Harmino, Kabanata 1

Kung noon ay akala ko nasalo ko na ang lahat ng kamalasan sa mundo dahil bukod sa hindi na kami hinanap ng ina naming inabandona kami at nawala rin ang ina naming kumupkop sa amin at nagpalaki. Pagkatapos noon ay pinaghiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Kami sana ni Malax ang magkasama ngunit nakahanap ng panibagong pamilya para sa kanya kaya magkahiwalay kami.

Ngayon naman, nakita ko ang hubad na katawan ng pinaka-tanyag na tirador ng mga babae sa university. Ang babaeng hindi ko malaman at biglang nagalit sa akin pagkatapos niyang ibalik ang wallet ko.

"What are you looking at?" Tinaasan ako ng kilay ni Nirca at dire-diretsong kumuha ng tubig habang nakatingin pa rin sa akin. Parang wala lang sa kanya na nakita ko ang katawan niya. "Nagbasag ka pa ng baso. Linisin mo 'yang kalat mo bago ka umakyat sa taas." Dagdag niya pa tsaka umalis. Kumekembot pa siya!

Tulala pa rin ako hanggang sa makaalis siya. Mabilis kong nilinis ang kalat ko at tinapon iyon sa basurahan. Muntik pa nga akong masugatan dahil ang nasa isip ko lang ay ang pagtingin ko sa katawan niya! Grabe, nakakahiya 'yon! Pero bakit ba kasi siya lumalabas nang nakahubad?!

Paakyat ako sa taas nang makarinig ako ng ungol mula sa kwarto niya. Napahinto pa ako sa gitna ng hagdan dahil doon. Sigurado akong maririnig ko pa iyon hanggang sa kwarto ko dahil magkatabi lang naman kami ng kwarto ni Nirca.

I'm sure that's not her that's moaning! Some other girl!

Don't tell me, she's fucking girls here?! How shameless!

Nagmadali akong umakyat papuntang kwarto ko. Nakakainis dahil parang ako pa ang nahihiya para sa kanya dahil sa ginagawa nila ng babaeng iyon sa kwarto niya. I get it! That girl is promiscuous. What did I even expect? I just thought she'll grieve more to my mom because she's her auntie!

I didn't know how many times I cursed her in my mind. Especially when I hear the girl screaming because of the pleasure. Nagtalakbong na lang ako ng comforter at tinakpan ng unan ang aking tenga para hindi na makarinig.

That's the first time. Akala ko ay iyon na ang katapusan. Nagkamali pala ako. Kasi kahit madaling araw—no, mali, lalo na pag madaling araw, lagi akong nakakarinig no'n! Wala pa kasi ang ina niya kaya gagawin niya ang gusto niya kahit pa nandito ako.

I accidentally eavesdropped on Nirca and her mom's conversation over the phone. I heard that Nirca is still recovering from an injury and her mom told her to take care of herself so it wouldn't happen again. Of course, that's a lie. In her state, it's more possible than anything else on the planet. 

Dagdag pa sa narinig ko ay may insomnia si Nirca kaya pala lagi siyang madaling araw kung manggulo. Kung hindi sa babaeng umuungol ay pagpapatugtog nang nakabibinging musika na minsan kasama niya pa ang kaibigan niyang kumakanta sa isang bar.

Isang gabi ay lumayas ako roon para bisitahin ang ina ko sa sementeryo. Doon lang kami nagkita ng mga kapatid ko bukod sa school.

Nakaikot kami sa puntod ng ina namin habang nag-uusap. Lahat kami ay nakakulay blue na dress at iba-iba ang design. Hindi pa namin ito pinag-usapan!

"Lupit nung babae na kumuha sa 'kin gagi, biniro ko na bilhan ako ng Chanel na bag, kinabukasan gago may pitong bag na ganoon sa ibaba ng higaan ko. Hindi na ako aalis doon." Nakangising sabi ni Miraya.

