Chapter 24
Ipinikit ko ang mga mata at tahimik na dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Tahimik na ngayon ang buong Montealegre Empire. Kani-kanina lang ay abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na labanan namin laban sa Wilhelm Empire. Maging ang mga elder ng pamilya ay naghanda na rin at sila ang maiiwan dito para protektahan ang buong imperyo.
Muli ako napabuntonghininga at natigilan na lamang sa mga iniisip noong marinig ang mahinang pagtawag sa akin ni mommy. Bumaling ako sa gawi nito at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo.
"Mommy," bati ko sa kanya at tipid na ngumiti rito. Gumanti ito nang ngiti sa akin at nilapitan ako.
"Malalim na ang gabi, Maddison. Bakit nandito ka pa?" tanong niya at tiningnan ang kabuuan ng hardin namin. "Bakit wala kang taga-bantay na kasama ngayon?" nag-aalalang tanong pa nito sa akin na siyang ikinailing ko na lamang. Mayamaya lang ay wala sa sariling akong napabaling sa puwesto kanina ng taga-bantay ko. Tipid akong ngumiti kay mommy at umayos na lamang nang pagkakaupo.
"Pinagpahinga ko na po sila, mommy," imporma ko sa ina.
"Hindi ba dapat magpahinga ka na rin?" mahinang tanong nito sa akin at naupo na rin sa tabi ko. Segundo lang din ay hinawakan nito ang kamay ko. "You need to rest, Maddie."
"Hindi ako makakatulog sa sitwasyong mayroon tayo ngayon," marahang sambit ko at pinagmasdan ang mga bituing nasa kalangitan. "I never imagine that we're going to a war against another empire. Montealegre Empire never broke any rules of Agartha. Nakakalungkot lang isipin na kailangan nating lumaban. To protect our family, we need to fight and defend our family."
"Maddie-"
"Is it really because of me?" Napakagat ako ng pang-ibabang labi at pilit na kinakalma ang sarili. Kung ako talaga ang puno't-dulo nang kaguluhang ito, hindi maaring manatili na lamang ako sa isang tabi. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung masira ang imperyo namin dahil lamang sa akin!
"You're the heart of our empire, darling. The future of Montealegre Empire. Natural lang na naisin nilang makuha ka. You're too precious and powerful, Maddie. Maging ang Archmage ng Agartha ay kinikilala ang kakayahang mayroon ka."
"Kaya ba ganoon na lamang ang paghihigpit ninyo sa akin noon?" tanong kong muli sa ina at binalingan ito. Kita kong tumango si mommy at napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. "Kung alam ko lang, sana'y naging mas maingat ako noon. Sana'y mas pinag-igihan ko pa ang pag-eensayo ko para hindi na ako nag-aalala ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga susunod na mangyayari sa pamilya natin. Sa tingin ko ay kulang pa ang panahong ginugol ko sa Salvatierra Empire para palakasin ang kapangyarihang taglay ko ngayon."
"Maddie, listen to me. You did great before. Your trainings, your hardships, you did great. All of them. Alam namin ng dady mo na ginawa mo ang lahat para maging karapat-dapat ka sa posisyong ipapasa sa'yo. No need to regret about that. You did well, darling."
Napatango na lamang ako sa tinuran ng ina at wala sa sariling inalala ang naging pag-eensayo ko sa Salvatierra Empire. Sa loob ng isang buwan, alam kong lumakas ang kapangyarihang taglay ko. Na sa loob ng ilang araw na pag-eensayo, nailabas ko ang potensyal na mayroon ako. At alam kong kahit papaano ay kaya ko nang lumaban. Kaya ko nang makipagsabayan sa mga high rank wizard ng imperyo namin at kung magsisimula na ang totoong laban namin sa Wilhelm Empire, titiyakin kong gagawin ko ang lahat para manalo kami sa laban na ito.
"I'll protect this empire," matamang sambit na siyang ikinangiti ni mommy. "I'll protect our family."
