Chapter 57: 56 | Solo

Follow me on Facebook:

Juanna Balisong

ENJOY READING (/>o<)/

•ווווווווו

| Casa de Huespedes |

"CAREFUL!" Inalalayang makababa ni Lorenzo si Faith ng sasakyan nang makarating na sila sa Casa.

Tinanggap ni Faith ang kamay ni Lorenzo na nakalahad sa kanya at tuluyang bumaba sa kotse. "Masyado ka namang OA samantalang hindi pa naman lumulubo itong tiyan ko." Aniya at natatawang tiningnan ito.

"It's better to be get used to it than not." Kindat nito saka kinuha mula kay Boyet ang payong at pinayungan siya. "Ako ang malilintikan sa mga kuya mo if I didn't make my responsibility as your soon-to-be husband." He possessively wraps his arm around her shoulder as they started walking. "But I'm sure that won't happen dahil wala ka nang kawala sa akin. I'll make sure to fulfill my responsibility and be the best husband and dad for our children." Pagmamalaking wika nito sa kanya at malawak na ngumiti.

Tila nais magwala ng puso ni Faith at nais maglumpasay sa sa tuwa at saya. She knows Lorenzo will be a good father. Nakikita niya na rito na magiging responsable at mabuting ihemplo ito sa mga magiging anak nila.

"I'm sure you will be a good father, love." She said with all her heart and smiled at him sweetly.

"Oh I will." Ngiti nito at idinikit ang tungki ng ilong nito sa kanya.

Pakiramdam ni Faith ay hindi siya makahinga dala ng sobrang pag-uumapaw ng kasiyahan sa kanyang puso. Lalo niya pang idinikit ang sarili sa katawan ni Lorenzo and lean her head on his shoulder as they walk down the Casa. Hindi niya maipaliwanag ang abot-abot langit na kaligayahan.

Napayuko at napahawak siya sa kanyang tiyan. She wonders what will be the gender of their baby? Is She or a He? Or can be both... Biglang tumalon ang puso niya sa saya. Ngunit agad din siyang natigilan nang may mapagtanto...

But they don't have a gene of or for having a tween in their family. Kaya kakaunti ang tiyansang maging kambal ang anak nila.

Nakagat ni Faith ang daliri at pasimpleng tiningnan ang mukha ng mapapangasawa.

No matter what the gender of their baby will be... Mapapapanatag na ang loob niya na si Lorenzo ang nasa kanyang tabi at tatayong ama ng mga magiging anak nila.

She also wonders of Lorenzo being a father to Franco...

If their bond is good? Or was Franco a Mama's boy or more to his dad? Masaya ba ang kanilang pabmilya kung nabigyan ng pagkakataon noon na mabuo sila sa simula pa lang?

Bigla siyang nilugob ng agam-agam at lungkot. If Lorenzo was just given a chance to be a father to Franco... If she could just bring back the time and make things right... to fight for her family and love.

Nang makapasok sa Casa ay itiniklop ni Lorenzo ang payong at muling ibinigay kay Boyet. "Puntahan mo ako mamaya sa opisina para maibigay ko ang listahan para sa rancho at buto na itatanim sa hacienda."

"Sige po Señorito." Tango nito saka umalis.

Napansin ni Lorenzo ang biglang pananahimik ng babae. Nilingon niya ito at natigilan nang makitang tahimik itong lumuluha. "Hey are you alright? Why are you crying?" Puno ng pag-aalala niyang tanong. He held her chin to make her look up to him.

"I-i'm sorry..." Punas ni Faith sa mga luhang umalpas sa kanyang mata.

Agad na pinahid ni Lorenzo ang luha nito gamit ang likod ng kanyang kamay. "Tell me what is it? Did something go wrong?"

"N-no." Agap na iling ni Faith. "I-it's just that..." Nanunubig ang mga mata at namumula ang ilong nito na tumingin sa kanya. "I'm sorry f-for not giving you the... The chance to be a f-father to Franco." Anito at animo talon na umagos ang mga luha sa pisngi.

