Chapter 29: Pagkabunyag sa isang lihim

PAREHONG dinala sa presinto sina Cris at Gem upang imbistigahan ang nangyari.

"Nasaan na sina Ruby at ang bata?" tanong ni Ashton kay Jeydon nang maabutan nila ito sa labas ng bahay. Marami pa ring tao sa paligid na nakiusyuso at hindi sila makapasok sa loob dahil may mga pulis na nag-iimbistiga doon.

"Naunahan na naman ako!" Lapat ang ngipin na wika ni Jeydon sa mahinang tinig lamang. Naihilamos niyang muli ang palad sa sariling mukha habang lumilinga ang paningin sa paligid. Limang minuto lamang siya nagtagal sa loob ng bahay at paglabas niya ay wala na doon si Ruby at ang bata.

"Sa tingin mo, saan sila nagpunta?" Mahinahong tanong ni Jay kay Jeydon.

"Sa tingin mo ay nandito pa ako kung alam kong nasaan sila?" Sarkastikong sagot niya kay Jay. Mainit ang ulo niya ngayon dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na nangyari.

"Kailangan natin makaisip ng paraan upang malusutan ang lahat ng ito. Pinuntahan na ni Cloud si Cris upang ayusin ang kasong kinakaharap nito." Tinapik ni Ashton sa balikat ang kaibigan at inaya nang umalis upang pumunta ng presinto. Sininyasan niya si Jay na magpaiwan muna doon upang magmanman sa paligid.

"Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito!"

"Tumawag si Ruel, naroon sa presinto ang asawa mo at hinahanap ka sa kanila."

Nahampas ni Jeydon ang hawak na manubela dahil sa galit. Hindi niya alam kung bakit at paanong nalaman ng kaniyang asawa na may hindi magandang nagaganap sa kanilang grupo.

"Shit! Itigil mo ang sasakyan at ako na ang magmaneho!" Bulyaw ni Ashton kay Jeydon nang biglang gumiwang ang takbo ng kotse.

"Kailangan kong makaisip ng paraan upang hindi mawala ng tuloyan ang asawa ko sa akin!"

"Nababaliw ka na ba?" Lalong tumaas ang timbre ng boses ni Ashton nang bigla namang bumilis ang takbo ng sasakyan at tila ang sarili lamang ang kausap ni Jeydon.

"Fuck!" Namura ni Jeydon ang sarili nang mahimasmasan at nagising mula sa malalim na pag iisip nang bumisina nang sunod-sunod ang nakasalubong na sasakyan.

"Fuck! Kung gusto mong pakamatay, huwag mo akong isama!" Galit na singhal ni Ashton kay Jeydon at pahaklit na hinubad ang seatbelt. Kahit hindi maayos ang pagka parking ng sasakyan ng kaibigan sa tabi ng kalsada ay bumaba na siya. Iniwan niya ang huli at pumara ng taxi upang mauna na sa presinto.

Yuko ang ulo na humarap si Cris sa kaniyang mga mga kasama na agad sumunod doon upang tulongan siya. Alam niyang hindi siya sisihin ng mga ito at kaya siyang iabswelto sa kasong pinataw sa kaniya. Pero nahihiya pa rin siya at nadismaya para sa kaniyang sarili. Ito ang unang pagkakataon na pumalpak siya. Naging pabaya siya kanina at nagkulang sa pagiging alerto dahil kampanti sa hawak na armas.

Napabuntonghininga si Cloud habang sinusuri ang katawan ni Cris kung nagtamo ba ito ng pinsala. Gusto niyang sisihin sina Jeydon dahil hindi pinaalam sa buong team ang problemang kinakaharap nito.

"Ako na ang bahala sa kaniya, Boss!" Hindi na nakatiis si Amalia sa katahimikang nakapagitan sa paligid nila. Naroon sila ngayon sa presinto at kahit malaki na ang tiyan ay nagpumilit siyang pumunta roon upang damayan ang kaibigan.

"Hindi sana mangyari ito kung hindi sa babae pinaubaya ang tarabahong ito." Palatak na ani Cloud bago iniwan si Cris na nanatiling nakayuko ang ulo.

