Chapter 30
Light magic spell.
Sa kahit anong sitwasyon, ito ang tanging pangontra sa ganitong klaseng kapangyarihan. To defeat dark magic spells, someone with the knowledge and ability to control the light should deal with it. And in my case, isang beses ko pa lang nagagawang gamitin ito at hindi ako sigurado kung sa pagkakataong ito ay maililigtas pa ako ng kapangyarihang ito.
I just hope for the best. Dahil kung hindi, kagaya nang tinuran ni Georgina Wilhelm sa akin kanina, dito sa ilusyong ginawa niya, dito ako mamamatay at wala ni isa sa mga Montealegre ang makakaalam nito.
"I will not die here. Not in this wicked empire." Unti-unting nagliwanag ang kamay ko at basta ko na lamang itong ikinumpas sa kung saan. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa marinig ko ang pagtawa ni Georgina sa madilim na paligid. She kept on saying that I'm just wasting my energy. That I'm just wasting my magic power but no, I won’t stop just because she told me to do so. I need to do something here. Hindi ako dapat tumigil kahit na ilang ulit pa nitong ipamukha sa akin na dito ako mamamatay!
I refuse to accept and believe that!
I am Maddison Montealegre. And I will fight. I will use all the magic I have in my body to survive.
"Die, Montealegre! Die!"
I screamed when I felt a sting feeling on my stomach. Mas lalong lumakas ang presensya ni Georgina sa paligid at noong mas lumala ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko ay mariin kong ipinikit ang mga mata. Hinawakan ko ang parte ng tiyan ko kung saan ko nararamdaman ang matinding sakit at natigilan na lamang noong maramdaman ang nakatarak na espada roon.
Damn! She got me!
"I told you. You're going to die in here."
Mabilis kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang nakangising si Georgina Wilhelm. Nasa harapan ko ito ngayon at hawak-hawak ang espadang nakatarak sa tiyan ko. Wala na rin ang illusion magic nito kaya bumalik na rin sa normal ang itsura ng silid. Mayamaya lang ay hinukot nito ang pagkakatarak ng espada at mabilis na inilapat ang patalim nito sa leeg ko.
"If our family can't have you and your good for nothing empire, then, we'll eliminate you, the heiress of Montealegre. At kapag tapos na kami sa'yo, isusunod namin ang pinakamamahal mong imperyo."
Masama ko lang tiningnan si Georgina habang pinipigilan ng isang kamay ko ang pag-agos ng dugo sa sugat ko. Palihim kong ginagamit ang healing magic ko ngunit tila wala itong epekto sa katawan ko. My body is rejecting all the healing spells I'm casting on it! Damn!
"And once we're done with the Montealegre, isusunod namin ang Salvatierra Empire at ang taga-pagmana nito. At kapag mawala na kayong dalawa, madali nang mapapabagsak namin ang Archmage ng Agartha. Without a single heir, an empire will fall. Iyon ang mangyayari sa mga imperyo ninyo."
"You can't... kill the both of us," nahihirapang sambit ko at nag-cast ng ice magic para pansamantalang pigilan ang pagdurugo ng sugat ko. "Kung m-mahina ako para sa'yo, h-huwag mong ikumpara ang kakayahan ni Val Isaac sa isang katulad ko. H-he's way too powerful for you, Georgina. H-He even defeated your brother. Val Isaac killed him,” mariing sambit ko habang hindi inaalis ang matalim na titig sa kanya.
"He what?" Tila natigilan ito sa narinig mula sa akin.
"Ikaw na lang ang natitirang tagapagmana ng imperyo ninyo kaya naman ay mag-iingat ka." Ngumisi ako sa kanya. "An empire will fall without an heir,” inulit ko ang tinuran nito sa akin kanina at hinawakan ang patalim na nakalapat sa leeg ko. Namataan ko ang masamang titig nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya at mas pinaigi ang paghawak sa patalim ng sandata nito. "You can kill me anytime you want, Georgina, but I guarantee you that the Wilhelm Empire will fall alongside with me."
"Bitch!" sigaw ni Georgina at mabilis na hinila ang espada palayo sa akin. Napamura ako sa isipan noong nasugatan ako dahil sa ginawa niya. Galit na kumilos si Georgina at ikinumpas ang hawak na espada. Ngunit bago pa man tuluyang masugatan niya akong muli, biglang umilaw ang sahig na kinatatayuan naming dalawa. Natigilan si Georgina at takang napatingin sa sahig na kinatatayuan nito. "What is this?" tila naguguluhang tanong niya habang nakatingin pa rin sa lumiliwanag na mga linya sa sahig.
"M-magic Circle. Absolute cancel," nanghihinang sambit ko at mabilis na napaluhod. Damn! Nanlalabo na ang paningin ko. I already lost too much blood! Idagdag mo pa ang pag-cast ko ng spell na ito! I think I can't even move a single muscle now! Wala na akong sapat na lakas sa katawan!
"Are you insane?" sigaw muli ni Georgina at mabilis na itinutok sa aking muli ang dulo ng espada niya. "Cancel this magic circle, Montealegre!" mariing utos nito sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang inilingan ito. "I can't do that," mahinang sambit ko at mas lalong pinalakas ang magic circle na ginawa ko kanina. Siguro nga'y naaliw si Georgina sa ginagawa niya sa akin sa illusion magic nito kanina. Ni hindi niya napansin na sa bawat paghampas ko kanina ng mga kamay ko ay gumagawa na ako ng magic circle sa silid na ito.
