Chapter 19: KABANATA 18

“Titingnan ko pa, Pa. Kung makakapunta ako. Alam mo namang magdadalawang buwan pa lang ako rito sa trabaho ko. Mahirap makakuha ng leave dahil bago pa lang ako. Pero susubukan ko po sa May or June kung makakapagpaalam ako sa Head.” napahilot ako sa sentido ko habang naririnig ang pagbuntong hininga ni Papa.

Hindi pa kami gaanong ayos ni Papa dahil sa nakaraan namin. Tanggap ko naman nang may bago na siyang pamilya ngayon at hindi na siya babalik sa akin. Hindi ko na maibabalik ang pamilya namin dahil kahit anong gawin ko… wala na rin naman na si Mama kaya wala nang pag-asang mabuo naming muli ang pamilya ko.

Kapag bumibisita ako sa Iloilo, isang beses o dalawang beses sa isang taon, ay ang kapatid ko lang ang madalas kong kausap. Bata pa siya at ngayon siguro ay nasa thirteen years old pa lang siya. Grabe… ang tagal na rin ng samahan nila… samantalang ako… nevermind. Magiging masaya na lang ako para sa kapatid ko.

“O siya, sige. Sabihan mo na lang ako kung sakaling makapagbakasyon ka sa May or June.” tumango ako kahit hindi naman niya ako kita rito.

Mabigat ang loob ko nang magsimula akong magtrabaho. Kahit natapos na ako ro’n ay sinimulan kong muli ‘yon. Nagtatagis ang bagang ko habang nagsisimula at mariin ang pagtatype sa keyboard dahil sa galit. Basta ang alam ko ay isinave ko ‘yon, kaya paanong biglang nawala ‘yon nang gano’n lang? Saglit lang naman akong nawala. Sana hindi na lang ako nagtagal doon kanina nang sa gano’n ay hindi nawala ang files ko. Tang *na lang talaga.

Humugot muli ako ng malalim na buntong hininga bago nag-focus sa ginagawang files. Inabot na naman ako ng alas otso at hindi ko pa tapos lahat ng gagawin ko. Napasapo ako noo ko nang makaramdam ng sakit ng ulo dahil sa kakatig sa screen ng PC. Napailing ako at isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair ko bago iniinat ang aking mga braso para nang sa gano’n ay magising ang diwa ko dahil medyo inaantok na ako sa pagod.

Napanguso ako nang mapagtantong wala na pala akong kasama sa hilera namin. Kahit si Jarah ay nagpaalam na rin sa akin kaninang uuwi na siya dahil hinihintay siya ng mga anak at wala ang asawa niya. Siguro ay nakadestino sa ibang lugar ngayon.

“Anong oras ba kita matatapos kahit dalawang files lang muna,” nakangusong sambit ko.

Naiirita akong bumalik sa pagkakatitig sa monitor at inayos ang buhok. Mamaya ay lalagyan ko ng panibagong password ito nang sa gano’n ay wala nang mangialam. Mahirap na, baka may sumabotahe na naman sa akin.

Naagaw ng atensyon ko ang pagtunog ng cellphone ko para sa isang tawag. Sa isiping si Papa ‘yon na nangungulit ng pagpunta ko sa kanila sa summer ay agad ko ‘yong kinuha. Pero agad ring napasimangot nang makita ang pangalan ni Cyrus doon.

Kumunot ang noo ko kung bakit tumatawag na naman siya? Saka ko lang naalala ang sinabi niya sa akin kanina, tinanguan ko ‘yon, ibig sabihin ay pumayag ako!

Huminga muna ako nang malalim bago ko ‘yon sinagot.

“Hello,” I answere in a stern voice.

I heard him sigh when he heard my voice.

“Were you done yet? I saw your friend, Jarah. She said you’re still there and doing your files. Hindi ka pa ba tapos?” he asked in a menacing voice.

I pouted a bit. “Hindi pa nga, e. Sorry, are you still waiting? Hindi pa naman ‘to kailangan. Tinatapos ko lang kahit dalawang folder, sayang oras.”

“Leave it. Bumaba ka na rito. Don’t make me pissed, ibabalibag ko ‘yang ginagawa mo diyan kapag ako ang umakyat.” napasinghap ako sa bayolenteng pagkakasabi niya.