"Huwag mo nang pansinin ang kasungitan ni Boss Cloud." Pang-aalo ni Amalia kay Cris nang wala na ang tinutukoy.

"Ayaw kong makulong, Mare!" Garalgal ang tinig na yumakap ito sa kaibigan.

"Hindi ka makukulong kaya huwag ka ng umiyak. Hindi ko patulogin si Max kapag hinayaan kang maghimas ng malamig na rehas dito.

"Thank you, Mare! Inaalala ko na lang ngayon ay ang sitwasyon ni Boss Jeydon."

Sabay na napatingin ang dalawa sa gawi ng isang sulok kung saan nakatayo si Ynrahd. Kanina pa ito tahimik doon mula nang mapilitan siyang e-kuwento dito ang tunay na nangyari.

"Patay na talaga ako, Mare! Makaligtas nga ako sa rehas pero baka sa kamao naman ni Boss Jeydon ako mapahimas nito." Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ni Cris lalo na at ayaw nang makipag usap sa kaniya ni Ynrahd upang pakinggan pa ang ibang detalye.

Gustong umiyak ni Ynrahd ngunit walang luhang gusto kumawala sa kaniyang mga mata. Ang puso niya ay sugatan nang mga sandaling iyon at tila naging manhid ang kaniyang mukha. Mariin niyang naipikit ang mga mata habang nanariwa sa isipan ang pag uusap nila nang hindi kilalang taong tumawag sa kaniya kanina.

"Sino ka at bakit mo kilala ang asawa ko?" tanong niya sa babaeng nasa kabilang linya.

"Gusto mo bang malaman ang sekrito ng iyong asawa na tinatago sa iyo?"

Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng babaeng hindi kilala ay alam niyang nakangisi ito ngayon at lihim siyang pinagkakatuwaan.

"Alam ko na hindi ka basta maniwala sa sasabihin ko. Pumunta ka ngayon sa presinto upang malaman ang katotohan." Dugtong na ani ng babae at pinutol agad ang tawag na siyang dumagdag lamang sa paglaki ng pagnanais na malaman kung ano nga ba ang sekrito ng asawa. Nang matanggap ang adress na binigay ng tumawag sa kaniya ay agad siyang pumaroon. Laking dismaya niya nang maabutan doon si Cris at sangkot ang kaniyang asawa.

"Napag utusan ako ng asawa mo na kunin ang bata dahil nagkaroon ng problema sa laboratory kung saan isinagawa ang DNA test."

Kita niya sa mukha ni Cris ang pagsisisi matapos nitong sabihin ang tunay na pangyayari. Alam niyang hindi nito intensyon na sabihin sa kaniya ang tungkol doon ngunit huli na upang bawiin ang lahat ng sinabi nito. Hindi man diritsahan nitong sinabi kung ano ang kaugnayan ng asawa sa bata, alam niyang tama ang nasa isip niya na maaring anak ni Jeydon ang bata na pamangkin ni Ruby. Nilapitan siya nila Ruel ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Galit siya and she felt betrayed sa lahat na natuklasan ngayon. Gusto niyang umalis na sa lugar na iyon at huwag harapin ang asawa na parating na umano ngunit ayaw makisama ng kaniyang puso at katawan.

Nevada crime of attempted murder ang kasong sinampa kay Cris dahil sa armas nito. Pinapalabas ng babaeng kalaban na pinagtangkaan ng huli ang buhay nito at ang buhay nila Ruby. Hindi na nagulat si Cloud dahil may magaling na abogado agad ang babaeng suspect at tanging si Ruby ang hinihintay upang malaman ang katotohanan. Pointing a gun at another person is a crime at walang lusot doon si Cris dahil nakuha ng kapulisan ang armas nito. Umapila siya upang mailabas din nang araw na iyon ang tauhan kahit pa magmulta siya ng malaking halaga ng pera. Mailabas niya ng araw ding iyon si Cris pero hinihintay pa ang pagpapakita ni Ruby upang magbigay testamento laban sa kaniyang client.

