binata na ang lumayo sa kanya. Nakaramdam naman siya ng sakit ng isipin iyon. Hindi na rin siya nakinig sa mga sinasabi nito at agad na lumabas ng silid.

At iyon at huli niyang balita sa binata. Hanggang sa umabot na ng araw ng pagtatapos niya sa SHS. Nakapagtapos naman siya dito na may mataas na karangalan na dinaluhan ng kanyang Tita at nga pinsan.

Nang makapagtapos sa SHS ay agad siyang nag-aral ng college sa kursonv BSIT. Hindi naging madali ang college life niya dahil kamuntikan na siyang makabagsak at makaulit ng grade dahil sa pag-woworking student niya.

Nakapagtapos naman siya dito at nakapaghanap ng trabaho sa isang sikat na kompanya upang maging isang web developer. After makapag-trabaho ng isang taon ay agad siyang kumuha ng exam sa PNPA upang maging isang pulis tulad ng mga magulang niya.

Nung unang malaman ito ng Tita niya ay ayaw siya nitong payagan dahil ayaw nitong matulad siya sa mga magulang niya. Ngunit dahil sa makulit at pangarap rin ni Rian na maging isang pulis ay napapayag niya ang kanyang Tita.

Nakapasa naman siya ng sa exam at nagtapos rin ng apat na taon sa ranggo na lieutenant. At makalipas ang mahigit anim na taon ay naging isang ganap na pulis si Rian na nag---

“Ano naman ba ang ginawa mo, Rian, huh? Pinapabantayan ko lang sa inyo ang anak ng mayor, perk ano itong nabalitaan ko? Sinuntok mo?” Galit na sermon ng chief nila Rian sa loob ng opisina nito.

Hindi naman mapigilan ni Rian ang mapairap dahil sa tono ng panenermon nito. Siniko naman siya ng kanyang partner na si Jonathan at saka pinanlisikan ng mata na nagpapahiwatag “Umayos ka nga!”.

Tiningnan lamang iyon ng dalaga at saka bumalik ng tingin sa kanilang chief. “Sir naman, ba’t ako ang sinisisi niyo eh nangbastos ang walang modong lalaking iyon. Hindi pork---”

“Tumahimik kana Morales! Wala ka pa ring karapatan na saktan ang anak ng mayor natin dito at hindi rin iyan ang binigay ko sa iyong trabaho. Ano na lang gagawin mo kapag mag nangyaring masama doon, huh?”

Napapapikit na lamang si Rian sa mga sinasabi ng kanyang chief dahil sa kahit na anong pagpapaliwanag niya ay hindi ito makikinig. Patuloy pa rin sa pagsermon ang kanyang chief kaya naman ay wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na ikinagulat naman ng partner niya at ng chief niya.

“S-Saan ka…p-pupunta?” Tanong nito.

Imbis na sagutin niya ito ay tuloy-tuloy na siyang lumabas ng opisina. Narinig niya pang sumigaw ito ngunit hindi niya na ito pinansin.

“Hayst. Kahit kailan ka talaga, Rian. Bakit mo naman ginawa iyon?” Tanong sa kanya ni Jonathan na sumunod sa kanya.

Tumigil naman siya at saka at tumingin sa binata. “Hayst. Lahat na lang ba ng gagawin ko kailangan sabihin ko sa’yo? Hayst.” Tanging tugon na lamang ng dalaga at saka nauna.

Hindi na rin naman na nangulit ito at nagkamot na lamang sa kanyang ulo.

Nagawa niya lamang saktan ang anak ng mayor ay dahil sa pambabastos nito sa isang customer.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng chief niya at dito siya na-assign at mag-alaga ng isang immature na anak ng mayor na imbis ay nasa isang operasiyon siya kasama ang kanyang partner sa Makati.

Habang iniisip iyon ay hindi mapigilan ni Rian ang mapamura habang papasok sa opisina niya.

“Oh, captain. Nakabalik ka na pala.” Bungad na bati sa kanya sa loob na kasama sa team niya. Tumango na lamang siya dito at saka naupo sa kanyang silya.

“Psst! Jonathan! Anong nangyari? Pinagalitan kayo?”

“Oo, eh. Sinuntok niya kasi yun---”

“Kung tapos na kayo sa gagawin niyo ay pwede na kayong umuwi.” Mariing saad ni Rian habang nakatutok sa kompyuter nito.

“Hayst. Sige, sige na. Bukas ko na lang sabihin.”

“Sige, sige.  Buong detalye pre, huh?” Bulong ng mga iilang pulis sa loob.

Nang marinig na anv sinabi ng dalaga ay agad na sumunod ang mga ito. Ang iba ay bumalik sa trabaho habang ang iba ay unti-unting lumalabas.

“Captain, uwi na kami. Ingat kayo!”

Hindi na nagsalita si Rian sa mga ito dahil sa init ng ulo na nararamdaman niya. Maya-maya lang ay may naramdaman siyang lumapit sa kanyang table.

“Ahh, oo nga pala, Rian. Pinabibigay ni Sir Ben sayo.” Saad ni Jonathan at saka inilapag sa table niya ang isang sobre.

Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at tiningnan ang sobre na nakalapag sa kanyang table. Kinuha niya iyon at binuksan.

“Invitation?” Saad niya sa kanyang sarili.

“Saan daw galing? Sino nagbigay?”

“Hmm, sabi ni Sir Ben ay galing kay Leah. Dumaan daw kanina pero wala tayo dito nun kaya pinaiwan iyan kay Sir Ben sa labas. Bakit? Ano ba iyan?” Tugon ni Jonathan atsaka lumapit kay Rian.

“Highschool Reunion Batch 2011-2012…Oohh! May Reunion kayo?” Saad ng binata ng mabasa ang invitation na nasa sobre.

Oo, tama kayo. Isang inbitasiyon tungkol sa highschool reunion na magaganap sa buwan Setyembre. Matagal na niya itong alam dahil ilang buwan siyang kinukulit ni Leah na dumalo daw sila upang makita ang kanilang nga kaklase noon.

Wala siyang balak pumunta sa mga ganto dahil busy siya sa kanyang trabaho ngunit hindi mukhang malabo ang mangyayari, dahil naiisip niya na agad na pipilitin siya ng kanyang kaibigan na dumalo dito.

“Pupunta ka, Rian? Mukhang malapit na ang araw na iyan.” Saad nu Jonathan sa kanya.

Muli ay ibinalik niya ang kanyang tingin sa inbitasiyon na hawak niya. Habang tinitingnan ay hindi niya mapigilang tanungin ang sarili.

“Kung magkakaroon ng reunion…makikita ko ulit ba siya…?”

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Salamat po sa mga nagbabasa!