Chapter 4

Nais ng mga ito na ipakasal siya sa kasosyo nitong negosyante na Llavarez ang apelido. Ang alam lang niya isa sa mga anak nitong lalaki ang pakakasalan niya, ang sabi naman sa kanya ay puro may mga sawa na ang mga anak na lalaki ng pamilyang iyon. Kaya naman mas ninais na niyang ibigay na lang ang virginity niya sa isang estranghero para sa kanya, kaysa naman sa isang lalaking may asawa na ang makaunang kumuha sa matagal niyang pinangalagaan.

“Paalam na, mabait na lalake, sana lang maraming lalaking tulad mo sa mundo, at sana katulad mo ang lalaking pakakasalan ko, sorry kung niloko kita,” sabi na lang niya sa lalake, habang tinititigan niya ito. Umalis na siya sa lugar na iyon bago pa magising si Clinton.

ISANG BUWAN na rin ang nakalipas buhat ng magkakilala sila ni Myra. Ang babaeng may topak yata sa ulo, siya lang babaeng nakilala niya sa buong buhay niya na matapos ang unang gabi nilang pagsasama ay lalayasan ang lalaking nakakuha sa pagkababae nito.

Nang magising siya nang umagang iyon ay nakita na lang niya ang isang cellphone na may voice recorder nito, nagsabi na siya si Myra, huwag na raw alamin ang family name niya dahil nahihiya ito na malaman pa niya ang pinagmulan ng pamilya nito. Naroon din ang isang wallet na puno ng pera, iniwan nito.

Katibayan na nagsinungaling lang ito sa kanya na ninakaw o nawala ang pera nito, siya naman si tanga, naniwala, mabuti na lang at hindi naman masamang tao ang dalaga, kung nagkataon siya pa pala ang kawawa.

Nalungkot lang siya dahil sa nilisan siya nito ng wala man lang silang maayos na pag-uusap, kung pwede pa ba silang magkita uli, ngunit natawa na lang siya, naalala niyang ikakasal na nga rin pala ang dalaga sa isang lalaking hindi rin nito kilala, parang siya.

Katulad niya, hindi pa niya kilala ang babaeng ipapapakasal sa kanya, at tulad niya nasa stage lang din pala ang dalaga na nag-iisip kung susundin o hindi ang nais ng pamilya nito, at dahil napag-isip-isip nilang kahit na anong gawin nila, wala silang ibang kababagsakan kundi ang magbalik sa sariling bansa, at harapin ang kapalaran nilang hindi naman sila ang pumili. Iniisip na lang niya na maaring binigyan lang sila ng pagkakataong pumili ng isang bagay na gagawin nila, kahit na sa sandaling panahon lamang.

Iyon ay ang mga desisyong ginawa nila ng gabing iyon, alam naman niyang kapwa sila nakainom, pero hindi sila lasing, hindi ganoon karaming alak ang nainom nila para ikatwirang wala sila sa sarili at tamang pag-iisip ng mga sandaling iyon dahil siya, alam niya sa sarili niya kung anong mga nangyari, malinaw sa isipan niya, maging ang mukha ng dalaga, habang nasasaktan ito, dahil iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon, at siya ang mapalad na lalake.

Masakit iyon sa kanya, na umalis ito, at hindi man lang siya tinanong kung nakahanda ba siyang panagutan ang pangyayaring iyon, malinaw na mas pinili nitong sundin ang utos ng pamilya.

“Kung nasaan ka man, sana hindi mo pagsisihang iniwan mo ako…” tanging salitang nasabi ni Clinton sa kanyang isipan, habang nakatanaw sa malayo. Naroon pa rin siya sa hotel na iyon, kung saan naganap ang kanilang unang gabing pagsasama. Kahit na sandaling oras lang, para namang inukit ng dalaga ang sarili niyang mga alaala sa puso at isipan ni Clinton.