"Sa akin ayaw ko na rin umalis, parang prinsesa ako tratuhin. Hindi ko nga lang gusto 'yong inaanak niyang babae. Ang yabang." Si Malax na kumakain ng chips. Iyong iba ay inilagay sa taas ni mama bilang alay.

"Ayaw ko na rin umalis. Nagkikita pa naman tayo sa school. Pwede rin tayo lumabas kung gusto natin. I think this is a good thing." Si Maxea na nagbabasa ng libro.

"Fools. Alam niyo ba kung bakit ang gaganda ng trato nila sa atin?" Tinaas ni Mason ang kanyang kilay. Siya lang ang nakaipit na ponytail ngayon. Nakakulot din ang buhok niya sa dulo. "May ipinamana sa 'tin si mama. Hindi pa sinasabi kung sino sa atin ang pinakamaraming shares pero sigurado akong si Mnemosyne iyon."

Kumuha si Maxea sa chips ni Malax, "Favorite iyan ni mama eh."

"Hindi ah. Kung oo man, hindi ko iyon tatanggapin." Sabi ko agad. "Tsaka hindi ko gusto ang pamilyang kumuha sa akin. Iyong anak nila na type ni Malax ay ang pinakaayaw ko."

"Bakit naman?" Tanong ni Miraya.

"Kasi, nagdadala ng babae sa kwarto niya at gumagawa ng kahalayan sa loob. Magkaharap pa kami ng kwarto! Noong nakaraan ay nakita ko siyang nakahubad at parang wala lang sa kanya. While me... I'm traumatized!" Sigaw ko. Mariin akong pumikit. 

Mason and Maxea gasped. Napangisi naman si Malax. Si Miraya, nagtatanong ang tingin. Marahil walang gaanong ideya sa mga nangyayari.

"Paano kaya kung baliko ka rin katulad nitong sina Maxea at Malax, baka bumigay ka na rin sa babaeng iyon. Nagfling sila nung kaklase ko tapos nainlove ang kaklase ko pero iniwan din dahil daw bata pa. Eh bakit niya ginawang fling? Parang tanga." Iritadong sabi ni Miraya.

"Mukha ngang ganoon siya." Sabi ko agad.

"Alam mo, Syne, dapat sa mga ganyan pinagsasabihan. Mukha pa lang ng babaeng iyon, mukha nang playgirl, e." Si Mason.

"Eh anong gagawin ko?" Seryosong tanong ko.

"Katukin mo, tapos pagbukas, hagisan mo ng mga isang drum na may kumukulong mainit na tubig!" I glared at Maxea. She just laughed. "Ganito, pumunta na lang tayo sa club na pinupuntahan niya tapos kausapin natin 'yung mga nakakalandian niya para maturn off sa kanya. Para wala na siyang iuuwi sa bahay nila. Ano?"

Napaisip ako roon. "Eh paano kung malaman niya?"

"Eh ano naman! Namemeste siya ng buhay!" Si Miraya ulit.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang tumunog ang cellphone ko. By the time I saw who's calling me, I immediately excused myself because I should keep this a secret from my sisters. 

"Mr. Valdez. Are there any updates?" Tanong ko rito.

"Yes, ma'am. But I'm sorry. The only update I can give you now is we found a witness. But the bad news is she couldn't speak. She must be traumatized."

My brows furrowed. "Interest? Who is she?"

"She's a woman passing beside the road when that happened. I believe she's walking because she wants to meet someone that time. We're still investigating." Aniya. "Are you asking for a name, ma'am?"

"No," I sighed. Dagdag lang iyon sa isipin ko.

"Do you have any other questions?"

"No . . . I'll talk to you later. Let's meet."

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang nagdududang tingin sa akin ni Mason. Mukhang wala siyang ideya pero alam niyang may nangyayari.

Napaisip ako sa sinabi ni Maxea kanina. Sa huli ay pumayag ako roon.

Hindi dapat ako pwede sa club pero dahil maraming koneksyon si Malax ay nakapasok kami sa loob. Ewan ko kung paano niya nagawa iyon nang ganon kadali pero ngayong nasa loob na kami ay nagdadalawang-isip na ako.

