Chapter 25: Not So Ordinary Day

Matapos namin pirmahan ang marriage contract ay ibinalik na namin ito kay Jackson.

"Congrats newly wed " sambit ni Jackson.

"Yeah! Whatever!" sambit ni Jiro at tumayo na.

"Bukas pumunta ka sa bahay at sunduin si Samantha. Ihahatid ko kayo sa magiging bahay niyong dalawa." Sambit ni Tito.

Tumango lang siya saka lumabas ng silid. It feels so weird na ikinasal ka na hindi ka manlang nagsuot ng wedding gown at hindi ikinasal sa simbahan.

Ang worse pa ay kahit wedding ring ay wala kami. This is not my dream wedding.

Yes, kinasal nga ako sa idol ko pero feeling is not mutual. Walang kasal na naganap kundi pilit na pirmahan lang. Buti pa si Kie nang ikasal siya kay Yuri ay alam ng madla na kasal sila. Nakasuot pa siya ng wedding gown at wedding ring. Samantalang kami as in wala!

Si Jackson at Tito lang ang nakakaalam.

Teka? Alam din kaya ito ng anim?

Huminga ako ng malalim ng maramdaman kong kumirot ang tyan ko hanggang sa hawakan ko na ito dahil mas nararamdaman ko ang sakit na gumuguhit sa tyan ko.

"Why Samantha?" Rinig kong tanong ni Tito ngunit 'di na ako nag-abalang lingunin siya dahil sa pagkirot ng aking tyan.

"Ang sakit ng tyan ko..." sambit ko at nangingilid ang mga luha ko.

Naramdaman ko naman na inalalayan nila ako at narinig ko si Jackson na nanghingi ng tulong. Naluha nalang ako at napakapit kay Tito hanggang sa naramdaman ko nalang na nandidilim ang paningin ko.

-

Mark's Point of View:

Nakasandal ako sa pader ng lumabas mula sa office ni Jackson si Jiro. Nakasimangot ito ay mukhang badtrip.

"Jiro anong nanyare? Anong pinag-usapan niyo?" Salubong agad ni Baymin sa kanya ngunit tikom ang bibig nito habang hindi maipinta ang mukha. Nagpamulsa ito saka dire-diretsong naglakad papalabas.

"Mukhang hindi ata nauwi sa maganda ang pag-uusap nila." sambit ni Yuri saka uminom sa hawak niyang tubig.

"Malamang sa malamang nakikita ko na konti nalang magiging dragon na si Jiro. Nagtitimpi lang siya." sambit naman ni Jayvee saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"Kamusta na kaya si Samantha?" Tanging bulong ko lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila lumalabas.

"Tulong! Tulong! Samantha!" Rinig naming sigaw ni ng Tito niya mula sa loob kaya agad akong napatayo at pumasok sa loob.

Sumunod naman iyong tatlo sa'kin.

Agad kong nilapitan si Samantha ng makita ko siyang walang malay at ginigising nila. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Baymin pagkalapit at si Jaebeom naman ay kumuha ng folder para paypayan si Samantha.

"I will call an ambulance." sambit naman ni Yuri.

"Baka matagalan pa bago iyon dumating tayo nalang ang magdala sa kanya sa hospital." sambit ko at bubuhatin na sana siya ng pigilan ako ni Yuri.

"Hindi pwede! Alam mo namang hindi kayo pwedeng ma-issue ulit, di ba?" Nag-aalalang sambit ni Yuri.

"D*MN THAT ISSUE THING! We need to bring Samantha in the hospital bago pa may masamang mangyari sa kanya." Galit na sambit ko.

"Mark is right. Samantha and the baby's safety first. Ako na ang bahalang magdrive, Mark." Sambit ni Jayvee.

Tumango naman si Jackson bilang pagpayag.

-

"Hindi naman matawagan ang cellphone ni Jiro." sambit ni Yohan na nakasimangot na dahil kanina pa tinatawagan si Jiro.

