Chapter 52: Epilogue

** Nina Chiara's Pov **

"Mommy ... Mommy" masaya ko lang pinagmasdan ang batang babae na masayang naglalaro dito sa may playground. Marami syang kalaro pero kitang kita mo parin sa kanyang mga mata na gustong gusto nyang isali sa paglalaro ang kanyang ina.

"Baby, don't mind me. Mommy's will just stay here" nakangiting sabi ng ina ng bata sa kanyang anak dahilan para lumawak ang ngiti sa labi ng kanyang anak at tumalon ito at niyakap sya ng mahigpit.

"I love you Mommy ..." napangiti ako ng sinabi 'yon ng bata sa kanyang Ina. Niyakap naman ng kanyang ina sya at hinalikan sa sandali sa pisngit nito.

Wala sa sariling napapangiti ako sa pinapanuod kong eksena habang nandito ako sa park. Nakaupo lang ako dito sa bench na di man kalayaun sa kanila habang may hinihintay. Napaisip ako, kung hindi siguro ako nakipaghiwalay kay Ethan 2 years ago ay sana ay mag-asawa na kami at maaaring may anak na rin kami.

Sarkastic lang akong natawa on that thought. Sa dalawang taong lumipas ay parang hindi man lang nabasahan ang sakit ng nakaraan bagkus ay mas lalo pa itong lumala dahil sa pagkamiss at pananabik kong muli syang makita muli. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong umuwi ng pilipinas at makipagbalikan sa kanya dahil maaaring pag ginawa ko ang bagay na 'yon ay lalo lang akong masaktan dahil maaaring kasal na si Ethan at Charisse at maaaring may anak na sila.

Ayokong makakita ng ganung eksena kaya nanatili na lang ako dito sa may singapore at nagpatayo na lang dito ng extension ng Cafe namin ni Ate Charen dito. Nung mga unang buwan ko dito ay wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko, mali ang ginawa kong desisyon na iwan ang lalaking mahal na mahal ko na dapat sana ay ipinaglaban ko sya against all odds pero anong magagawa ko? Mismong mga mata ko na ang nakakita, at ni minsan ay hindi maaaring magsinungaling ang iyong mga paningin kaya kusa na lang akong bumitaw sa pagmamahalan naming dalawa kahit sa loob loob ko ay labis lang akong nadudurog at nasasaktan.

Sa mga lumipas na mga buwan at hanggang sa naging taon ay iginugol ko ang sarili ko sa Cafe at sa pag-aaral ko. Pinilit kong kalimutan ang pangangailangan ng puso ko na umibig at magmahal. Sa loob ng dalawang taon, tinatak ko dito sa puso kong ... Love is just for losers who want to spend their lifetime to someone that won't live forever.

"Tulala ka na naman?" agad akong napalingon dun sa nagma-may-ari ng pamilyar na boses. Sandali kong iniling ang ulo ko at matamis ko syang nginitian at tinanggap ang kape na inaabot nya sakin. Pagkatanggap ko nun ay nagpasalamat ako sa kanya at pinaupo ko sya dito sa bakanteng pwesto kalapit ko.

"Tell me, iniisip mo naman ba si Ethan?" humigop muna ako sa kape na binigay nya sakin at pagkatapos ay mapait ko syang nilingon na suot suot sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Darren, kahit hindi ko naman sya isipin ay kusa akong pinabangungot ng nakaraan. Nakaraan na sana ay matagal ko ng nakalimutan pero nandito parin sya binabalik ang dati at muling dinudurog ang puso ko." Mapakla pa akong tumawa habang pinagmamasdan ang mga dalawang tao na nag-iibigan habang hawak hawak nila ang kamay ng isa't isa. Pinigilan ko ang sarili kong sumigaw ng "Walang forever". Bitter na kung bitter pero masisisi mo ba ako kung ganito ang epekto sakin ng pagkadurog ng puso ko?

Narinig ko syang tumawa dahilan para lingunin ko sya. Isang tawa na hinuhusgahan ka kundi isang tawa na malalaman mong masaya sya. Naguguluhan ko syang tiningnan.

"Naaalala mo pa ba ung panahong sinundan kita dito sa Singapore?" tanong nya sakin habang nakatanaw parin sa dalawang tao na hawak parin ang kamay ng isa't isa.

