Chapter 22: Maling akala

"NAKAUWI ka na ba?" tanong ni Geng nang sagutin ng kaibigan ang kaniyang tawag. Naka tatlong dial na siya kanina ay hindi nito sinasagot kung kaya dumoble ang pag-alala niya dito.

"Bakit ka napatawag?" Sa halip na sagutin ang kaibigan ay pahintamad niyang tinanong ito. Wala siya sa mood upang makipag kuwentuhan kahit kanino ngayon lalo na at umalis ng bahay ang asawa na masama ang kaniyang loob.

"Nag-aalala ako sa iyo, ano ka ba?" Okay ka lang ba? Nasundo ka ba ni Jeydon? " Sunod-sunod niyang tanong kay Ynrahd.

Hindi na napigilan ni Ynrahd ang mapahikbi nang banggitin ni Geng ang pangalan ng kaniyang asawa.

"Sumagot ka nga, pinapakaba mo ako. Kapag ang dibdib ko ay naging flat, kasalanan mo ito!" Bantang biro niya sa kaibigan upang pakalmahin ito. Dinig niya mula sa kabilang linya ang pagsinok nito at alam niyang umiiyak na ito.

"Hi-hindi na niya ako mahal, hindi na ako ang Baby niya!"

Nasapo ni Geng ang noo nang pumalahaw na ng iyak ang kaibigan. Kung kaharap niya lang ito ay baka nabatukan na niya ito ngayon dahil naging isip bata na naman ito.

"Paano mo nasabi ang bagay na iyan?"

"Mas mahalaga ang trabaho niya kaysa sa akin kaya hindi niya naisip na hanapin ako kanina." Patuloy siya sa pag-iyak habang nagsusumbong sa kaibigan.

"Mali ka naman sa iniisip mo eh!" Nainis siya bigla sa kaibigan at hindi nagustohan ang drama nito ngayon. "'di ba ang sabi ko sa iyo ay mag-usap kayo ng masinsinan at huwag kang advance mag-isip?"

"Paano kami mag-uusap, umalis siya ng bahay at siya pa ang may ganang magalit dahil umuwi ako ng madilim na ang paligid!" Kay Geng niya naibunton ang inis na nadarama para sa asawa.

"So alam niya kung sino ang naghatid sa iyo?"

"Malamang!" Sarkastiko niyang sagot kay Geng.

"Paano niya nalaman?"

"Sinabi ko, malamang!"

"Ay estupida!" Naibulalas niya dahil sa sagot ni Ynrahd.

"Pati ba naman, ikaw?" Naibato niya ang yakap na unan sa dingding dahil sa inis.

Nailayo ni Geng ang hawak na cellphone sa taenga dahil sa lakas ng boses ng dalaga. "Pwede bang huminahon ka muna?" Bulyaw niya rin sa hawak na cellphone. Nang biglang tumahimik sa kabilang linya ay muli niyang idinikit sa taemga ang hawak na aparato.

"Gusto ko lang naman malaman kung mag-alala ba siya at hanapin ako kapag hindi ako nagparamdam maghapon." Parang bata na bigkas nito at tila sarili lang ang kinakausap.

"Sinadya mong e-off ang cellphone mo kanina?" Manghang tanong niya sa kaibigan. "Kaya pala sa akin siya tumawag kanina." Nasampit niya ang laman ng isip nang hindi sinasadya.

Napabalikwas ng tayo si Ynrahd mula sa paekes na upo ng mga paa sa kama nang marinig ang anas na kaibigan. "Tumawag siya sa iyo kanina?" Nanlalaki ang mga mata niya na para bang kaharap niya lang ang bakla.

"Hindi mo alam?" Gulat niyang sagot sakaibigan.

"Gago ka ba, itatanong ko pa ba kung alam ko?" Nakasimangot niyang sagot sa kaibigan.

Sa halip na magalit sa nang-uuyam na tono ng pananalita ng kaibigan ay naging mabait siya dito. Kapag ganoon ang tono nito at ang tawag sa kaniya ay alam niyang sinusumpong na ito ng tantrums nito.

