Chapter 3
*Kath Deleon Point of view*
"Naks, 'yan ba 'yung pinag ipunan mong relo dati?" Tumango ako kay Jade bilang sagot sa tanong niya.
"Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Mark?" Ang tagal tagal kona kasing pinag ipunan to, as my gift to him for our two years anniversary.
"Syempre naman. Pinaghirapan mo 'yan eh" napangiti ako dahil sa sinabi niya. Si Jade ang kasama ko sa shop.
Cashier ako sa Aevillla computer superstore habang siya naman ay Store personnel. Kaka out lang namin kaya ito kami nag lalakad palabas.
"Sana nga. Sige dito nalang ako. Ingat sa pag uwi" nakangiting sambit ko bago mahinang hinampas ang braso niya, na ikinailing lang nito.
Malapit lang ang bahay ni Mark sa shop na tinatrabahuan ko. Kaya dito muna ako dumiresto dahil two years anniversary namin ngayon, at my regalo ako sa kaniya.
Kakapasok ko palang sa gate, sinalubong na kaagad ako ni Suzy. Ang chihuahua na aso ni Mark.
"Hi Suzy. Nasaloob ba si Daddy Mark mo? Bakit ka nandito sa labas" kausap ko aso bago siya binuhat. Abala kasi siya sa paghalik sa pisngi ko. Ang cute cute talaga ng asong 'to.
Pagkarating namin sa loob ng bahay kaagad ko siyang binaba. Masiyadong tahimik kasi. Si Mark lang ang nandito, nasa Hawaii ang parents niya besides siya lang naman ang nag iisang anak.
Umakyat ako ng hagdan, para pumuntang kwarto niya.
Bago ko buksan ang pinto, tinignan ko muna ang box na may lamang relo na nasa bag ko.
"Kailan kaba makikipaghiwalay kay Kath?" Parang napako ako sa krus ng marinig ang sinabi ng babaeng nakahubad. Nakatalikod sila sa akin habang nakaupo sa sofa at nanonood ng pelikula.
"Eight months na tayo Mark, ayaw kong maging kabit" maarteng dagdag ng babae at yumakap kay Mark.
Na talagang nakapagpakulo nang dugo ko. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kanila.
So all this time pinagloloko na niya ako? May babae siya?
"Umuwi kana muna, bukas nalang tayo mag usap. Two years anniversary namin ngayon. Sigurado akong pupunta siya rito" malambing na sagot ng hayop na Mark sa kaniya, at nagawa pa nitong halikan sa noo.
I was trying myself to calm down pero parang hindi ko magawa. Hindi pa na pro-proseso ng utak ko ang nangyayari. I couldn't believe, Mark can do this to me.
"Hindi na kailangan, dahil simula ngayon tapos na tayo" matapang na sabad ko sa kanila. Pareho silang napalingon at nag uumigting ang panga ko sa galit ng makita ang pagmumukha nilang dalawa.
"Kath!" Mabilis na tumayo si Mark at pinuntahan ako. Nang makalapit siya sa akin kaagad ko siyang pinatikim ng mag asawang sampal.
" Ang bababoy niyo! At ikaw na babae ka hindi kana na hiya! Alam mong may girlfriend na 'yong tao pinatulan mo pa! Tanga kaba o Bobo!?" Sigaw ko habang galit na galit na nakatingin sa kanila.
" Anong sinabi mong babae ka!?" Sigaw niya at akmang susugurin ako ng pigilan siya ni Mark.
"Shannah, stop it. Kath, 'wag ka munang mag isip ng kung ano ano. Mag kaibigan lang kami" mahina akong natawa dahil sa sinagot niya. Kaibigan at parehos na saplot nalang ang suot?
"'wag mo nga akong igaya sa babae mong tanga. Gagawin mo pa akong bulag. Nakita at narinig ko kayong dalawa, Mark! Mag kaibigan kayo? Talaga? Ano Friends with benifits?!" Sigaw ko, galit ako ngayon! Galit na galit. Akala ko ba tuwing mag a-aniversary masaya pero ngayon, bakit parang nasa impyerno ako.
"ARAY!" Hindi ako aalis ng hindi nasasaktan ang babaeng 'to. Mabuti at hawak pa siya ng hayop na lalaking 'to. Kaya hindi siya makakaganti sa akin.