Wala sa sariling napangiti ako.

"Oo naman" ani ko at pagkatapos ay tumango. Nakita kong hindi natanggal ang ngiting 'yon sa kanyang mukha dahilan para maguluhan ako.

"Do you remember kung ilang beses akong nagpumilit na ligawan ka pero anong sinagot mo?" natigilan ako sa sinasabi nya at wala sa sariling muli syang nilingon mula sa pagkakalingon ko kanina sa kape na hawak ko.

"Darren .." bigkas ko sa pangalan nya. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan naming 'to. Alam kong deep inside ay nasasaktan sya.

Sinundan nya ako dito sa Singapore para ligawan nya ako at ipaalam nya saking mahal na mahal nya ako at gagawin nya ang lahat ng makakaya nyang hindi ako masaktan kagaya ng ginawa ni Ethan sakin. Napangiti lang ako sa sinabi nya pero hindi ko tinanggap ang pag-ibig nya. Malinaw pa sa sikat ng araw na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin si Ethan kahit na nakakasigurado akong may mahal na itong iba.

"You answered me na 'Sorry Darren, but my heart still belongs to Ethan'" natahimik ako sa aking narinig. Pakiramdam ko ay nangingilid na ang mga luha ko. Ayoko ng umiyak, ayoko ng muli pang masaktan. Ayoko na muling umiyak ng dahil sa kanya. Ayoko ng umiyak ng dahil kay Ethan dahil hindi naman nya ako mahal at hinding hindi nya naman ako minahal.

"Darren ..." bigkas kong muli sa pangalan nya para itigil na nya ang pagsasalita, alam kong nasasaktan ko na sya at maging ako ay nasasaktan.

"Chiara ..." he paused at nilingon nya ako at hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Kitang kita ko sa mga mata nya nasasaktan sya. Mga mata nyang sobrang nasasaktan dahil nanatili lang na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kung hindi lang dumating si Ethan sa buhay ko ay masasabi kong mas pipiliin ko si Darren. "It's been 2 years. I know na gabi gabi ay umiiyak ka parin dahil sa kanya. Hindi ko makayang isipin na sa gabi gabi ay sya parin ang naaalala mo ...." he paused at sandaling pinunasan ang luhang patuloy lang sa pag-agos sa kanyang mukha. Hindi ko na rin napansin na maging ako ay lumuluha na rin pala. "But please, Chiara, time heals all wounds. Even broken hearts heals. Alam kong hanggang ngayon ay mahal na mahal mo parin si Ethan and It might sound weird pero I suggest na umuwi ka ng pilipinas. Puntahan mo sya, Magkapatawaran kayo at makipagbalikan ka. You might think that I gone mad pero in this situation of yours, un lang ang magagawa mo para mawala ang sakit na tinago mo ng halos dalawang taon" Nanatili akong tahimik at hindi ko na lang pinansin ang mga luhang patuloy lang sa pagbagsak mula saking mga mata. Masakit parin talaga na itago mo ang sugat sa mahabang panahon dahil darating din ang panahon na muli mong mararamdaman ang hapdi at kirot nito.

Niyakap ko ng mahigpit si Darren at sandaling pinikit ang aking mga mata habang patuloy paring tumutulo ang mga luha ko.

I guess, Darren's right the only way who can mend your broken heart is the one who broke it in the first place.

-----

Pagkasakay ko sa taxi ay agad kong sinara ang pinto nito at agad akong nagbrowse ng messages na bago ko lang natatanggap dahil sa kalalapag lang eroplanong sinakyan ko pauwing pilipinas. I know, malungkot dahil sa ginawa kong ito ay muli ko lang binalikan ang nakaraan pero later on ay kailangan kong i-face ang lahat at ito na ang tamang panahon para dun.

Isa isa kong inis-scroll ang mga messages na natanggap ko. Halos puro kay Allison, Ate Charen, Manager Lara , Darren at kay Reecee. Ou nga pala, sinabi at pinaliwanag na sakin ni Reecee ang lahat. Inamin nya saking kasalanan nya kung bakit kami naghiwalay ni Ethan, inaamin nyang inakit sya ni Jana para gawin ang bagay na 'yon. Naaalala ko pa, napangiti na lang ako ng mapakla dun sa sinasabi nya habang ka-chat ko sya sa skype nun. Tahimik lang ako at pinigilan ko ang sarili ko nung umiyak.

