Chapter 10: Kabanata 9

Tulala ako at hindi makausap ng maayos hindi dahil nababaliw na 'ko o kung ano kundi dahil sa mga sinabi ni Code sa'kin kanina. Like, what's wrong with that guy? Ang lakas ng loob niyang hindi ako pansinin tapos ngayon na i'm trying to give my attention to someone else, mag wa-warning naman siya.

After i chatted Lucas and explained everthing to him, he replied back na puntahan ko siya after class dahil may plano daw siya to provoke Code.

"Where are you going Haianna? Cleaners tayo ngayon!" sigaw ni Angel na kinawayan ko lang.

Saktong pag apak ko sa pintuan ng room nila Lucas ang paglabas naman ng taong hindi ko inaasahang nandito pa. I thought lagi siyang early kung umuwi?

"What are you doing here?" Code asked.

Hindi ko siya pinansin at palihim ko lang na sinilip ang loob ng room. Ang sabi ni Lucas nandito siya ngayon at hinihintay ako pero bakit wala ng tao sa loob? Jinojoke time ba 'ko ni Lucas?

"I'm asking you Haianna, what are you doing here?"

Imbis na sagutin siya isang irap lang ang binigay ko bago samaan siya ng tingin. Ano na naman ba ang issue ng hinayupak na 'to? Hindi pa nga ako nakaka-get over sa mga sinabi niya kanina tapos ngayon ito na naman siya.

"Did you just rolled your eyes on me?!" hindi makapaniwala niyang tanong.

Big deal na ba sa kanya ang irap na ginawa ko? As far as i remember mataray ang ex-girlfriend niya kaya hindi ko masasabing hindi pa siya naiirapan nito.

"Eh ano naman ngayon?" maangas kong wika.

"Don't role your eyes on me young lady!"

"Did i?" tanong ko na may mapaglarong ngisi.

"You did!"

I smirked. "What now?"

Inayos niya ang pagkakatayo at seryuso akong tinignan. "Go home, stop chasing me Haianna."

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Assuming!

"Who say's that i'm chasing you? I'm here for Lucas hindi para sa'yo."

Hah! Ano ka ngayon?!

Nakita ko ang pagkapahiya sa mukha niya pero agad niya namang tinanggal ang emosiyon na iyon at agad na lumakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin at pilit pinapasok sa utak ko ang iksina namin ngayon. Ito ba ang planong sinasabi ni Lucas? Ang naaalala ko lang na sinabi niya sa'kin kanina, 'Just go with the flow, promise you'll enjoy every reaction you'll get from him," and maybe he is right? I like Code's reaction when i told him na i'm not here for him, i really love seeing that reaction and willing to do something for me to see the other reaction of him.

Umuwi ako sa bahay na may ngiti sa labi at humiga habang hawak ang mobile phone and waiting for Lucas replies.

"Really? Do said that?!"

Natawa ko habang inaalala ang mukha ni Code, ang cute niya pag namumula ang mukha dahil sa hiya para na siya tinapay na may nilagay na pulang pabilog sa side para magmukhang blush on.

"He told me that i should go home and stop chasing him, kaya sinabi ko yun. It's true naman na hindi ako nandon para sa kanya."

-Shexien

Typingss..

"I'll teased him tomorrow, i will invite you para makita niya kung gaano tayo ka-close. Let's see kung hindi siya mamatay sa selos."

-Lucas

Nag HAHA react lang ako at chinarge na ang phone. Kung ano man ang mga plano ni Lucas sasabayan ko nalang muna at ihahanda ko nalang ang sarili para sa mga parusang gagawin ni Code. Mukhang magiging exciting na ang araw ko simula ngayon, baka sa susunod na araw hilingin ko na sana kahit sabado't linggo may pasok para makita ko siya.

MABILIS ang lahat ng kilos ko at parang ang saya-saya kong ginagawa ang mga bagay na dati naman ay kinaiinisan kong gawin lalo na ang gumising ng maaga para maghanda ng ibabaon at kakainin ko. May lakad si Kuya kagabi pa, hindi na nga niya 'ko ginising nag lagay lang siya ng sulat at doon niya sinabi na one week siyang mawawala dahil nag volunteer siyang sumama papunta don sa bahay ng babaeng may sapak daw ang ulo, masiyadong mayaman ang pamilya ng babae kaya naging pribado ang usaping iyon.