Hinawakan ni Lorenzo ang magkabilang balikat ni Faith at mataman itong tinitigan. "Love, look at me." Nanatili itong nakayuko at tahimik na umiiyak. Napabuntong-hininga siya.'This may be one of the pregnancy syndromes.' Muli niyang tiningnan ang babae. He needs to understand her even way better lalo na at nagdadalang tao ito at madaling maapektuhan ang emosyon. "Faith... Love." He gently caresses her cheek.

Puno ng luha ang mga mata na tumingala ito sa kanya. "I-I'm sorry for making you suffer for 4 years Lorenzo." Pakiramdam ni Faith ay pinupunit ang kanyang puso. How cruel of her at nagawa niyang ilayo ang sarili sa ama ng anak niya? Kung hindi lamang siya nagpadalos-dalos sa pagde-desisyon ay sana kasama pa nila ngayon ang unang anak.

"Faith... It's not your fault. It's God's will kung bakit nangyari iyon. He has a big plan for us that's why... You don't have to put all the blame to yourself. Everything happens in its own, for its own reason." Nangungusap ang mga matang saad ni Lorenzo. "Always remember thay I love you no matter what." He pulled her closer and hug her tight.

Nais mang pigilan ni Faith ang pag-agos ng kanyang luha ay hindi niya magawa. Her heart was pounding with relief knowing that there's someone was there who accepted her despite of her all circumstances she came through. Gumanti siya ng yakap kay Lorenzo at hinayaan ang sariling makulong sa lilim ng bisig nito. All she need now was him. Her home.

**

Naka-upo si Faith nang tanghaling iyon sa beranda ng kanilang kwarto habang umiinom ng tsaa. Minabuti niya na lamang na magpaiwan sa Casa habang si Lorenzo ay inaasikaso ang mga tauhan sa rancho at hacienda.

Binuklat niya ang binabasang libro at sumimsim sa baso.

Matapos ang pamamanhikan nila noong nagdaang araw ay napagkasunduan ng mga magulang nila na ang mga ito na lamang ang maghahanda para sa kanilang kasal. Kahit na anong gawing pagpupumilit ni Faith na tumulong sa pagpe-prepera ay hindi siya sinang-ayunan ng dalawang Doña. Ani pa ng mga ito, mas bigyang pansin na lamang daw nilang magsing-irog ang kaniyang pagbubuntis.

Wala sa sariling napangiti siya nang maalala kung gaano pa mas ka-excited ang mga ito kaysa sa kaniya nang malaman na nagdadalang tao na siya. Kung ano-ano pang mga pamahiin at kasanayan ang ibinabahagi ng mga ito sa kanya na dapat niya raw gawin habang nagbubuntis. Maski ang magiging pangalan ng anak niya ay pinagiisipan na ng mga ito.

Nilingon niya si Tobi na abalang dinidilaan ang mala-ginto nitong balahibo. "How about you Tobi?" Napaangat ng tingin ang aso mula sa pagdila sa buntot nito. "What do you think will be your sibling's gender?" Nakangiting dinama ni Faith ang maliit na umbok sa kaniyang tiyan.

Lumapit si Tobi sa amo at ipinatong ang ulo sa tuhod nito. 'Okay na sa'kin kahit babae o lalaki. Basta iyong makakalaro ko ng habol-habulan.'

Muling napangiti si Faith at marahang hinaplos ang ulo ng aso sa kaniyang kandungan. "You okay with any gender hmm? Maghintay ka pa ng ilang months bago mo makita ang bago mong kalaro." Muli niyang dama sa tiyan.

Sa hinaba ng mga araw na magkasama sila ni Lorenzo ay walang araw na pumalya itong ipadama sa kaniya kung gaano siya kahalaga at kamahal nito. Sa umaga ay ipinagluluto siya nito at inaasikaso sa tuwing sinusumpong siya ng morning sickness. Kasa-kasama niya rin ito sa kaniyang weekly check-ups at exercise. At sa tuwing nagki-crave siya sa isang bagay ay ora mismo ito kikilos at bibili ng nais niyang kainin.

