Chapter 24: TALKED
TYRA
Ngayon lang kami nagkaroon ng heart to heart, ay mali… ano nanaman ba itong iniisip kong heart to heart. Nag karoon lang ng linaw ang linaw ang lahat, wala naman ng magagawa dahil nakaraan na iyon.
“ tama na, uwi na tayo “ umiling ako.
“ ayoko pa, isang bucket pa last na?” nginitian ko siya.
“ may trabaho pa tayo bukas, baka hindi tayo umabot sa submission” sumimangot ako.
“ sige naman na oh? Ngayon lang eh” tinaasan niya ako ng kilay.
“ ayan ka nanaman sa pagsusungit, sige na” inirapan niya ako.
“ okay” tinawag niya ung waiter at umorder, napa ngiti naman ako. Sinundan ko ng tingin ung waitetr ng may mapansin ako, ano ginagawa niya sa lugar na ito??
“ wait lang ivan ah” tumayo ako at sinundan ung taong iyon, hindi ako nag pahalata na sinusundan ko siya hanggang may makita akong pamilyar uli na mukha.
“ ano ginagAwa mo dito?? Sabi ko sayo uuwi na ako” rinig kong sabi.
“ kanina pa ung uuwi kana, antagal mo. Gusto ko ng spaghetti” sagot naman niya.
“ okay, paalam lang ako sa mga kasama ko” pumasok siya sa may vip at maya lang saglit lang lumabas na siya.
“ lika na, uwi na tayo baka mapano pa si baby natin pag nag tagal ka dito” napako na ang paa ko sa narinig ko, hindi ko na din sila sinundan dahil napaka linaw ng narinig ko mula sakanya.
Naikuyom ko ang kamao ko at tumulo na ang luha ko, so totoo ung akala ko??!! Totoo ung mga iniisip ko??!!! Hindi ako kumbinsado na kaya nilang gawin ito pero kitang kita ko, rinig na rinig ko at malinaw saakin pero bakit??!! Bakit patuloy sila sa panloloko saakin?? Kung pwede naman ng tapusin??? Bakit???!!!!!!
Bumalik ako sa mesa namin at nilagok lagok ung beer, hindi ako tumigil sa pag inom kahit tumulo tulo pa sa bibig ko. Gusto ko makalikutan ung narinig ko, gusto ko burahin ung nakita ko.
“ ey! Tama na” inagaw ni ivan, tinignan niya ako.
“ hayaan mo ako pwede? Gusto ko makalimot” inagaw ko ung alak at ininom ng ininom, hindi na niya ako pinigilan at uminom ako habang umiiyak. Lintik na sound trip yan mas lalo akong naiiyak, hanggang humagolhol na ako.
“ kahit anong gawin mo hindi mo makakalimutan, feel it and learn from it para makalimutan mo dahil part iyon ng paglimot” hinawakan niya ang batok ko at isinandal sa dibdib niya, umiyak naman ako ng umiyak.
Nasa kotse na kami at patuloy parin ak0 sa pag iyak pero hindi na paghagulhol kundi tahimik na lang na lumuluha, madaling araw na ata dahil kanina pa ako umiiyak at ramdam ko ang pamumugto na ng mata ko.
“ nagugutom ako” sabi ko.
“ kain tayo gusto mo??” tanong niya.
“ may mga bukas namang kainan lalo pat 3am na” nilingon ko siya, alas tres na pala at ilang oras na din pala akong umiiyak at ilang oras din niya akong sinasamahan.
“ kahit fastfood na lang” umiling siya.
“ may alam akong steak haus na open sa ganitong oras, maganda un place at sobrang sarap ng ice cream” parang natakam ako, tumango ako at inistart na ang sasakyan.
Habang nasa daan kami inayos ko naman ang sarili ko, minasahe ko ang mata ko na halos papikit na dahil sa kakaiyak. Medyo okay okay na ang itsura ko, sakto naman na andon na din kami.
“ may ganito palang place??” tanong ko.
“ hmm, upo na tayo” inabutan kami ng menu.
“ isang galloon na ice cream tapos steak tsaka tea at pakidagdagan na rin ng ribs” order agad ni ivan, nakatulala lang ako sakanya.
“ ganun din sa kasama ko, thank you” ibinalik na ung menu at umalis na ung waiter.
“ isang galloon?? Meron ba silang galloon dito?? High end resto ata ito hindi grocery” sabi ko, napailing na lang siya.
“ just wait, panigurado kulang pa ung ice cream sayo. Sa dami ng tubig na nawala sayo kailangan mong palitan agad dahil puro alat, palitan mo ng matamis para naman sumaya ka” inirapan ko siya, nagagawa niya pang mang asar sa ganitong sitwasyon.
“ so ano na plano mo??” pang iiba niya.
“ ano pa nga ba? Pag nasaktan dapat mag move on, ganun naman ginagawa ng mga broken hearted o kaya naman mga niloko” sagot ko.
“ I mean ano na plano mo sa dalawa?? Hahayaan na lang?? O kokomprontahin sila??” napa isip ako, hindi ko din alam basta ang gusto ko matapos tong kalokohan na ito.
“ hindi ko alam, ano nga ba??” balik na tanong ko.
“ ano ba dapat ang ginagawa sa mga taong manloloko??? Either saktan sila o maki pag break at kalimutan na lang ang mga ginawa nila sayo” kumunot ang noo ko.
“ hindi ako tulad nila na mananakit para makaganti, siguro doon ako sa makiki pag hiwalay at kakaklimutan na lang ang lahat” malungkot kong sabi.
“ kaya mo bang kalimutan??” tanong niya, hindi ako nakaimik at sakto naman na dumating ung order namin.
“ grabe ung ice cream ang laki” kinuha ko at tinikman ko, kakaiba ung ice cream na..
“ gawa nila??” tumango siya, ang sarap. Hindi siya tulad ng ibang ice cream at tama niya kulang ko pa ito kung tutuusin, hindi ko na pinansin ung steak kundi nag focus ako sa ice cream.
Hanggang naramdaman kong umiiyak na nanaman pala ako, pinag patuloy ko ang pagkain ng ice cream kahit umiiyak ako. Naiinis ako kasi bakit hindi maubos ubos itong luha na ito, ganito pala ang pakiramdam.
Mas masakit pa ito sa nangyari saamin ni ivan, ung saamin ni ivan parang kagat lang ng langgam pero itong ginawa nila kagat ng bee na mang iiwan ng marka.
“ tsk! Iniyakan mo ba ako noon ng ganyan?” tinignan ko si ivan.
“ hindi” sagot ko habang umiiyak, inirapan naman niya ako.
” ouch” sabi niya.