Chapter 32: Tabloids
“Sir? Sabi ng taga-lobby ay paakyat na si Miss Kelly,” pagpaalam ni Rina kay Brayden isang hapon.
“Si Kelly?” Hindi niya inasahang darating ito sa opisina. Wala silang usapan sa araw na ito. Sa katunayan nga ay hindi na siya masyadong nagpapakita sa dalaga simula nang magkabalikan sila ni Gianna. Tipikal na guilty dahil sa panloloko kaya mas mabuti na rin sigurong nandito ito ngayon at tatapusin na niya ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Sa tingin niya ay ito na ang tamang oras na hinihinitay niya. Hindi na siya magpapakaduwag pa.
Kumibit si Rina at nagmamadaling lumabas ng opisina niya.
Ilang minuto lang ay pumasok na si Kelly at isinara ang pinto. Napansin niyang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Pagkatapos ay inihampas nito ang maraming tabloids na dala sa ibabaw ng kanyang desk. Nagsiliparan ang ibang papeles na nasa mesa niya.
Napatuon ang paningin niya sa mga inilatag nitong tabloids at puro iyon may pictures na magkasama sila ni Gianna—sweet, magka-holding hands, o kaya naman ay magkahalikan o magkayakap.
Pinakawalan niya ang isang mabigat na hininga. “I’m sorry, Kelly. I know it was wrong for not telling you. I swear, I was going to.”
“When and about what? About her? About what you’ve been doing with her?” sumbat nito. “Or is it just the fact that you’ve been cheating on me for more than a week now?”
Nagtatanong ang mga mata niya kung paano ito nagkaroon ng mga old and new issues ng tabloids na para bang ginawa yaong koleksyon.
“One of my colleagues at the hospital gave me these,” anitong hindi makatingin sa kanya. Tila nabasa nito ang nasa isipan niya. Pilit nitong kinokontrol ang sarili na huwag umiyak.
Wow lang. Parang ginawang project ang pangongolekta ng tabloids tungkol sa kanila Gianna. Hindi niya alam kung maging sarkastiko sa katrabaho nito o pasalamatan pa, eh. Parang pinadali niyon ang lahat para sa kanya sa mga oras na ito.
“Sabi niya, baka nagkamali lang siya noong una,” pagpatuloy ni Kelly. “Baka naman ay kamukha mo lang or something. Pero naging sure siya nang dumami ito.” Huminto ito nang saglit. Tinitigan siyang maigi. “I trusted you, Brayden, because I love you! Ano ba ang kulang sa ‘kin at ginawa mo ‘to sa ‘kin? Sa isang celebrity pa? It’ll damage your reputation! Not only yours but also your company’s reputation! Ikaw ang mukha nito. At paano na ang mga empleyado mo? Gusto mo bang mawalan sila ng respeto sa ‘yo o ano? What about your business partners? Hindi ka ba nag-iisip sa mga consequences nito?” Itinuro nito ang mga tabloids.
Bumakas ang matigas niyang ekspresyon sa mukha. Wala siyang pakialam sa mga ito. Ang importante lang sa kanya ay ang magiging masaya sa piling ni Gianna. Dahil mahal niya itong totoo.
Sure, he could have done something about it, not having all those pictures leaked. He could have paid those reporters. But then, he did not waste his time and money doing it. He was not ashamed of having a relationship with Gianna.
Mali man siya ay wala na siyang magagawa pa roon. Iyon na ang napagdesisyunan niya. Hindi siya perpektong nilalang. He could pick wrong choices in his life once in a while.
And maybe he just did. With Kelly.
Sana ay hindi siya atat na mag-move on kay Gianna. Sana hinayaan na lang niya ang panahon na lumipas. Kung wala sanang Kelly sa buhay niya ngayon at bumalik si Gianna, matiwasay sana ang lahat.
Ngunit hindi. Iyon ang problema.
“What’s going to happen to my personal and my company’s reputation is nothing to me, and it has nothing to do with you. Starting from now, Kelly.”
Napanganga ang babae at lumapit sa kanya ito at nagsusumamo ang mga mata. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi. Pinasalubong nito ang paningin niya sa paningin nitong hilam sa luha. Naaawa siya rito. Pero ano’ng magagawa niya? Ayaw na niya. Napagtanto niyang talo pa rin siya sa kanyang damdamin para kay Gianna babalik-baliktarin man ang mundo.
“Mahal kita, Brayden! Balewala sa ‘kin ang anumang eskandalong ito kung wala ka namang pakialam. Pero ang gusto ko lang mangyari ay ang itama ang lahat ng ito. Let’s just set the wedding date, okay? Ito naman ang matagal mo nang gusto, ‘di ba?”
Hindi siya tuminag. Nakasimangot lang siya sa babaeng umiiyak.
“Is this your way of trying to convince me para mapa-oo mo ako sa wedding date na palagi kong pinapa-delay? Is this just out of spite, babe? Come on, tell me!” pagmamakaawa ng babae. Sinusuyo siya nito, malinaw iyon. Iyon ang nababasa niya sa mga mata nito. At nakikita nga niya ang pagkadesperada nito.
How ironic. If Gianna was crying in her place, he would have done something to stop it. But with Kelly, he did not even have the urge to do so. He must be the jerkest person in the entire universe for feeling this way. And for doing nothing for her.
“I’m sorry, Kelly. I… I cheated on you. Let’s break up. I can’t marry you anymore when I know deep in my heart that I don’t love you,” mahinang sabi niya na may diin, hinawakan ang kamay nito upang ilayo mula sa kanya.
Siguro ang nakita nito sa tabloids ang magandang pangyayari at nagkaroon na siya ngayon ng clean break sa katipan na gusto niyang mangyari. Well, not really clean—but it was the easiest way for him to split up with her. Para bang tinulungan pa siya ng tadhana para tuluyan nang mapahiwalay sa doktora.
Umiling ang babae, nagprotesta, “No! Ayokong mag-break tayo, Brayden! We’re going to get through this. We’re going to get married soon! How about next month? It’s not necessarily a grand wedding just like what your mother and I had hoped before… Pero ang isang simpleng kasal next month ay ayos na para sa ‘kin! I swear, it’s okay. Ang importante lang naman sa ‘kin ay ang maikasal na tayo sa lalong madaling panahon! We’ll send out the invitations next week. I’m sure your mother will be thrilled by this!”