"What the fuck," hindi mapigilang mura ni Miraya nang makakita siya ng dalawang babaeng nagme-makeout sa tapat namin. Pati dibdib nung babae ay hinahalikan ng isa pang babae. Lowcut dress kasi ang suot nito na halos lumuwa na ang dibdib. Wala ba siyang bra? "They can get a room." Tumingin siya sa akin nang makita ang parehas na reaksyon katulad nung sa kanya.

"Benefits lang talaga ng mga bading, walang nabubuntis." Tumawa si Malax. "Simulan na natin. Pero bago 'yan, maghahanap muna kami ni Maxea ng chix." Umakbay siya kay Maxea.

Ngumisi si Maxea at inikot ang tingin sa paligid. "Retired na ako, boy. May girlfriend na 'ko."

"Huh?" Lumingon sa amin si Mason na kanina pa bina-bad mouth si Nirca sa mga babae sa club.

Nakita ko si Nirca na nakaupo sa isang itim na upuan. Her legs are spread while she's circling the bottle of liquor on her hands while looking at some girl's ass. She's licking her lips. Wearing a black leather skirt and a tube top and heels on her foot, I just know she can get all of the girls here if she wants. Her hoop earrings are so big that I thought I could fit my hand in there.

She whistled using her hand and suddenly the girl approached her and sat on her lap. I don't know why I suddenly felt annoyed and wanted to slap that girl 360 degrees.

Nagulat ako nang sa isang pagpikit ng mga mata ko ay naghahalikan na sila.

"Damn boy, that was worse than I expected." Inakbayan ako ni Malax sabay inom sa kanyang shot glass. "They look so damn hungry that they could eat each other with that deep kiss."

"Gross." Komento ko at ngumiwi.

Pagkatapos no'n ay alam ko na ang mangyayari. Aayain siya ni Nirca sa bahay kaya noong maghiwalay sila saglit ay lumapit ako roon sa babae. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang tumingin siya sa akin. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ako.

"Hi there, gorgeous," she greeted. 

Nagdalawang isip pa ako kung lalapit ako sa kanya noong una pero dahil mukhang nagkakamabutihan sila ni Nirca at malaki ang chance na siya ang mag-iingay ngayon, lalapit na ako. Tutal nandito na ako, eh.

"Hello," umupo ako sa upuan na nasa tabi niya. "What's your name?"

She smiled, "Lesbian, bi or straight?" Imbes na sumagot ay tanong niya. "If you're the first one, I would doubt it."

Ngumiti rin ako. "My name is Cherisha, by the way." 

Forgive me! Ngayon lang ako nagsinungaling sa ibang tao. Sa pangalan ko pa talaga! But it's safer, so Nirca wouldn't find out about me!

She nodded and extended her hand. "Beverly. So . . . what's your sexuality, lovely cherish?"

"I-I'm straight." Sagot ko.

She chuckled. "That's what I thought. I wonder why you talked to me first? And we're in a lesbian club. Maybe do you need anything from me?" Dumi-quatro siya at nangalumbaba sa island counter gamit ang isang kamay niya.

"Uhh . . . kasi may ex ako." Tumikhim ako. "So . . . this ex is a very possessive and crazy ex. She's a psycho."

"She?" Her brows furrowed. "Akala ko ba, straight ka?" Nakahuma rin siya agad at binigyan ako ng nang aasar na ngisi.

I tilted my head so she couldn't see me closing my eyes real hard. Fuck it! I'm doomed.

"Ay! Ganoon ba 'yon? Haha. Akala ko straight na ano... straight na pag babae ka, straight na pupunta ka sa babae ganon." Palusot ko. "So ayun na nga. Ang ex ko na iyon ay mabaho ang hininga, masama ang ugali niya at mabaho ang paa." Pagpapatuloy ko.

Tumango-tango siya. Nakikinig sa akin.

