Chapter 16: Chapter Fifteen
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Thana sa akin tama siya dapat kay Win ko tanungin itong napapansin ko. Nag-stream ako nang kanta na alam kong relate ang mga audience.
"Get ready!" sigaw ng host sa loob ng bar pagkatapos nang jamming sa isang variety show dito ang diretso namin.
"Guys, i-english version ko lang ang kanta ni Mr. Lloyd Umali na Bakit Kung Sino Pa sana magustuhan nyo." sabi ko sa mga audience sa isang sikat na bar sa Manila.
Kumanta ako nang kumanta nang matapos nag-break saglit at muling bumalik sa stage hanggang sa nag-request ang mga nanonod sa akin ng mga bagong kanta.
Pagkatapos ko kumanta bumaba na ako sa stage hindi ko na lang pinansin ang sigawan nang mga tao dumaan ako sa backstage.
"May problema ka ba, Light?" pag-bungad ni Dino sa akin sa backstage.
"Wala," sambit ko na lang sa kanya dahil totoo naman.
"Ang lungkot mo." sambit ni Dino sa akin.
"Oo nga, napatawag tuloy ako kay Ice at nagulat siya nang sabihin ko 'yon sa kanya." wika ni Gun hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Minsan, Gun ilugar mo ang pagka-chismosa mo hindi mo alam ang problema nila." sabat ni Dino natahimik naman si Gun sa sinabi nang boyfriend niya.
"Uuwi na ako." sambit ko na lang sa kanila.
"Hindi ka na ba kakanta?" tanong ni Gun sa akin.
"Hindi na," sambit ko na lang kaagad at kinuha ang gitara ko at bag saka naglakad palabas nang bar.
Sumakay ako sa motor ko nang makarating ako sa parking lot at umuwi sa condo namin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Takot akong iwanan ni Ice at mag-hiwalay kaming dalawa. Nakarinig ako ng tunog ng cellphone mula sa cellphone ko at nabasa ko ang pangalan na tumatawag.
Light, anong problema mo?
Wala akong problema, pre.
Anong wala sa boses mo pa lang, nasaan ka ngayon?
Nandito sa condo namin.
Pupunta kami dyan ni Chana, anong walang problema halata sa boses mo na may pinagdadaanan ka nagtalo ba kayong dalawa?
Pinatayan ko sila ng linya at hinagis ko sa sofa ang cellphone ko at pumasok ako sa kwarto namin para magpalit ng damit.
Nang matapos ako bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ko na nakatingin sa akin.
"Anong walang problema?" tanong ni Mike sa akin natahimik naman ako bigla.
"Kung hindi kayo nagtalo ni Ice, bakit ganyan ka? May nararamdaman ka ba?" tanong ni Chana sa akin binatukan naman siya ni Mike sa ulo.
"Umayos ka ng tanong!" paninita ni Mike sa kanya sinamaan ni Chana ang kaibigan namin.
"Wala kaming problema ni Ice," sabat ko na lang sa kanilang dalawa nabaling ang tingin nila sa akin.
"Eh, ano 'yan?" tanong nilang dalawa sa akin.
"Mag-proprose ako sa kanya," kaila ko sa kanilang dalawa ayokong mag-isip sila nang iba sa itsura ko.
"'Yon lang, kaya ka ganyan?" tanong ni Chana sa akin nang titigan niya ako.
"Oo." sambit ko na lang sa kanilang dalawa natahimik naman ako.
Natahimik naman sila at inabutan nila ako ng softdrink na binili daw nila sa 7-eleven kaysa sa alak.
"Handa ka na ba lumagay sa tahimik?" tanong ni Chana sa akin tumingin ako sa kanya.
"..."
"Hindi ka pa handang lumagay pero, balak mo mag-propose?" tanong ni Chana sa akin at tumango na lang ako sa kanya at sumandal ako sa sofa.
"Gusto ko lang masiguradong sa akin pa rin siya—" bumuntong-hiningang sambit ko sa kanila at tinaas ko ang kamay ko sa likod nang ulo ko.
"Bakit? Nang sampung taon nakalipas kahit hindi ka nag-propose okay naman kayo ah?" tanong ni Chana sa akin nang balingan niya ako nang tingin na may pagdududa sa mata.
"Natatakot akong mawala siya kapag wala pa akong gawing hakbang.." aniko sa kanilang dalawa inakbayan ako ni Mike nang lumipat siya ng pwesto.
"Gusto mong masiguradong iyong-iyo na siya? Pwede naman talaga nagmamahalan kayong dalawa, 'yon na lang ang kulang sa inyong dalawa at kung handa ka talagang mag-propose sa kanya ang sunod mo nang gawin kausapin ang pamilya niya." sambit ni Mike sa akin.
"Tama si Mike, pero dapat pag-isipan mo maigi 'yan matinding responsibilidad na ang gusto mong gawin sa relasyon nyo." sambit ni Chana sa aming dalawa ng kaibigan namin.
"Nandito na ba si Ice?" tanong ni Mike luminga-linga pa siya nang tingin.
"Hindi pa siya umuuwi, pre nang dahil sa bago niyang trabaho at oras nang trabaho minsan nga hindi na siya nag-dinner palaging dumederetso sa kama para magpahinga." aniko sa kanilang dalawa bumuntong-hininga na lang ako.
"Sunduin mo kaya siya sa pinag-trabahuan niya? Tinawagan mo ba siya kanina noong wala pa kami?" tanong ni Mike dahilan para balingan ko siya nang tingin.
"Busy siya, Mike seryosong trabaho ang pagiging lawyer at hindi parang laro." aniko sa kanya hindi namaj kaagad nakasagot si Mike sa sinabi ko.
Napatingin ako sa kaibigan nang sumigaw ito sa amin napailing na lang ako sa sinabi nito sa amin.
"Boom! Basag!" sambit ni Chana sa kaibigan namin.
"Mag-plano na lang tayong tatlo para sa gagawin nating proposal kay Ice," wika ni Chana sa akin sumang-ayon naman ang kaibigan namin.
Hindi ako nagsasalita sa kanilang suggestion tungkol sa surpresang proposal ko kay Ice iniisip ko pa rin ang sinabi ni Thana sa akin nang magkausap kaming dalawa.
"Uy! Lutang ka!" pag-bulaga sa akin ni Chana at Mike sa harapan ko umiwas naman ako nang tingin.
"Iniisip ko ang mga sinasabi nyo," sambit ko na lang sa kanilang dalawa nang itulak ko ang kanilang mukha palayo sa harap ko.
"Weh... parang iba ang iniisip mo nabanggit sa amin ni Thana na kinausap mo siya dahil may napansin ka sa pagbabago ni Ice?" tanong ni Chana sa akin dahilan para balingan ko sila nang masamang tingin.
"Walang ganun," sambit ko sa kanilang dalawa.
"Huli ka na nga sa akto nagsisinungaling ka pa talaga? Kaya ba gusto mo nang mag-propose sa kanya dahil natatakot kang mawala siya sa buhay mo?" pagtatanong ni Chana sa akin hindi naman ako nagsalita.
"Sunduin mo siya dun mo malalaman ang sagot kung ang kinatatakutan mo is... true, pre saka, tuloy pa rin natin ang plano mong pag-propose ah!" sabat ni Mike sa akin at tinayo nila ako sa sofa hinaltak ang braso ko.
"Go, Light kami na ang bahala sa condo nyo." tudyo ni Chana at bumuntong-hininga na lang ako at hinila nila ako palabas ng condo namin lumingon pa sa amin ang mga taong dumaan.