Chapter 23
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Sa mga araw na lumipas ay marami akong natutunan bilang isang ina. May mga bagay na hindi ko ginawa dahil sa may anak na ako. Siguro kung buhay si Natalia ay magkasing-edad ang anak namin.
Noong mag kasama pa kami noon na kapag nagka anak kami ay ipagkakasundo namin ang mga anak namin. Nag laho ang pangako na iyon ngayong wala na ito.
Si Tyler naman ay naging balisa nitong umalis ito isang araw non. Ang paalam nito ay pupuntahan si Triana. Pumayag naman ako hindi naman ako nito asawa.
At kahit doon man lang ay makabawi man lang ako sa mga kasalanan ko sa kanila. Excited pa non na umalis si Tyler dahil makikita niya daw ang baby niya kay Triana.
Habang ako ay naiwan dito ay binabantayan si baby Ezekiel. Nagpapatulong naman ako minsan kay Manang kapag pagod talaga ako. Minsan kasi kapag kaya ko naman ay ako na ang gumagawa non.
Pinapainom ko ng gatas si Baby Ezekiel ng biglang dumating daw si Tyler. Ang mga ilang gamit ay binalibag nito. Dahil doon ay agad na pumasok si Arthuro, sinabi nito na huwag lumabas dahil puro bubog sa labas.
Kasama ko dito si Arthuro at baka daw dito naman mag wala ang lalaki. maingay ang labas kaya umiyak ang baby Ezekiel. Marahil ay nagulat ito sa mga ingay.
Habang ako ay nanginginig sa takot habang hawak si baby Ezekiel. Naalala ko kung paano nag wala noon si mom, ganon yun at napaka laki ng epekto sakin.
Tuwing nakakarinig ako ng malakas na tunog na hindi maganda sa pandinig ay natatakot na natataranta ako sa paligid ko. agad na lumapit sakin si Arthuro.
"Shss.. mam okay lang po ba kayo?" Concerned na tanong nito sakin.
"P-please stop him.." umiiyak na saad ko, halos sabay na kami ni baby na umiiyak sa ingay.
Lumabas si Arthuro at nagsigawan sa labas ang dalawa. pinapatigil ni Arthuro si Tyler, upang kumalma ito.
"Sir natatakot na po si mam, ang baby po grabi na po ang iyak, tama na po." Saad ni Arthuro kay Tyler.
Dahil doon ay saglit natauhan si Tyler sa sinabi ni Arthuro.
"I'm so stupid, tinakasan na ako ng mag ina ko." Umiiyak na saad ni Tyler. Tila nagsusumbong ito.
Lalo akong naiyak ng marinig ko ang sinabi ni Tyler, dahil Triana left him. And kasalanan ko iyon. Grabeng pag sisi ako mayroon ngayon.
Hinele ko ang baby upang tumigil na ito sa pag iyak. Mabuti nalang at tumigil din si baby sa pag iyak.
Lumabas ako ng silid kita ko ang mga nagkalat na basag. Ang itsura naman ni Tyler ay napaka gulo at sa tingin ko ay amoy alak pa ito.
"M-mag bihis kana Tyler.." saad ko dito.
Ngunit tinignan lang ako nito, sa mga tingin nito ay makikita na galit ito. I know may valid reason ito para magalit sakin.
"What happened ba?" Tanong ko kahit naman na alam ko ang totoo bakit nag kakaganto si Tyler.
" Triana left me kasama ang baby ko, Isang beses ko palang ito nahawakan at nahagkan man lang." Umiiyak na sagot nito sakin.
"Baka naman babalik pa yun, nag papalipas lang ng araw?"pag papagaan ko ng loob dito.
Umiling ang lalaki sakin. " Hindi, ang mga gamit na madalas dala nito ay wala na doon." Malungkot na saad nito.
Gusto ko man yakapin as a friend si Tyler, pero diko magawa dahil sa baka iba ang isipin nito.
"Di mo ako masisisi kung galit ako sayo Vanessa, Isa ka sa dahilan bakit nangyayari ito sakin." Paninisi nito sakin.
Tanging tango lang ang aking sinagot dito, totoo naman ang sinabi ni Tyler kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Pero di porke galit ako sayo ay damay ang anak ko, maging civil tayo. Sa ngayon ay kailangan ko mag focus kay Ezekiel, habang hinahanap ko pa ang mag-ina ko." Saad nito sakin.
Iniwan ko na ito upang mahimasmasan ito sa ginawa niya ngayon araw. Nag pasalamat pa ako kay Arthuro dahil naawat nito sa pag wawala si Tyler. Kundi baka hanggang ngayon ay umiiyak kami pareho ng baby ko.
Masiyadong maraming nangyari ngayon araw, although hindi maganda ay naniniwala ako na maayos din ito, Hindi man sa ngayon ay dadating din iyon.
Umaga ng marinig ko na tila halinghing ni Baby iyon, na kay Tyler pala ito, tinupad nito na mag focus muna sa ngayon Kay Ezekiel. Ang naiimagine ko sa kanila ay si Atlas at hawak ang baby Ezekiel ko.
