Chapter 19: Birthday Party
Napangiti nang mapait si Gianna. “Ako ang dapat na nasa lugar niya. You’ll see that soon enough.” Hinaplos ng dalaga ang pisngi ni Brayden.
Hinawakan niya ang kamay ni Gianna at saka binitiwan ito. Umatras siya upang panatilihin ang kanilang distansiya. Bumalik naman si Tyke.
“That was Alex. Sabi niya isama natin si Gianna,” pahayag nito.
Nakita niya ang matagumpay na ngiti ng dalaga. “Then, I’ll change!” excited na sabi nitong tumalikod na bago pa man siya makapagsalita. Alangan namang magpahabol na huwag na. Eh, kung marinig siya ng mga magulang nito? Ano na lang ang tingin ng mga ito sa kanya? A petty ex-boyfriend who still had feelings for Gianna?
Napabuga siya ng hangin. This whole thing just went wrong! He looked at his friend with frustration. Gusto niyang iwasan ang dalaga pero palagi na lang siyang napapalapit dito. Ano ba talaga? Pinahihirapan ba talaga siya ng tadhana o ano?
“Ano’ng magagawa ko? Request ng may birthday,” depensa ni Tyke sa sarili, kumibit at kumumpas sa ere.
Napailing siya. “Maybe I should just go home,” sabi niya sabay hakbang. Medyo mahirap sumakay sa bandang doon nina Gianna pero alam niyang makakasakay rin siya sa may estasyon ng bus kung maglalakad lang siya.
Humarang ang kaibigan. “Alam ni Alex na bumalik na si Gianna at gusto niya ring makita siya. Ano ba ang masama kung magkaroon tayo ng maliit na reunion? It’s just for tonight. Besides, wala kang dapat na ipag-aalala dahil wala naman si Kelly.”
He chuckled. “That’s the point, and that’s the problem! Wala si Kelly,” tugon niya.
Right. He could not trust himself when his soon-to-be-bride was not around, and Gianna was just a touch away. It would take a lot of effort for him to resist her. He thought he is doomed! Totally!
Kinuha ni Tyke ang baso ng juice at saka inubos na ito. Sumunod na rin siya. Kailangan niya ng tulong para lunukin ang lahat ng ito. At para lumuwag na rin ang dibdib niya. Ang bigat-bigat na kasi ng pakiramdam niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na ang dalaga. Suot nito ang isang simpleng pulang bulaklaking sundress. Wrap at pull-on style na may elastic waistband halterneck tie closure ang damit at meron itong bead and tassel fringe detail. Pinaresan nito ng pumps ang damit.
Napasimangot siya kahit na maganda naman at bagay ang mga ito sa babae.
“Bakit hindi ka na lang mag-flat shoes?” Baka kasi hindi pa masyadong maayos ang paa nitong natapilok at ma-strain na naman ito. Mahirap na.
Napasulyap ang dalaga kay Tyke na kumibit lang.
“Fine! Sabi mo, eh.” Ngumisi ito sa kanya.
Napatingin si Tyke sa kanya nang nakakaloko. Sinimangutan niya lang naman ito.
Bumalik ang babae sa itaas para magpalit ng flat shoes.
Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na sila sa mga magulang ng dalaga at ipinangako ni Tyke na ihahatid ito pauwi mamaya. Pero kilala na niya si Tyke. Malalasing ito mamaya at siya ang magiging driver nito. At ang ibig sabihin niyon ay siya rin ang maghahatid kay Gianna pauwi mamaya.
‘Well, this is just getting better and better,’ sarkastikong nasa isip niya.
Napakuyom siya ng mga palad at bahagyang nagtangis.
***
Naging magulo ang pagbatian nila nang dumating silang tatlo sa party ni Alex. Hinalikan si Gianna ni Alex sa pisngi.
“Hey, look at you! Radiant and beautiful as ever!” puri ni Alex na nakangiti at magiliw ang mga matang hinagod siya ng tingin.
“Thank you. And… this is for you.” Ang isa sa mga perfume na pasalubong ni Gianna kay Jin mula sa Paris ay ginawa niyang instant gift para kay Alex na inilagay niya sa isang maliit na skyblue paper bag para naman may bitbit siya sa party. Nakalimutan niya kasing birthday ito ng dating katrabaho at kaibigan. Isa pa, hindi naman niya inasahan na mangyayari ito dahil nga isa ito sa mga best friends ni Brayden. Hindi niya inasahang magkikita silang muli.
“Whoa! Nag-abala ka pa. Thanks!” anitong na-appreciate ang laman ng paper bag na bigay niya. Branded naman kasi.
“Of course!” sabi niya na maluwag ang ngiti.
Napatingin ang may mahabang buhok na photographer sa dalawang best buddies nito. Niyakap ang mga ito at hinalikan sa pisngi. Napatawa siya nang napabusangot nang sabay ang dalawa at nagpahid sa pisngi.
“You’re so gross, dude!” reklamo ni Tyke kay Alex na hindi naman pinansin ng birthday man.
“So, are you back together?” tanong ni Alex na kuryuso at excited rin. Pabaling-baling ito ng tingin sa kanila ni Brayden.
“We’re just… together,” saad niya nang pilya.
“We’re not,” salungat ni Brayden.
Napatawa si Alex. “You’re together! Right now. I’m happy!” nakianod si Alex sa daloy niya. Inignora nito ang protesta ni Brayden.
Inakbayan na siya ni Alex at ipinakilala sa iba pa nitong mga bisita sa industriya. Kahit paano ay naramdaman niyang proud si Alex na ipakilala siya sa mga kakilala nito bilang Pinay na sumikat sa Paris.
Pinaligiran siya agad ng mga ito at kinausap saka tinanong tungkol sa career niya roon. Wala siyang nagawa kundi ang magkuwento at sagutin ang katanungan ng mga ito. Parang ambush interview lang ang peg.
Lalayo na sana si Brayden nang hinawakan niya ito sa kamay. Pasimple siya nitong pinandilatan pero hindi siya bumitiw. Ayaw niyang maiwan sa gitna ng parang mga lobong ito. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena dahil mga bisita ito ni Alex. At ang birthday man ay abala sa ibang mga bisita samantalang si Tyke ay nagsimula nang uminom at may mga babaeng kausap.
“I heard you have a boyfriend,” sabi ng isang lalaki.
“Heto siya!” walang gatol na aniyang itinuro si Brayden na mahigpit pa rin niyang hinawakan sa kamay.
Bumilog ang mga mata nito. Bago pa niya malaman ang susunod nitong gagawin ay kinunan na sila ng picture na dalawa. Napakurap-kurap siya sa kabiglaan sa flash ng camera na dala ng nagtanong sa kanya. Noon niya napagtantong isa pala iyong reporter.
“Please don’t take pictures. He’s… shy!” sabi niya rito para hindi naman maka-offend. Pero sa isang panig ng isipan niya ay natutuwa siya. Sigurado siyang mapupunta ito sa tabloid kung hindi man sa magazine o newspaper. Sa pamamagitan niyon ay may tsansang makikita iyon ng fiancée ng binata. Tingnan niya lang kung ano ang magiging resulta nito.
Kinaladkad na siya agad ng binata pagkatapos mag-excuse sa parang gutom na mga lobong nakapaligid sa kanya.