"Sorry, nakalimutan kong sabihin na tumawag siya sa akin kanina." Nagpa-cute siya dito kahit hindi siya nakikita.

Malakas na hikbi ang sunod na narinig ni Geng mula sa kabilang linya. Nakunsensya siya dahil sa chocolate cake ay nakalimutan na niya ang tungkol sa caller. Hindi niya masisi ang kaibigan kung magalit man ito sa kaniya ngayon. Lalong lumaki ang misunderstanding sa pagitan ng asawa nito dahil sa maling akalang namuo sa isipan.

"Akala ko ay hindi niya ako hinanap." Parang tubig sa gripo ang luha na dumaloy sa kaniyang mga mata.

"Sorry, Best! Ang akala ko ay sinundo ka niya kanina lalo na at narinig niya ang tinig ni Alex na kausap mo nang tumawag siya sa akin." Mahabang paliwanag niya sa kaibigan.

Lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ynrahd sa mga narinig. Lungkot at pagsisi ang nadarama nang mga oras na iyon. Mabilis niyang pinatay ang tawag ng kaibigan at dinayal ang numero ng asawa.

"Hindi mo ba sasagutin?" Tukoy ni Jay sa cellphone ni Jeydon na tumutunog. Nakapatong lang iyon sa tabi nito at tila binging hindi naririnig ang pagtunog niyon. Isa siya sa nakapasa sa pagsusult ng ahensya at naging junior eagle.

"May sigarilyo ka ba diyan?" Sa halip ay tanong niya kay Jay. Matagal na siyang hindi naninigarilyo dahil pinagbawalan siya ng asawa. Pero sa pagkakataon na ito ay kailangan niyang gawin iyon upang pakalmahin ng kaunti ang sarili.

Napailing si Jay habang kinakapa ang sigarilo sa loob ng pocket na suot niyang pantalon. Hindi na siya nagtanong kung ano ang problema nito sa asawa. Sa mga senyor nila ay ito lang ang alam niya na komplikado ang buhay may asawa.

"Wala ka bang kasama dito sa bahay mo?" Inikot ni Jeydon ang tingin sa loob ng sala ni Jay. Mini bunggalo lang ang naturang bahay at maganda sa mata ang design.

"Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa."

Napangisi si Jeydon at tumango sa kaibigan. "Tama iyan, hindi madali ang magkaroon ng asawa."

"Nagsisi ka ba, 'Pre sa pag-aasawa?" curious niyang tanong dito nang makita ang lungkot sa mga mata nito.

"No!" Mabilis niyang sagot kay Jay, "pero kailangan mong isakripisyo ang lahat at mahabang pasensya lalo na kung bata pa ang mapangasawa mo." Seryuso niyang turan at pinayuhan pa ang huli.

"May problema nga kayo kung ganoon."

"I think, we need space para hindi agad siya magsawa sa akin." Nanlulumo ang aura ng kaniyang mukha dahil sa kaniyang naisip na solosyon sa pagsasama nila ng asawa.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat sasabihin," kumakamot sa ulo na ani Jay. "Teka, bakit ba sa akin ka lumapit eh wala akong alam sa buhay may asawa?" Sikmat niya kay Jeydon dahil biglang kumati ang kaniyang ulo sa problema nito.

"Sa tingin mo ay nakakatuwa ang mang isturbo sa may mga asawa na?" arogante niyang balik-tanong sa kaibigan.

"Iyan din ang gusto kong puntuhin kanina pa, Pare, hindi ko lang mabigkas. Kaya mabuti at naisip mong dito sa akin pumunta." Ngumiti siya sa kaniyang senyor na halos hindi na maipinta ang mukha ngayon habang nakatingin sa kawalan.

"Pero si Ruel binata din iyon." Pahabol niya upang maipagtangol ang sarili. Isa ito sa kasama niyang pumasa.

"Wala akong balak pumasok sa kumbento."

Napaubo si Jay upang pigilan ang sariling tumawa. Hindi niya alam kung nagjo-joke ba ang kaibigan o wala lang talaga sa sarili dahil mukha pa rin itong byernes santo. Pero may punto ito, minsan ay mukhang bagay sa kumbento si Ruel dahil sa ugali nitong tahimik din.