"Hayaan mo muna siya. He need time para sa lahat ng nangyayari sa buhay niya." sambit ni Jayvee.

"Leave him alone. Ang mahalaga safe si Samantha at ang baby niya." sambit ko habang nakatingin kay Samantha na mahimbing na natutulog. Inayos ko naman ang pagkakalagay ng kumot niya.

--

Samantha's Point of view:

Napamulat ako ng maramdaman na may kamay na humaplos sa tyan ko.

Bumungad sa'kin ang mukha ni Mark na.

"Okay ka na?" Tanong ni Mark ng mapansing gising na ako.

"Anong masakit sa'yo? Gutom ka na nba ba?" Narinig kong tanong ni Jayvee at lumapit pa.

"Sa wakas gising ka na. Pinag-alala mo kami..." sambit ni Baymin.

"Nakikilala mo ba ako?" Tanong ni Yuri na nagpakunot sa noo ko. Binatukan naman siya Jayvee dahil sa sinabi niya.

"Hinimatay lang siy. Hindi siya nagka-amnesia, Yuri. Anong sinasabi mo dyan?" sambit ni Jayvee.

"Iyong totoo? Bakit bestfriend kita?" sambit naman ni Baymin na nagpatawa sa'kin.

"Ang O. A. ah..." sambit naman ni Mark.

"Kayo naman 'di na mabiro. Nasabi niyo na kasi lahat ano pang sasabihin ko?" Napapakamot na sambit ni Yuri.

"Weh?" Sabay-sabay na sambit nila.

"Teka? Iyong baby ko..." sambit ko at napahawak pa sa tyan ko.

Lumapit naman si Jayvee sa'kin at ginulo ang buhok ko. Hilig nitong guluhin buhok ko.

"Don't worry, your baby is safe." Nakangiting sambit niya at nakahinga ako ng maluwag.

Iyong apat naman ay naghaharutan pa rin. Natawa nalang ako sa kalokohan nila. Nahinto lang sila sa pag-aasaran ng pumasok ang doctor sa silid.

"Hello, Samantha." Sambit ng bagong pasok na doctor at ngumiti.

"Hi! Doc.." Nahihiyang sambit ko.

"Okay ka na ba? Wala ka namang kakaibang nararamdaman o sakit na nararamdaman?" Tanong nito at nabulag na ata ako sa puti ng ngipin niya.

"Wala naman na po." Sagot ko at napatango-tango pa siya.

"You need to rest dahil iyan sa stress. Hindi ka rin pwedeng magpagod. Medyo mahina ang kapit ng baby mo kaya kailangan ng pag-iingat sa lahat ng ginagawa mo." Napatango naman ako sa sinasabi niya.

"By the way, who's the father? Ikaw ba?" Sabi ng Doctor sabay turo kay Mark na napatayo agad.

"WHAT? ME? AKO NA NAMAN? H*LL NO!" sambit niya ng hindi maipinta ang mukha at nagsitawa kami.

"Oh! Sorry akala ko kasi... You're the most worried person na nakita ko kanina." sambit ng Doktor.

"Wala po dito ang ama ng anak ko... May... May trabaho..." sambit ko at pinilit na ngumiti.

"Sayang naman kailangan niya kasi tandaan ang sasabihin ko. 'Di bale sayo ko nalang sasabihin at sabihin mo sa kanya..." sambit ng doktor at tumango ako

"First of all, you need to buy this vitamins.." sambit niya at may inabot na reseta ng gamot sa'kin na agad kong kinuha.

"Second, you need to exercise 'yong mga light exercise lang. Third, bawasan ang sex." Namula naman ako ng marinig iyon.

"And lastly, kailangan healthy foods ang kakainin mo para healthy din ang baby mo. Iwasan ang stress at pagpupuyat." sambit nito sa'kin at tumango muli ako

"Hmmm... Oi!. bilhan niyo ako ng ice cream." sambit ko sa kanila. Napatigil naman sila sa paghaharutan at lumapit sa'kin.

