

My First and My Last Love
By: Bloodygracey
My First and My Last Love is an ongoing young adult novel by Bloodygracey with 8 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added May 27, 2022.
Synopsis
Read the first chapter
Chapter 01:
Nice To Meet You
" WELCOME TO NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT, THANK YOU FOR YOUR SERVICE, HOPING YOU'LL BE COMING AGAIN, WE'RE ALWAYS HERE TO SERVE AND ASSURE YOUR SAFETY TRIP, THANK YOU!!!"
Ohh My Ghaad!!! This is it, Pansit. Kyaahh!!! Nandito na talaga ako for real yeheyyy! HAHAHA nababaliw na us self HAHAHA.
Ayt pasensya na sa pagiging hyper ko hehehe kasi naman po Im still in my shock condition right now, ohws kita mo na napapa ingles tuloy ako sa tuwa HAHAHA. Opss wag na tayo mag ingles di bagay sa tulad natin HAHAHA.
Sensya na, taga probinsya lang na napunta dito sa siyudad para maabot ang kanyang pangarap. Yup! Dahil sa angking katalinuhan na mayroon ako at determinasyon sa buhay ay nakapunta ako dito sa Maynila para simulan ko na ang pag abot ng aking mga pangarap.
" Excuse me! Are you Ms. Messhanie Grace Monteverde?" sabi ng isang mid 30s na lalaki na naka formal black suit.
" Ako nga po yon," sagot ko naman sa kanya na may mga ngiti sa aking munting kulay rosas na labi.
" I am Eddison Rodriguez, the head servant of the bodyguards in Gem Stone Academy. Im send here to fetch you, if you don't mind can we go now?" sabi naman niya sa akin at binuksan ang pintuan ng woahh limousine to ah, alam ko noh hahaha syempre ako pa hehe.
"Okay lang po, salamat po," sambit ko naman sa kaniya habang pumapasok na ako. Agad naman akong napatigil nang madatnan ko sa loob na di lang pala ako nag iisa. May limang babae na pala dito sa loob.
Ngumiti naman ako sa kanila bago umupo sa sahig este sa upuan pala hahaha.
" Hey Im Chessca Curtiz, nice meeting you." Kalabit ng babae na may mahabang buhok, morena, matangos ang ilong at saka mukhang galing sa pamilyang mayaman dahil sa pamamaraan ng kanyang pananamit at base na rin sa pananalita niya.
" Ako naman si Stella Salvador, baguhan din gaya mo," sabi naman ng naka plain white t-shirt at black jeans na babae na maalon alon yong buhok niyang kulay itim na itim at ang kutis nitong di masyadong maputi ito.
" Hello Im Krystal Jane Del Vega, nice meeting you," sabi naman nong may mabilog bilog na mata, maputi ito kumpara kay Stella, may maikling buhok at naka mini skirt ito at naka off shoulder.
" Hi po. Ako po pala si Jenielyn Marquez, tawagin mo na lamang akong Lyn-lyn," sabi naman nitong cute girl na ito. Ang cute ng boses niya ang childish na mahiyain. Di siya gaano katangkad dahil chubby siya, ang kinis ng mukha. Makurot nga pisngi nito pag maclose na kami shhh lang hehe.
" Tawagin mo na lamang akong Corrine Mae Sanchez, isang baguhan din actually lahat tayo baguhan dito," salita na naman nung isang naka ponytail at naka salamin. May tigyawat siya at may bangs pa ha, may pagka baduy yong pananamit niya pero for sure maganda to pag mag ayos to pustahan pa. Woah so totoo talaga ang mga ganito, ito na ba ang nerd? Sa amin kasi don sa probinsya di uso ganitong pormahan eh tsaka sa wattpad ko lang to nababasa at ngayon may nakita na ako for real.
" I'm not newbie talaga, since grade school sa GSA na ako nag-aaral," biglang sabi ni Chessca. Napahanga naman ako, kami sa sinabi niya. Iba talaga pag may angking pera.
"Nice meeting you all too, Im Messhanie Grace Monteverde, just call me everything you want," pakilala ko naman sa kanila na nakangiti. Eh sa gusto kong mag ingles eh hahaha pabayaan niyo na minsan lang naman eh. Sa tingin ko parang sanayin ko na sarili ko na makadinig ng nag iingles kahit nasa Pilipinas tayo hakhak. Di naman sa di ako marunong, di lang sanay. At aba hoy! Best in English ako nong elementary noh! Wala shinare ko lang hehehe peace.
Chapter list
8 chapters4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
More by Bloodygracey
View allYou may also like
Young AdultSign in to join the discussion