Muli siyang uminom ng tsaa sa tasa at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

How lucky of her to have a Lorenzo Zembrano by her side... Na kahit na anong pagsubok ang dumating, they always ended up to each other's arm. Their home.

"Wooof! Wooof!"

"AY TALONG!" Halos mapatalon sa kinauupuan niya si Faith nang biglang kumahol si Tobi.

Napahawak siya sa dumadagundong na dibdib at nilingon ang aso. "Tobi!" Saway niya rito. Ngunit patuloy lamang ito sa pagkahol at tila may sinisipat sa ibaba. Sinundan niya ng tingin ang kinakahulan nito.

Napakunot ang noo ni Faith nang makita ang pagparada ng isang BMW na kotse. Walang nabanggit sa kanya si Lorenzo na may darating pala silang bisita?

Tinupi niya ang librong binabasa at tumayo. Lumapit siya sa balustrada at nakita ang pagbaba ng isang lalaki mula sa sasakyan. 'Is that Bruce?' Sipat niya rito.

He has this masculine body and a very strong manly appeal na talagang kaagaw-agaw pansin. Idagdag pa ang hindi-kahabaang tsokolate nitong buhok na naka-messy bun, para itong si Chris Hemsworth na gumanap bilang si Thor sa movie na Avengers.

Umikot ito sa kabilang parte ng sasakyan at binuksan ang pinto. Mula roon ay bumaba si Tiffany na agad na kumuway sa kinaroroonan niya.

Agad na napangiti si Faith nang makita ang kaibigan. Dali-daling siyang bumaba kasunod si Tobi upang salubungin ang mga ito.

Nagkagulatan pa si Martha at si Faith nang muntikan na silang magkabanggaan sa may pinto dahil sa pagmamadali ni Faith. "Ah, Señorita nandito po si Ma'am Tiffany at Mr. Caliente."

Sakto naman ang pagpasok ni Tiffany kasunod ang lalaking pinsan. "FAITH~" Tili ng dalaga at agad na niyakap ang kaibigan.

"Good to see you again Tiffy!" Ganting yakap ni Faith sa babae. "Bruce! You're here also!" Pansin niya sa lalaki.

He charmly smiled. Bruce still has his aura and posture as a Caliente. A very fine and authoritative man. Napakalakas ng dating nito sa simpleng suot na coffe colored shirt at white knee-length short paired na pinaresan ng white sneakers. Idagdag pa ang kulay tsokolateng mahabang buhok nito na nakatali sa likod. He's really appealing.

"Yeah," tango nito. "How's the things going?"

"All fine Mr. Caliente." Ngiti ni Faith. "You've changed a lot! Pwede ka nang maging model sa tindig mong iyan!" Aniya at binigyan ng tingin ang kabuuan nito.

"Sorry, but modeling was not my cup of a tea. I'm busy doing my own stuffs." He shrugs.

"Hindi ko alam na pupunta pala kayo rito."

"Nah, I actually came here para nakawin ka muna kay Lorenzo." Ani Tiffany at hinawakan ang kanyang kamay.

Nagtatakang tiningnan ni Faith ang kaibigan papunta kay Bruce.

"Nope. Wala akong alam sa balak niyan." Iling ni Bruce at namulsa. "I came here to see Lorenzo. Tumawag ako kanina pero ang sabi nasa rancho raw s'ya that's why I decided to just came here."

"I-iyon nga po ang sasabihin ko sana sa inyo Señorita kaso nakalimutan ko po." Singit ni Martha at napayuko.

"It's okay Martha, pakitawagan nalang ang sa rancho at pabalikin na kamo muna si Lorenzo." Agad na tumango ang katiwala at umalis.

"How's your pregnancy? Hindi ka naman siguro pinapahirapan ng baby n'yo?" Tanong ni Tiffany at tumingin sa kanyang tiyan.

"Kung alam mo lang ang hirap ng morning sickness and cravings." Tawa ni Faith at iginayak sila sa living room. "Luckily, Lorenzo's always there to grant my requests kahit pa na madaling araw na at naghahanap pa ako ng takoyaki." She softly laughs nang maalala kung papaanong nagpa-special delivery pa si Lorenzo ng takuyaki ng alas-dos ng madaling araw.

