Chapter 9

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.

Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita.

"Yanie -,"

"Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin."

"5 minutes."

"Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin."

"Nagpapalandi ka naman."

Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niya

Tinanguan siya si Ethan. "Ayos lang."

"Tapos kana?" Mahinang tanong ni Ann sa sakin. "Malapit na lunch break mo hindi pa tayo tapos maglinis sa accounting office."

“Patapos na ako,” ani ko.

Kanina pa sana ako tapos sa ginagawa ko kung hindi lang nasusukso ang kumag na ito. Palihim kong tiningnan si Ethan, sa kanyang laptop ang tingin nito. Ang kaliwang kamay nakatukod sa kanyang baba ang kanan nitong kamay nagtitipa. Nanlaki ang mata ko ng kumindat siya sa akin nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

“Tara na, Ann.” ani ko at hinila siya palabas ng office ni Ethan.

Hindi ko na sinulyapan pa ang binata dahil naiinis at na aasar ako sa mga manyak na galawan niya. Alam naman niyang marupok ako, madaling bumigay tapos ganyanin niya pa ako. Napakasama niya. Mag ingat lang siya na walang makakita sa amin dahil puputulin ko talaga ang kaligayahan niya.

Late na ako naka akyat sa canteen dahil tinapos ko muna ang trabaho namin ni Ann. Plus, na i-stress ako sa kahalayan ni Ethan. Natatakot ako na baka may makahalata sa kababalaghan na ginagawa namin sa office niya. Natatakot ako sa maaring sabihin ng mga tao once na malaman nila na may ugnayan ako sa CEO. At natatakot ako para sa damdamin ko. . . dahil baka hindi na ako maka ahon kapag lunod na lunod na ako sa kanya.

Lumipas ang mga araw panay ang panlalandi sa akin ni Ethan kapag nakatoka na akong maglinis sa office niya. Mga araw na hindi siya pumalya para landiin ako, akitin. . . at bumibigay naman ako. Pero kapag nasa labas siya ng office niya, boss ko siya at trabahante niya lang ako.

Tama nga siya sa sinabi niya, nagpapalandi naman ako kaya panay rin ang paglalandi niya sa akin. Good thing dahil nakaya ko pang pigilan ang sarili ko na hanggang halik lang siya sa akin.

“Miss Toneth, baka um-absent ako bukas,” ani ko. Nakadukduk ang ulo ko sa sandalan ng upuan at ginawang unan ang mga braso ko. “Masama ang pakiramdam ko.”

“Hala! Kailan pa?” nag alala na tanong niya at lumapit sa akin. Kinapa niya ang noo at leeg ko. “Hindi ka naman mainit.”

“Hindi ko nga rin alam, miss. Bigla nalang ako nakaramdam ng ginaw, ang bigat ng pakiramdam ko.”

“Baka kulang ka sa tulog,” komento niya.

“Siguro nga ho.”

“Ayosin ko muna ang pagkahilera ng upuan para makahiga ka ng maayos. Hapon na rin, hindi na siguro bababa rito si CEO at SOM para mag ikot. Idlip ka muna.”

“Salamat, miss.”

Hindi ko rin alam kong ano ang nagyari sa akin. Pagkababa ko rito after lunch bigla nalang ako nilamig. Tiniis ko lang at tinulungan si Ann na taposin ang paglilinis ng mga fitting room dahil area rin namin iyon. Kaya lang nang makarating kami dito sa diswashing area bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko parang mabibiyak ang ulo ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako naka idlip. Narinig ko lang ang mga boses ng mga kasamahan ko na parang mga bubuyog, bumubulong pero malakas naman. Nangunguna ang boses ni baklang Astro.

“Hinaan niyo boses niyo, natutulog si Lil,” saad ni Astro sa uluhun ko at minamasahe ang ulo ko.

“First batch parin ako, miss, ha.” boses ni ate Grace.

“Ako rin, miss,” si Jessa.

“Ako, miss, may usapan na tayo na sa second batch ako lagi,” si Astro.

“Para patas, lahat kayo mag change ng schedule at area. Final na ‘yan. Every week tayo magpalit para fair sa lahat. Wala ng reklamo.”

Natahimik silang lahat. Mabait si Maam Toneth, kaibigan ang turing niya sa amin kahit supervisor namin siya. Pero pagdating sa trabaho, walang kaibigan, walang best friend. Strikto siya at hindi madala sa pambobola.

“ Ito na ang schedule niyo simula sa lunes,” aniya. “Pumunta na kayo sa mga area niyo dahil malapit na ang out ng first batch.”

Bumangon ako. “ Lil, si Rey nalang ang tutulong kay Ann-,”

“Hindi na, miss. Nakapagpahinga na ako, naka idlip na rin. Medyo maayos na ang pakiramdam ko.’

