Chapter 54: Epilogue

(Klaire/Kira's POV)

"Yes. And that is... ate Kaela." Matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay literal na napanganga ang mga kasamahan ko. Ngunit hindi rin 'yon nagtagal nang biglang naramdaman naming lahat ang malakas na hangin at ang sobrang pagkulog at pagkidlat.

"HINDI NINYO AKO MALOLOKO!" Sigaw ni Prof. Cassy, galit na galit ang mukha nito at pansin ko rin ang sakit sa kaniyang mata.

Tsimosa rin pala 'tong si Miss Cassy. Tsk. Siya na nga lang ang makikitsismis, hindi pa maniwala.

"Superiors, I need your cooperation," agaw ko sa atensyon nilang lahat na siyang ikinatigil nila sa pagbuo ng kani-kanilang element.

'Cyclone, I want you to manipulate the wind. Kontrolin mo ang hangin upang mas mapadali ang paggalaw ng ibang estudyante,' sabi ko kay Cyclone sa isip. Tiningnan niya ako bago mabilis na tumango at saka tumakbo paalis.

'Krey, I want you to manipulate the lightning. Kontrolin mo ito upang hindi matakot ang ibang estudyante.' Kagaya ni Cyclone ay tumango rin ito sa akin bago mabilis na tumakbo patungo sa ligtas na lugar.

'Shakira, ikaw ang pinaka-kailangan ko. Pumunta ka sa pinagtataguan ng mga estudyante at doon ka muna. Bibigyan kita ng signal kapag kailangan na kita. Ihanda mo na rin ang sarili mo sa pagbuo ng malaking ball of light, okay?' Kagaya ng dalawa ay tumango rin siya bago tumakbo patungo sa pinagtataguan ng mga estudyante.

'Zack, I want you to help others for healing the other injured students. Your element is water, so, I guess it can help to heal right?' Tanong ko sa kaniya sa isip. Tumango naman ito sa'kin kaya tinanguan ko rin siya senyales na pwede na niyang gawin ang sinabi ko. Tumakbo na ito sa kinaroroonan ng mga estudyanteng sugatan na nakikipaglaban sa mga nagsilabasang taga-Crymton Dimension.

'Ate Kaela, I want you to cast a spell for Ivy or Ayesha. I'll make a go signal for you to know if you need to cast the spell, okay? Kailangan natin si Ayesha para mapatigil ang ina niya.' Tumango rin siya kagaya ng iba bago kinausap nang masinsinan si Ayesha at saka ito tumakbo patungo sa mas ligtas na lugar. Alam kong kasama niya si Ayesha dahil ramdam ko siya sa hangin.

'What about me, darling?' Biglang tanong ni Dash kaya natauhan ako at binalingan siya.

'Dash, I want you to know that no matter what happens just remember that I love you, okay? Now go. Tumulong ka na sa ibang kasamahan natin. But please promise me that you won't die.' Naiiyak na paalala ko sa kaniya.

Hindi namin sigurado kung ano ang kahahantungan ng digmaan na ito laban kay Miss Cassy. Sa tingin ko ay malakas ang dati naming guro kaya kailangan ko ng salitang panghahawakan ko.

'I promise. And you should promise too.' Sagot niya. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil kahit humihingi ako ng salitang panghahawakan galing sa kaniya, maski ako ay hindi alam kung makakaya ko bang mabuhay pagkatapos nito.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya nang pilit ngunit tila nahalata niya iyon at ayaw pang umalis.

Hindi ko maipapangako, but I'll try. Susubukan kong manatiling buhay hanggang dulo.

"Say it. Say that you will not die," ngayon ay ibinulong na niya iyon sa akin. Naramdaman ko ang panlalambot g aking tuhod ngunit bago pa man ako mapaupo ay mabilis ng gumapang ang mga braso niya sa aking bewang at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko na napigilan ang sariling luha na mamuo. Tiningnan ko siya sa mata at sinalubong naman niya ang tingin ko sa kaniya.