> LAST NIGHT

Wearing her nighties pajamas, nagising si Faith nang madaling araw na iyon na kumukulo ang tiyan at tila nangangasim. Pakiramdam niya ay may pagkain siyang nais kainin. She's craving for takoyaki.

Nang matapos kasi silang manood ng movie kasama ang mga magulang ay nagkanya-kanya na silang akyat sa kwarto. Nanood pa kasi siya kanina ng mukbang bago matulog and she also want to eat what the vlogger was eating. Kada-kagat nito sa kinakain ay tila siya naglalaway na parang aso.

Hinimas niya na lamang ang tiyan at muling pumikit. 'You can eat what you want later baby, just please not now. Tulog na ang mga tao.' Aniya at nagtalukbong ng kumot at pilit na bumalik sa pagtulog. Nahihiya naman kasi siya kung mambubulabog pa siya ng tulog ng iba para lang sa pagkain.

But...

*Brrr...*

Marahas na muling inalis ni Faith ang pagkakatalukbong ng kumot nang kumalam ang kanyang tiyan. She can't resist it anymore... She badly wanted to eat that food right now!

Umupo siya at nilingon ang himbing na natutulog na si Lorenzo. "Psst... Lorenzo." Tawag niya dito at kinulbit. Ngunit hindi ito naalimpungatan man lang. Lumapit siya rito. "Lorenzo." Hawak niya sa balikat nito at marahang niyugyog.

"Hmm?" He grunts ngunit nanatiling nakapikit ang mata.

"A-ano... Uhmm..." Nahihiya niyang nakagat ang ibabang labi. "I-i want to---"

Nagdilat ng isang mata si Lorenzo at tiningnan ang namunulang si Faith. Agad na rumihistro ang nakakaaliw na ngiti sa labi niya nang makuha ang nais nitong sambitin. "Babe... We can't do 'IT' here." He huskily said. "Baka magising mo ang buong kabahayan sa lakas mong---"

"G*go!" Malakas na nahampas ni Faith sa dibdib ang lalaki nang agad na makuha ang sinasabi nito. "That's not what I mean!" Naiinis na bulong niya rito.

Tumatawang hinimas ni Lorenzo ang dibdib na hinampas nito. He looked at her frowned face. "Okay-okay." Bahagya siyang bumangon at itinukod ang braso sa uluhan. "Tell me what you want." Wika niya at nilaro ang iilang hibla ng buhok nito na sumasayad sa unan.

"A-ano kasi... Gusto ko ng... ng takoyaki." Nahihiyang untag nito.

"Takoyaki?"

Marahang tumango si Faith.

"At this hour?" Ani Lorenzo at sumulyap sa orasan sa katabing night table. Pasado alas-dos y media na ng madaling araw at paniguradong wala nang bukas na tindahan sa mga oras na iyon. How more pa ang mga store na nagtitinda ng takoyaki?

Agad na nalukot ang mukha ni Faith at halos mag-isang linya na ang kilay. "H'wag na nga!" Kunot-noong asik nito at padabog na tumalikod at muling nahiga sa kama.

Napa-buntong hininga na lamang si Lorenzo. He knew this is one of the pregnancy sicknesses... The cravings. He should give what Faith's want no matter what kung hindi ay papangit daw ang anak nila.

Napatawa si Lorenzo sa sarili at tuluyang bumangon. Nilingon niya si Faith na nakahigang nakatalikod sa kaniya at mabigat ang ginagawang paghinga.

'Uh-oh... The tigress is angry.'

Kinuha niya ang telepono sa night table at tumawag.

Puno ng pagka-inis at dismaya si Faith na kinukutkot ang yakap na unan. Kulang nalang ay mapunit ang kobre ng unan sa pagbaon ng mga kuko niya rito sa sobrang pagka-iyamot na nararamdanan niya.

'Kasalanan ko ba kung nagugutom ang anak natin?' Nagpupuyos ang kalooban na kinalmot-kalmot niya ang unan.

