Special Chapter 2

Synclair Rousell Oribiada’s

I’m at the Sandbar Restaurant, located on the North end of Anna Maria Island. I was waiting for someone. Hapon na kaya malapit na ang pag lubog ng araw. Ang simoy ng hangin ay lumalamig na.

That someone picked this place. She said she wanted to witness the setting of the sun. Mahilig siya sa panonood ng paglubog ng araw, iyon ang maliit na detalyeng napansin ko sa kaniya sa tuwing magkasama kami.

Para na nga naming safe haven ang lugar na ito dahil ito ang palagian niyang pinipili. Masarap naman ang mga pagkain dito. Hindi rin maipagkakaila na maganda ang view kung saan ang mga buhangin ay nagkalat sa paligid kaya siguro ito ang naging paborito niyang lugar. Idinawit niya lamang ako.

My phone beeped. I receive a notification from Instagram. It was her.

@trizhiallacuna: Hi, sweetie. Find me.

Iyon ang laman ng mensahe niya sa akin. Napangiti ako na parang timang. Tumingala ako at hinanap ang kinaroroonan niya.

Not far from I was sitting, I saw her. Her long wavy waist-length black hair is dancing with the wind. She is a morena beauty. She has a brown eyes that you’ll only notice when you are closer to her. Medyo may kahabaan ang kaniyang pilikmata, matangos ang kaniyang ilong ngunit malaki ang butas nito pero hindi pa rin maipagkakailang maganda siya. Ano man ang kaniyang anggulo. Makapal ang kaniyang labi kapag naka poker face pero numinipis iyon kapag siya ay ngumingiti.

The first time I saw her is on my first day in Griendae University. She was the one who approached me. Kahit na hindi ko siya pinapansin noon ay patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin. Hanggang sa nasanay na rin ako sa presensiya niya.

Nang marating ko ang kinaroroonan niya’y nakasimangot na siya. So cute!

“Are you still thinking about her, Rous?” malungkot na wika nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Napaka selosa naman ng babaing ito. Inilapat ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. “Nambibintang ka. Hindi naman si Lou ang iniisip ko ah. Ikaw kaya ‘yon,” natatawang wika ko na tila walang pakialam sa pangalan na aking nabanggit.

Yes, I still care about Lou but not like before. Sumasagi pa siya sa isip ko pero unti-unti ko na siyang kinakalimutan. Unti-unti ko na siyang tinatanggal sa sistema ko.

I saw her blush. Mas lalo siyang gumaganda kapag nangangamatis ang mukha niya.

“Tse, wag ka nga. Tara na roon sa puwesto mo kanina. Malapit na ang paglubog ng araw, Rous.” She clasped our hands. At hinila na niya ako patungo sa kinauupuan ko kanina.

I can see happiness and contentment in her eyes. I smile again.

I don’t know why I feel this way. It was like before when I am with Lou. But this time, it was way more different. Being with her, I don’t need to hide my emotions.

She don’t judge me easily and she understands me fully.

I don’t see myself being whole again if not for her. She made me complete again.

She’s not my rebound, I was sure of that. Because being with her is home.

“Sweetie, mom and dad is planning to visit the Philippines this coming Christmas and they want me to come with them,” imporma ko sa kaniya.

We are now borh seated and the waiter was serving us the food I ordered earlier before she arrived.

“You’ll going to see her but I don’t care ‘cause I’m sure you’re too inlove with me that you’re afraid to lose me, right?”

I can see sadness in her eyes and at the same time hope.

I smile at her and took her hand. Masuyo kong hinalikan ang malambot niyang kamay.

“We’ve been together for two years, now, Iya. I admit, there’s still a little love that I felt for Lou but you are my everything, now…”

I stop for a second and started talking again. “She maybe my first love but you are my great love, Iya. And I’m so sure about that so please don’t be jealous, okay?”