"Kulang pa 'yan!" Sigaw ko at muli siyang sinampal sa magkabilang mukha.
"Kath tama na 'yan. Nasasaktan na 'yong tao" pagpipigil ni Mark na ikinausok lalo ng ilong ko. 'yong kabit ba talaga 'yong nasasaktan? Paano naman ako?
"Wow ha, sa sitwastin natin ngayon siya pa'yong may karapatang masaktan? Mag isip ka nga Mark! Ako 'yung karapatang masaktan dito kasi ako 'yung niloko. Hindi ang babaeng 'to na nagpaloko sa'yo!" Sigaw ko at sinabunutan ang babae niya.
Ayaw ko nang magtagal rito! Masakit na sa dibdib.
"Kath paano tayo?" papalabas na ako ng sabihin niya 'yon kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
" Tapos na tayo, Gago!" Galit na sigaw ko at malakas na sinara ang pinto.
Pagkababa ko ng hagdan, nag sisimula ng kumawala ang mga luha ko.
Niloko niya ako! Ang laki ng tiwala ko sa kaniya. Pare pareho lang talaga ang mga lalaki.
Eight months? Eight months niya na akong niloloko!
Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko.
Ang alam ko lang nasa tulay na ako.
Mabilis kong kinuha ang cellphone na binigay niya sa akin noon sa bag at kaagad na nandilim ang paningin ko ng makita ang wallpaper.
Siya ang first boyfriend ko, ang kapal ng mukha niyang mambabae at ipagpalit ako?!
I was leaning my stomach against the guardrail of the bridge, while my hand trembled holding my phone. Until the wind blew hard causing my cellphone to fall under the bridge.
Dala narin siguro ng panginginig ng kamay ko dahil sa inis, kaya ko ito nabitawan.
The guardrail supported me from leaning down my stomach on the bridge and looking for where my phone had landed. I knew it could no longer be found because it had been swept away by the water. Maybe that's enough to make the happy memories that Mark and I, have on that phone disappear forever.
"Are you crazy?" kapagkuwan ay nagulat ako ng may kumuha sa akin at binaba ako.
"Anong ginawa mo!?" Gulat kong sagot sa kaniya.
"What am I doing? Magpapakamatay kaba? You should thank me for rescuing you and now you're going to ask me what I'm doing?!" Napapikit ako ng dalawang beses bago siya makasagot sa kaniya! Ni hindi ko nga siya kilala tapos magpapasalamat ako? Ano bang ginawa niya para pasalamatan ko siya?
"Unang una hindi ako magpapakamatay, inaamin ko sa sarili kong nasaktan ako pero hinding hindi ako magpapakamatay, pangalawa nahulog yung cellphone ko sa tulay kaya natural lang na magmukha ako ditong tatalon kakadungaw ng cellphone ko sa ilalim at pangatlo hindi kita kilala tapos pasasalamatan kita? Malay ko ba kung sino ka ni hindi ko alam kung mabait kang tao o masama." Sabad ko sa kaniya kaya mariin siyang tumingin sa akin.
"It doesn't matter if you're good or bad if you just say thank you"halatang maldito ang ugali niya dahil sa munting pag irap nito sa akin.
"Wala akong paki, para sakin kayong mga lalaki pare pareho lang ang ugali. Sa una lang naman kayo mabait pero pagtumagal na lumalabas rin 'yang mga baho niyo" Ang gagong Mark nayon! Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya bago napalitan ng ngisi.
"Parte parin ba 'yan sa akin, O iba na? May pinapatamaan kaba Miss?" Tanong niya kaya bigla nalang akong napa singhot, pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Mabuti pa umuwi nalang ako.
"Wala kana dun" sagot ko at mabilis siyang nilagpasan. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin at ang pagsasalita nito.
"So ano iiwan mo'ko? Pag katpos kitang sagipin? You just waste my time because I thought you would jump off the bridge!" Sigaw niya sa akin.
"Wala naman sigurong nagsabi sa'yong sagipin ako diba? At kung nasayang ko lang ang oras mo, hindi ko problema 'yun. Ikaw ang pumunta sa'kin from the first place, Mister" sagot ko na nakapag pa singkit ng mga mata niya.
"Hindi ka manlang ba mag t-thank you sa'kin or even apologize?" Pilit na sambit niya halata naman na siya 'yung tipo ng lalaking hindi nagmamakaawa para sa 'thank you at sorry'.