"Victor, can you do me favor? I want to order 2 boxes of takoyaki and deliver it here right now at Fuentes residence."

Agad na nagpantig ang tainga ni Faith nang madinig na may kausap si Lorenzo sa telepono.

? Victor: "What the hell man? It's already 2 in the morning! Tingin mo ba may bukas pang mga tindahan sa oras na 'to? Maski ata nagtitinda ng balot sa kanto naka-uwi na."

Lorenzo scrapes his hand on his nape while the other one was holding the phone. "You know I have a pregnant wife here who is craving for it." Sarkastiko niyang saad. "Just take an order of Nozaki's Takoyaki and do special delivery."

? Victor: "Hindi ba nakasinghot ng droga iyang asawa mo? Baka kabag lang ang dinadala niyan at hindi bata?" Anito at malakas na tumawa.

Napabangon sa kama si Faith nang marinig ang sinabi ni Victor. Marahas niyang nilingon ang nakatalikod na pigura ni Lorenzo. 'Aba walang hiyang Victorio'ng ito ah... Siya kaya ang magbuntis!' Asik niya sa kanyang kaloob-looban.

? Victor: "Well let me tell you also Mr. Zembrano, sa ganitong oras tingin mo ba may nag-o-opera pa sa paggawa ng takoyaki?"

"Do you even know what the word "SPECIAL DELIVERY" is?" Pagbibigay diin ni Lorenzo sa salita. "If not, then just buy that g*ddamn franchise." Naiinis niyang ani rito.

? Victor: "Hold up man."

Dinig nilang tumawa mula sa kabilang linya si Victor.

? Victor: "Parang takoyaki lang handa ka pang makipagpatayan at pati mismong franchise bibilhin mo?" Natatawa pa nitong sabi.

"I'm dead serious." Matigas na wika ni Lorenzo.

? Victor: "Here goes again Mr. Lorenzo Zembrano using his power to manipulate." Biro pa nito at muling tumawa. "Ganyan ba talaga kapag may asawa na? Nagiging OA sa maliit na bagay?"

Napapikit nang mariin si Lorenzo at nahilot ang naka-kunot na noo."Just do what I said." Pinal niyang saad sa kausap at pinatay ang tawag. Hahaba lamang lalo ang kanilang usapan sa mga banat nito.

Makailang pagbuntong hininga ang ginawa niya upang kalmahin ang sarili saka muling humarap kay Faith. Nakaupo na ito sa kama at nakatingin sa kanya.

"Do you know how cute you are when you're getting mad?" Nakangising saad nito at halatang pinipigilan ang pagtawa.

Napailing-iling si Lorenzo na muling bumalik sa kama. "And do you know how weird you are to crave for some takoyaki at this hour?" Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa labi upang hagkan.

"Sisihin mo ang anak natin. Siya ang may gustong kumain noh!" Ingos ni Faith. <

Nagkatawanan ang dalawang babae matapos maikwento ni Faith ang nangyari.

"Really? Binili niya yung buong franchise nang dahil lang don?" Hindi makapaniwalang saad ni Tiffany at hindi mapigilan ang tawang tumingin sa kaniya.

"Oo, kaya nga noong kinaumagahan nagulat na lang din ako na kung bakit may truck ng takoyaki sa labas ng mansyon." Tawa niya. "Supplies daw iyon para kung anong oras ko man gustuhing kumain ng takoyaki ay mayroong stock sa ref."

Muling nagkatawanan ang mga ito.

Tinapunan ng asong si Tobi ng tingin ang dalawa. 'Sana ayos lang kayo.' Muli itong nahiga sa sahig.

"I didn't know Lorenzo was that... Exaggerated." Sabat ni Bruce at sumubo ng takoyaki.

Napatawa si Faith. "Kung alam n'yo lang kung gaano siya ka-bossy sa iba." Naiiling na saad niya.

"Well, he's the "Boss"." Bruce shrugged.

"Speaking of the boss..."

"Nandito na po si Señorito." Pag-imporma ni Martha kasunod ng pagpasok ni Lorenzo.