"I-I promise," my voice cracked as my tears roll down my cheeks. Pinahid niya ng kaniyang hinalalaki ang aking kamay bago siya ngumiti sa akin. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at ramdam ko na punong-puno ito ng pagmamahal at pag-aalala kaya lalo kong hindi napigilan ang sariling hindi maluha.

I just wish for a peaceful life.

Kumalas siya sa yakap sa akin at hinalikan ako sa labi. It was long, passionate, and sweet.

"Take care, darling," aniya pagkatapos ng halik bago tumakbo paalis para makipaglaban. Pinanood ko ang lumalayong pigura ni Dash sa paningin ko hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na tawa. Nang-aasar iyon kaya nakakairitang pakinggan.

"Aww. What a scene. Nakapagpaalam na ba kayo sa isa't isa?" Nang-aasar na tanong ni Prof. Cassy habang nakangisi.

"Tsk. Tapusin na natin 'to," malamig na sabi ko.

Lumipad ito sa ere kaya naman sumakay ako sa guardian kong dragon at pinalipad din ito.

Hindi na ako makapaghintay na tapusin ang kasamaan ni Miss Cassy. Nang dahil sa kaniya ay hindi naman makamit-kamit ang payapang buhay na gusto namin.

"I'll make sure that you're going to die in my own hands." Galit na galit ang tono ni Miss Cassy na tila may pinaghuhugutan.

I smiled at her sweetly. "Come on. Make me."

Galit na galit siyang bumuo ng malaking dark ball na ginaya ko rin. Kahit nagtataka kung saan nanggaling ang dark ball na kapangyarihan niya ay hindi ko na iyon pinansin.

Nagpalabas din ako ng dark balls ngunit sa loob nito ay may mga dagger na may poison kaya once na matamaan siya nito ay malalapnos ang balat niya. Lalakad din ang poison sa buong katawan niya na p'wedeng maging sanhi ng pagkamatay niya.

Ibinato niya sakin nang sunod-sunod ang dark balls kaya mabilis ko iyong inilagan. Ngunit may isang dark ball ang hindi ko inaasahang dadaplis sa braso ko kaya ang nangyari ay nagkasunog ang balat ko. Shit!

Sa galit ko ay ibinato ko ang binuo kong dark balls na may dagger with poison.

Umilag siya sa mga dagger ngunit may dalawang hindi niya inaasahan at tumama iyon ay braso at hita niya. Bumaon ang dagger doon at rinig na rinig ko ang paghiyaw niya dahil sa sakit.

Kinuha niya ang bumaong dagger sa hita at braso niya at napangisi ako nang makita kong may naiwang lapnos doon. Kita ko rin kung paano lumakad ang poison sa katawan niya dahil ng itim na guhit.

"Arrgghh!!" Hiyaw niya dahil sa pinaghalong galit at sakit.

"Hindi ko alam na d'yan ka na pala agad mamamatay. Edi sana nagawa ko na agad 'yan nang mas maaga," I said in a bored tone.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagtawa niya na parang wala s'yang iniindang sakit.

"Tsk. Tsk. Hindi mo pa nga ako kilala, Princess. Do you think magpapaapekto ako sa ginawa mo sa'kin? Bitch! May ability akong hindi maramdaman ang sakit sa katawan ko kaya walang kwenta ang ginawa mo," aniya na tila iyon na ang pinakamagandang ideya na naisip niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya at humalukipkip bago siya tiningnan nang seryoso sa mata.

"You can do that, yes. At hindi mo na rin mamamalayan na mamamatay ka na pala," sagot ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga itim na guhit na patuloy sa paglakad sa katawan niya. Malapit na ito sa may dibdib niya at alam kong ang pinakatarget ng mga itim na guhit na 'yon ay ang kaniyang puso.

Tsk. Too bad for her.

Akala ko ay matatakot siya sa sinabi ko ngunit tila marami siyang alas.

Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. "Kapag pinatay mo ako, mamamatay rin ang kaibigan mo."

Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang aking mata sa sunod na nangyari. Pagkatapos kasi niyang sabihin iyon ay parang nakita ko ang itsura ni Zhia sa katawan niya ngunit tila nakapikit ito.