She nods her head two times and smile at me. Tumayo ako sa kinauuupuan ko at lumapit sa kinaroroonan niya, niyakap ko siya. I kissed her head. “Malalagpasan natin lahat ng hamon sa relasyong ito, sweetie basta kumapit ka lang ha. Sabay nating abutin ang mga pangarap natin na magkasama. Sabay nating ayusin ang buhay natin na magkasama. Mahal kita, Trizhia Llacuna. Nawa’y paniwalaan mo ako.”

“I will believe in your words, Rous. Don’t hurt me, ha,” she softly said.

I hug her tight. I swear that this time, I won’t fucked up.

Thank you, Lou for the memories. Hindi man ikaw ang itinadhana sa akin ay masaya pa rin ako dahil nakilala ko siya. Si Trizhia. Ang babaeng alam kong itinadhana na sa akin. Nawa’y masaya ka para sa akin, Lou. Mahal pa rin kita pero hindi na kasing tibay ng pagmamahal ko sa’yo noon dahil may bago nang nagmamay-ari ng puso ko.

Sa susunod na buhay na lamang ako aasa para sa ating dalawa. Hanggang sa muli, mhako.

Trizhia Freizenne Llacuna’s

“Hi, I am Trizhia Freizenne Llacuna,” pagpapakilala ko sa aking sarili sa lalaking sa tingin ko’y bagong lipat sa Griendae University.

He looks mess. Magulo ang medyo may kahabaan na niyang buhok na para bang hindi manlang pinadaanan ng suklay. Pero kahit ganun ay ang gwapo pa rin niya.

Tumingin siya sa akin pero hindi ata iyon inabot ng minuto at hindi manlang niya inabot ang aking kamay.

Hmp! Napakasuplado naman ng lalaking ito pero kahit ganoon ay hindi ako tumigil. Sinundan ko siya kahit saan man siya magpunta. Kinulit kulit ko siya hanggang sa isang araw ay nagsalita na rin.

Sa wakas, napagsalita ko na rin ang supladong lalaki.

“Why are you so annoying, woman? Lahat na lang ba ng puntahan ko sa lahat ng sulok ng university na ito ay susundan mo ako?” pa galit na tanong. Tila ba anumang oras ay magkakaroon ng delubyo dahil sa ayos ng mukha niya.

“I just want to be your friend, Rous,” malumanay at nakangiti kong sambit. I saw how his eyes widened for a minute pero muli iyong bumalik sa pagkaka-irita.

“Don’t call me, Rous. You’re not my parents and we’re not even close, woman.” Kasing lamig ng yelong sambit niya.

Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinigit ang braso ko kaya naging sobrang lapit namin sa isa’t isa. Sing bilis ng takbo ng isang kabayo ang pagtibok ng puso ko.

Naaamoy ko na nga ang kaniyang hininga. Tila ba nanliliit ako kahit na medyo may katangkaran naman ako. I was 5 feet and 6 inches tall.

“I was joking. Andali mo namang umayaw, agad, woman.” Mahinang sambit niya. Tila hinehele ako ng kaniyang boses.

Pero agad ko iyong iwinaglit at buong lakas na kumalas sa pwesto namin. “Woman ka nang woman. I am Trizhia Freizenne Llacuna hindi woman ang pangalan ko,” masungit na sabi ko. Na siyang paghalagpak niya ng tawa.

That was the first time, I saw him laughing. Lagi kasing seryoso ang mukha niya. Na tila ba pinagsakluban ng langit at lupa.

“I know, Iya. Binibiro lang kita. So, ano? Friends with benefits?” tumatawang wika niya’t inilahad sa aking harapan ang kaniyang kanang kamay.

“Ano? Anong friends with benefits ka d’yan? Naka singhot ka, ata pero hindi ko tatanggihan ang alok mong pagkakaibigan. So, friends na tayo.”

Simula nga sa araw na iyon, naging magkaibigan kami. We become close friends, to the point that he started sharing about his lovelife. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya.

It was his decision making that made them break apart.