"I'm sorry for keeping you wait." Ani Lorenzo habang hawak pa ang sumbrerong yari sa uway.

Agad na sumalubong si Tobi sa amo at kumukuwag-kuwag pa ang buntot na lumapit dito.

"Sup buddy." Himas ni Lorenzo sa ulo ng aso saka lumapit kay Faith at hinagkan ito sa pisngi.

"They're here to tell us something." Imporma ni Faith kay Lorenzo.

"Something?" Nagtatakang binalingan ng tingin ni Lorenzo ang dalawang bisita.

"Actually, I came here para sana ipagpaalam na... Nanakawin ko muna si Faith." Ani Tiffany at hinila palayo kay Lorenzo si Faith. "And Bruce was here to tell you something."

Tumingin naman si Lorenzo kay Bruce.

"Since Lorenzo was already here... Mauuna na kami ni Faith dahil marami pa kaming gagawin kaya babush!" Dali-daling hinila ni Tiffany si Faith.

"H-hey wait!" Pigil sana ni Lorenzo ngunit agad na tinakbo ni Tiffany palabas ng Casa si Faith at sumakay ng kotse.

"This isn't my idea..." Bruce grunt at natampal na lamang ang noo.

•ווווווווו

SUMILIP si Faith sa binatana ng sinasakyan nilang kotse. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya at muling sumandal ng pagkakaupo.

"We're almost there." Ani Tiffany at kumambyo.

Napansin ni Faith ang pamilyar na lugar. Nasa kahabaan sila ng Central Avenue. Makailang saglit pa ay tumigil sila sa tapat ng isang mall.

Hinubad ni Faith ang seat belt at tumingin sa bintana. Halatang may kalumaan na ang establisiyemento ngunit namimintina nito ang ganda at ayos. Maraming mga tao ang naroon at halatang dayuhin talaga ang lugar.

Kinuha ni Tiffany ang pagkakasaksak mg susi ng kotse saka hinubad ang seat belt. "Looks familiar?"

"Y-yeah..." Tanging tango na lamang ni Faith at tila napako na ang kanyang mata sa lugar.

They were in the UP-town center. It was the place where they used to hang out after their school break when they were just in college. Dito sila palagi dumidiretso pagkatapos ng klase at naglalakwatsa since malapit lamang ito sa dating unibersidad na kanilang pinapasukan.

Naaalala niya pa noon na doon din dati nila mini-meet ang mga nakikilala nilang lalaki sa social media at nakikipag-blind date. Syempre ay hindi siya nakikipag-blind date. Sinasamahan niya lamang ang kaibigan kapag hindi nito bet ang ka-blind date nito.

"May balak ka bang bumaba o tutulala ka nalang d'yan?"

Muling nabalik si Faith sa sarili nang mamalayan na siya na lamang pala ang nasa loob ng kotse. Matapos mahubad ang seatbelt ay dali-dali siyang bumaba.

"Why are we here? Don't tell me may ka-blind date ka?" Tanong niya rito.

"G*ga! Dinala kita dito to have some fun, hindi para makipag-blind date." Anito at kumawit sa kanyang braso.

Bahagyang napatawa si Faith.

Sabay silang pumasok ng mall at sinimulang magliwaliw.

•ווווווווו

RIDING his black stallion horse, Lorenzo pulled the leash to his right to change his direction. Nakasunod naman sa kanya si Bruce na nakasakaya rin sa kulay-kapeng kabayo.

"You've been busy by just roaming your hacienda and locking up yourself in your office with your papers... Really, Lorenzo? Ano bang nagustuhan sa'yo ni Faith?" Pagkuwa'y untag ni Bruce at sumabay sa pagtakbo ng lulan niyang kabayo.

"Why? You still not moved on from the past, eh?" Ngising tingin ni Lorenzo kay Bruce. "Hindi mo pa rin ba tanggap na b-in-asted ka niya dahil sa'kin?"