“Pero—“

“Wala nang pero-pero, Hermione. Your health is more important than that files.” rinig ko ang galit sa kaniyang boses at ang pagpipigil niya rito.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko bago huminga nang malalim. “Okay… I’ll just save this and… uh… mag-aayos lang ako saglit.”

“Alright. I’ll wait, then.” pinatay ko na ang tawag at umiling bago ko isinave ang files ko at pinalitan muna ng bagong password ang PC ko.

Nang matapos ‘yon ay inayos ko na rin ang sarili ko. Kinuha ko lahat ng gamit ko at inilagay ‘yon sa aking bag. Pinatay ko muna ang ang PC ko bago ako naglakad paalis doon. Wala na ngang tao kahit sa kabilang linya. Ako na lang talaga ang natitira rito. Napailing na lang ako at huminga ng malalim bago sumakay ng elevator.

Sumandal ako sa dingding habang malalim ang iniisip.

Kung may sumasabotahe sa akin… sino naman ‘yon? At ano ang motibo niya bakit niya ‘yon ginawa? I have a hunch now. But I don’t want to just judge and blame someone because of that. Ano naman ang rason niya? Masyadong inggit sa akin, ganon?

Napailing na lang ako sa mga iniisip ko hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at natanaw ko ang tahimik nang basement. Wala nang mga sasakyan, siguro ay nasa mga sumunod na floor ng parking lot. Dito sa mismong ground floor ay wala na kaya nang lumabas ako ay agad kong nakita ang sasakyan ni Cyrus sa hindi kalayuan.

I saw him leaning on his car’s hood, crossing his arms in so manly way, giving off a bad boy looking. But he’s now a grown-ass man. So far from a bad boy. Damn. How can I unloved this guy? He’s too much to bear! He’s so intimidating!

Hindi niya pa rin napapansin ang presensya ko dahil nakatingin siya sa sahig habang nakahalukipkip na nakasandal sa kaniyang sasakyan. I admire him from afar. In here, I can stare at him for how long I want. I can admire all of him. Because when he’s near me, I can’t even fathom to look at him straight in his eyes. I can be intimidate immediately by his eyes. Parang palagi akong napapaso sa mga tingin niya dahil sa mga kaseryosohan niya. Kaya hindi ko kayang tagalan ang mga tingin niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang magpatuloy sa paglalakad. Nang mapansin niya na ang presensya ko ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. His brooding eyes immediately locked in mine. I cleared my throat when I read unadulterated emotion in his eyes as he look at me straight.

He stood up straight and walk towards me. When he’s a meter away, I stopped walking and look away. He’s now towering over me. He then, walk, closing the distance between us. As if there are more distance between us. I sensed his stare at me but he’s remained quiet, still watching me like his prey for tonight as his dinner.

Damn. Biglang nag-init ang paligid dahil sa distansya naming dalawa at sa mga naiisip ko. Tumikhim muli ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Para na naman akong napaso nang magtama ang tingin naming dalawa.

“You’re always out late,” he said in a cold tone.

Napanguso ako bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Marami lang talaga akong ginagawa ngayon. Saka… nawala kasi ‘yong files ng ginawa ko kanina kaya umulit ulit ako sa simula.” Imagine my tiring day today! Tapos may manenermon pa.

Feeling boyfriend.

Ramdam kong bumigat ang paghinga niya nang mainig ang sinabi ko. “Bakit? Bakit nawala kung sinave mo naman siguro.” aniya habang mas lalong lumalapit sa akin.

I felt conscious again as he closed the distance again.

“Uhh…” tumikhim ako, takot na baka magkamali sa sasabihin sa kaniya. “Hindi ko rin alam, e. I know that I saved it before I went to your office but when I came back… I saw my files… with nothing in it. Siguro may nagbukas at nabura? O binura? May sumabotahe, ganon?” tumawa pa ako para alisin ang tensyon sa pagitan namin pero nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakita ko ang madilim niyang ekspresyon.

Animo’y mas nagagalit siya sa akin sa nangyari sa pinaghirapan ko. Alam ko namang kagalit-galit ‘yon, pero wala naman akong masisi sa nangyari. Even Jarah didn’t see who used my PC. Wala akong masisi o maituro sa pagkawala ng pinaghirapan ko.