"Hindi ka makakaalis kapag hindi ka nag thank you at nag sorry sakin" Seryosong dagdag niya kaya inis akong lumingon sa kaniya. Ano ba ang problema ng lalaking 'to?
"Thank you sa pagsagip sa akin ha. At Sorry dahil I waste your time para lang isagip ako." Walang ka gana ganang saad ko na ikinakunot ng noo niya. Umirap ako at tumalikod pero may sinabi na naman siya.
"Apology not accepted"
"What? Ginawa ko naman 'yong sinasabi mo ah! Ano pa bang gusto mo?" Naiirita na talaga ako sa lalaking 'to!
"Wala manlang ka Sense sense" pairap na sagot niya na nakapag pa buntong hininga sa akin.
"Thank you po sapag sagip sa akin. At sorry po dahil I waste your time para lang isagip ako" siguro naman okay na 'to!
"Seriously? Parang napipilitan kalang eh"
"Tsss, ang arte mo namang lalaki ka! Ano pa bang gusto mo? 'yung may pa luhod luhod pa?" Reklamo ko kaya bored niya akong tinignan.
Ang malas naman ng gabing 'to.
"Sorry na" pagsuko ko, na ikinatitig niya lang sa akin.
"Apology not accepted." Okay tama na'to kanina pa ako naiinis!
"Tsss. Wala naman akong kasalanan sa'yo eh. Ano bang gusto mo para mapatawad mo na akong lalaki----"
"Marry me" pagpuputol niya sa sinasabi ko.
'Marry me'
'Marry me'
'Marry me'
Tatlong beses umulit sa pandinig ko ang sinabi niya bago tuluyang ma proseso ng utak.
"Gago kaba? Hindi ko tuloy mapigilang mapamura dahil sa sinabi niya.
Aalokin niya ako na magpakasal sa kaniya?
"Tara na sa kotse, ihahatid na kita sa bahay niyo" wala sa sarili akong nagpadala siya kaniya matapos niya akong hawakan sa braso at dinala sa kotse niya.
"Saan ang bahay mo?" Tanong niya habang nagsimulang magmaneho.
"Te--teka! Seryoso kaba?" Nauutal na tanong ko bago sinubukang buksan ang pinto ng kotse niya.
"It's lock" sagot niya na nakapagpakaba nalang sa akin bigla.
Baka gahasain ako ng lalaking 'to.
"Ibaba mo ako. Please" kinakabahang saad ko pero hindi niya ako pinansin.
Mabilis kong kinuha ang box na nasa loob pa ng bag ko.
"Ito, kuya sa'yo na'tong relo. Bagong bili 'yan at imported. Maawa ka sakin ibaba mo na ako." Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin bago huminto sa pagmamaneho.
"Seriously? Hindi relo ang habol ko sa'yo. And please avoid calling me Kuya. We're not siblings." Sagot niya bago binalik sa akin ang hawak kong box.
"Kung ganun hindi ka rapist?" Inis siyang napatingin sa akin kaya napalunok ako.
"What? Mukha ba akong rapist? Look whatever you're thinking of me, stop it. Now tell me where you live so I could finally take you." Napalunok ako matapos niyang magsalita. Ihahatid niya talaga ako?
"Diretso lang pagkatapos iliko mo pakanan pag may nakita kang kulay blue na gate, diyan ako nakatira." Pagtuturo ko kaya tumingin ako sa kaniya para tanungin kung nakuha ba niya. Ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko sa gulat ng nakatingin din pala siya sa akin.
"So? About earlier. Are you planning to marry me?" Pag iiba niya sa usapan kaya mabilis akong umiling.
"Hi---hindi no!" Kath! Ba't kaba nauutal! Para kasing ang casual niyalang na mag tanong sakin kung papakasalan ko siya.
"But I haven't forgiven you. Marry me so I could forgive you" sagot niya, naka drugs ba'to?
"Naka drugs kaba? Para malaman mo hindi biro ang kasal. Kung magpapasakal man ako, 'yung kilala ko 'yong tao at may pinagsamahan kami. Alam mo bang kapag kinasal kana maraming pagbabago ang pwedeng mangyari sa buhay mo. At dapat masaya ka, kasi habang buhay kayong magkasama ng magiging asawa mo. At FYI, ngayon lang tayo nagkakilala, sinong baliw ang magpapakasal kung kakatagpo niyo palang. Sabihin mo nga sa'kin?" pagpapaliwanag ko nahihibang na 'ata ang isang ito.