"You're going to kill us both, Montealegre!" bulalas ni Georgina.
"That's my plan." I said without even blinking.
No one can cancel a magic circle except its caster. Kahit isa kang high rank wizard kagaya ni Georgina Wilhelm, wala itong kakayahang kanselahin ang isang magic circle na gawa ng ibang wizard. Tanging ako lamang ang may kakayahang ipagsawalang-bisa ito. At kung papatayin niya ako ngayon, ang buhay naman niya ang manganganib. No one can escape from this spell. No one.
"Cancel it, Montealegre!" sigaw muli ni Georgina at malakas na napamura noong bigla itong napaluhod. Nabitawan na niya ang hawak na espada at mabilis na napahawak sa kanyang dibdib. "M-mamamatay tayong dalawa sa ginagawa mo, M-Montealegre."
"I'll do everything to save my empire," sambit ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Mas lalong nanlalabo ang paningin ko. Epekto na ito marahil ng magic circle na ginawa ko. Slowly, all the magic inside my body is drifting away.
That's the main purpose of this magic circle. To cancel all the magics, and when the magics inside our body are gone, a wizard like us will eventually die. We can't live in this world without owning a single magic.
"You're i-insane, Montealegre," nanghihinang sambit ni Georgina. "S-stop this. N-now."
"Even if you kill me right now, the magic circle will still cancel all your magic, Georgina. Just... just give up already. Hindi ko kakanselahin ito," mahinang wika ko at napaubo na lamang. Marahan kong inangat ang kamay at hinawakan ang bibig ko. I can now taste my own blood. My body is now reacting with the magic circle I created.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at noong maramdaman ko na naman ang maiinit na pakiramdam sa may dibdib ko, natigilan ako. Mas lalong lumakas ang init dito kasabay ng lalong pagliwanag ng mga linya sa magic circle na ginawa ko.
My magic!
"M-Montealegre..." Napabaling ako kay Georgina at natigilan na lamang noong mamataan itong halos hindi na gumagalaw sa puwesto nito. Nakahandusay na ito ngayon sa sahig at unti-unting nawawalan ng kulay ang balat niya. Even the color of her hair is starting to fade off. slowly, her hair is now turning to white. "N-No..."
Iyon ang huling narinig ko mula kay Georgina at tuluyan nang nawala ang kapangyarihan nito. Naging kulay puti na ang buhok nito at noong wala na akong maramdaman na kahit ano mula sa katawan niya ay mabilis kong inilapat ang dalawang kamay sa sahig. Agad kong dinispell ang magic circle na ginawa ko at noong balingan ko ang mga linya sa sahig, unti-unting nawawala na ang mga marka dito.
Umabot ng ilang minuto ang pagwalang-bisa ko sa magic circle at noong tuluyang nawala na ito, mabilis akong napaupo at hinawakan muli ang sugat sa may tiyan ko. Mayamaya lang ay walang emosyon kong tiningnan ang katawan ni Georgina at napabuntonghininga na lamang.
Kung hindi dahil sa pagkawala ng seal sa kapangyarihan ko ay natitiyak kong matutulad ako sa kinahinatnan ni Georgina. Kung nanatiling lihim sa akin ang kapangyarihang taglay ko, dalawang bangkay na marahil ang makikita nila sa silid na ito. Mabuti na lang talaga ay wala nang pumipigil sa kapangyarihan ko ngayon. Na kahit naubos na ng magic circle ang kapangyarahin ni Georgina Wilhelm, kahit papaano ay may natira pa sa akin.
Ang tanong... anong kapangyarihan na lamang ang kaya kong gamitin? Ano na lamang ang kaya kong gawin? Napailing na lamang ako at wala sa sarili akong napahawak sa ulo ko. At noong mahawakan ko ang buhok ko ay mabilis akong natigilan. Napakurap ako.
"What the..." Hindi ko na natapos ang dapat sasabihin noong mamataan ko ang pagbabago ng kulay ng buhok ko. I can see white strands pero hindi ito kagaya sa nangyari kay Georgina! Oh my God!
"Lady Maddie!" Natigilan ako noong marinig ang pagtawag ni Sora sa akin. Dahan-dahan akong bumaling dito at noong magtagpo ang paningin naming dalawa, gulat at pag-alala ang bumungad sa akin. "What have you done, Lady Maddie? Anong magic spell ang ginamit mo?" natatarantang tanong nito sa akin at mabilis na nilapitan ako.
"I just…" Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko rito noong isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Is that my voice? No way!
"Lady Maddie-"
"Anong nakikita mo sa akin, Sora?" Tila ibang katauhan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko boses ang lumabas sa bibig ko! Sa taranta ko ay napakilos ako at kinalimutan ang sugat na natamo ko kanina. I grunt when I felt the pain. Napahawak muli ako sa tiyan ko at noong tiningnan ko ang sugat ko ay natigilan akong muli. "What the hell?" bulalas ko noong mamataan ang kamay ko. Inangat ko ito at ipinantay sa mukha ko. "This can't be happening."
"You used a special magic circle, Lady Maddie. And... and that's the side effect of using that magic," marahang wika ni Sora at hinawakan ang kamay ko. "You aged, Lady Maddie. And with that body, you'll be in great danger."