"Tagay na lang tayo, 'Pre!" Itinaas ni Jay ang basong may laman na alak.

"Baka malasing ako, tama na ang isang basong nainum ko."

Naudlot ang paglapat ng bibig ng baso sa kaniyang labi at tinapunan si Jeydon nang hindi makapniwalang tingin. "Seryuso, ano ang pinunta mo dito, Boss?" natawag na niya ito sa pangalan bilang kanilang superior.

"Gusto ko lang ng tahimik na lugar."

Mabilis na tumayo si Jay at pinatay ang sterio na may nakasalang kanta na rock song.

"Bakit mo pinatay?" Kunot-noong tanong ni Jeydon sa huli.

"Kailangan mo ng katahimikan, 'di ba?"

Pumalatak si Jeydon at inunat ang mga paa bago humiga sa mahabang sofa. Maging siya ay nagulohan na rin sa sarili at patong-patong na ang kaniyang problema.

"Tungkol pala kay Ruby." Pag-iiba ni Jay sa paksa.

Napabalikwas ng bangon si Jeydon pagkarinig sa pangalan ng babae. Isa ito sa dahilan kung bakit naging distracted siya nitong huling mga araw. Hindi niya ito kilala pero may hawak itong alas na kailangan niyang tuklasin. Sa tuwing magtagpo ang kanilang landas ay may mga talinhagang salita itong binibitawan.

"Kilala mo si Dianne Magaway?"

Dumoble ang gatla sa noo ni Jeydon habang kinakapa sa isipan ang pangalang binangit ng kaibigan. Pinaimbistigahan niya rito si Ruby upang alam niya kung ano ba talaga ang kailangan nito sa kaniya. Mukha itong obsessed sa kaniya gayong alam nitong may asawa na siya.

"Nakatira siya sa probinsya ninyo." Dinagdagan niya ang impormasyon upang mapadali sa pag-iisip si Jeydon.

"What about her?" Tumuwid sa pagkaupo si Jeydon nang makilala ang taong tinutukoy ni Jay.

"Nakakatandang kapatid siya ni Dianne." Tukoy niya kay Ruby.

"Fuck!" Naihilamos ni Jeydon ang sariling palad sa kaniyang mukha. " Ano ang kailangan niya sa akin?"

"Namatay siya matapos manganak dahil sa depression."

Pakiramdam ni Jeydon ay lumaki bigla ang kaniyang ulo at maging ang puso ay kumabog sa kabang nadarama.

"Ma-may anak siya?" Pilit niyang isinatinig ang laman ng kaniyang isipan. Lihim na naipagdasal na sana ay mali ang kaniyang kutob.

"Yes, limang buwan na ang batang babae." May kasamang buntong-hininga na sagot ni Jay sa kaibigan na nagmukhang ermitanyo na at ramdam niya ang bigat na pinapasan sa balikat nito ngayon.

"Ano ang sunod kong gagawin ngayon?" tanong niya kay Jeydon nang manahimik na ito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil wrong timing ang pagbigay balita dito. Dinagdagan niya lang ang problemang iniisip nito ngayon.

"Huwag ka munang gumawa ng hakbang at ipaubaya mo na sa akin ang bagay na ito. Kailangan na hindi makarating sa asawa ko ang lahat nang nalaman mo."

Tumango si Jay sa kausap at nangakong tutulongan niya itong maresolba ang problema kung kailangan nito ng tulong.

"Salamat!" Hindi na niya napigilan ang sarili na tunggain ang alak sa mismong lagayan nito.

Hinayaan na lamang ni Jay ang kaibigan na lunirin ang sarili sa alak. Hindi na rin siya nakatagay dahil inangkin na ng kasama ang bote ng alak. Sinamahan ito hanggang sa bumagsak ang katawan sa sofa dahil sa kalanguan sa alak. Nang masigurong tulog na ito ay nagpasya siyang tawagan si Ynrahd upang ipaalam na naroon ang asawa nito.