Chapter 20: Rosy's Death

Manolo's Point Of View

Pag-karating ko sa mansion ay agad akong dumaretso sa kinaroroonan ni Rosy. Sinamahan naman ako ng anak 'kong si Liam at ng aking ampon na si Peter. Dinala ako ng mga ito sa kinaroroonan ni Rosy. Pag-kabukas nila ng pinto ay agad kaming pumasok sa loob at 'don tumambad ang nakataling si Rosy. Nakaupo ito sa kama at nakapiring ang mga mata nito, at nakatali ng mahigpit ang mga kamay nito. Ayaw ko 'man itong nakikita ko ngunit wala akong magagawa, kailangan ko s'yang parusahan sa kataksilan nito at putulin ang tumutubong sungay nito. Na balang-araw ay pwedeng sumira sa organisasyon. Ipinatanggal ko ang piring nito at ang tali sa mga kamay nito, at iniharap s'ya sa akin nina Preston at Inigo na aking mga tauhan 'din. Saglit na nag-tama ang aming mga mata, umiling ako dito at saka ako nga-salita.

"Ito ba Rosy, ang igaganti mo matapos ang mahabang taon na pinagsamahan natin?" tanong ko dito, tumingin lamang ito sa akin at parang isang piping hindi makapagsalita.

"Itinuring kitang parang isang tunay 'kong Ina Rosy. Binigay ko ang pangangailangan ng pamilya mo, pinagaral ko sa magagandang eskwelahan ang mga anak mo. Pinakain at binihisan ko sila." saad ko muli dito. Napansin ko ang pagtulo ng mga luha ni Rosy ng mga oras na iyon.

"Nasilaw ako Anak, nasilaw ako sa laki ng halaga na inialok sa akin ni Antonio." umiiyak nitong sagot sa akin.

"Patawarin mo ako Anak, hindi ko na uulitin." pag-mamakaawa nito. Tumingin ako ka'y Rosy at paunti-unti na ring tumutulo ang mga luha ko. Nag-lakad ako papalapit sa kan'ya at niyakap ko s'ya ng mahigpit. Ayaw ko 'mang gawin ito ay kailangan 'kong gawin. Kinuha ko ang baril na nakasukbit sa aking bewang at itinutok ko iyon ka'y Rosy at ipinutok iyon na kumitil sa kan'yang buhay.

"Mahal kita Rosy na parang isang tunay 'kong magulang ngunit hindi ko hahayaang sirain mo ang organisasyong ito." bulong ko sa no'oy wala ng buhay na si Rosy at saka ko binitawan ito. Agad namang sinalo nina Inigo at Preston ang katawan ni Rosy ng pakawalan ko ito.

"Bigyan n'yo s'ya ng desenteng libing at kayo na 'rin ang bahala sa kan'yang pamilya." utos ko sa mga ito. Pag-katapos 'non ay agad na akong lumabas ng kwarto at iniwan ang no'oy wala ng buhay na katawan ni Rosy. Sumunod naman sa akin ang dalawa 'kong anak na sina Liam at Peter.

"Peter," tawag ko dito.

"Ama," tipid nitong sagot sa akin.

"Gusto 'kong kayong dalawa ni Liam ang sumundo ka'y Luca Berlusconi sa susunod na linggo." utos ko sa mga ito.

"Liam, anak siguraduhin mong magiging ligtas kayo, ayaw 'kong may masaktan sa inyo." utos ko naman dito.

"Yes, Dad," tipid nitong sagot.

Scarlett's Point Of View

I was arguing with my dad in the kitchen, dahil gusto ako nitong papuntahin sa Baguio. And my boyfriend and my girlfriends are here in Manila. I don't know what got into he's mind. Nakatayo lamang ako sa harap nito habang pinapaliwanag ang aking sarili ngunit hindi nito pinapakinggan ang mga paliwanag ko. Pinagpipilitan lamang nito ang kagustuhan nitong papuntahin ako sa Baguio. Naiirita ko lamang itong tiningnan habang pinapaayos n'ya sa mga katulong ang mga dadalhin 'kong mga damit. Maya-maya pa ay bumaba na ang mga katulong buhat-buhat ng mga ito aking mga maleta. Nilagay ng mga katulong ang mga maleta sa loob ng sasakyan.

"Dad! I don't want to go there! My life was here!" pag-pupumilit ko dito.

"Just do what I say,! It's for your safety!" saad nito sa galit na boses.

"What? W-what safety? Dad please... Let me stay here". pag-pupumilit ko dito.

"No., Listen to me Scarlett...!" galit na sabi nito.

"Dad please..." pagmamakaawa ko ulit dito.

"I hate you!" tanging nasambit ko na lamang dito at padabog akong umalis at dumaretso sa loob ng sasakyan.

"I hate him..." iyon ang paulit-ulit na kataga sa aking isipan habang nasa loob ako ng sasakyan. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon mula sa aking bag atsaka ko tiningnan kung sino ang nasa caller. Nakita 'kong ang kaibigan 'kong si Eunice ang nasa caller kaya't naman agad ko iyong sinagot.

"Hey! Girl, What's up!" masiglang bungad nito sa akin sa kabilang linya.

"I don't even know what gotten into his mind." inis 'kong sambit dito, I irritatedly rolled my eyes.

"Wait... What? Who?" sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.

"It's my dad," tipid 'kong saad dito.

"What happened?" tanong nito sa kabilang linya.

"Gusto n'ya akong pauwiin sa Baguio." sagot ko naman dito.

"'Oh... That's sucks, how we gonna hangout then?" tanong naman nito.

"I don't know okay.-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad akong pinigil nito.

"Wait... You can throw a party so we could come, para naman hindi maging boring ang pag-stay mo 'ron 'noh." suhestiyon naman nito.

"I don't know... I still don't know what will gonna happen next. But, I will keep you updated okay." sagot ko naman dito.

"Fine... Just shoot me a message okay." sagot naman nito sa kabilang linya.

"Bye," tipid 'kong sagot dito. Hindi ko na hinintay 'pang makapagsalita ito at agad ko ng pinatay ang tawag. Atsaka ko ibinalik muli ako ang aking cellphone sa loob ng aking bag na nasa tabi ko lamang.

Marcelo's Point Of View

Dahil sa gulong may'roon ngayun si Boss at ang mortal na kaaway nitong si Manolo ay napagpasyahan nitong ipahatid sa akin si Scarlett sa Baguio at upang maging body guard na 'rin ng kan'yang anak. Pag-karating ko sa mansion ay agad nitong ipinaliwanag sa akin ang mga aking gagawin. Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko na 'ring umalis upang ihatid si Scarlett sa Baguio. Huminto ako sa isang grocery upang bumili ng makakain dahil t'yak na gugutumin ako dahil medyo malayo-layo ang tatahakin ko. Pag-katapos 'kong mamili ay bumalik na ako sa sasakyan. Nakita ko si Scarlett na mahimbing na natutulog sa back seat. Ipinatong ko ang pinamili kong pagkain at pinaandar na muli ang sasakyan. Medyo madilim na sa daan at ang tanging ilaw lamang sa mga posteng nadadaanan ko ang nag-sisilbing liwanag sa daan.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like