Chapter 15

Naninibago na ako sa pinapakita ni Aki. Hindi ko maintindihan. Kahapon lang, mainit ang ulo niya sakin, tapos kanina hindi ko siya na kitaan ng ano mang galit sa kanyang mukha.

Binilisan ko na ang pag ligo, at baka mamaya kung ano na ang iisipin ni Manang sa'kin, dahil Halos isang araw kaming nagkulong sa kwarto ni Aki.

Nang matapos akong gumayak, ay tinungo ko na ang baba. Nakakapanibago dahil walang maingay. Nasaan kaya si Sabina? Bakit wala yata ito sa sala. Kalimitan kasi sa sala siya naglalaro.

Dumeretso na ako sa kusina. Tutulungan ko nalang si Manang na magluto ng tanghalian. Naririnig ko na kasi ang ingay na mula kusina. Alas-diyes na din kasi ng umaga at ilang oras nalang tanghali na.

Ngunit ganoon nalang ang pagka mangha ko na hindi si Manang ang nagluluto, kundi si Aki?? Naka shorts lamang ito at walang pang itaas. Ngunit suot niya ang kulay violet na apron. Naka-talikod ito habang may piniprito sa kalan. Ilang saglit pa ay pinatay na nito ang kalan. Humarap siya at inilapag ang platong may mga hotdog at hamon.

Dumako ang mga tingin nito sakin at bahagyang ngumiti, "O, nandyan kana pala? Come.. kakain na tayo."

"S-sige.. mauna kana, sasabay nalang ako kila Manang."

"Wala sila.. kaya lumapit kana at umupo dito."

Kunot-noo ko siyang tinignan,"Wala? Bakit saan sila pumunta?"

Napahinto ito sa pag lalagay ng mga kubyertos sa mga pingan, at tumingin muli sa'kin. "On vacation. Pinag bakasyon ko dahil gusto ni sabina na mag swiming, kaya nasa resort sila sa batangas

Umupo kana, Baka lalamig pa ang pagkain. Kung tatayo kana lang d'yan." Wika niya habang sinasalinan ng kanin at ulam ang plato naming dalawa. Totoo ba itong nakikita ko? Parang kelan lang, halos kamuhian niya ako.. tapos ito sabay pa kaming kakain. Lumapit na ako at umupo. Nasa tapat ko lamang siya, kaya panaka-naka ko itong tinitingnan.

"Kumain kana, pwede? Hindi ka mabubusog kung lagi kang naka, nakaw tingin d'yan." may pagka irita niyang turan. Para naman akong niliyaban ng apoy dahil biglang uminit ang pisngi ko. Masyado na ba akong obvious? Tinuon ko na ang pag subo ng pagkain at hindi na ito pinansin..

Nang matapos siyang kumain ay tumayo ito, bit-bit ang pinag-kainan patungo sa lababo. Namangha naman ako dahil agad niya itong hinugasan. Mabilis kong tinapos ang mga pagkain na nasa plato ko.

Kung bakit ba naman halos punuin niya ng kanin, kaya ito hirap na hirap akong ubusin. Nakakahiya naman kung magsasayang ako.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone nito, na nasa estante. Mabilis niya itong kinuha at sinagot.

"Yes?!"

Sagot niya.. tila nakakatakot talaga siya dahil parang laging may kaaway.

"Did I tell you that no more phone calls when I'm in vacation? Mahirap bang intidihin 'yon?!"

Vacation? Bakasyon ba ang tawag dito? Teka, sino nanaman ba ang kaaway nito?

"What?! Anong ginagawa nila d'yan?"

Mukhang seryoso na ito base sa tinis ng boses niya. Mabilis niyang binaba ang cellphone at kita ko kung paano tumaas ng bahagya ang kanyang balikat at bumuga ng hangin. Humarap ito at nakatingin sa'kin, napayuko naman ako, sa takot na baka ako ang pag-balingan niya ng galit.

"Aalis ako. Ikaw lang mag-isa dito, kaya maglock ka ng mga pintuan. Hindi ka pwedeng mag-papasok dito ng kahit na sino, kahit ang mga tauhan ko." Bahagyang kumunot ang noo ko base sa tono ng pananalita niya. Pero agad kong inayos ang expresyon ng mukha at tumango na lamang.

"Isa pa, hindi ka pwedeng makikipag-usap sa mga tauhan ko." Dugtong niya bago umalis sa harapan ko at tinungo ang kwarto sa itaas. Malimit na akong bumubuntong hininga dahil sa hindi ko na naiintindihan ang takbo ng buhay ko, mula nang mapadpad ako sa lugar na ito.. pati ba naman ang makipag usap bawal? mapapanis ang laway ko nito. Tumayo na ako at niligpit ang mga pingan. Tinakpan ko lamang ang mga natirang pagkain. Matapos kong hugasan ang pinagkainan ay tumungo na ako sa sala at saktong lumabas ng kwarto si Aki.

