Chapter 49: Pamamaalam
"Mike ano ng gagawin natin?" si Cathy, "nagugutom na ako"
"Wag kang mag-alala, makiki-usap tayo kay Peter na bigyan tayo ng pagkain"
Bumukas ang pinto at si Peter ang pumasok, may dala syang tray ng pagkain, nilapitan nya kaagad ang dalawa, nilapag nya muna ang tray sa sahig at kinuha ang maliit na mesa na nasa tabi at inilagay sa harapan ng dalawa, "pasensya na kayo ha, pinagbawalan kasi ako ni boss na dalhan kayo ng pagkain" na kinuha ang tray na nasa sahig at nilapag sa mesa, "tatanggalan ko kayo ng tali at ng makakain kayo ng maayos" na inunang tanggalan ng tali si Cathy
"Salamat kanina pa talaga ako gutom eh" si Cathy
"Wala pong anuman, sige na po kumain na kayo" at si Mike naman ang sunod na tinanggalan nya
"Asan ba si Trina?" si Mike na wala ng tali ang mga kamay, at sya na mismo ang nagtanggal sa tali na nasa kanyang mga paa
"Nakatulog po sya kuya, nag-iinom sya kanina, na lasing kaya ayon nakatulog"
"Kung ganon, pwede mo na ba kaming tulungan na makatakas?" si Mike na sumubo ng pagkain, si Cathy naman ay focus lang sa pagkain nya.
"Bukas na ng umaga tayo tatakas, may plano na ako kung pano tayo makakaalis dito"
"Kung ipagpapabukas pa natin eh gising na si Trina non?" si Mike
"Mga alas singko ng umaga tayo tatakas" si Peter, "wag kayong mag-alala ako ang bahala kay boss"
"Salamat Peter" si Mike
"Tsaka na po kayo magpasalamat sakin pag nakalabas na tayo pare-parehas dito, sa ngayon po ay kumain na muna kayo" tumango lang si Mike at Cathy sa kanya
"Bakit ba kailangang ipagpabukas pa natin!!" sigaw ni Miggy sa mga pulis, nasa sala sila ngayon ng bahay nya "pano kung may masamang ginawa na ang baliw na Trinang yon sa fiancée ko, di nyo ba naisip yon!!?"
"Miggy kumalma ka lang" sita ni Andrew sa kapatid
"Pano ako kakalma?" na di talaga mapakali
"Mr. De los Reyes papunta na po don ang iba kong mga tauhan, wag po kayong mag-alala mamayang alas kwatro ay babyahe na ho tayo papunta don" anang lider ng mga pulis
"Ang layo nong Bulacan, tapos alas kwatro pa tatayo tutungo doon?" si Miggy
"Sir mag tubig ho muna kayo" si nay Nena na lumapit kay Miggy at inabot ang isang baso ng tubig
"Salamat nay" na agad namang tinanggap ang baso na may tubig at agad na ininom, "salamat po nay" na ibinigay sa matanda ang basong wala ng laman
"Walang anuman po sir, wag po kayong masyadong mag-iisip ng kung anu-ano sir, magtulungan na lang ho tayong ipagdasal na sana ay ligtas si maam Cathy at walang masamang nangyari sa kanya" na hinimas-himas ang likod ng lalaki
"Salamat po nay" na pinilit ngumiti sa matanda, nakatingin lang si Andrew at ang mga pulis sa kanila
Nagising si Trina sa sobrang sakit ng ulo nya, tiningnan nya ang oras sa kanyang selpon na nasa maliit na mesang katabi ng kama nya, "oh shit alas kwatro na pala?" tumayo sya at hinilot-hilot ang gilid ng kanyang ulo, dahan-dahan syang humahakbang papunta sa pinto ng kanyang silid, binuksan nya ito at lumabas, "Peter!! Peter?, nasan na naman ang lalaking yon?" na nagusot ang mukha sa sobrang sakit ng ulo nya, "kailangan kong magpabili kay Peter ng gamot sa sakit ng ulo"
"Mike gising!! Mike!!" tawag ni Cathy kay Mike na nakatulog
Nagising naman agad si Mike, "oh Cathy, bakit nagugutom ka na naman ba?"
