OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

By: youknowyah

5.1K
views
73
Chapters
Completed
Status

OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS is a completed urban novel by youknowyah with 73 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added May 11, 2022.

Synopsis

"A successful MARRIAGE requires falling in-love at many times, always with the same person."

Read the first chapter

Chapter 1: MRS KIM IS BACK

KAI

"Yah! Hintayin mo naman ako!" habol ko sa aking asawa na nakakunot na naman ang noo habang naglalakad nang mabilis palabas ng campus namin.

Wala kong pakialam kung pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante sa paligid. Ikinawit ko pa ang kamay ko sa braso nya nang maabutan ito. Hinawi naman nya iyon at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang puting Lamborghini Huracan LP 610-4 Spyder na nakaparada sa bukana ng Seoul National University.

Binuksan nya 'yung pinto nito at saka pumasok sa loob. Talaga naman! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Psh! Sumunod na lamang ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Galit ka ba, hubby? Joke lang naman 'yon eh." Pang-aamo ko rito.

"Hindi 'yon magandang joke, Dasuri. Sabi mo may masamang nangyari sa'yo kaya ko nagmadaling pumunta dito. 'Yon pala, ipapamukha mo lang sa mga classmates mo na asawa mo talaga ko?!” he looks at me habang magkasalubong ang magkabilang kilay nito.

“That's immature!" he blurted out.

Kitang-kita ko ang inis sa mukha nito. Kasalanan ko ba? Ayaw kasi nilang maniwala. Hmp. Bahagya akong lumapit kay Kai at niyakap ang braso nito. Idinantay ko pa ang aking ulo sa kaliwang balikat n’ya.

"Sorry na please? Hindi ko na uulitin, promise!" nakanguso kong pahayag. Napalingon naman ito sa akin at saka ko tinitigan.

Mas ginalingan ko pa ang pagpapa-kyut upang makuha ang loob nito. Ayan... Sige, tumitig ka lang. Mapapaamo rin kita. HAHAHA.

Hindi nga nagtagal ay nawala na ang mga kunot sa noo nya at saka napabuntong-hininga as a sign of being defeated.

Napangiti naman ako dahil doon, "Fine. Basta huwag mo nang uulitin. Sabi ko naman kasi sa'yo hindi mo sila kailangang pilitin. Maniwala man sila o hindi, asawa na kita. Wala nang mababago 'don."

"Oo na po, I love you, hubby." bulong ko rito gamit ang malambing na boses. Sumilay naman ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Aist. Why do I feel like you still don't get it?" sita nito sa akin habang hindi maitago ang kasiyahan.

Nagpuppy-look naman ako para wala na syang masabi pa at lalong mapasailalim sa aking mahika, este charm. Hoho.

I heard him sigh, "I love you too, wifey." Then gave me a peck on my lips.

Ayieee. NIKIKILEG AKO. WAHAHAHA.

"Oyy! Mrs. Kim, WELCOME BACK!" nakakabinging bungad sa akin ni Baekhyun nang makita kong papasok ng practice room nila kasama ni Kai.

Napalingon naman sa amin ang iba pang Exo members na naroroon. Halatang nagulat silang lahat nang makita ko. Tanging si Baekhyun at Chanyeol lang ang nakagawang tumayo at humangos papunta sa amin.

"WOW! MRS. KIM IS ALIVE!! WOOH. Party! Party!" tuwang-tuwang saad ni Chanyeol habang iniipit nila ko ni Baekhyun sa pagkakayakap.

Grabe. Ang sarap pa lang balikan ang lugar at mga taong naging bahagi na ng buhay mo. Kahit pa sabihing may mga hindi kagandahan ring pangyayari ang naranasan ko rito, siguradong babalik at babalik parin ako rito.

Kagaya ngayon.

"Hey, ikaw pala ang nawawalang asawa ko, Mrs. Kim?" Ngising-asong bati sa akin ni Chen nang makalapit na kami sa kanila. Kinindatan nya pa ko bago tuluyang yakapin.

"Excuse me? I'm the legal husband here." Sabay hatak sa akin ni Kai palayo kay Chen dahilan para mapanguso ito.

"Sungit naman nito." Bulong pa nya.

"Ehemp, baka nakakalimutan n’yo. Hindi lang kayo ang Mr. Kim dito?!" maangas na pahayag ni Suho oppa habang papasok ng kwarto kasama si Xiumin.

"Hala! The search for the REAL Mr. Kim ba 'to? HAHAHAHA." Tuwang-tuwang komento ni Luhan. Nagtawan naman ang lahat maliban kay Kai na nagawa pang ismidan si dyosa. Sungit talaga ng hubby ko. Haha.

"Tama na nga 'yang mga kalokohan nyo. Kamusta na Dasuri? May balak ka bang maging P. A ulit ng EXO?" singit naman ni manager Jamie sa usapan. Napalingon naman ako sa kanya.

More by youknowyah

View all

You may also like

Urban

Sign in to join the discussion