"Flavor?" Tanong ni Baymin.

Uy! Kahit may pagkabitter si Baymin minsan sweet din pala. Yiee!

"Gusto ko ng vanilla, chocolate at strawberry..." Nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango naman siya.

"Sige, sige iyon lang ba?" Muling tanong niya.

"Yup! Yup!" Excited na sambit ko na halos magningning ang mga mata ko.

"Copy that! Bibilhan na kita..." sambit niya at kinuha ang bag niya sa couch.

--

"Samantha!" Rinig kong sigaw ng isang babae mula sa labas ng aking silid.

"Yohan? May tao ata sa labas..." sambit ko ngunit mahimbing siyang natutulog sa sofa kung kaya ay dahan-dahan akong tumayo at hinila ang dextrose ko papunta sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita ang panget na pamumukha nila Kieseyah at Glyren.

"Anong ginagawa niyo dito mga panget?" Nakabusangot kong tanong pagkatapos ay tinalikuran sila.

"Masyado akong maganda para maging panget, Samantha..." Narinig kong sambit ni Kie.

"Sabi mo lang naman..." sambit ko at umupo sa kama.

"Sabi ng asawa ko. Hmp!" sambit niya at nakita ko ang pagkibit-balikat niya.

"Naniwala ka naman? Sinabi lang iyon ni Yuri para maka-score sa'yo..." sambit ko at nginisian siya.

"Hoy! Samantha hindi ako ganon kay Kie.." Biglang sulpot na sambit ni Yuri at inakbayan ang asawa.

"Pero parang ganun na nga..." sambit muli ni Yuri kaya siniko siya ni Kie.

"Ewan ko sa inyo." sambit ni Glyren at binaba ang mga dala sa mesa.

"Kamusta ka na ba, Samantha? Masyado mo kaming pinag-alala, ah!" sambit ni Kieseyah at umupo sa upuan.

"Ayos na ako. Stress lang daw ito." Sagot ko sa kanya.

"Hays! Isipin mo din kasi ang bata sa sinapupunan mo. Huwag ka masyadong magpadala sa mga kumakalat na bali-balita dyan. Iyong mga namba-bash sayo sasakalin ko pagnagkita kami." sambit ni Kie. Binatukan naman siya ni Glyren.

"Aray ko! Bakit ba?" Inis na sambit ni Kie.

"Makasabi ka dyan buntis ka din noh! Ikaw kaya ang sakalin ko." sambit ni Kieseyah ng batukan siya ni Glyren at tinignan ito ng masama.

"Ingay niyo..." sambit ni Yohan at bumangon habang nag-iinat pa.

"Hi! Yohan!" Sabay na sambit nila

"Nasan ba si Baymin?" Tanong naman ni Kie sa kanya.

"Wala pinagtaguan ka na. Nalaman kasi na pupunya ka dito." sambit ko naman kay Kie na ikinasimangot niya.

"Bakit ba si Baymin na naman ang hinahanap mo? Nandito naman ako, ah?" Nakangusong sambit ni Yuri kay Kie

"Sa gusto kong makita ang mukha ni Baymin, eh. Nagsasawa na ako sa mukha mo." sambit ni Kie sa kanya at inilayo ang mukha ng kangang asawa.

"Tss! 'Di mo na ko mahal." Nakangusong sambit ni Yuri at binatukan siya ni Kie

"Kahit ganyan ka! Mahal pa rin kita." sambit ni Kie at hinalikan siya sa labi. Binato ko naman silang dalawa ng unan at ayun sapul sila sa mukha.

"Get a room lovey dovey!" Sigaw ko sa kanila.

"Inggit ka lang!" sambit ni Kie

Niyakap niya ang asawa niya kaya kinuha ko ang orange at akmang babatuhin sila. Tinulak naman agad ni Kie si Yuri kaya nalaglag ito sa sahig.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..." malakas na tawa ni Yohan.