"Hindi.."na tumingin sa bintana ng silid na naka bukas," mukhang alas kwatro na ata"
"Tingin ko nga" na tumingin din sa bintana, "maya-maya nandito na ata si Peter, bumukas naman kaagad ang pinto at si Peter ang pumasok
" Kuya, maam naihanda ko na po ang lahat" na lumalapit sa dalawa at isa-isang tinanggalan ng tali ang mga ito, "ngayon na tayo tatakas at mukhang tulog pa si boss"
Nang matapos na nyang tanggalan ng tali ang dalawa, dali-dali silang tumakbo palabas ng silid, "dito tayo" sumunod naman sa kanya ang dalawa
"Fuck!! Asan na ba tong si Peter" na tumayo ulit sa kama, napatingin sya sa kanyang bukas na computer na nasa maliit na mesa, "what the heck!!" na agad na dinampot ang baril "humanda kayo sa akin parehas ko kayong papatayin" na patakbong lumabas ng silid nya
"Sira ang mga elevator dito kaya kailangan talaga nating mag hagdan" si Peter
"Okay lang, ang mahalaga ay makaalis tayo dito" si Cathy
"Peter!!! Hayop ka trinaydor mo ako!!" si Trina na pinutok ang baril
"Dyos ko si Trina yon" si Cathy na nanginginig sa takot
"Wag kang mag-alala, makakalabas ka ditong buhay" si Mike na hinawakan ang kaliwang kamay ni Cathy, tumingin lang si Cathy sa kanya
"Bilisan ninyo po baka maabutan nya tayo" si Peter na patakbong bumaba ng hagdan
"Cathy!! Mike!! Peter!! Hinding-hindi kayo makakalabas ng buhay dito!!" na malapit-lapit na sa kinaroroonan ng tatlo
"Kuya Mike, iligtas ninyo ang mga sarili ninyo" si Peter na humakbang pabalik sa taas
"Anong ginagawa mo??" si Mike
"Pakisabi ho sa mag-iina ko na mahal na mahal ko sila"
"Ano bang pinagsasabi mo" si Cathy na hinila si Peter, "sabay-sabay tayong aalis dito, halikana"
Naniningkit sa galit si Trina ng makita nya ang tatalo na nasa may hagdan, itinutok nya ang baril sa tatlo at agad na ipinutok, "mga hayop kayo tatakasan nyo pa ako!!"
"Ayy!! Nandyan na sya tara na!!" si Cathy
Dali-dali silang tumakbo pababa, habang nakasunod si Trina sa kanila, sunod-sunod ang paputok nito sa baril, "dyos ko gabayan mo po kami" si Cathy
"Hinding-hindi kayo makakalabas ng buhay!!" na galit na galit at pinaputok ulit ang baril
"Ahh!!" si Peter na natamaan sa likod
"Peter!!" si Mike
"Kuya Mike sige na tumakas na kayo, pabayaan nyo na ako"
"Hindi pwede" na inalalayan si Peter, "Cathy sige na mauna kana" si Mike kay Cathy
Kinalabit ulit ni Trina ang gatilyo ng baril at natamaan na naman nya si Peter, nakita nyang napaluhod si Peter na inalalayan ni Mike, si Cathy naman ay nauna na sa dalawa, kaya pinaputukan nyarin ang kinaroroonan ng babae
"Ayyy!!" si Cathy na napatakip sa dalawang tenga nya, nilingon nya sina Mike at Peter, nakita nya ang maraming dugo sa damit ni Peter, "dyos ko po" na naiyak na sa sobrang takot
"Kuya sige na po" si Peter na sumuka na ng dugo, "iiwan nyo na po ako, sige na" na itinulak ang kamay ni Mike, "papalapit na sya kuya sige na po umalis na kayo"
Tumingin si Mike sa papalapit na si Trina, "patawad Peter" at agad na binitawan ang braso ng lalaki at patakbong lumapit kay Cathy, hinawakan nya ang kamay ng babae at sabay na tumakbo
"Hindi ninyo ako matatakasan!!" si Trina na pinaputukan na naman sina Mike at Cathy, nang makalapit naman sya kay Peter ay agad na niyakap ni Peter ang isang paa nya, "boss hayaan mo na po sila" na tumingala sa mukha ni Trina
"Bwesit ka! Ng dahil sayo nasira ang plano ko, dapat sayo mamatay!!" na binaril sa ulo si Peter, "bwesit"
"Mike baka si Peter yon, baka tinuluyan sya ni Trina" si Cathy na hingal na hingal sa pagtakbo
"Cathy, ang importanti ang makatakas tayo dito" ng bigla na namang may pumutok sa likuran nila, napahawak si Mike sa gilid nyang unti-unting bumabasa
"Mike dugo?? Dugo??" si Cathy na nakatingin sa gilid ni Mike na nagdudugo
"Sa tingin nyo ay hahayaan ko kayong makalabas ng buhay!!" si Trina na papalapit na sa kanila
"Mike halika" si Cathy na inalalayan si Mike, ayon may hagdan don" na nakatingin sa hagdan na pataas "don tayo bilis!!"
