Chapter 91

Sue's Pov

"Ouch! Dahan dahan" reklamo ni Cent habang ginagamot ko yung sugat niya

"Kanina bang sinuntok ka ni Harry nag ouch ka?" Tanong ko sa kanya tsaka pinahiran ng ointment ang sugat niya

"Hindi kaya siya naka tama sakin" nakangising sagot niya

"Ah kaya pala nagkasugat ka" sabi ko dito tsaka tinakpan ng band aid sugat niya. Buti nalang maliit lang ang sugat niya akala ko kanina kailangan pang taihin.

"Si Jonas may gawa niyan, hindi ko siya napansin kanina kaya tinamaan niya ako" sagot nito

"Ahh ibig mong sabihin kung nakita mo lang siya hindi mababangasan yang mukha mo?" Tanong ko dito

"Ganon na nga" mayabang na sagot niya kaya pinalo ko ng mahina ang mukha niya sa throw pilow.

"Bakit kaba nakipag away sa kanila?" Seryosong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya. Kasalukuyan siyang nakahiga ngayon sa legs ko at nakatingin sakin.

"Narinig ko kasing pinag uusapan nila si Myca at pati ikaw nabanggit nila. Niloloko lang pala ni Bryan si Myca at pinag pupustahan pa nila na makukuha ni Bryan ang virginity ni Myca this weekend. Biglang nandilim paningin ko idagdag mo pa yung kinuwento mo, hindi ko napigilan sarili ko at sinugod ko sila. Pasensya na nag alala kapa" sabi nito

"Kumusta naman sila?" Tanong ko na naniningkit ang mga mata

"Okay naman siguro nadala naman sila sa clinic diba?" Hindi siguradong sagot niya sakin

"Bakit hindi ka sigurado?! Dapat sinigurado mong nasira pagmumukha nila! Mga walanghiya sila! Akala ko pa naman nagbago na si Harry ganon parin pala siya! Huwag na huwag lang silang magpapakita sakin sa lunes dahil ako babasag sa mukha nila!" Nangangalaiting sabi ko

"Chill" tumatawang sabi ni Cent tsaka umupo sa tabi ko "huwag na huwag kang lalapit sa mga yon, kung sakali nakita mo sila umiwas kana agad. Hindi natin alam takbo ng mga utak nila at baka ikaw pagbuntunan nila ng galit" seryoso namang sabi niya.

"Nakakainis kasi! Bakit kasi may taong tulad nila" naiinis paring sabi ko

Hindi ako sinagot ni Cent pero niyakap naman niya ako.

"Huwag kana ulit makikipag away ha?" Malambing na sabi ko tsaka yumakap din sa kanya

"Opo basta huwag ka lang nilang babastusin" sagot niya sakin

"Basta huwag ka ng makikipag away mag promise ka" sabi ko tsaka tumingin sa kanya.

"Kiss mo muna ako" sagot niya sakin tapos ngumuso siya

Mabilis ko naman siyang dinampihan ng halik sa labi.

"Mag promise kana" sabi ko pa sa kanya

"Isa pa" sabi nito na ikinataas ko ng kilay

"Nikiss na kita kaya mag promise ka muna bago ka humirit ng isa pa" sabi ko

"Promise po hindi na ako makikipag away" taas kamay pang sabi niya tsaka siya ngumuso. Kiniss ko naman pisngi niya tsaka ngumiti. "Madaya dapat sa lips" sabi pa nito

"Nanonood yung dalawang bata next time nalang" tukoy ko sa dalawang aso na nakatingin saming dalawa ni Cent.

Binato naman ni Cent ng laruang bola yung dalawa tsaka niya ako kinabig at siniil ng halik sa labi.

***********