"Ang kaluluwa ng kaibigan mo ay nasa katawan ko. At ang katawan naman niya ay nasa kwintas na suot ko. Sa tingin mo ba mabubuhay rin ang kaibigan mo kung mamamatay ako?" Tanong niya, nang-aasar.

Papatulan ko na sana siya ngunit natigilan ako bigla nang marinig ko ang boses ni Zhia sa isip ko.

'Princess Kira... kill her. Don't mind me. Just think of other students' sake. I have a plan. Once na hindi na niya maramdaman ang katawan niya dahil sa ability niya, maglalaban ako. Nasa katawan niya ang kaluluwa ko kaya kaya ko siyang labanan,' aniya. Nangunot ang noo ko sa plano ni Zhia ngunit wala rin akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon dito. May tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya hahayaang mamatay siya sa kamay ni Miss Cassy.

"So, what? Ano namang pakialam ko kung nasa katawan mo ang kaluluwa ni Zhia?" Pag-arte ko bago nginisian ang kaharap. Mas lalo akong napangisi sa isip nang makita ang panlalaki ng mata nito bago mas lalong nagalit.

"You! Wala kang kwentang kaibigan!" Sigaw niya sa'kin na ikinatawa ko nang malakas na mukhang mas lalo niyang ikinainis.

"Hindi naman ikaw ang kaibigan ko, eh. 'Tsaka hindi naman niya alam," sagot ko.

Ramdam ko ang nagbabadyang paglabas ng mas malakas na aura galing sa kaharap kong kalaban kaya mabilis kong tinawag si Shakira sa isip.

'Shakira, go,' utos ko sa kaniya.

'Noted.'

Hindi nga ako nagkamali sa naramdaman ko dahil unti-unting bumubuo si Miss Cassy ng napakalaking dark ball. Bahagya akong nakaramdam ng kaba nang mapansin ko ang kakaibang nasa loob no'n.

Mga poisonous plants galing Mountain of Deaths! How come?

Hindi ko na pinansin pa kung paano niya nakuha ang mga halamang nasa loob ng dark ball at kinausap ko na si ate Kaela.

'Ate Kaela, now's your turn,' sabi ko sa kaniya sa isip.

'Alright.'

Palaki nang palaki ang dark ball na ginagawa niya at alam kong kahit anong gawin kong pag-ilag sa dark ball ay matatamaan pa rin ako nito. Kaya sa tingin ko ay ang pinakamabisang paraan ay ang pagpapakita ni Ayesha sa kaniyang ina, lalo pa't ito rin ang puno't dulo ng lahat ng paghihiganti ni Miss Cassy.

"Princess!" Napatingin ako sa ibaba nang may tumawag sa'kin. Hindi ko alam kung napansin ba siya ni Prof. Cassy o hindi pero mukhang hindi naman dahil busy ito sa pagbuo ng dark ball.

"Why?" I mouthed.

"We want to help!" She shouted back with no sound.

Napangiti ako sa sinabi nito at tinanggap ang sinabi niya. Tumango ako sa kaniya at napansin ko ang pagtawag na ginawa niya sa kaniyang mga kasamahan. Kung tama ang pagkakatanda ko ay si Jayrielle iyon at si Sheira, na nalaman kong half-sister pala ni Shakira.

"Thank you, Erissa," I, again, mouthed.

Tumango lang ito at saka sila nagkapit kapit ng mga kaibigan niya para bumuo ng malaking ball na gawa sa kani-kanilang element.

"You scared?"

Nabaling muli ang atensyon ko kay Miss Cassy nang magsalita ito. Nang-aasar ang boses niya ngunit kahit gaano iyon nakakainis pakinggan ay tinawanan ko lamang ito.

"You think so?" Nang-aasar ko ring tanong.

Nasa mga kamay niya ang dark ball ngunit nasa taas niya ito upang makita niya ako.

Binalik ko ang tingin ko sa apat na magkakaibigan na si Erissa, Jayrielle, Keisha at Sheira na handa ng ibato ang element ball nila. Tinanguan ko sila kaya gumawa sila ng force at ibinato kay Prof. Cassy. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang sabay na pagbato rin sa'kin ng dating guro ng kanyang dark ball na binuo. Handa ko na sanang tanggapin ang tirang iyon ni Prof. Cassy pero nagulat ako nang may sumalo nito para sa akin.