"Teka, ba't kaba nag aayang magpakasal? Wala kabang girlfriend?" Kunot noong tanong ko kaya kaagad siyang tumingin sa akin.
" I don't owe you an explanation. Unless you allow me to marry you, And I'll tell you the reason right away" nakangiting sagot niya, ang gwapo niya naman pala kapag nakangiti eh.
"Hindi ako uto uto 'no! Ihinto mo na baba na ako" sagot ko na isinunod niya naman.
"Is this your house?" Tanong niya kaya mabilis akong umiling.
"Umuupa lang ako dito. Sige na, thank you ah" ngumiti ako sa kaniya at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan ng magsalita siya.
"There you smiled. And a real one" naapektuhan lang siguro ako kanina dahil kay Mark.
Si Mark! Ang hayop na'yon.
"I'm just complimented your smile but your aura has changed again" mabilis akong umiling at tuluyan ng binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Wait! Is that the reason why your eyes where swollen form crying?" Ang chismoso rin pala ng lalaking 'to kaya hindi ko na pigilang ngumiti ulit.
"I don't really think I owe you an explanation either, unless sasabihin mo sa kin kung bakit ka basta basta nag aayang magpakasal?" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Napailing siya bago ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako bago tuluyang lumabas.
"Umiyak kaba, Ija? Ba't ang pula pula ng mata mo at namumugto pa" mabilis akong umiling kay Nanay Susan ng makapasok ako sa gate.
Siya ang may ari ng bahay na inuupahan ko.
"Napuwing lang po ako habang naglalakad" pagsisinungaling ko kaya ramdam ko ang pagdududa niya sa akin.
"Nga pala, umuwi ang tatlo kong anak halika ka pumasok kana. Ipapakilala kita sa kanila" ngumiti ako bago tumango at sumama kay Nay Susan.
Halos isang taon narin nang dito ako umupa, dati kasi sa bahay ako nina Tito Tony nakatira.
" Mga anak ito ang sinasabi ko sa inyong umuupa dito sa bahay. Siya si Kath" Ngumiti ako sa kanilang tatlo na kumakain dito sa dining.
"Hi, kamusta?" nahihiya pa ako dahil nakatingin sila sa aking tatlo.
Noong dumating kasi ako dito sa bahay ni nay Susan, mag isa lang siya dahil nasa ibang bansa raw ang mga anak niya. At ito nga sila ngayon nakauwi na.
"Hi Kath. I'm Shun. Thanks for taking care of Mommy when we're not here" pagpapakilala ng lalaking matangkad at itinaas ang kanang kamay para siguro makilala siya.
Alam ko naman ang itsura at pangalan nila dahil ki-nwento na sila sa akin ni Nay Susan.
"And I'm Stella, nice to meet you girl"
"Arnel but you can call me, Arnella" nagulat ako ng biglang nag babae ang boses niya matapos niyang banggitin ang pangalang 'Arnella'
"Nice to meet you, I'm Kath Deleon" pagpapakilala ko rin kaya ngumiti sila.
"Upo ka, samahan mo kaming kumain ng dinner" pag aaya ni Shun. Kaya mabilis akong umiling
"Salamat pero hindi na, kumain narin ako eh" kahit ang totoo ay hindi pa. Parang wala akong ganang kumain.
"Pano ba 'yan kapatid? Your strategy is failed" natawa nalang ako sa pang iinis ni Arnella sa kaniya.
"Sige, akyat lang ako sa taas. Manang" Pagpapaalam ko at tumingin pa kay manang bago tuluyang umalis.
Humiga kaagad ako sa kama ng makapasok ako sa silid.
'Marry me'
'Marry me'
'Marry me'
"Nag ayang pakasalan ako, hindi naman nag pakilala kung anong pangalan niya."
++++++++++++
Authors Note: Sorry for the grammatical errors and wrong typos. Question lang,
Kung may mag aaya bang lalaki sa'yo na pakasalan siya, papayag ka? If your answer would be NO/YES, then Why? Hahhhah. I wanna read your comment guys.
Anyway alam kaya ni Fritz na ang babaeng niyaya niyang pakasalan ay nag ngangalang Kath?