Nag-mamadali itong bumaba ng hagdan matapos makapag bihis. Simple lamang ang suot nito. Plain Gray V-neck shirt at at brown khaki short at puting sapatos lamang ang suot niya.. simple pero ang lakas ng dating.

"Aalis na ko." Tumingin lang ito sakin at tatalikod na sana. Ngunit muli ako nitong hinarap at humakbang papalapit. Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit ay naamoy ko na ang nakaka-adik niyang pabango.

"Kumain ka ng maayos dito. Wag kang magpapagutom. At... ahmm sige aalis na ako." Saglit niya pa akong tiningnan sa mga mata at unti-unting bumaba ang mga tingin nito at dumako sa mga labi ko. Napatingin ako sa adams apple niya nang magtaas baba dahil sa pag lunok ng laway.

"Sige na, baka matraffic ka pa." untag ko kaya agad napalihis ang mga tingin niya..

"Okay. Bye." Tumango lamang ako at Sinundan lamang ito ng tingin hangang sa makalabas ng pinto. Tulad ng bilin niya, ay sinarado ko ang pinto at nilock ito.

Bagsak ang balikat ko nang bumalik sa kwarto. Napakatahimik ng buong paligid tanging mga huni lamang ng mga ibon ang maririnig sa labas, at mga boses ng tauhan ni Aki. Pabagsak akong humiga sa kama, at tiningala ang puting kisame..

'Ano ba 'to Leighyana, go with a flow ka nalang ba sa lahat ng bagay?' Hindi ko lubos maisip na mapupunta ako sa ganito sitwasyon. Ipinikit ko ang mga mata at bumuga ng hangin.

****

"ACHILLES POV"

Pagka-galing ng Bulacan, ay dumeretso ako sa bahay namin sa Makati. Nag-mamadali akong humakbang ng makita ko si Mommy. Nakatayo ito at may kausap sa telepono.

"Mom?!" naka ngiti ito ng lumingon sakin.

"Aki, Son." hinalikan ko ang pisngi niya ng makalapit ako. Binaba nito ang telepono at humarap sa'kin.

"Saan ka na naman nag-susuot? We went to your office, but you were not there. Sabi ng Secretary, mo nasa bakasyon ka?"

"Ahm. Sana pero dumating kayo, but its okay. Dapat tinawagan n'yo ako na uuwi pala kayo, eh di sana ako na ang sumundo sayo.."

"Actually hindi lang ako ang umuwi mag isa dito." nagagalak na turan nito

Bahagya namang nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya, "What do you mean?"

Napatingin ito sa likuran ko, kaya lumingon ako. Bahagyang namulagat ang mata ko ng makita ang panauhin.

"Oh! There She is. Come here iha."

"Hi Achilles!" Abot tenga ang ngiti niya nang huminto ito sa harapan ko.

"Abby?"

"Son... you should say hi to her." wika ni Mommy.

"H-hi. Anong ginagawa mo dito?"

"Aki? Ano ba namang tanong 'yan? Nandito s'ya para mag bakasyon, para makita ka."

"Makita ako? Okay Welcome to our house." I don't know pero hangang ngayon ay hindi ko ito mapakitunguhan ng maayos, Dahil sa ginawa nito noon na eskandalo sa harap ng maraming tao.

"Son.. medyo tatagal si Abby dito. Kaya mag break ka muna sa trabaho at ipasyal mo siya.. go somewhere na kayo lang dalawa."

"Pero Mom, I can't promise dahil marami akong inaasikaso."

"Son. Minsan lang pumunta dito si Abby. Kung ang kumpanya ang iniisip mo. Don't worry ako na ang bahala."

"Mom?!" kelan pa ito nag ka interest sa kumpanya, at anong alam niya?

"Shh. Lets go. nag pahanda ako ng pag-kain tara sabay nating pagsaluhan. Halika na Abby."

Sinundan ko lamang sila ng tingin, na magkasabay na tumungo sa dinning. Abby is my childhood friend, mula ng lumipat sa states ang pamilya nila, ay malaki ang pinagbago niya. She's a professional model now. Lagi itong pinapalabas sa Socmed, tv news at sa mga magazine.

Sabay kaming kumain at maya-maya pa ay. Nagmamadaling lumapit si Manang Ason at kinausap si Mommy.

"Okay, sabihin mo ayusin at bilisan nila."

"Opo Senyora, masusunod." nagdali-dali namang umalis si Manang, matapos kausapin si Mommy.

"Ah, Abby-- pagka tapos mo, pwede ka nang umakyat sa kwarto mo. Nandoon na din ang HMUA."

"Oka-" di nito natapos ang sasabihin nang sumabat ako.

"HMUA?" bakit? may party ba kayong pupuntahan?"

"Yes.. mamaya, dito sa bahay" tugon ni Mommy.

"Why? Anong meron?"

"Malalaman mo mamaya. kaya maghanda ka, darating din ang mga kaybigan mo. Tinawagan ko na sila"

"What?" Nagugululuhan kong tanong.