"Really? Ganyan ka na ba ka-hambog para isiping ikaw ang dahilan kaya niya ko tinanggihan makipag-date?" Pagak na tawa naman nito. "Faith cleared that she brought me down because of his brothers. Ayaw niyang matulad ako sa mga sumubok na manligaw sa kanya." Sarkastiko nitong saad.

Kalat noon sa unibersidad na dati nilang pinapasukan ang pagiging istrikto ng mga kapatid ni Faith sa mga manliligaw nito. Bilang nag-iisang babae sa pamilya, talaga namang iniingatan ng mga ito ang nag-iisang unica hija. Kung talagang nais mong mapalapit sa dalaga ay kailangan mo munang dumaan sa dalawang Fuentes na magkapatid bago maligawan ang babae.

"Well then, she doesn’t deserve the man who can't fight for her... And that. That is the reason why she chose to love me, because I chose to fight for here insted of backing off and doing nothing." Lorenzo shrugged and pulled the horse's leash.

Matulin na tumakbo ang kabayong si Jonathan samantalang napag-iwaman naman sa pagtakbo ang sinasakyang kabayo ni Bruce.

"Isn't he a confident one?" Kastigo niya sa sarili habang nakatingin sa papalayong pigura ng lalaki. "Well, he definitely deserves to win her heart." Naiiling niyang saad at hinila ang tali ng kabayo upang habulin ito. "HIYA!"

•ווווווווו

| Casa de Huespedes |

“TOBI!” Sigaw ni Seli sa pangalan ng aso at hinanap sa mga sulok.

“Nakita mo na ba s’ya, Seli?” Tanong ni Martha nang makapasok.

Napakamot sa sintido si Seli at tumayo ng maayos. “Hindi pa nga e.”

Hawak ang taling pang-aso ay nakapamaywang na nagpalinga-linga si Martha. “Saan naman kaya nagsusuot ang asong iyon? Tiyak na tatalakan tayo ni nanay Rosa kapag hindi natin iyon napaliguan.”

**

Sa hardin, nasa likod ng malaking puno ng acacia ang aso at nagkukutkot ng lupa. Animo nagmistulang mga batik ang mga lupa na dumikit sa gintong buhok nito dahil paghuhukay.

Muling inamoy ng aso ang lupa at hinanap ang binaong buto. ‘Saan ko ba binaon ‘yun? Alam ko dito lang yun e.’ Naghukay ito gamit ang dalawang paa.

“TOBI!”

“Tobi labas ka na!”

Napatigil sa paghuhukay ang aso nang marinig ang mga boses.

“Seli doon ka maghanap, dito ako.” Turo ni Martha sa kaliwang direksyon.

“Sige, tawagin ap aa kapag ap aa mo na s’ya.” Tango ni Seli bago pumunta sa kabilang direksyon.

“Toooobi!” Muling sigaw ni Martha sa pangalan ng aso.

Nanatili ap aa nakatayo lamang si Tobi sa likod ng puno at nakikiramdam sa paligid. ‘Ano na naman bang kailangan ng mga ito sa akin? Maliligo na naman ba? E parang kakaligo ko lang noong isang araw ah?’

“May dala akong treats!” Kinalog ni Martha ang dalang dog treat at nagpalinga-linga.

Agad na nagpantig ang tainga ng aso nang marinig ang pagkalog ng pamilyar na bagay. ‘Treats ba ‘yon?’ Bahagya niyang inilabas ang ulo at sumilip. May hawak ang babaeng katiwala na isang pack ng dog treat. Mabuti na lamang at nakatalikod ito sa kaniya. Humanda siya at sinundan ng tingin ang hawak nito.

Napakamot na lamang si Martha sa ulo nang makita walang aso sa ilalim ng duyan. “Nasaan na ba ang asong iyon?” Pagharap niya ay natumba siya sa mismong duyan nang biglang may dumamba sa kaniya, dahilan upang mabitawan ang hawak na pakete ng dog treat.

“Anak ka ng kabayo-TOBI!”

Agad na kinagat ni Tobi ang nahulog na pakete at mabilis na tumakbo.

“Hoooy! Ikaw talagang aso ka-TOOOOOBIII!!”