Tila bumagal ang takbo ng oras nang mapagtanto ko kung sino ang sumalo ng dark ball na para sa akin. Nanlalamig ang buo kong katawan habang gulat na gulat na pinapanood ang mabilis na pagbagsak ng katawan ni Mama patungo sa lupa.

Nang matauhan ako mabilis kong pinalipad pababa ang sinasakyan kong dragon para sambutin si Mama. Sumasabay sa malakas na ihip ng hangin ang luhang hindi ko napansing tumutulo pala. I can't keep my eyes off my Mom.

Hindi... hindi pwede 'to. Not my Mom. Not her please.

Ngayon pa lang uli kami nagsama-sama... I-I can't afford to lose her.

Nang masambot namin si Mama ay dahan-dahan ko siyang ibinaba sa lupa habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Mama... Mama!" I keep on calling her name. Tinatapik-tapik ko ang pisngi ni Mama para hindi siya tuluyang makatulog. Her eyelids were half-open, halatang hirap na hirap siyang imulat iyon.

Pakiramdam ko ay nilulukot ang puso ko lalo na nang hawakan ni Mama ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"A-anak," nanghihinang tawag niya.

Hindi ko na mapigilang humagulhol nang makita ko ang pag-ubo niya ng dugo pagkatapos niya akong tawagin.

"Ma, please... Huwag ka munang magsalita. D-dadalhin kita sa healer, Mama. H'wag ka pong pipikit." My voice is shaking, my hands are cold as ice and my heart... It feels like it was stabbed many times.

"A-anak... W-wala ng lunas. T-tapos na ang p-pamamalagi... ko r-rito," hinang-hina wika niya but I refused to listen. Hindi siya mawawala! Makakasama pa namin siya nang mas matagal!

"Ma naman, eh! W-wag ka ng magsalita! Dadalhin po kita sa healer. Please, kumapit ka mama," humihikbing sabi ko ngunit ngumiti lamang si Mama. Nanghihina niyang iniangat ang kaniyang mga kamay at hinawakan ako sa pisngi. Hinawakan ko rin ang kamay niya at dinama ko ang ngayon ay nanlalamig na rin niyang kamay.

"H-happy b-birthday, Kira... M-mahal na mahal k-ko kaya ni K-kaela. Patawarin n-nyo ako," huling sabi niya bago ko tuluyang naramdaman na tila ako na lang ang may hawak ng kamay niya.

Mas lalo akong napaiyak kaya niyakap ko ang walang buhay na katawan ni Mama.

"Mama... Mama!"

Para akong batang iyak nang iyak habang yakap-yakap ang ina. Hindi ko na rin naisip na kaarawan ko kaya dahil sa dami ng nangyayari. At... At ganito pa ang nangyari kay Mama.

"She's gone."

Umiiyak akong tumingin sa nagsalita at nakita ko si Hunter kasama ang kaniyang mga kasamahan na malungkot na nakatingin sa katawan ni Mama.

"Ngayon ang kaarawan mo at ngayon din ang nakatakdang araw ng tapos ng time limit niya sa mundong ito," dugtong pa niya kaya nangunot ang aking noo.

"W-what are you talking about?"

"A pure-blooded Himerian has a limited time when she's going to another dimension. Twenty years is the maximum time. And your mother's time limit ends today," paliwanag ni Krischelle.

Napatingin akong muli kay Mama na ngayon ay payapang nakapikit na tila natutulog. At alam kong ito ang tulugan na kailanman ay wala ng gisingan.

"And Kaela will be like that if she refused to go back to Himeria with us," dugtong ni Hunter sa sinabi ni Krischelle.

"But can I stay here? I mean I'm half-blood. Can I stay more longer?" Tanong ko sa kanya na tinanguan naman niya.

"Yes. Since you're just half-blood, there's no time limit for you. But Kaela, on the other hand, needs to come with us. Wala ring tatayong Reyna sa mundo namin kaya sa ayaw at sa gusto niya, kailangan niyang sumama sa amin," ani Stella.