"Cathy pataas yang hagdan na yan?" si Mike na napapangiwi dahil sa tama nya
"Bahala na, ang mahalaga ay matakasan na muna natin ang babaeng yan, bilis"
Nagngingit-ngit sa galit si Trina na nakasunod sa kanila, "hindi kayo makakatakas sakin!!"
Nang makarating na sila sa pinakatuktok ng building, "Cathy rooftop na to" si Mike
"Pa-pano na tayo nito??" si Cathy "mukhang paparating na sya"
"Cathy, kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng mga bata ha?" si Mike na tumitig sa mukha ni Cathy, at hinalikan ang noo nito, "sana din ay mapatawad mo na kami ni Trina si ginawa namin sayo" na hinaplos ang maamong mukha ng babae
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?, matagal na kitang napatawad, pero yang si Trina ewan ko lang kong mapapatawad ko ba sya"
"At talagang naglalandian pa talaga kayo?" si Trina na itinutok ang baril sa dalawa
"Trina, ako na lang ang patayin mo, wag mo na idamay si Cathy, may mga anak kami, pano na lang sila pag papatayin mo kami parehas??"
"Shut up!! Papatayin ko kayo parehas!!"
Agad na bumaba ng sasakyan si Miggy at patakbong pumasok sa bakod na sira, agad naman na sumunod si Andrew sa kanya
"Mr. De los Reyes! Mr. Alvarez!! Wag po muna kayong pumasok mga sir!!" sigaw ng lider ng mga pulis sa kanila, pero di sya pinakinggan ng mga ito, napailing-iling nalang sya
"Sir nakapalibot na ho ang mga tauhan natin sa buong building " anang isang pulis
"Kung ganon, tara pasukin na natin ang building"
"Miggy antayin mo ko!!" si Andrew na patakbong humahabol kay Miggy
"Mga sir bawal ho kayo sa loob" anang pulis na humarang sa kanila, "may narinig ho kaming putok ng baril kanina baka mapahamak pa po kayo"
Hinawi ni Miggy ang pulis na humarang sa dadaanan nila, "may narinig na pala kayong putok tapos di pa kayo pumasok?, anong klaseng mga pulis kayo!!"
"Sir pasensya na ho sumusunod lang kami sa utos"
"Tang-inang utos yan, tumabi kayo!!" si Miggy
"Miggy wag naman ganyan" si Andrew
Nakatutok parin ang baril ni Trina kina Cathy at Mike, "papatayin ko kayo parehas" na unti-unting kinakalabit ang gatilyo, mabilis na tumakbo papalapit kay Trina si Mike at pilit na agawin ang baril, "Mike ano ba!!"
"Babe please.. Tumigil ka na, mahal na mahal mo ako di ba?, di ba, di mo ko kayang saktan?? Babe, nandito na ako oh, nasa harapan mo na ako, bumabalik na ako sayo"
"Tumigil ka niloloko mo lang ako" na naluluha
"Hindi kita niloloko" na dinahan-dahang kunin ang baril na hawak ni Trina, "babe magpapakasal na tayo, di ba sabi mo gusto mo kong makasama habang buhay?" at tumango lang si Trina sa kanya, "kaya sige na payag na ako, magpapakalayo-layo tayo, magpapakasal tayo, mamumuhay tayo ng tahimik, magigiging masaya tayo habang buhay kasama ang mga magiging anak natin" at tuluyan na nga nyang nakuha ang baril at hinagis malapit kay Cathy, hinaplos haplos nya ang mukha ni Trina, "babe i miss you" na ngumiti sa babae
"I miss you too babe" si Trina at agad na hinalikan ang labi ng lalaki
"Mike anong ginagawa mo??" si Cathy pero di sya pinansin ni Mike, dahil gumaganti narin ito ng halik sa babae, napapansin nyang unti-unting umaatras si Mike papunta sa pinakadulo ng rooftop at yumakap ito sa babae, "Mike!! Hoy!!"