Kagat-kagat ang nakuhang dog treat ay mabilis na tumakbo ang pilyong asong si Tobi palayo kay Martha. ‘Hah! Akala n’yo maiisahan n’yo na ‘ko? Ayokong maligo!’

Liliko ap aa siya sa pasilyo nang makasalubong si ap aa may hawak na tali ng aso. Agad na napapreno si Tobi sa pagtakbo. ‘Naku po nandito pa ang isang bruha!’ Tatakbo ap aa siya pabalik sa tinakbuhang direksyon ngunit agad siyang nahuli ni Seli gamit ang tali.

“Saan ka pupunta?” Agad ap a-lock ni Seli ang tali at hinawakan nang ap aa upang hindi ito makawala. “Maliligo tayong aso ka!”

Hinihingal na napatigil si Martha nang makita na nahuli ap a Seli ang aso. Naitukod niya ang dalawang kamay sa tuhod dala ng pagkakakapos ng hininga dahil sa layo ng tinakbo. “Ikaw na-Ha… Ha… A-aso ka, pinahirapan mo pa-Ha… Ha… Kami sa paghahanap at huli sa’yo!”

“Martha? Seli?”

Agad na nagkatinginan ang dalawang dalaga nang madinig ang boses ni nanay Rosa.

Hawak ang bayong na naglalaman ng mga pinamili sa bayan ay napatigil si nanay Rosa sa may bukana ng hardin nang makita si Seli at Martha kasama ang nakataling aso na si Tobi.

“Ano pa bang ginagawa ap a d’yan? Bilisan n’yo na at paliguan iyang si Tobi. Pagkatapos ap a ay tulungan ap a akong ibaba sa truck yung mga pinamili ko.” Anito at nagpatuloy na sa kusina.

Napahinga naman nang maluwag ang dalawa. Akala nila ay raratratin na naman sila ni nanay Rosa ng malupitan nitong rap.

“Buhatin na natin itong si Tobi.” Suhestiyon ni Martha.

“Sige-sige. Ikaw humawak sa bandang dulo ako naman sa unahan.”

Sinimulan nilang buhatin ang malaking aso.

“S-sige… I-iangat mo Seli!” Nahihirapang usal ni Martha dahil sa bigat ng aso.

“1… 2… 3… Hmmmp!”

Hinihingal ang dalawang tuluyang nabuhat ang aso.

“Lakad. Doon tayo sa laundry area.”

Nagsimula nang maglakad ang mga ito habang buhat ang malaking aso. Kahit na hirap sa paghakbang dahil sa mabigat na buhat ay tinungo nila ang daan papuntang laundry area upang paliguan ang aso.

Kunot ang noong napatigil naman si Boyet nang makit ang hirap na hirap na dalawang babae sa pagdala sa aso. Para itong mga mason na may bitbit na balde ng semento kung maglakad.

Hindi mawari ni Boyet kung matatawa o maaawa sa dalawa.

“Boyet!”

Napa-igtad siya nanag tawagin siya ni nanay Rosa.

“Opo ‘nay!”

**

“H-huwag kang malikot Tobi! Ang bigat mo!” Napapikit si Martha nang tumama sa mukha niya ang mabalahibo nitong buntot.

“T-teka lang… M-malapit na tayo!” Pilit na inihakbang ni Seli ang nais nang bumigay ap aa.

‘Isusumbong ko kayo kay mama Faith at Lorenzo! Kakaligo ko lang nung isang araw tapos ngayon maliligo na naman?’ Pilit na pagpupumiglas ng aso.

“T-tobi huwag ka sabing-teka lang!”

Nabitawan ni Seli ang pagkakahawak sa aso kaya nakakuha ito ng pagkakataon na makawala.

“SELI ANG TALI!” Tili ni Martha nang mabitawan na rin ang aso.

Ngunit bago pa man madampt ni Seli ang tali ay matulin na nagtatatakbo si Tobi nang makatakas sa dalawa.

“Habulin natin dali!”

Itutuloy…

•ווווווווו

Hope you enjoyed! Don’t forget to rate★ and leave a comment~