Napatango na lang ako sa sinabi nila bago napatingin kay Krey nang bigla itong magsalita. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa usapan.

"But can I live there? I mean can I go with Kaela? I want to be her King," anito na ikinagulat ko pati na ni Hunter.

"Yes. There's no need to worry. But care to explain why do you want to come with us? With my daughter?" Seryosong tanong ni Hunter. Bahagya namang nagulat si Krey pero kalaunan ay nabawi niya rin ang naging reaksyon.

He bowed his head a little as he politely introduced himself. "I am Krey Ethan Edwards, Sir. I want to ask for your daughter's hand. I want to marry her," dire-diretsong sabi niya.

Hindi agad nakaimik si Hunter sa sinabi ni Krey at mukhang nagulat din siya sa sinabi nito.

Bigla namang dumating si Ate Kaela kasama si Ayesha at kita kong gulat na gulat sila sa nangyari. Dali-daling tumakbo si Ayesha sa katawan ng walang malay niyang ina na tinamaan ng pinagsama-samang element nina Erissa, at si Kaela naman ay mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Krey at saka ito niyakap.

Napangiti ako nang mapagtantong may sikreto silang relasyon. Kaya siguro parang umiiwas sa amin si Krey lately. Siguro ay ayaw muna niyang malaman namin ang namamagitan sa kanila ni Ate Kaela dahil mukhang hindi pa handa si Ate na sabihin sa amin iyon.

"Sorry if we didn't tell our relationship," nakatungong paumanhin ni Ate Kaela na tila kinakabahan. Ngayon ko lamang siya nakitang naging ganito at hindi ko maiwasang matawa, kaya naman nagtataka siyang tumingin sa akin.

"It's okay, ate. Nagmamahalan kayo ni Krey kaya bakit naman namin kayo pagbabawalan?" Nginitian ako ni ate dahil sa sinabi ko.

"Waaaaah, Zack!" Napatingin kami sa babaeng tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin, ni Zack, to be specific.

"Love!" Sigaw rin ni Zack at mabilis na niyakap si Zhia.

Napangiti na lang ako dahil kahit nawala si Mama may mga kaibigan naman akong nandyan para pasiyahin ako.

"Darling, want to rest?" Bulong ni Dash na hindi ko napansing nasa likuran ko na pala. Tumango naman ako at pumikit habang nakasandal sa dibdib niya. Doon ko lang naramdaman ang pagod at unti-unti'y nilamon na ako ng antok.

5 years later...

"Moomaa!!"

Mabilis kong naibaling ang aking paningin sa batang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko. Napangiti ako rito bago nagdesisyong tumayo na mula sa pagkakaupo. Palihim kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko habang muling tinitingnan ang lapida ni Mama.

5 years had been passed but still, the pain is still in my heart. Maraming nagbago sa loob ng limang taon. At sa loob din ng limang taon na 'yon, naging payapa ang pamumuhay namin.

Napatawa ako nang maramdaman kong may yumakap sa hita ko. Natatawa kong tiningnan ang aking anak na ngayon ay hingal na hingal na nakayakap sa aking hita.

"Baby, where's your daddy?" Tanong kay Ashleigh, isa sa mga anak ko.

"He's with Asher, Mooma," bibong sagot nito kahit halatang pagod pa. Natatawa ko naman siyang binuhat bago nagsimulang maglakad paalis ng sementeryo.

"Where are they?"

"Garden, Mooma," she answered with glee.

"Sige. Baby, do you want to go there faster?" Tanong ko. Sunod-sunod ang naging pagtango niya dahil gustong-gusto niya ang pagteteleport.

Natawa na lang ako sa kabibuhan ng anak bago mahinang pinisil ang pisngi nito. Nagteleport na rin ako patungo sa garden ng palasyo.

Pagdating namin ni Ashleigh ay agad kaming sinalubong ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga kaibigan ko.

"Wuhoooo!! Happy Birthday Queen Kira!" Malakas na sigaw nila na siyang nagpangiti sa akin.

"Salamat!" I said as I put Ashleigh down. Mabilis naman itong tumakbo patungo sa mga mga kalaro niya.