Kung maayos kaya kami kasal na kaya kami ngayon? Masaya ba ang family namin. Wala akong bagong balita kay Atlas, dahil huling nalaman ko dito ay may bagong kasama nanaman ito.
Sinawalang bahala ko iyon dahil hindi na siya ang dapat ko isipin ngayon. Dahil una palang ay parang napilitan lamang ito sakin.
"Hi, good morning baby Ezekiel" saad ko dito. Kahit maliit pa ang baby ko ay natutuwa ako dahil sa malusog ito.
" Ang aga mo naman nagising, ako nalang sana ginising mo." Saad ko dito.
"It's okay, duty ko rin naman to, ayoko pa na mawala sakin pati si Baby Ezekiel." Saad nito habang naka ngiti kay baby. Napaka suwerte ng asawa mo Tyler sayo.
"Thank you, by the way kung di mo kami maabutan minsan sa bahay, ay baka nasa orphanage kami ni baby." Paalam ko dito, pumayag naman ito at sa katunayan ay dinagdagan pa nito ang allowance ko para daw sa mga bata din.
Simula ng malaman ni Tyler na sa magandang bagay ko ginagastos ang binibigay niya ay hindi na ito nagalit sakin. Mabait naman din sa mga bata si Tyler.
"Ang balak ko minsan kapag ! ay free time ako, pupunta ako dito. Based kasi sa schedule ko ay may mga meetings pala ako." Pag eexplain ni Tyler sakin.
Halatang pilit sa iba tinutuon ni Tyler ang atensiyon nito. Tama kailangan nito na makapag isip-isip muna sa ngayon. Lalo na madaming problema.
"Lagi mo bantayan si Baby Ezekiel kapag wala ako, madalas parin ako pupunta dito." Maikling saad ni Tyler sakin.
Nang makaalis ito ay humalik muna ito kay baby. Bago ito umalis ay may sinabi pa ito.
"Ang daya ng baby ko wala man lang nakuha sakin." Malambing na saad nito sa baby ko.
Agad ako tinubuan ng kaba na baka nag iisip na ito ng iba lalo na at habang lumipas ang araw at buwan ay lumalabas talaga ang pagiging Gilmore nito.
Kapag nakita ito ni Atlas ay hindi ko iyon maitatanggi sa kanya. Sa aking paglilinis ng kwarto ay tumunog ang bagong cellphone na gamit ko.
Dito ay nakakapag video call kami, natuwa pa si Ate na I'm pregnant. Noong nakita niya si baby Ezekiel ay nahulaan agad nito ang ama. Akala ko ay sasabihin niya kay Atlas.
Nangako naman ito na bilang kapatid ay rerespetuhin nito ang decisions ko. hindi ko naman daw ito gagawin if wala akong reason. Mapapatawad mo din kaya ako ate if malaman mo na may malaki akong kasalanan na ginawa?
"Hi, Vanessa nasan si baby Ezekiel? Nasan ang pogi kong pamangkin." Saad ni Ate mula sa video call.
Ang anak ko naman ay tila kilala anv tita, at natutuwa ito sa boses ng tita ganda niya. Nag pa tulong ako kay ate if may lead ba na bago sa kaso ni Natalia.
Ayon sa nalaman ni ate ay napatunayan na may sala ang asawa ni Natalia at. Kabit nito. Nahulog mula sa pinaka taas ng hagdan si Natalia dahil sa nag kaabutan ang kabit ng asawa ni Natalia.
Sobrang galit ng kaibigan ko ay nag away ang dalawa. Aktong nakita ni Natalia ang pangloloko ng Asawa niya. kaya naman ng awatin si Natalia ng asawa ay naitulak siya nito ng malakas.
Ulo ang unang tumama kaya nawalan ng malay si Natalia. Walang ginawa ang ang asawa nito at ang kabit, akala nila ay nawalan lang ito ng malay.
Malakas ang pag bagsak ng ulo ni Natalia, na naging sanhi ng pagkamatay nito. Sabi na tama ako sa kutob ko at may kinalaman ang asawa ni Natalia sa pangyayari
Ayon Kay ate ay nahuli na ang dalawang suspect. Sa wakas at nabigyan ng justice ang pagkawala ni Natalia. I hope na masaya na si Natalia at kasama ang baby nito.
Sa aming pag uusap ay may narinig ako na boses mula sa linya ni Ate.
"Magandang araw Eunice, may balita kana ba kay Vanessa?" Tanong nito kay Ate.
Mabuti nalang at naitago ni ate ang cellphone at Hindi siya nito narinig na kausap ako. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Wala pa akong nalalaman Atlas, pasensiya kana." Malungkot na sagot ni ate dito.
"Ganon ba, sino ang kausap mo, parang may kausap ka kanina?" Takang tanong ni Atlas kay Ate.
"A-ah.. wala mga kaibigan ko lang iyon." Palusot ni ate kay Atlas.
Mabuti at hindi na pumilit si Atlas na tignan ang call.
Baddie_Cutie8
_______