THREE MONTHS na ang lumipas, nagdesisyon na rin siyang umuwi ng Pilipinas, hindi niya alam pero matapos niyang makilala si Myra, para bang bigla na lang may nagsasabi sa isipan niyang bumalik na lang at harapin na lang din ang kapalarang ninais niyang takasan.

“Bro, ano kumusta ka na?” tanong ni Dante, kaibigan niyang alam ang kwento ng buhay niya.

“Okay lang naman ako, siya nga pala kumusta ang apointment ko, sa mga Estrella?” tanong niya sa kaibigang siya ring tumatayong secretary niya.

Napagdesisyunan ng buong pamilya niya na siya na ang pamahalin ng buong kumpanya nila, tutal siya naman daw ang magiging daan para makabangon iyon sa pamamagitan ng pagpapakasal niya sa anak ng isa sa mga investors, ang pamilya Estrella. “Nako, mukhang inaalat na tayo, ikaw kasi nagtago ka pa ng matagal doon sa Poland, nang bumalik iyong babae, nag-deside na raw iyon, at pumayag kaya lang ikaw naman iyong wala.” Naiiling na inilapag ni Dante ang hawak na tasa na may lamang kape sa ibabaw ng table niya.

“Medyo natagalan lang naman ako nang halos isang buwan, pero bumalik naman kagad ako diba, ano pang problema, e ayaw naman nilang ipakasal sa iba ang anak nila, bakit daw ba kasi ako ang gusto nila?” tanong na naman niya na tila naging interesado na.

“E may kasamang sumpaan na rin daw kasi ng mga magulang niyo, at magulang ng mga magulang niyo, nako, pre biktima ka pala ng lumang pangakuan,” natatawang sabi ni Dante.

“Talaga, a basta, hindi ako magmumukhang nagmamakaawa, kung ayaw pa nang anak nila, wala akong magagawa, ayoko namang magmukhang naghahabol sa babaeng iyon na hindi ko naman kilala,” sabi pa niya na kimuha naman ang tasa, at saka inilapit sa bibig niya upang inumin.

“E paano itong kumpanya? E sila nga raw ang makapagbibigay ng malaking halaga, para i - invest dito, at kung magkakataon malaking kaluwagan iyon para sa iyo,” sabi pa ni Dante.

Alam naman niyang tama ito, pero naniniwala siyang makakahon ang kumpanya nila ng hindi na kinakailangang manggamit ng tao, iyon na yata ang pinaka-worst na naiisip niya. Kaya hanggang sa mga oras na iyon, nalilito pa rin siya, isa rin si Myra sa nagpapagulo sa puso at isipan niya.

Pasado alas-sais nang gabi nang tumayo siya sa kinauupuan niya para umuwi na rin, halos lahat ng mga empleyado ay nagsiuwian na liban sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa loob na siya ng kanyang sasakyan, nakaparada iyon sa harap ng isang resto bar, basta nakahinto lang iyon doon, hindi naman niya alam kung papasok ba siya at maliliwaliw muna, o magpapalipas na lang ng oras sa loob ng kanyang sasakyan, basta ayaw pa niyang umuwi, alam niya kasing kung uuwi siya ng maaga ay masesermunan lang siya ng Papa niya. Tatanungin kung kailan niya balak na kitain ang babaeng nais nilang ipakasal sa kanya.

Habang nasa loob ng sasakyan, hindi niya inaasahang makakakita siya ng babaeng naglalakad at sumusuray na sa kalasingan, nang bigla itong harangin ng ilang kalalakihang lasing na rin, “Hoy Miss, ang ganda mo naman, halika samahan mo kami, mukhang nag-iisa ka lang naman,” sabi ng lalaking lasing.

“Hoy! Ang babastos niyo naman! Hindi niyo ba alam na may fiancee na ako! Malapit na kaming magkita ng lalaking iyon!” sabi naman ng babae, habang dinuduro ang mga kalalakihan.