Chapter 12
“Si Eloisa ang babaeng minahal ko bago si Nicole. Naalala mo ba ang kontrata na nakuha natin sa isang condominium na may isandaang palapag? Isa sa pinakamalaking proyekto natin na bilyon ang halaga ng kontrata. Siguro naaalala mo ang proyektong iyon noong mga nakaraang taon. Nagsisimula pa lang ang kumpanya namin noon, pero dahil sa project na iyon at sa beach house. Mas nakilala ang kumpanya. Naalala mo na siguro.” Nagmumuni-muni si Jayson. Iniisip niya ang condominium na binanggit ni Chris.
Si Eloisa ba yun? Bulong ni Jason. Nagpatuloy siya sa pagbabalik-tanaw at pag-iisip tungkol sa mga pangyayari ilang taon na ang nakararaan.
Ilang taon na ang nakalilipas ay may bid tungkol sa isang condominium project na na-feature sa front page ng isang sikat na magazine. Nakita at nabasa nila ang tungkol sa proyektong iyon. Pinag-usapan at pinag-aralan nilang mabuti ang mga hakbang na kanilang gagawin sa nasabing proyekto upang makuha nila ito.
Ngunit noong una ay kinabahan ang dalawang magkaibigan.
Noong una, nag-isip at nag-aalala sina Chris at Jayson na baka marami sa malalaking kumpanya ang makabangga sa nasabing proyekto.
Tama ang kanilang espekulasyon dahil marami sa mga contractor ang gustong makuha ang proyekto.
Maraming magagaling na inhinyero ang makakaangat sa kanila. Kaya naman sobrang kinabahan sila nang mabasa nila sa isang page sa isang magazine kung ilang contractor ang lumahok sa nasabing proyekto.
Pinag-iisipan nila ang proyektong iyon.
Sino ba naman ang hindi masisilaw na makakuha ng project na may kontrata na nagkakahalaga ng bilyong piso? Maging ang kanilang mga sarili ay gustong manalo sa bid sa proyektong iyon.
Pinag-aralan ng mabuti nina Chris at Jayson ang kanilang gagawin sa condominium project na nakita nila sa magazine.
Gumagawa sila ng mga diskarte na alam nilang maaaprubahan.
Pinagbuti nila ang plano sa mga kinakailangan ng nasabing kumpanya na humahawak sa nasabing condominium project.
Magkatrabaho sina Jayson at Chris sa blueprint na ipapasa nila sa kumpanya.
Sa layout nina Chris at Jayson. Sa kanilang mga mungkahi para sa nasabing condominium project. Hangad nila na makapasa ang kanilang kumpanya at makakuha sila ng bilyong pisong halaga mula sa proyekto ng condominium.
Hindi sila nagkamali sa paglabas ng resulta ng piling contractor company na magtatayo ng condominium.
Sa napakaraming magagaling na contractor companies na sumali. Nabigyan sila ng pagkakataon sa condominium project at pinili sila.
Marami ang naiinggit sa kanila.
Dahil sa proyektong iyon, marami silang natulungan. Maging ang ilan sa mga maliliit na kumpanya ng kontratista. Isinama sila nina Jayson at Chris sa proyekto.
Malaki ang kinita nila.
Tambak-tambak na pera ang pumasok sa kanilang kumpanya. Kasabay nito, mas nakilala ang kanilang contractor firm sa mga malalaking negosyante sa bansa.
Nagkaroon din sila ng beach house project sa Batangas na pinangasiwaan ni Jayson habang si Chris naman ang namamahala sa condominium project.
Naalala ngayon ni Jayson na binanggit ni Chris ang anak ng may-ari ng condominium.
Naalala rin niya na binanggit din ni Chris na maganda, striking, impressive, tremendous, extraordinary, at amazing ang girl na nakatrabaho niya sa project.
Tinukoy ni Chris na anak iyon ng may-ari.