Kinuha ko ang susi at nilagay sa ID ko para hindi mawala at nilock ang pinto ng bahay namin. Pumara lang ako ng jeep para mas makatipid pa ng pamasahe.

Sinilip ko ang jeep kung may vacant paba at mukha swerte naman ako dahil maluwag-luwag pa. Sumakay na 'ko at inabala ang sarili sa pag lalaro ng Candy Crush, maya-maya lang ay huminto ang jeep kaya akala ko nasa school na 'ko pero hindi pa pala, may pumara pala para sumakay.

Cheneck ko kung sinong tao ang sumakay at muntik na kong mahulog sa kinauupuan ng makitang umupo si Code mismo sa harap ko, as in kaharap ko lang.

"Morning," he greeted na tinanguan ko lang.

Nag labas siya ng pera at binigay iyon sa lalaking katabi niya na pinasa naman ng mga ito papunta sa driver.

"Ilan?" tanong nong driver.

"Dalawa! Studyante po!" sagot ni Code at tumingin sa'kin.

"Saan?"

Tumingin naman si Code sa'kin,"May pupuntahan kapa ba o deritso kana sa school?" he asked.

"S-sa school."

He smiled. "Holy Fatima Private School."

Bumaba ang pasahirong nasa tabi ko kaya uusog na sana ako ng biglang hawiin ni Code ang skirt ko at umupo sa inupuan kanina ng bumabang pasahiro.

"Let me cover your skirt," bulong niya at nilagay sa hita ko ang jacket na dala-dala niya.

"Why?" bulong ko pabalik.

"I can see your cycling nong nakaupo pa 'ko sa harap," sagot niya.

Nahihiya naman akong tumango at umusog papuntang gawi niya, masasagi kasi ng isang katabi ko ang gilid ng boobs ko. Hindi ko alam kung sadya niya ba o hindi.

"What?" i asked Code ng makita kong pinapanood niya ang itsura ko.

"Not comfortable?"

Tumango ako kaya ang ginawa niya kinuha niya ang bag na dala at inutusan akong ilagay iyon sa gilid ko.

"Baka magalit."

Umiling siya. "Babayaran ko ang uupuan niyang bag ko," wika niya kaya sinunod ko nalang.

Pero hindi ko inaasahan na magagalit ang lalaking katabi ko dahil sa ginawa kong paglagay ng bag sa pagitan namin.

"Ano ba naman 'to? Ang sikip na nga tapos pinapaupo pa ang bag!"

Nakita kong sinilip kami ng driver kaya nagsalita na si Code. "Hindi mo pa po binibigay sukli ko kaya ikaltas mo nalang sa sukli yung bag ko."

Tumango ang driver bago ilahad sa akin ang sukli binigay ko naman kay Code iyon. Ang akala ko matitigil na ang lalaki pero hindi iyon nangyari.

"Matanda na 'ko kaya mas kailangan ko ng maluwag na uupuan pero nilagay niyo pa ang letcheng bag na 'yan diyan!"

Nakita kong nag form into fist ang kamay ni Code kaya alam kong may hindi magandang mangyayari. Ngumiti si Code sakin at maangas na tinignan ang matanda.

"Ganon na nga eh, matanda kana pero nagawa mo paring bastosin itong kasama ko. Mukhang edad lang po ang tumanda sa'yo pero yang utak mo pang manyakis parin."

Mag sasalita pa sana ang matanda ng huminto ang jeep at hinila ako ni Code pababa, mabuti nalang nahila ko rin ang bag niya kaya hindi namin naiwan sa jeep.

Kagat ang labi akong tumingin kay Code na malalalim ang paghingang ginagawa. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin pero hindi ko naman ine-expect na hihilahin niya ko para yakapin.

"From now on you'll ride Jeep, Bus or Tricycle with me. Do you understand?"