Isa isa ko na ring binasa ang mga messages nila, halos puro pangungumusta kung kumusta daw ba ang flight ko, nahilo ba ako?, nakarating na ba ako? Napangiti na lang ako sa text message ni Ate Charen.

Salamat sa Lord at babalik na ang kapatid kong maganda.

Thank God indeed. Pero agad ding napawi ang ngiti kong 'yon ng nagbalik na naman sa alaala ng nakaraan kung saan nung kami pa ni Ethan ay halos lagi kaming nagpapalitan ng text messages. Naramdaman kong parang may maligamgam na likidong babagsak na mula sa mga mata ko kaya pinigilan ko ang sarili ko at itinuon na ang sarili ko sa pagre-reply sa masasayang text messages nila sakin.

Pakiramdam ko kasi , hindi ko pa kayang tanggapin ang sakit ng nakaraan.

Buong byahe ay tahimik lang ako habang nagba-browse sa internet gamit ang phone ko nang may nahagilap ang mga mata ko. Picture ito ni Ethan na may caption na ...

Is NC Evans or formerly known as Nicholas Ethan Evans the new king of heart break songs?

Natigilan at napatitig ako sa picture nya. Nakangiti sya rito habang naggi-gitara at kumakanta. Mukha rin syang masaya sa picture pero makikita mo sa mga mata nyang labis itong nalulungkot.

Pinigilan ko ang sarili kong napaluha kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko para pigilan ang aking sarili. Sadyang tinuloy nya talaga ang carrer nya. Marahil siguro ay may pamilya na sila ni Charisse at maaaring may anak na rin sila.

Alam kong masakit pero pinabayaan ko na lang ang sarili kong ituloy ang pagbabasa sa article. Hanggang sa bumagsak ako sa question and answer portion dito sa article.

Q: Tell us NC, what's your reason on writing this new song of yours?

NC: My reason? Is admitting that your heart is broken a valid reason why I'm writing this kind of song?

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pagbabasa dahil panigurado ay iiyak lang ako dito sa loob ng taxi kung ipagpapatuloy ko pa. Pinangako ko sa sarili kong kalilimutan ko na sya at un ang main reason ko kung bakit ako pumuntang Singapore.

I want to completely forget all about Ethan pero sadyang mapang-asar ang tadhana dahil muli nito akong binabalik sa nakaraan kay tagal kong gustong kalimutan at iwan.

------

"Chiara? Grabe! Miss na miss kita" pagkarating ko sa bahay nila Ate Charen at Kuya EJ ay agad akong sinalubong ni Allison at niyakap ng mahigpit na halos ay hindi na ako makahinga.

"Ahh—Allison. Ung leeg ko. H-hindi na ako makahinga" pagpoprotesta ko. Nag-alala naman si Reecee kaya agad nyang tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Allison pero hindi pa lumilipas ang dalawang segundo sa pagkakatanggal nya sa kamay ni Allison mula sa akin ay agad nya na akong niyakap ng mahigpit. Dahilan para mapangiti ako at bumawi rin ako ng yakap. At nung kumalas na si Reecee ay isa isa ko silang niyakap. Kitang kita ko sa kanilang mga mata ang kasiyahan. Well, pati rin naman ako ay masayang masaya dahil finally ay nakita ko na sila.

"M-mommy.." agad akong napawi ang ngiti ko saking labi ng may nakita akong cute na batang babae na mukhang 3 years old na mukhang bagong gising na papunta sa direksyon ni Ate Charen.

"Ate, sya na ba si –" hindi ko na natapos ang tanong ko ng basta na lang akong lumapit sa bata at niyakap ito ng mahigpit. Hindi naman ito natakot dahil lagi nya naman akong nakikita sa skype dahil lagi ko silang ka-chat ng mommy nya at daddy nya. Pero sa tuwing maka-chat ko sila Ate Charen at Kuya EJ ay sinabi kong wag na lang akong balitaan tungkol kay Ethan dahil ang akala ko nun ay malilimutan ko sya pero nagkamali ako.