"Patawad Cathy, ito na lang ang tanging magawa ko para mamuhay kayo ng mga anak natin ng maayos at tahimik" sa isip ni Mike at patuloy parin sa pakikipaghalikan kay Trina habang paatras ng paatras, itinigil nya ang paghalik sa babae at tumingin sa mukha nito, "babe" na ngumiti, "magsama na tayo habang buhay"
"Mike mahuhulog kayo!!" si Cathy
"Mike anong binabalak mo??" si Trina na napansing nasa pinakadulo na sila ng rooftop, "Mike mahubulog tayo"
"I'm so sorry Trina, pero kailangan na nating putulin ang kabaliwan mo" na hinigpitan ang pagkakayakap kay Trina at agad na nagpatihulog kasama si Trina
"Ahhh!!! Mike nababaliw ka na!! Mamatay tayo!!! Mike!!!" si Trina habang nasa ere sila
"Mike!!" si Cathy na tumakbo papunta sa pinakadulo ng rooftop at tumingin sa dalawa na nasa ere at unti-unting bumabagsak, "dyos ko po" dali-dali syang tumakbo paalis ng rooftop
"Babe, I'm sorry" si Mike na ngumiti kay Trina
Umiiyak si Trina na nakatingin sa mukha ni Mike, "baka nga seguro ay ito ang tamang paraan para maitigil ko na ang kasamaan ko, sana mapatawad ako ni Cathy balang-araw" na ngumiti at yumakap sa lalaki. Napasigaw si Mike sa sobrang sakit ng maramdaman nyang natusok ang katawan nya sa isang bakal at tumagos ito kay Trina, sumabit sila sa sirang gate na may mahaba at matalas na bakal sa tuktok nito. Ngumiti si Mike kay Trina na sumuka na ng dugo, hinaplos naman ni Trina ang mukha ni Mike at inihiga ang ulo sa malapad na dibdib nito, "I love you so much babe" at sabay silang nawalan ng hininga
"Ahhhh!!" sigaw ng isang babae na dumaan
"Anong pong nangyayari maam?" anang mga pulis na agad na tumakbo papunta sa babaeng nasigaw
"Ta-ta-tao!! Tao!!" na itinuro ang katawan ng dalawa na nakasabit
"Dyos na mahabagin" anang isang pulis na napa sign of the cross pa
Patakbong bumaba ng hagdan si Cathy, "Panginoon ko, iligtas nyo po sina Mike at Trina parang awa mo po" na humahagulhol ng iyak
"Cathy!! Cathy!!" si Miggy na patakbong lumalapit sa babae nakasunod si Andrew sa kanya
"Miggy, si Mike at Trina tumalon sila!!"
"What!!?"
"Tumalon sila don sa rooftop kailangan natin silang mailigtas!!"
"Oh my god" si Andrew, halika kayo bilisan na natin, na naunang bumalik pababa
Hinawakan ni Miggy ang kamay ni Cathy at agad silang sumunod kay Andrew, nang makalabas na sila ng building, "saan sila banda tumalon?" si Miggy
Paikot-ikot si Cathy, "tingin ko doon" na tinuro ang pwestong kinaroroonan ng mga pulis.
"Tara punta tayo doon" si Andrew
"Sir, sir bawal ho kayo doon" anang pulis na humarang sa kanila
"Nandon ang mga kasamahan ko, kailangan natin silang iligtas?" si Cathy at napatingin naman sya sa dalawang pulis na nagtutulungan sa pagbuhat sa patayng katawan ni Peter, "pa-patay na ho ba sya??"
"Opo maam," anang isang pulis, "at tsaka patay narin ho ang dalawang kasama ninyo, natusok ho ang katawan nila sa matalim at mahabang bakal"
"Ano!!?, hindi totoo yan"
"Patawad po maam, pero yon po ang totoo, kaya dito lang ho kayo, pinagtutulungan pa ng mga kasamahan kong hugutin ang mga katawan nila"
"Dyos ko lord" sambit ni Andrew
Napaupo si Cathy sa lupa, "ano na lang sasabihin ko sa mga anak ko??" na nagsituluan na naman ang mga luha, "pano ko sasabihin sa kanila!!!?" na humahagulhol na ng iyak, at agad naman syang niyakap ni Miggy na naiyak narin dahil sa nasaktan sya sa nakikitang paghagulhol ni Cathy