"I was so in love with her but then she left me! I-I... I'm so in love with her and I found out she's cheating on me. Sa bahay pa talaga namin sila nagse-sex! Dahil hindi ako umuuwi roon noon ay hindi ko sila nahuli. Tsaka ko lang nalaman nung ginusto ko siyang surpresahin!" Umarte pa akong naiiyak.

"That's so bad. Who's that jackass?" Her face looked worried but for some reason I feel that she's just being sarcastic.

"Nirca! Her name is Nirca . . .." sagot ko at tumingin sa paligid dahil baka dumating na siya. "I actually . . . Saw you talking to her earlier so if you're planning to go to her house to have some, like, some 'fun' . . . Don't. Save yourself." Ma-drama kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang saglit na paggalaw ng ilalim ng mata niya, tanda na ngumiti saglit ang kanyang mga mata. Oh no! Don't tell me, she found out?!

"You know what, girl? Don't let yourself be stuck in that feeling. Free yourself. It's her loss. It's her fault. She should be the one suffering and not you. Thank you for warning me, Cherisha." Parang sarkastiko niyang sabi sa akin. "Let's drink. For your problems and for the karma of that jerk!" Itinaas niya ang shot glass na hindi ko namalayan na nasa harap na niya. Dalawa pala iyon, baka kumuha siya para sa akin din.

"U-Uhh . . . I'm sorry, I don't drink!" Sabi ko agad.

"Really? I thought you're sad about your ex-girlfriend?"

Kapag ba uminom ako ay mas maniniwala siya sa kasinungalingan ko at malulungkot siya para sa akin? 

"O-Okay." Uminom ako. Halos iluwa ko na iyon pero pinigilan ko ang aking sarili.

Hindi ko namalayan, pinainom na niya ako nang pinainom. Akala ko kaya kong uminom nang marami dahil first time ko uminom. Pero nagkamali ako.

Nasaan ang mga kapatid ko? Hindi ko makita.

"Beverly." I heard a woman's cold voice from my back. "What are you doing?"

"She's talking shit about you! Well, she looks innocent but she lies. You don't take relationships seriously. I know that! Yet she and her girls spreading fake rumors about you so---"

"If they do that, let them be. People believe what they want to believe. Ano bang pakialam mo?" She said in an irritated voice.

Nirca? Si Nirca ba ito?

"But Nirca, I was trying to help you!"

"I don't need your help," she said. "You brat, let's go. I'll take you home." Ihinarap niya ako sa kanya. Inipit niya pa ang buhok ko dahil para na akong sinabunutan, sigurado ako.

Oh no! She found out. What should I do?

Tama, magpanggap na 'di ko siya kilala kasi lasing ako!

"Sino ka?" I asked her.

She sighed. "Drinking isn't for you. Don't ever drink again. Where are your sisters?"

"I don't know," halos pabulong kong sagot.

"Let's go," isinukbit niya ang braso ko sa kanyang balikat.

"Nirca! Let's take her home together." Ani Beverly.

"No. Stay here." Si Nirca.

Pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa balikat ni Nirca. "Nirca, I can help you take her home---"

"I said no, Beverly!" Nirca's voice thundered. 

"O-Okay. Maybe tomorrow?" She negotiated.

Nirca looked at her with pure annoyance. "I don't want to see your face again. Don't even talk to this girl anymore, you understand?" 

"You're so fucking confusing!" Beverly blasted and walked out.

She then looked at me and held my waist. "I don't know the real reason why you're doing this but to ruin my reputation. What you did before didn't help to ruin me, Syne. What I'm doing right now for you is." She sighed.

"Don't touch me."

I was trying to remove her hands on my waist once we got out of her car. 

"I'll take you to my own house, Syne, mom's house is farther than mine and it's late. You have to rest, you naughty girl." 

"Ayoko . . . Uuwi ako sa bahay."

Bumuntong hininga siya at inalalayan ako pabalik sa sasakyan niya.

I got a glimpse of her small house. A simple white-black house near the University. 

"Bukas talaga, lagot ka sa 'kin." Aniya at binuksan ang makina.

Nag-iwas ng tingin ang namumula niyang mukha.