"Bakit ikaw lang?" tanong ni Micko kay Ashton nang dumating ito sa presinto.

"Ayaw kong samahan siya sa biyaheng empyerno," ani Ashton habang inaayos ang nagulong necktie na suot.

"Hindi mo dapat siya iniwan dahil mas kailangan niya ang karamay ngayon." Palatak na sikmat ni Yvonne sa asawa. Naroon din siya at mas nauna dito upang damayan rin si Cris.

"Hindi pa ako handang iwan ka sa mundong ito Labalab." Pabirong tugon ni Ashton kay Yvonne bago ito inakbayan. Ito naman ang kaniyang kapareha sa buhay.

"Nasaan siya?" Kinakabahang tanong ni Ynrahd kay Ashton. Napalitan nang 'di matawarang takot ang galit na nasa dibdib kanina. Takot na maaring mapahamak ang asawa nang marinig ang mga sinabi ng kaibigan nito.

"Nariyan ka pala!" Biglang napakamot sa batok si Ashton pagkakita kay Ynrahd. "Nagbibiro lang ako, magkasunod lang kami kaya huwag kang mag-alala."

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ynrahd dahil hindi mawala ang kabang nadarama. Muling natuon ang atensyon nilang lahat nang tumayo si Cloud at lumapit sa hepe ng naturang presinto.

"Tapos na ang oras sa paghihintay sa biktima at hindi na makapaghintay pa ng mas mahabang oras. Just call us kapag umusad na ang kaso laban sa aking client." Maawturidad na pahayag ni Cloud sa may hawak ng kaso ni Cris.

Masaya si Ynrahd dahil hindi na kailangan magpalipas ng gabi sa malamig na rehas si Cris. Pero kinakabahan pa rin siya para sa asawa dahil hindi pa ito dumarating. Kailangan din nitong magpaliwanag sa batas dahil isa ito sa tinuturong sangkot sa kaso ng babae.

"Hindi pa rin ba makuntak?" Pag-uulit nq tanong ni Micko kay Ashton. Nakaalis na sina Cloud kasama si Cris at Amalia. Sila ay naiwan upang hintayin si Jeydon at siya naman ang aalalay dito kung kinakailangan.

"Out of coverage pa rin!" may halong kaba na rin sa dibdib ni Ashton dahil nakailang kontak na sa kaibigan ay walang sumasagot. Ganoon din ang ginagawa ng asawa nito at nagri-ring lang ang cellphone nito.

"Excuse me?" tawag ng isang pulis kina Micko. "Kailangan ninyong sumama sa pinangyarihan ng aksidente upang e-confirm kung si Mr. Jeydon Laserna nga ba ang—"

Hindi na natuloy ng pulis ang iba pang sasabihin nang mawalan ng malay-tao si Ynrahd pagkarinig sa pangalan ng asawa. Mabuti na lang at maagad na nasalo ito ni Yvonne na siyang katabi nito. Mabilis na nilapitan ni Ashton ang dalawa at tinignan ang pulso ni Ynrahd. Nauna nang umalis sina Micko upang puntahan ang aksidenteng nangyari.

Nakilala ng ilan na nakasaksi sa aksidente ang kanilang kaibigan na siyang tumawag sa pulis. Naabutan pa nila Micko ang kaibigan na nasa loob ng kotse nito at walang malay. Walang sino man ang nagtangkang gumalaw dito upang tulongan dahil baka mapasama lalo ang kalagayan.

"Ano pa ang hinihintay ninyo?" Bulyaw ni Micko sa isang pulis nang sa halip na ilabas na ang katawan ng kaibigan sa nakataob na kotse nito ay inuna pa ang pag-check sa paligid.

"Sandali, Sir!" Pigil ng pulis kina Micko nang lumapit ang mga ito sa kotse. "Hintayin po natin ang ambulansya."

"Back off!" Tinabig ni Ruel ang pulis upang paraanin sila at matulongan si Jeydon. Alam nila na sumusunod lamang ang mga ito sa mga dapat gawin pero buhay ng kaibigan nila ang nakataya roon.