“Did you asked for a CCTV footage?” nanlaki ang mata ko sa tanong niya at marahas na umiling.

“No. No. I mean, uhh… hindi naman na kailangan ‘yon. Ayos lang. Kahit nakakagalit ang nangyari, hindi naman na kailangan ng CCTV footage ng gano’ng insidente, Cyrus. I just did it again. Back to zero pero ayos na. Ayaw ko na lang palakihin pa.” umigting ang panga niya sa sinabi ko.

“No. Pinaghirapan mo ‘yon. Walang dapat mangialam sa mga cubicle ng bawat empleyado, unless they were asked to. In your case, may nangialam sa cubicle mo at binuksan ang PC mo.” He said in his dangerous voice.

I startled the way his cold baritone voice lingered my ears. Imbes na matakot ako sa tono niya ay mas nabuhayan pa ako. Oh, damn, Mio! You’re too smitten over this guy!

“H-H’wag na, Cyrus. Hindi naman na talaga kailangan ‘yon. Issue lang ‘yon ‘pag nagkataon. Baka awayin din ako ng mga kasamahan ko kapag… lumaki pa ang issue. Alam mo namang bago pa lang ako rito.” Pinigilan ko ang sarili kong mapairap nang matapos magsalita.

Sa hilera namin lang ako komportable at naging close ko na silang lahat, pero sa iba na hindi ko pa lubos kilala at medyo distant sa akin ay nahihirapan akong maki-communicate. Kaya hangga’t maaari ay nagiging maingat ako sa mga ginagawa ko sa trabaho. I don’t want my co-employee to be disrespected by me or even be offended by my actions. Hangga’t maaari ay gusto kong maging maayos ang impresyon nila sa akin. Kahit nakakagag* kung sakali ngang may sumabotahe sa gawa ko.

“But I don’t want you being bullied or sabotage by the employees here. I want them to know that you are my property. No one should mess around my girl. I won’t let them make you a laughingstock while working here.” his dangerous voice felt so soothing for me. Kahit na nakakatakot pakinggan, hindi ko pa rin maiwasang maging komportable sa boses niya.

I know he can be ruthless and heartless to anyone. He can use all his power to make someone down. But I know he’s still kind. I know the Cyrus I first loved is still inside him. I still admire him for that. I still want to… try my luck to love him. Baka sakali… baka sakaling mahalin na niya ako ngayon. Kahit magustuhan lang… romantically, ayos na ‘yon sa ‘kin. I know he’s attracted to me, because he won’t do these gesture if he’s not. I hate to hope for nothing but I will still try.

Just wish me luck.

His arms snaked around my waist while still looking at me intently. I look at him, too. “I will look for a CCTV footage tomorrow. Aalamin ko kung sino ang gumalaw ng computer mo at tatanungin kung bakit niya ginawa ‘yon.” kunot noo lang akong nakatitig sa kaniya at parang nadadala sa malumanay niyang boses, pati na sa pagbuka ng kaniyang bibig ay natutulala ako. “I won’t sit still while they’re trying to humiliate you. I won’t let that happen.” he crouched to touch my lips with his.

Wala na akong nagawa kung ‘di ang tumango na lamang sa kaniya. I’m still fazed by his soothing voice and I can’t forget about it! Kahit nang nasa sasakyan na kami ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang boses niyang nakakahalina. Geez! Ano bang nangyayari sa ‘kin?! Masyado naman ‘ata akong hulog na hulog sa kaniya.

Hindi ko namalayang iba ang tinatahak na direksyon ng kaniyang sasakyan. Nakabisado ko na kasi ang daan papunta roon sa Suarez Hotel and Restaurants na palagi naming kinakainan kaya hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Nilingon ko siya nang mapagtantong papunta kami sa Taguig. Saan niya ako dadalhin?

“Saan tayo pupunta?” tanong ko nang hindi ko na mapigilan.

Binalingan niya ‘ko pero saglit lang dahilibinalik niyang muli ang atensyon sa pagmamaneho niya.

