chapter 1 work

Maaga pa lamang nakapag gayak na ng kanyang dadalhin si damian dahil ang napag usapan nila ng mag hahatid sa kanya ay 3am pa lamg daw ng madaling araw aalis na sila para malaman din daw nya kung pano ang gagawin duon sa kanyang trabaho.

"Te alis na ako wala ka bang limang daan dyan te nakaka hiya naman kung kahit pang yosi wala ako alangan mang hingi ako sa nanay ni donna" saad ko kay ate habang sinusuot ko yung jacket tama lang ung gising ko mag aalastres pa lang.

"Oh ito buti na lang at nagpadala si kuya emil mo kahapon kaya meron akong maibibigay sayo sige na ingat ka hane txt ka na lang pang andun kana" sagot nito sakin sabay abot ng limang daan kaya naman agad ko itong binulsa.

"Sige te alis na ako" sagot ko kay ate ng makalabas na ako ng bahay nag deretso na ako sa bahay ng nanay ni Donna yun daw kasi ang mag hahatid sakin dun.

Sakto namang nakarating ako sa bahay nila Donna hindi ko na pala kailangang kumatok nasa labas na yung nanay nya at mukang aalis na din kami, nakakahiya naman kung sya pa yung mag aantay sakin mas maigi na yung ako yung nag aantay kaysa sa ibang tao.

"Oh sakto pala dating mo halika na ng maaga tatong makarating dun mahirap kasi pag inabot tayo ng trafic"

"Kaya nga po eh, nga po pala tindero lang po ang gagawin ko dun?"

Tanong ko sa kanya maigi na yung nagkakalinawan kami para alam ko kung anong isasagot ko sa magiging amo ko.

"Oo pero kung marunong ka mag katay ng manok pwede mo din magamit yun dagdag kita mo din yun, ikaw ba eh magaling sa math kailangan Alisto ka dahil kayo ang may hawak ng kaha" saad nito sakin aba kung sa math laang eh bihasang bihasa ako hindi ko na kailangan gumamit ng papel at ballpen para dun minsan kc mas nagkakamali pa ako sa pag kwenta pag papel at ballpen ang gamit ko hindi tulad pag utak ang ginagamit ko tama lahat.

"Oho naman po marunong po ako sa pagkwenta parang hindi nyo naman po alam ang hanap buhay dito satin sa dahon" sagot ko sa kanya na ikana ngiti nya sakin.

Ng nasa kalsada na kami para mag antay ng sasakyan bigla na lang may tumawag sa kanya na ikinalingon ko pero agad ko ding binawi.

"Hello oh vane bakit napatawag ka?, ah ganun ba sige ikaw na ba ang mag hahatid anong oras mo ihahatid? Ah sige ingat ka"

Isa lang yan sa mga narinig ko hindi ko na kasi pinakinggan yung mga pag uusap nilang iba hindi ko din naman narinig kung anong sinagot ng kausap nya marahil sa trabaho base sa narinig ko may ihahatid.

"Manugang ko yung tumawag sakin meron daw syang ihahatid din na babaeng tindera" saad nito sakin wala naman akong tinatanong sa kanya pero nag salita padin sya pero ayos din ng hindi naman boring.

"Ah ganun ho ba asawa po ba ni carlo yung kausap nyo?" Tanong ko sa kanya hindi naman ako chismoso nag kwento na rin naman kasi sya.

"Oo yun eh bente-uno pa lamang pero ayos ang pamumuhay halatang may kaya rin" halata naman dahil hindi kayo papayag na kung sino lang asawa ng anak nyo, sa dami ko ba namang naririnig tungkol sa kanila, pero syempre alangan sabihin ko yan.

"Ah ganun ho ba ayan na po pala yung jeep aling lena" saad ko sa kanya ng maiwas na ang kwentuhan wala naman kasi akong interes sa buhay ng iba.