"Ang cute cute mo talaga Cha-Cha" panggigigil kong halik at yakap sa cute na cute na anak ni Ate Charen at kuya EJ.

------------

"Allison, ano ba? Bakit ba nandito tayo sa backstage? Kilala mo ba ung kumakanta?" kanina pa ako nagtatanong dito kay Allison tungkol dun pero hanggang ngayon ay hindi nya parin pinapansin ang tanong ko bagkus ay nananatili parin ang ngiting 'yon sa kanyang mga labi.

Seryoso, nakainom ba ng gamot itong kaibigan ko?

Nakatayo lang kami ni Allison dito habang ako ay inip na inip na dahil gusto ko ng makita si Cha-chan at makipaglaro sa bata tapos ito naman si Allison ay ayaw akong paalisin, grabe naman talaga sya oh!

"Allison, ano ba talagang ginagawa natin dito?" muli kong pagtatanong pero kagaya kanina ay hindi nya parin ako pinansin bagkus ay nanatili sya sa sarili nyang mundo. Hindi ko na lang sya pinansin at nag-internet na lang ako dito sa phone ko. Maaasar lang ako kapag pinansin ko pa si Allison at biruin mo yon oh, kadarating ko lang kahapon pero ganito agad sya.

Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagba-browse sa internet ng may narinig akong isang pamilyar na boses na nanggagaling sa stage.

"Good evening. Maraming salamat po sa pagdating nyo sa concert kong 'to. I owe you one guys ..." he paused at tumikhim. "Bago po ako magsimula ay nais ko munang magpasalamat kay Lord , Lord, salamat ha, kung di dahil sayo ay wala ako dito..." and for the second time ay tumigil muli sya pero habang di sya nagsasalita ay may maririnig ka ng pagstrum ng gitara sa pagbackground bago muli sya nagsalita.

"I want to dedicate this song to the girl I loved. Nandito ka man ngayon o wala, sana'y marinig mo itong awitin kong alay sayo. Mahal na mahal kita, alam kong nagkamali at nasaktan kita nuon pero lahat ng 'yon ay pinagsisihan ko. Lahat yuon ay sisisi ko sa sarili ko kung bakit mo ako iniwan. Pero sana ngayong araw na 'to tuparin na ng Lord ang matagal kong panalangin na sana ... sana bumalik ka na sakin Chiara" bahid sa boses nya ang lungkot habang sinasabi nya 'yon. Kahit tapos na nyang sabihin yon at ngayong nagsisimula syang kumanta ay hindi parin nawawala sakin ang pagkabigla.

Tinawag nya ang pangalan ko. He said Chiara.

Buong panahon akong nandito nakikinig sa malulungkot nyang awitin ay parang ihip ng hangin na muling binabalik sakin ng nakaraan ang lahat ng alaala kong kasama si Ethan. Ung sa unang beses ko syang nakita sa personal, ung sungitan nya ako, ung magalit sya sakin, ung mag-alala sya sakin , nung nilagawan nya ako, nung sinagot ko sya hanggang sa nuong araw na sinaktan nya ako at iniwan ko sya.

Hindi ko na napansing kanina pa pala bumabagsak itong mga luha ko. Nakakainis naman 'oh, bakit ba umiiyak na naman ako?

'Akala ko nun ay simpleng paghanga lang na nauwi sa pag-iibigan na pinahintulutan ng panahon at pinabayaan akong saktan at iwan ka'

Pabulong nyang sabi 'yon habang patuloy parin sa pagstrum ng gitara. Bakit pakiramdam ko ay pinatatamaan nya ako sa bawat pangungusap nya?

Pinagpatuloy nya ang kanyang pagkanta hanggang sa hindi ko na kinaya at basta na lang akong pumasok sa loob para makita sya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil umiiyak ako sa mga alaalang matagal ng nilipas at kinalimutan ng panahon.

"Pwede bang –" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng matigilan ako at makita syang umiiyak habang patuloy lang sa pags-strum sa gitara nya. Hindi ko na lang pinansin ang mga luha kong patuloy parin sa pagtulo at pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha.

Diba dapat masaya sya pero bakit ngayon nakikita ko sya na halos hindi na nakakapag-ayos sa sarili at sobrang lungkot ng kanyang mga mata.