"I believe in you, Maddison. You're the best Montealegre we ever have. I know you already know this. Your gift," aniya na siyang ikinatigil ko sa puwesto. Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at takang tiningnan ang ina.
"A gift? What gift, mom?" naguguluhang tanong ko na siyang ikinatigil na rin ni mommy. Mayamaya lang ay napabuntonghininga ito at inilapat ang kanang kamay nito sa may dibdib ko. Kusang umawang ang labi ko noong biglang lumiwanag ang ibabaw ng dibdib, iyong parte kung saan itinapat ni mommy ang kamay niya. "What is this?" manghang tanong ko habang nakatingin sa kamay nitong nasa dibdib ko pa rin.
"Your gift, Maddison,” ulit na turan nito.
"What kind of gift is this, mom?" naguguluhang tanong ko pa rin habang hindi inalis ang paningin sa may dibdib ko.
"It was a gift from the different members of our alliance, Maddison. They gave this to you when you turned a month-old baby," paliwanag ni mommy at mas inilapat pa ang kamay sa dibdib ko. Naging mas malakas ang liwanag sa dibdib ko dahil sa ginawa nito. "The moment they met you, the heir of the Montealegre Empire, they knew you were special. That's why they gave this gift. Your protection, your ultimate power that can save the whole Kingdom of Agartha."
"What?" halos bulong na tanong ko sa ina. "Bakit naman nila ako bibigyan nang ganito regalo? Ito ba ang dahilan kung bakit ako nais makuha ng mga Wilhelm?"
"Maybe yes… maybe no, Maddison. You see, Catana, she's a powerful Agarthian, but she's madly in love with Friedrich Wilhelm. The elders, specifically your grandparents, doesn't want a Wilhelm in the family, and Catana, being a responsible Montealegre, she left Friedrich and do whatever the elders and her parents wanted her to do. We thought she was fine. I thought she was okay with everything but not until you were born, Maddison." Inalis ni mommy ang kamay sa dibdib ko at tumingin sa kalangitan. "Nakita ko kung paano nagbabago ang ekspresyon ni Catana tuwing tinitingnan ka niya. She was too excited to see you, to hold you. She even considered you as her own daughter."
My mother was right. Totoo ngang mabait sa akin si Aunt Catana. I remember how she protected me from my father several times. Palagi niya akong prinoprotektahan kaya naman ay mas naging kampante pa akong suwayin ang mga utos ng aking ama noon. Sobrang naging malapit ang loob ko sa kanya kaya hindi ko lubos matanggap ang ginawa nito para sa pag-ibig niyang nabigo dahil sa kagustuhan ng pamilya namin.
My poor Aunt Catana. She suffered too!
"I knew that there was something wrong with her when we found out her secret meetings with Friedrich." Mommy sighed. Napapikit ako. "Kung kinausap ko lamang ito noon. Kung sinunod ko lamang ang kagustuhang matulungan ito sa problema niya, sana ay hindi na hahantong sa ganito ang lahat."
"Mommy," sambit ko at binalingan ito.
"Sana ay hindi na lang namin tinanggap ang regalong binigay nila sa'yo." Muli itong bumuntonghininga. "Being a Montealegre was already too much for you and now, you're going to fight. Gustuhin ko mang manatili ka sa loob ng imperyo natin ay alam kong imposibleng mangyari iyon. I know you, Maddison. You're my daughter. Alam kong gagawin mo ang lahat para maprotektahan ang pamilyang ito."
Marahan akong tumango sa aking ina at hinawakan ang kamay nito. Ngumiti sa akin si mommy at marahan akong hinila papalapit sa kanya. She hugged me while whispering how proud she is to have me. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at gumanti na rin nang mahigpit na yakap sa ina.
Akmang hihiwalay na sana ako sa yakapan namin ni mommy noong bigla akong natigilan. Naging alerto ako sa paligid noong makaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan at mabilis na nag-summon ng isang force field na siyang promotekta sa amin ng aking ina mula sa sunod-sunod na pag-atake mula sa kung saan! Damn it!