"Happy birthday, Darling," bulong ni Dash nang makalapit siya sa akin. He kissed me on my lips kaya mas lalo akong napangiti.

"Thank you, Love," sagot ko nang bumitaw kami sa halik ng isa't-isa.

"Party na!" Sigaw ni Cyclone na agad namang sinapak ni Shakira.

"Party ka nang party! Intindihin mo muna 'yang anak mo!" Sabi nito kaya nagtawanan kami. Nag-pout kasi si Cyclone at mukhang under na under ni Shakira.

"Kumain na kayo," sabi ko kaya nagsigawan naman sila. Kanya-kanya silang kuha ng pagkain kaya naman napatawa ako.

Si Shakira at Cyclone, may dalawang anak. Si Emerald at si Azure. 3 years old si Azure while Emerald is 2 years old.

Si Zack at Zhia may isang anak. Si Kiara. She's 3 years old.

Si Sheira at Lokie? Well, sila na. Si Sheira ang nakahanap kay Lokie dahil nakita niya itong kinidnap noon ni Miss Cassy at sila rin naman ang nagkatuluyan. At may anak silang tatlo. Si Maxine. Si Jackson at si Fiery. Maxine and Jackson are 3 years old dahil kambal sila and Fiery is 2 years old.

Kami? May anak kaming kambal ni Dash. A boy and a girl. Si Ashleigh at si Asher. 3 years old sila pareho.

"Happy birthday, Sis!"

Napatingin ako sa entrada ng garden nang mabosesan ko ang bumati sa akin. Nang makita ko si Ate Kaela at Krey hawak ang dalawa nilang anak ay agad akong napangiti. Si Grayson at si Harriet. Parehas silang 3 years old dahil kambal rin ang naging anak nila.

"Ate!" Tumakbo ako patungo sa kanila at mabilis na niyakap si ate nang mahigpit.

Natatawa naman siyang yumakap pabalik ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Let's eat!" Sabi ko at hinila sila patungo sa kinatatayuan ng ibang Hari at Reyna.

Masaya na ang Elemental World ngayon. Well, ayos na rin si Dash at ang Papa niya. Nagkabati na rin sila nang maging ganap na ama na si Dash. He said he's already a father at ayaw daw niyang mangyari kay Asher o kay Ashleigh ang nangyari sa kanilang mag-ama. And I'm so proud of my husband.

At si Ayesha and her mother? Well, inalisan ng kapangyarihan si Miss Cassy at pinatapon sa mundo ng mga tao. At dahil hindi na kayang iwanan ni Ayesha ang kanyang ina, magkasama sila.

I'm so happy kasi ayos na ang lahat. Pero alam kong hindi pa rito natatapos ang mga pagsubok. Hindi pa rito natatapos ang buhay namin. Dahil nagsisimula pa lang kami.

"Hey, Kira!

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nagulat na lang ako nang biglang may naramdaman akong dumikit sa mukha ko. Nang kuhanin ko iyon gamit ang aking daliri ay napasimangot na lang ako nang makitang icing iyon. Mas lalo pa akong sumimangot nang magtawanan sila dahil sa naging reaksyon ko.

Haay.

Hanggang ngayon, binubully pa rin nila ako. But I love how they bully me, though.

Sumabay na lang ako sa tawa nila at kumuha ng maraming icing sa cake na malapit sa akin bago sila pinahiran isa-isa sa mukha.

Hanggang sa naghabulan na kaming lahat paikot ng garden.

I can't thank my friends and family enough. They have a big part in me that will never be erased. Maraming pagsubok ang dumating sa buhay ng bawat isa sa amin pero hindi iyon naging hadlang para hindi kami magpatuloy sa buhay.

We live.

We fight.

We conquer.

We gave our best to achieve the peace we want not only for our world but for ourselves. At habang buhay namin iyong dadalhin. To remind us that we are far from what we are from the beginning of our own stories.

I am Queen Kira Cosgrove-Reihman, daughter of King Lucas Cosgrove and late Queen Evergreen Schultz, wife of Ashton Dash Reihman, and mother of Ashleigh and Asher Reihman, and this is my story. Thank you for being part of it.

Long live, Elementians.