“In my condo,” he simply answered while maneuvering the steering wheel so effortlessly.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Ano?! Sa condo mo? Bakit?” naghihisteryang sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa seatbelt ko habang hinihintay ang sagot niya sa akin.

“Doon tayo kakain. Doon ka na rin matulog kung gusto mo. Kung pagod ka na masyado, I’ll offer you to sleep there.” he said sternly.

Napanganga ako sa kaniya at napabuga ng malalim na hininga. “Hindi ako matutulog do’n.” nakangusong sagot ko.

From my peripheral vision I saw him nod twice, “alright, ihahatid na lang kita mamaya.”

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang medyo hindi ‘ata maganda ang panahon. May kaunting kidlat akong nakikita at kanina rin ay naririnig kong kumukulog. Uulan ba? Magsa-summer na pero may pahabol pa ring ulan ngayon? Thunderstorm perhaps? Napahinga ako nang malalim at inisip ang kinabukasan. Paniguradong mahihirapan akong sumakay bukas ng jeep kung maulan. Mahirap mag-commute.

“Are you tired?” I asked when I look at him and saw him looking exhausted.

Medyo inaantok ang mga mata niya at kanina ko pa rin napapansin ang paminsan-minsang paghikab niya habang nagmamaneho. If he’s tired already, I can commute later.

“Medyo lang,” aniya bago iniliko ang sasakyan papasok sa isang basement. “Kaya naman kitang ihatid pa mamaya.” nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumango na lang.

Mamaya ko na lang siya kakausapin kapag nakapagpahinga na siya nang kaunti mamaya. Nang tumigil ang sasakyan ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. Pero mas mabilis pa rin siya kumilos dahil kakatanggal ko pa lang no’n ay nasa labas na siya at pinagbubuksan na ako ng pintuan ng sasakyan niya. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng sasakyan niya.

Nang makalabas ako ay tiningala ko siya. He look tired but still gorgeously handsome. Bahagya akong napanguso at sumunod na lamang sa kaniya sa pagpunta sa elevator. Nang medyo mahuli ako sa kaniya ay tumigil pa siya para hintayin ako.

Nang makatapat ko siya ay agad niyang inilagay sa beywang ko ang kaniyang kamay para hindi ako mahuli sa paglalakad. Habang hinihintay bumaba ang elevator ay panay ang halik niya sa aking buhok at minsan ay inaamoy ‘yon. At halos kumawala sa ribcage ko ang aking puso habang kaswal lang niya ‘yong ginagawa na parang normal na gawain lang. Naghuhurmentado na ang aking kalamnan pero siya ay parang hindi man lang alam ang epekto niya sa akin.

Lord, gabayan mo naman ako lalo na at kasama ko ang lalaking ito. Kahit pagod siya ay mukhang matibay ang stamina nito.

Ipinilig ko ang aking ulo sa iniisip. Ano ka ba naman, Mio? Bakit iyan ang nasa isipan mo? Walang mangyayaring kababalaghan gaya ng iniisip mo! Kakain lang kayo at uuwi ka na, ‘yon lang. Wala nang iba.

Para akong nadismaya dahil doon. Ewan ko ba, simula nang may nangyari sa aming dalawa ni Cyrus ay parang kung ano-ano na ang naiisip ko. Nagiging mahalay na rin ang utak ko dahil sa nangyari!

Tumikhim ako nang bumukas ang pinto ng elevator. Hindi niya man lang inalis ang kaniyang kamay do’n kahit na may nakasalubong kaming babaeng lumabas sa elevator. At todo pa ang tingin ng babae sa kamay ni Cyrus sa beywang ko. Umirap ako nang palahim lalo pa nang makita kong lumingon pa ang babae bago sumara ang pinto ng elevator.

Gano’n muli ang ginawa ni Cyrus habang paakyat sa palapag ng kaniyang unit ang elevator. Todo kapit ang kaniyang braso sa aking beywang habang panay ang kaniyang halik sa aking ulo. Hanggang sa nanatili ‘yon doon. Hindi pa ak mapakali dahil baka amoy pawis na ang ulo ko tapos panay pa siya amoy. Maya-maya ay bumuntong hininga siya na parang may malalim na iniisip hanggang sa umayos siya ng tayo kaya binalingan ko siya nang nakakunot ang noo. Tumingin siya sa akin at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Nang kumawala siya sa halik ay agad akong nagsalita.