“Sigurado ka?”

“Opo.”

“Okay, sige. Ako nalang ang gagawa ng excuse letter mo bukas kung a-absent ka.”

“Salamat, miss.”

Hindi na ako nilalamig, medyo masakit nga lang ang ulo ko pero kaya ko naman. Gusto ko makita si Ethan bago ako umuwi, baka um-absent ako bukas isang araw ko siya hindi makikita. . . ma mimiss ko siya.

Wala pa si Ann kaya na una nalang ako sa kanya na umakyat. Dumiritso ako sa HRM, nagwalis at nag mop ako ng sahig at kinulekta ang kanilang mga basura. Nang matapos, sinunod ko ang accounting 1 office sa paglinis. Wala parin si Ann kaya balak kong isunod ang office ni Ethan.

Wala ang secretary niya kaya dumiritso nalang ako, kaya lang napatigil sa ere ang kamay ko upang kumatok nang may marinig ako na boses ng babae mula sa loob ng office niya. Hindi ako tumuloy dahil baka secretary niya ang kausap niya. Si SOM, taga accounting o baka taga HR. Aalis na sana ako nang magsalita ulit ang babae.

“So, how is she?” ani ng babae.

Gusto kong umalis nang hindi marinig ang pinag-uusapan nila pero narito ang kagustuhan ko na malaman kung sino ang tinutukoy ng babae na she. At gusto ko ring malaman kung sino itong kausap ni Ethan.

“Hmm, okay naman.”

Halata sa boses ni Ethan na masaya siya. Narinig ko ang pagsinghap ng babae. “Pinapaasa mo yung tao, alam mo ba yun?”

“Tss. Nag e-enjoy pa ako sa kanya. Pabayaan mo na lang ako.”

“Bahal ka. Paano kung malaman ni Yanie-,”

Napahawak ako sa pader nang manlambot ang tuhod ko nang maringi ko ang pangalan ko. Nanihihirapan akong huminga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Kung ganun, pinaglalaruan niya lang ako? Girlfriend niya ba ang babaeng kasama niya ngayon? Fiance? Asawa? Pinukpok ko ang dibdib ko at paulit na huminga ng malalim. Laro lang pala ang lahat para sa kanya. Pinag ti-tripan niya lang pala ako.

“Lil, anong ginagawa mo rito sa labas? Tapos ka na ba mag linis?”

“Miss Valerie,” gulat na sambit ko sa pangalan niya, hindi ko namalayan na dumating pala siya. “Ah, hindi pa ako nakapaglinis sa office ni sir.”

Tumango lang siya sa akin. Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. “Oh, Janice. Nandito ka pala,” nagulat ngunit bakas sa boses ni Miss Valerie ang tuwa.

Nang silipin ko sa loob ang babaeng nagngangalang Janice, hindi ko maiwasan na manliit sa sarili ko. Maganda siya. Lumilitaw ang ganda niya sa simple niyang porma. Naka maong pants lang ito at tinernuhan ng fitted shirt. Nakalugay ang kanyang blonde na buhok na lagpas balikat. Ang kutis niya halatang kutis mayaman.

Mapait akong napangiti. Bagay sila ni Ethan. Maganda at gwapo. Parehong mayaman, parehong may pinag- aralan at may narating sa buhay. Samantalang ako, ang layo-layo ko para kay Ethan, malayo kumpara sa babaeng kaharap niya.

Bago pa madurog ang puso ko sa nasaksihan, tumalikod na ako at umalis. Hindi ko na hinintay si Ann. Dumiritso ako sa canteen at doon nagpalipas ng oras hanggang sa mag out na ako sa trabaho.

Lalong sumama ang pakiramdam ko. Kumikibot-kibot ang ugat sa ulo ko at paulit-ulit na nag re-replay sa isipan ko ang sinabi ni Ethan. Ang sarap iumpog nang ulo ko. May sampong minuto pa bago mag 6:30 gusto ko ng umuwi.

Nakayuko sa ibabaw ng lamesa ang ulo ko. Nakasabunot ang kamay ko sa buhok ko. Naiiyak ako sa subrang sakit ng ulo ko. . . pati ng puso ko.

Nang mag time check ang 6:30 pm, nagmadali akong bumaba sa HR upang mag log out sa boi metric. Nakita ko ang seryosong mukha ni Ethan na kakapasok lang, imbes na saya at tuwa ang maramdaman ko, nanikip lalo ang dibdib ko. Umiwas ako ng tingin at nanakbo pababa sa hagdan hanggang sa makalabas ng building.

“Ang sakit-sakit,” humihikbi na usal ko, pinupukpok ang kaliwang bahagi ng ulo ko at ang isang kamay ko naroon banda sa dibdib ko, mariing nakakapit doon sa labis na paninikip niyon.