"Chiara ..." bigkas nya sa pangalan ko. Tinigil nya ang pagstrum sa kanyang gitara hanggang sa sumunod na ang banda. Patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha sa kanya mga mata at hindi nya ito pinansin ng unti unti syang lumalapit sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako o ano?

"Chiara, I missed you so much. It's been 2 years since I last saw you. I love you so much" lalo akong naluha sa sinabi nya habang hindi ko na napansing yakap yakap na pala nya ako. Hindi ako makapagsalita bagkus ay patuloy parin sa pagbasak itong mga luha ko. Pakiramdam ko nanginginig ang mga tuhod ko, dahil sa sobrang emosyong nararamdaman ko ngayon.

"Hindi mo alam kung gaano ako naghirap ng halos dalawang taon, mistulan akong nabaliw ang napilan. Hinanap kita sa halos lahat ng bansa pero sadyang magaling kang magtago dahil sa taong lumipas ay hindi kita nahanap pero ngayong nandito ka na ay hindi ko na muling hahayaang mangyari ang dati" kumalas sya sandali sa yakap at sandali nya akong hinalikan sa noo dahilan para mas lalo lang akong maluha.

Mahal na mahal ako ng lalaking 'to na hinanap nya ako pero ang tangi ko lang ginawa ay pilit syang kalimutan na hindi tinanggap ng puso ko at hindi pinahintulutan ng tadhana.

"Mahal na mahal kita Chiara ..." pagkatapos nya akong halikan sa noo ay padampi nya akong hinalikan sa labi na tumagal lamang ng apat na segundo. Hindi parin ako makapagsalita, marahil dahil sa sobrang kasiyahan pero agad napawi ang ngiting 'yon ng bigla kong naalala ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Sandali akong lumayo sa kanya at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka.

"Anong –" hindi ko na pitapos ang sinasabi nya at agad na akong sumabat.

"Paano na si Charisse?" nakita kong nawala ang pagtataka sa kanyang mukha at nilapitan nya ako at niyakap.

"I will just look the past like it's a faded memory that needs to be deleted. Tapos na ang lahat sa amin ni Charisse dahil sa buhay ko ngayon Chiara, ikaw ang babaeng mamahalin ko hanggang sa tumanda tayo" napangiti naman ako at mas lalong napaluha sa sinabi nya at niyakap ko sya ng mahigpit.

Marahil, labis akong nasaktan ng kahapon pero hindi dapat maging hadlang ito para hindi harapin ang kinabukasan at paparating.

Simula ng araw na 'yon ay naging okay na ang lahat, hindi rin nagtagal ay kinasal kami ni Ethan. Nagiging masaya na ang lahat sa-amin. Ako? Bumalik na muli ako sa showbiz. Si Reecee naman ay pinipilit ang sariling makalimot kay Jana at sa ginawa nitong panggagamit sa kanya. At naniniwala akong ang nakatadhana para kay Reecee ay maaaring nasa tabi tabi lang at hindi nya lang napapansin.

"Woah! Allison, ingat sa pagbubuhat baka mapano ka" alalang alalang saad ni Reecee kay Allison. Pinatawanan lang ng dalaga ang binata inasar pa ito dahilan para maghabulan sila na parang mga bata.

Si Ate Charen at Kuya EJ naman ay ok na ok dahil may Cha-Cha na sila sa buhay nila. Si Jana? Nasa lugar kung nasaan sya nararapat dahil sa pinagagawa nya. Ang balita ay pinauwi daw sya ng nanay nya sa probinsya nila at hindi na pinapalabas ng bahay para daw tumulong ito sa mga gawain sa bahay na nuon ay hindi rin nito ginawa.

Si Darren? Matapos nya akong pauwiin dito sa pilipinas ay wala na akong balita sa kanya. Marahil ay nanatili pa sya sa Singapore para siguro ay magmove on.

Ang mga kaibigan ni Ethan na si Cloude, Jess at Zian .. hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa buhay nila dahil hindi naman kami close.

Basta ang tandaan, May rason si Lord kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi nating inaasahan sa buhay natin. Maaaring hindi natin naiintindihan ngayon pero darating ang tamang panahon na malalaman din natin kung anong rason ni Lord kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon sa buhay natin.

- The End –

(c) All rights reserved. 2015

- To Christ Jesus be all the glory -

i