“What are you thinking?” I asked him nonchalantly.

Umiling naman agad siya. “Nothing.” mabigat ang hiningang pinakawalan niya bago binasa ang pang-ibabang labi. “Pinipigilan ko lang ang sarili kong… h’wag kang angkinin ngayong gabi dahil ayaw kong marinig na naman sa ‘yo na ‘one night stand’ lang ang nangyari o ‘di kaya ay ‘plain sex’. It’s annoying, you know.” medyo iritado pa siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at hindi na nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Ano bang iniisip niya s nangyari sa ‘min? Isn’t it a plain sex for him? Isn’t it a one night stand? Ibig sabihin… gusto niya pang maulit muli dahil gaya ng sabi niya, pinipigilan niya ang sarili niyang angkinin ako.

His chosen word is too blunt! Too sensual!

And I hate how my mind is working now. Epekto talaga ito ng nangyari sa amin. Kagagawan ‘to ni Cyrus!

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad kaming lumabas. Nagpapatianod lang ako sa kaniya habang papunta kami sa kaniyang unit. At nang makarating kami sa tapat no’n ay itinapat lang niya ang kaniyang key card para bumukas ‘yon.

“Come in,” aniya bago iminuwestra ang loob ng condo unit niya, no—more like a penthouse.

He opened all the lights making me clearly see what’s inside his unit. I wander around his first floor. His living room is on the left side with the big glass wall, I think, with a black big curtains in it. His white sofa set suits his hosen pallet for his house. White, black, brown. I like it but too manly. There’s a big flat screen TV with some speakers and amplifier in the bottom. A white carpet. A marbled floor. He also has a mini gym near the living are and near the galley. There’s a staircase, for the second floor. Probably some rooms are there. There’s also a large kitchen on the right side. A marbled countertop and all that. Near that is a separated dining area with twelve seats.

Napalabi ako habang pinagmamasdan ang napakalawak niyang unit. Mag-isa lang siya pero ganito kalaki ang tinitirahan niya. Samantalang ako, kahit napakaliit ng apartment ko ay nalulungkot pa rin ako. Siya pa kaya na ganito kalawak ang ginagalawan.

“You can sit and rest in the couch while I cook our dinner. Sorry, ayoko munang sa restaurant tayo. I’m kinda tired. Sunod-sunod kasi kanina ang meetings ko.” tumango ako sa kaniya nang bumaling ako.

“It’s okay. Ayoko rin naman muna sa mataong lugar.” I am also hesitating to offer him help to cook. But I did. “Uh… kung gusto mo, p’wede kitang tulungan magluto.” O… marunong ba siyang magluto?

He’s rich. Pero bibihira sa mayayaman ang marunong magluto.

“No, I’m fine. I can cook, Hermione. I want to cook for you.”

“Marunong ka ba talaga?” tanong ko sa nag-aalalang boses. “And also, you can call me Mio. Masyadong mahaba ang Hermione. Saka ang pormal masyado. Ikaw lang kasi ang tumatawag sa ‘kin niyan.” nakangusog sambit ko sa kaniya.

Kumislap ang paghanga niya sa kaniyang mga mata. “I like it even more that I’m the only one calling you that.” he smirked at me. Pero agad ko siyang sinimangutan. “And to answer your first question. Hindi ako marunong.” agad ko siyang hinampas ng bag ko kaya malakas siyang napatawa.

I was shocked hearing him laugh like that. Damn! Music to my ears!

“I was just kidding! Of course, I know how to cook. At least some basic meals. I also watched some in a cooking show. Because I want to cook for you.” My heart melted, literally.

Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa biglaan niyang sinabi. Oh, this guy really didn’t fail to make my heart fell for him even more.

“Bahala ka nga diyan! Basta sarapan mo pagluluto.” simangot ko sa kaniya bago naglakad patungo sa couch niya.

“Alright, babe.” my face heated hearing him call me by his endearment for me.

Damn, Cyrus. Hulog na hulog na ako sa ‘yo. Please lang, tama na. Baka hindi na talaga ako makaahon o baka naman wala ka nang balak paahunin ako?