Naiwan akong naka upo dito at naninibago ako sa kinikilos ni Mommy.

Sumapit ang gabi, padami ng padami ang mga nagsidatingan. Wala na din akong nagawa kaya ito bihis na bihis ako. Hindi ko alam kung anong meron at biglang nag paparty itong si Mommy.

"Dude!!" nagulat pa ako ng bigla akong tapikin sa balikat ni Raffa.

"Where's Lena?"

"Shh. Hindi ko kasama."

"What?! I thought you and her are-" di nito natapos ang sasabihin nang dumating si Kyron.

"Hey!! Late naba ako?" nag-pupunas pa ito ng pawis habang nag-sasalita.

Sinimsim ko muna ang wine bago tumugon,"Hindi pa nag-sisimula."

"Good evening everyone."

"Oh ayan na ata. Nand'yan na si Tita." wika ni Kyron. Isa -isa namang tumahimik ang mga panauhin at binigyan ng atensyon si Mommy na nagsasalita sa harap.

"Masaya ako na hindi n'yo tinangihan ang paanyaya ko ngayong gabi. though biglaan. Mas exciting kasi kapag biglaan ang plano. " tipid na natawa ito sa sinabi at sinundan ng mga bisita.

"Aki? Son, come here." tawag nito kaya itinabi ko ang wine glass sa table at lumapit kay Mommy. Habang hinahakbag ko ang mga paa, nasa akin naman halos lahat ng atensyon nila.

"My handsome Son." Saad ni Mommy ng makalapit ako.

"Everyone knows that my Son is hardworking. Napaka swerte namin dahil biniyayaan kami ng gwapo at mabait na anak." Tumawa ito ng mahina matapos sabihin sa mga taong nasa harap namin. Tipid akong ngumiti pero labis akong naguguluhan kung ano bang meron ngayon.

"Tonight, we have a very special announcement." wika ni Mommy na lalong nagpagulo sa isipan ko.

Announcement? Pilit kong inaayos ang expresyon ng mukha ko kahit naguguluhan na.

"Bago ang lahat, may ipakilala ako sa inyo. Please welcome Ms. Abby Gail Villa Amparo. "

Ilang saglit pa ay lumapit si Abby. At halos lahat ng mata nakatuon sa kanya. At may mangilan-ngilan akong naririnig na bulungan sa mga taong narito na humahanga sa kanyang kagandahan. Yeah, she's adorable sa suot nitong black fitted long gown na may slit hangang hita.

"Everyone. I'm happy to announce that my Son Achilles and Abby gail that they married soon. "

Masigabong nag palakpakan ang mga taong narito.

What?? Married?

"Mom!? What are you talking about? Are you kidding me? Anong ikakasal?!" takang tanong ko, ngunit halos pabulong ko na lintaya. Naka-ngiti ito sa harap ng mga bisita at tila hindi ako naririnig.

"Mom!?" Pukaw atensyon ko dito and this time humarap ito sakin

"Aki. Please not now."

"Congrats Achilles! Bati sakin ni Mr. Chua. Lumapit ito at kakamayan sana ako. Tinitigan ko lamang ito sa mga mata at di pinansin ang pakiki-kamay"

"Achilles! Please makisama ka naman!" Nag-mamakaawang untag ni Mommy. Inabot ko ang kamay ni Mr. Chua at bahagyang tumango.

"Mabuti naman at naisipan mo ng mag asawa. Ang swerte mo kay Miss Abby, napakaganda." wika nito na may nakakalokong ngiti.

Sumunod na din ang iilang mga kakilala at malalapit na kamag anak ang lumapit samin at nakipag kamay.

Lumalalim na ang gabi at isa-isa ng nag aalisan ang mga bisita.

"Dude, uuwi na rin kami." paalam ni Raffa. Tinapik naman ako ni Kyron. Tumayo na ang mga ito, at tinungo na ang labas ng gate kung saan naka parada ang sasakyan nila. Lutang parin kao sa biglaang anunsyo ni Mommy.

Hindi ako makapaniwala na magdedisisyon si Mommy ng ganun. Tahimik akong nakaupo dito at mag isang uubusin ang natitirang alak.

"Achilles." Tawag sakin ni Abby. Hindi ko ito nilingon o tiningnan man lang.

"Aki, kausapin mo naman ako-"

"For what!? Gusto mo tanungin kita about sa kasal na mangyayari? sa tingin mo gusto ko 'yon?"

"Son! Igalang mo naman si Abby." Napalingon ako ng biglang umeksena si Mommy.

"Did you here what you said?! Ako ba ginalang n'yo? Sana naman tinanong n'yo muna ako kung gusto ko ba! God Mommy hindi na ako bata para mag desisyon kayo ng ganyan!" Tumayo ako at iniwan sila

"Where are you going?! Aki bumalik ka dito!"

Nag-mamadali akong umalis at pinaharurot ang sasakyan. How could they do this to me?