Hindi niya pinapansin ang bawat kwento at reklamo ni Chris habang sabay na nagpapatuloy ang construction sa dalawa nilang kliyente.
Busy siya sa Beach House at sa pagre-renovate ng bahay ng kliyente nila. Ang lumang bahay ng may-ari ay isa rin sa mga kasama sa kanyang kontrata sa beach house.
“Naaalala mo, hindi ba?” Huminga ng malalim si Jayson. Naalala niya na hindi lang niya kayang sabihin at sagutin si Chris.
“Si Eloisa ang babaeng sinabi kong crush ko. However I was scared and I thought na baka hindi rin niya ako gusto dahil nag-usap kami from the beginning without any gusts of emotion involved while we were working,” paliwanag ni Chris. Nakikinig lang si Jayson. Pero parang may tumutusok sa dibdib niya. Masakit.
“Pero months later, hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam mo naman na madalas akong umiinom sa bar at doon ko nakilala si Nicole. Masaya ako sa kanya. Napunta kay Nicole ang nararamdaman ko para kay Eloisa. Pero nang malaman ni Eloisa ang tungkol sa amin ni Nicole, doon ko na-realize na may gusto din pala siya sa akin nang umamin siya. Huli na para piliin ko si Eloisa kaysa kay Nicole. Buntis si Nicole at mahal ko rin siya. Hindi ko kayang iwan na lang ang Ina ng magiging anak ko. Tapos susugal ako sa relasyon na hindi ko alam kung may patutunguhan pa. Naisip ko na baka mamaya kung iiwan ko si Nicole at seseryosohin ko ang sinabi ni Eloisa. Kung mas pinili ko si Eloisa kaysa kay Nicole dahil lang sa sinabi ni Eloisa na mahal niya ako. Tapos sa dulo ng mahirap kong desisyon. Ako at si Eloisa, hindi para sa isa’t isa. Naisip ko rin na maaaring ito ay isang katawa-tawang desisyon na magagawa ko sa aking buhay.”
“I’m telling you everything. Kasi napansin ko yung kakaibang tingin sa mga mata niyo nung magkaharap kayo. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Kasi wala kayong nababanggit sakin. Pero inunahan ko na. ikaw. Baka mamaya kung ano ang naging problema namin ni Eloisa sa nakaraan ay maging dahilan, alitan, at hadlang sa kung ano man ang meron kayo ni Eloisa.” Tinapik ni Chris ang balikat ni Jayson.
Agad siyang tumayo sa kanyang upuan. Naghahanda na para umalis sa opisina ni Jayson.
Lumabas na si Chris sa opisina niya. Nawala rin ito matapos mag-iwan ng ilang mahahalagang salita na tila bumabara sa kanyang lalamunan, sa kanyang utak, at sa kanyang puso. Pero hindi ba dapat matuwa, makuntento, mapanatag, at i-congratulate niya ang sarili niya na siya ang nauna kay Eloisa pagkatapos ng nangyari sa kanila?
Dapat pa nga siyang maging masaya dahil may asawa na si Jayson at walang magiging problema kung pumorma at manligaw siya kay Eloisa. Bakit parang nag-aalala at nababalisa pa rin siya?
“Hoy, magnanakaw! Huwag mo nang subukang magpakita sa akin. Makikita mo. Mamatay ka. Ako mismo ang papatay sayo.”
Paano niya nalaman ang number ko? Habang nakatitig siya sa screen ng cellphone niya. Tumawa siya.
Sumilay ang ngiti ni Jayson habang mag-isa sa kanyang opisina. Paulit-ulit niyang binasa ang isang text message na sinundan ng isa pang mensahe. Sinumpa lang siya. Na nagpalawak ng ngiti sa kanyang labi. Sigurado siyang si Eloisa ang nagpadala ng text message na may emoticon sa dulo na naisip ni Jayson na kamukha ni Eloisa.