Chapter 6: Chapter Six – Officially yours

“Kayo na ba ni Mico?”Tanong sa akin ni tita, nakita niya kasi kami sa canteen na magkahawak kamay at sabay na kumakain palagi.

“Opo, tita... Kahapon lang po kami naging official.” Proud na sagot ko sa tanong niya.

“Congratulations, natutuwa ako para sa inyong dalawa... labing siyam na taon ka na, si Mico dise otso palang ang edad niyo, sa ganyang edad medyo lilow muna kayo alam ko na alam mo ang nais ko ipahiwatig.”

“Tita, nagsisimula palang kami ni Mico, wala pa kami sa ganung level.” pagpapaliwanag ko.

“Mas mabuti na iyong pinapaalalahanan ka... kasi bago palang kayo sa relasyong yan”

Puro paalala ang sinasabi niya sa akin. Palagi siyang ganyan. Nasanay na ako kay tita.

Sa mga nagdaang linggo ay  naging masaya ang takbo ng relasyon namin ni Mico, tuwing weekends namamasyal kami, kung saan-saan kami nagro-roadtrip at sa paparating na summer at nagpa-reserve din siya sa isang isla sa cebu mactan para sa scuba diving.

Balak niya ako dalhin don dahil pinangako niya raw sa sarili na ang unang babae na mamahalin niya ay dadalhin niya roon.

So, ako ang babaeng tinutukoy niya.

“Dalawang linggo naman ang summer vacation natin kaya pwede tayo magtagal roon para makapasyal na rin.” Si Mico.

Marunong ako lumangoy pero takot ako sa malalim na parte ng dagat. Alam niya iyon, sabi niya sa akin siya raw ang bahala. Responsibilidad niya raw na alalayan ako dahil nobya niya ‘ko.

Medyo matagal pa naman ang summer pero pinag-uusapan na agad namin, excited lang ang peg!

Inabkbayan niya ako habang papunta kami ng canteen bibili raw kami ng makakain.

Sa awa ng diyos wala si Thea, mabuti na lang at tinantanan na ako nung bruhildang iyon.

Kailan niya kaya ako ipakikilala sa mga magulang niya.

“Love, gusto ka makilala ni mom and dad, pati si Shaira kapatid ko.”

Ang bilis naman kanina lang ay nasa isip ko lang iyon ngayon sinasabi na niya sa akin.

“Kinakabahan ako, paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano na tayo?” ganun kasi ang mga napapanood ko sa tv.

Yung aalukin nila ako ng milliones para lang layuan ang anak nila.

“Calm down, hindi ganun sila gaya ng iniisip mo, magugustuhan ka nila trust me.”

“Paano kung hindi?” matapang na sagot ko, “Ipaglalaban mo ba ako?”

“Syempre naman, ikaw ang buhay ko, pero love trust me magugustuhan ka nila.”

Pagbibigay niya sa akin ng assurance.

Kabado talaga ako, “Kailan ba yan?”

“This sunday after natin magsimba.” nakangiti niyang sabi.

Myghod, kinakabahan ako kahit sa sunday pa naman iyon. Pero pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba.

Ayoko na nga magkape, kasi naman, e! Puro ako kape! Kaya lumalala na ang pagiging nerbyosa ko.

“Magrelax ka lang muna love, sa sunday pa iyon, just be yourself! Okay?”

“Kamusta na nga pala grades mo?” Pag-iiba ko ng usapan. Para makalimutan ko na rin pansamantala ang kaba na nararamdaman ko.

“Ayos naman, mataas palagi ang marka ko. Masipag kasi ang boyfriend mo.”

Natatawa ako sa mga sinasabi niya, totoo naman kasi masipag siya pero kailangan pa ba iyon sabihin?!

“Hay naku, bakit kasi dito pa tayo dumaan nasira nanaman tuloy ang araw ko!” Pagpaparinig ni Thea. Halata naman na kami ang panariringgan niya.

“Oo nga, e! Dapat doon ka sa kabila dumaan dahil maputik dito baka madumihan ang sapatos mong mamahalin.” Panggagatong ko sa sinabi niya.

“Saka mag-ingat ka baka makasalubong mo ang Mary!”

Seryosong sabi ko at talaga namang kapani-paniwala ang kwento ko about kay Mary, the Bloody Mary.

“Who's Mary?” maarteng tanong ni Thea sa akin.

Nagkwento pa akong patungkol kay Bloody Mary at sa takot ay napatakbo sila palayo sa amin.

Naririnig ko ang pagtawa ni Mico na siyang nasa tabi ko, tahimik rin na nakikinig sa kwento ko.

“Hindi ko alam na mahusay ka pala bumuo ng kwento at talaga naman naniwala sila kaya kumaripas ng takbo.” Natatawa parin na sabi niya.

“Naiinis kasi ako sa kanila, alam mo ba na inaway ako ng mga yan nung hindi ka pumapasok sa school ng tatlong araw... ininsulto ba naman ako” Hindi ko hahayaan na apihin nila ako, sino ba sila sa akala nila? Kontrabida sa isang teleserye! Halata naman na trying hard sa pagmamaldita si Thea alam ko mabuti siyang tao, ramdam ko iyon. Hindi lang siguro siya sanay na makasalamuha ng gaya ko.

Kung sa bagay hindi niya gugustuhin na maging kaibigan ako, dahil ayaw niya sa mahirap na gaya ko. Gusto niya ang mga nakadikit sa kanya ay ginto.

“Sorry, hindi man pang kita naipagtanggol sa kanila, dahil nagkasakit ako.” Malungkot na sabi niya, “Pero masaya ako na kaya mo pala ng wala ako  sa tabi mo... nakikita ko na kaya mo ipagtanggol ang sarili mo, kaya simula sa araw na ito ipagtatanggol kita sa lahat ng bagay.”

Yan ang dahilan kaya mabilis na nahulog ako sa kanya. Nasa kanya na kasi ang katangian na hinahanap ng isang tulad ko.

“Ang swerte-swerte ko sayo, alam mo hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti para bigyan ako ng isang tulad mo.”

“Swerte tayo sa isat-isa, masaya ako na nagkakilala tayo at ngayon nobya na kita”

Pinagsalikop niya ang mga palad namin at nagsimula ng maglakad palabas ng gate, tapos na kasi ang klase namin.

“Love, mahal na mahal kita.”

“Mas mahal kita.” Si Mico na ayaw magpatalo.

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat kilos na ginagawa niya, kahit hindi niya sabihin nararamdaman ko.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like