Napatigil lang siya ng tignan siya ng masama ni Yuri.

"Sorry hehe..." Sabi ni Yohan at nagpeace sign pa.

"Yow!" Sabi ng bagong dating na si Jayvee at Jackson.

"Samantha ito na iyong ice cream mo pinabibigay ni Baymin." sambit ni Jayvee at nakangiting inabot sakin ang hawak niyang plastic.

"Woah! Ang dami!" Nakangiting sambit ko ng makita ang laman nito.

"Waahh! Nasaan si Baymin?!" Inis na sambiy ni Kieseyah at kinurot ang magkabilang pisnge ni Jayvee.

"Ano ba?! Ang mukha ko." sambit nito at pilit na umiiwas sa pagkakakurot ni Kie.

"Nasaan si Baymin?!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Kieseyah.

"Pinagtaguan ka na. Binigay niya lang sa'kin yan kasi ayaw daw niyang panggigilan mo na naman siya." Naiiling na sambit ni Jayvee at pinigilan naman na ni Yuri si Kie sa pagkurot kay Jayvee.

"Maiba ako? Nasaan pala si Jiro?" Pagkasabi ni Glyren noon ay biglang tumahimik sa loob ng kwarto.

"Wala siya dito at hindi namin alam kung saan siya pumunta after niyang makausap ang Tatay mo Glyren saka si Jackson kahapon." sambit ni Mark na ngayon ay naglalakad na papalapit sa'min.

Hindi ko naman maiwasang malungkot kapag naaalala ko ang inis niyang mukha. Kasalanan ko talaga kung bakit siya nahihirapan ngayon. Nasa piling ko na nga siya ngunit parang wala din dahil pilit ang lahat.

"Ayan ka na naman Samantha. Smile." sambit ni Mark at ini-stretch ang magkabilang gilid ng labi ko upang kumurba ito pangiti.

Napatawa naman ako sa ginawa niya.

Nagpa-cute kasi siya habang ginagawa iyon sakin.

"Guys, may media sa labas..." sambit ni Baymin ng muli siyang pumasok

Isasara niya na sana ang pinto ng pumasok ang mga ito at tinanong ako ng sunod-sunod.

"Totoo po bang nakunan kayo?"

"Bakit po kayo hinimatay?"

"Kamusta na kayo?"

"Nasaan si Jiro?"

"Totoo ba talagang may relasyon kayo ni Jiro o palabas lang ang lahat?"

Ilan lang iyan sa mga naintindihan kong tinanong nila. Tinakpan ko ang mukha ko dahil nasisilaw ako sa flash ng camera. Naguguluhan at natatakot din ako na baka maging sanhi na naman ito para masa kagalit sakin si Jiro.

"Guys! Hindi niyo ba nakikita? She's tired." Sambit ni Yuri.

"I'm sorry, Samantha needs rest for now. We will update you later. We will give official statement later but for now leave. She really need to rest." Pagpapakiusap ni Jackson.

Thanks god at nakinig ang mga ito sa kanya. Iginaya niya na ito papalabas ng aking silid at agad na isinara ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dito.

"Hindi niyo pa ba natatawagan si Jiro?" Narinig kong tanong ni Jayvee.

"Not yet. Hindi niya sinasagot amg tawag ko." Sabay na sambit ni Yuri at Baymin.

"Hayaan niyo na muna siya." sambit ko saka pilit ngumiti.

Nang maramdaman kong tutulo na naman muli ang mga luha ko ay humiga na ako sa kama.

"Matutulog na muna ako bigla akong inantok." sambit ko at kunwari humihikab.

"Sige, magpahinga ka na..." sambit ni Glyren saka ako inalalayan para humiga.

"Salamat..." sambit ko sa kanya at nginitian niya lang ako.

Pilit kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

***