An attack from our enemy! Shit! They’re here! Napakuyom na lamang ako ng mga kamao noong mamataan ang iba’t-ibang uri ng sandantang ginagamit para atakihin kami ng aking ina ngayon.
"Maddison!" sigaw ni mommy at mabilis na tumayo. Tumayo na rin ako at tiningnan ang pagsabog sa labas ng barrier na ginawa ko. Hindi lang basta-bastang mga sandata ang mga ito! It explodes everytime they reached my barrier!
Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong makitang unti-unting nadidisolve ang barrier na ginawa ko. What the hell? "A magic canceller," mahinang bulalas ko at napamura na lamang sa isipan noong mapagtanto kung sino ang may ganitong ability sa pamilya namin. No! Please, no!
"Catana!" tawag ni mommy sa kapatid ng aking ama at mabilis na hinila ako papalapit sa kanya noong tuluyan nang nawala ang barrier na ginawa ko kanina. "Maddison!" sigaw muli ni mommy at mabilis na ikinumpas ang kamay nito. Napatingin sa gawing kanan namin at namangha na lamang noong makita ang pagyeyelo na roon. "I'll buy you some time, Maddison. Go and leave. Ako na ang bahala rito."
"What?" Hindi makapaniwalang bumaling ako kay mommy. Seryoso ito ngayon at panay ang pagdepensa nito sa mga patalim na pinapaulan sa amin ngayon. Ikinumpas ko na rin ang kamay ko at dumepensa na rin kagaya nang ginagawa niya. "No, mommy! Hindi kita iiwan dito!" Mabilis akong tumalon mula sa kinatatayuan ko at masamang tiningnan ang direksiyon ko saan nanggaling ang isang espadang muntik nang tumama sa akin. Isang bulto ng tao ang namataan ko kaya namn ay mabilis akong gumawa nang atake laban sa kanya. "Die,” seryosong turan ko at biglang kumidlat nang malakas at pinatamaan ang Agarthian na umatake sa akin kanina.
"Damn!"
Mabilis akong natigilan at napabaling sa gawi ng aking ina. Agad akong tumakbo papalapit sa gawi niya noong makitang nakaluhod na ito ngayon at hawak-hawak ang kanang braso nito. Natamaan ito ng isang sandata at ngayon ay puno na ng dugo ang braso niya! Shit!
"Mom!" sigaw ko at mas binilisan ang paglapit sa puwesto niya. Ngunit ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa ina ay bigla akong hindi makakilos. Napaawang ang labi ko at napakurap na lamang. Pilit kong inihahakbang ang mga paa ko ngunit tila’y napako na ako sa kinatatayuan ko. Napakurap muli ako at pinakiradamang mabuti ang nangyayari sa paligid.
"I c-can't move," mahinang turan ko at tiningnan ang nanghihinang ina. Binalingan ko ang sugat nito at noong nakaamoy ako nang kakaiba mula roon ay napamura na lamang ako sa isipan.
That's a poison! Shit! I need to move! I need to remove the poison and heal her wound!
"Mom!"
"Stay still, Maddie." Natigilan ako at mabilis na napatingin sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ni Aunt Catana. Wearing her beautiful black dress, she walked towards my direction. Seryoso itong nakatingin kay mommy at noong nasa harapan ko na ito, bumaling siya sa akin at nginitian ako. "Let's go, Maddie. Let's go home."
"Aunt Catana, this is our home." matamang sambit ko na siyang ikinailing nito sa akin.
"No, Maddie. We don't belong here,” aniya at hinaplos ang kanang pisngi ko. Ngumiti muli ito sa akin at hinipan ang mga mata ko. "Sleep for a while, my beloved Maddie. Ako na ang bahala sa’yo."
Napakurap ako nang isang beses at unti-unting nanlabo ang paningin. Damn it!
"N-no. M-mommy-"
"I'm here, Maddie. I'm here," huling rinig ko mula kay Aunt Catana bago ako mawalan nang malay.