Aaminin kong una ko palang siyang makita ay nagustuhan ko na siya kaya masakit para sa aking malaman na may mahal pala siyang iba. Pero bakit nga ba ako nag-eemote, eh kaibigan lang naman ako para sa kaniya.

“Iya, will you be my girlfriend?” out of nowhere na tanong niya. Nasa Sandbar Restaurant kami at nakatingin sa papalubog na araw. Isang taon na kaming magkakilala at nasa unang taon na ng kolehiyo.

I was shock at the moment. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Siya naman ay matamang nakatingin sa akin. “Iya?”

“Huh? What did you say? Pwede mo bang ulitin?”

Humugot muna siya ng malalim na butong hininga bago nagsalita. “I want to forget her already, Iya at alam kong ikaw ang makakatulong sa akin.”

Bigla akong nalungkot.

Ibig bang sabihin niyon ay gagawin niya akong rebound?

Pero, I want to take the risk. Gusto ko siya. Mas lalo pa iyong lumalim noong unti-unti ko na siyang nakikilala. Ano naman ngayon kung masaktan ako, hindi ba?

Ang importante ay sinubukan ko. Iyon naman ang mahalaga kapag nagmamahal, hindi ba? Nag te-take ng risk?

“Oo, pumapayag akong maging girlfriend mo,” buong tapang kong sinabi.

With a wide smile, he come near me and hug me. “Salamat, Iya.”

Bahala na kung masasaktan ako sa huli. Ang importante mararanasan kong maging nobya ng isang Synclair Rousell Oribiada.

Pero akala ko masasaktan ako, akala ko magiging rebound niya ako. Pero nagkamali ako. It was our second anniversary. We’re already in our third year. Nang inamin niya sa akin ang lahat.

“Iya, maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayong ayaw na kitang mawala sa buhay ko?”

Katatapos lang ng klase ko noon. Mas nauna siya sa akin ng isang oras sa tagpuan namin sa eskwela dahil magkaiba ang schedule namin sa araw na iyon. Sa may ilalim ng puno, sa may hardin. Iyon ang naging munti naming tagpuan.

“Sus, if I know si Lou pa rin ang mahal mo,” biro ko sa kaniya. Pero tinawanan niya lang iyon.

“Oo, mahal ko pa si Lou, Iya pero…”

Biglang nanikip ang dibdib ko. Ano iyon? Ayaw niya akong mawala pero si Lou pa rin ang mahal niya?

Hinawakan niya ang parehong kamay ko. Itinapat niya ang kanang kamay ko sa kaniyang puso. “Ikaw na ang dahilan ng pagtibok ng puso ko, Iya. Ikaw na ang nagiging mundo ko at natatakot akong baka maging katulad din sa nangyari sa amin ni Lou ang maging kahihinatnan natin ngayon,” puno ng takot na sambit niya.

Kitang kita ko rin ang pag patak ng munting luha sa kaniyang pisngi. Agad ko iyong pinunasan at niyakap siya.

“Mahal na kita, Iya at natatakot akong mawala ka sa akin. Ayoko na ulit maulit ang nangyari noon kaya gagawin ko ang lahat upang hindi ka mawala sa akin, Iya. Tandaan mo iyan ha.”

Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang isinasambit ni Synclair sa akin. Tumango ako’t mas lalo siyang niyakap ng mahigit. Nawa’y sa pamamagitan ng yakap ko ay maramdaman niya ang pagmamahal ko.

Hindi ka na muling masasaktan, Rous. Sisiguraduhin ko iyan dahil sa buhay na ito ay ako ang nakalaan para lamang sa’yo.

“Mahal din kita, Rous. Mahal na mahal.”

In this lifetime, I’ll make sure that Rous and I will be the end game. Hindi ako sigurado sa ano mang pwedeng mangyari sa hinaharap pero hindi ko hahayaang mawala sa akin si Synclair.

Sa akin na siya kaya hinding hindi ko siya bibitawan. Mapapagod man ako sa relasyon naming dalawa pero hinding hindi ko siya susukuan.

End of Special Chapter 2