Hanggang Dito Na Lang

Hanggang Dito Na Lang

By: Binibining mary

4.6K
views
6
Chapters
Completed
Status

Hanggang Dito Na Lang is a completed urban novel by Binibining mary with 6 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added August 26, 2022.

Synopsis

Si Annette at Nicolo ay mag live in partner, may isang silang anak na ang pangalan ay Jaime. Noong una ay maayos naman ang pagsasama ng dalawa kahit pa hindi kasal ang mga ito ngunit nagbago ang lahat nang miscarriage si Annette, nagkaroon ng pader sa pagitan ng dalawa at lumala pa noong malaman ni Annette na may babae si Nicolo.

Imbis na magwala ay pinili ni Annette na manahimik, hanggang sa isang gabi kinausap ni Nicolo si Annette na makikipaghiwalay ito sa babae dahil kinukulit ito ng kabit nitong si Rei. Isang nursing student na matagal nang may gusto kay Nicolo. Pumayag naman si Annette ngunit may hiniling ito at iyon ay sana makapaghintay ang lalaki hanggang sa lumisan ang anak ng mga itong si Jaime dahil may malala itong sakit, nais ni Annette na pabaunan ng magandang alala ang bata bago ito lumisan sa mundo.

Pumayag si Nicolo sa hiniling ni Annette dahil napagtanto nitong mas mahalaga ang mag-ina nito kaysa sa babae nito. Pinangako ni Nicolo sa sariling babawi ito sa mag-ina, tatapusin na niya ang paghihirap ng kinakasama nitong si Annette, dahil hanggang dito na lang ang masasakit at masasamang alala, papalitan niya iyon ng masasaya at magagandang alala. Ngunit ang tanong, makakaya kaya patawarin ni Annette si Nicolo? Makakaya kaya nitong makasamahan ang lalaki matapos ng mga ginawa nito?

Abangan...

Read the first chapter

Chapter 1

NAPATINGIN si Annette sa labas ng bintana, napabuntonghininga siya nang mapansing magdi-dilim na pero hindi pa rin dumadating si Nicolo. Narito siya ngayon sa labas ng eskwelahan ng kanilang anak na si Jaime, kinder garden na kasi ito at siya ang naghahatid sundo sa anak dahil wala naman siyang trabaho, she give up her dream to become a flight stewardess para maging hands on Mommy. Nagkakilala sila ni Nicolo sa may eskwelahan nila dati sa college. Niligawan siya nito, matapos ang dalawang buwan ay sinagot niya ang lalaki at noong makapagtapos na sila na buntis siya bigla, akala niya noon ay papakasalan siya ng lalaki ngunit hindi nangyari. Hindi naman siya nagtampo at that time kasi wala pa namang trabaho nun si Nicolo, kaya’t intindi niya. Mag-pi-pitong taon na silang nagsasama pero wala siyang narinig na “Will you marry me” sa lalaki.

Nasasaktan siya ngunit hindi na lamang siya nag komento ayaw niya namang madaliin ito, kontento na siyang nagsasama sila at naibibigay naman nito ang pangangailan ng anak nila not until last year at ngayon taon. Ramdam niyang may nagbago at alam niya kung ano ang dahilan nagbabagong iyon pero she keeps her mouth shut. Ayaw niyang mag-away sila at maghiwalay, ayaw niya kasing maranasan din ng anak niya ang makaroon ng broken family gaya niya kaya tinitiis niya na lamang

“Mommy, why are you crying? May masakit po ba sa iyo?”

Napakurap-kurap siya at mabilis na pinunasan ang kaniyang luha at tumingin sa kaniyang anak na inosenteng nakatingin sa kaniya.

“Napuwing lang ako, baby. Nagugutom ka na ba?” malumanay na sabi niya.

Yumakap ito sa bewang niya. “Buti naman po, ayaw ko po kayong nakikitang umiiyak, Mommy. Nalulungkot rin po ako.”

Niyakap niya ang kaniyang anak ng mahigpit at hinalikan ang noo nito. “Hindi na iiyak si Mommy para hindi na rin malungkot ang kaniyang baby.”

Ngitian siya ni Jaime. “Good po, bakit ang tagal na naman ni Daddy?”

Umiwas siya ng tingin sa tanong ng anak. Ayaw niya magsinungaling rito pero ayaw niya ring masaktan ito.

“Baka na traffic lang,” aniya.

“Lagi naman siya nalalate,” reklamo ng anak nila.

Totoo iyon, lagi itong ginagabi sa pagsusundo sa kanila, may time pa ngang sumakay na lang sila sa taxi dahil sobrang late na wala pa rin ang lalaki. Hindi rin ito namamalagi sa bahay nila kahit wala itong pasok sa opisina. Okay lang naman sa kaniya kasi nasasanay na rin na man siya, naawa lang siya sa anak nila.

“Huwag ka nang malungkot pagdating niya mamaya, babawi iyon,” pag aalo niya sa anak.

Hindi umimik si Jaime kaya’t napa buntong hininga siya. Alam niya kasing nagtatampo na ito sa ama. Huwag sanang gabihin muli si Nicolo baka kasi tuluyan na talagang sumama loob ni Jaime rito.

MEANWHILE, ang relasyon nila ni Nicolo ay nag umpisa sa tinatawag na bawal na pag ibig dahil may asawa na ang lalaki at may isang anak. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang mahalin niya ito, mula pa kasi talaga pagkabata ay lihim na niyang hinahangaan ang lalaki. Alam niyang mali, at alam niyang masasaktan lang siya sa huli ngunit hindi niya masaway ang puso niyang mahalin ang lalaki.

“Alam na ba ni Annette na hihiwalayan mo siya?” mahina ang boses na tanong niya sa lalaki habang naka unan siya sa dibdib nito.

Kakatapos lang nila pinagsaluhan ang physical type of love. Namiss niya ng sobra ang lalaki dahil paminsan-minsan lang sila nagkikita dahil may trabaho ito at siya naman ay nag-aaral. Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki.

“Hindi mo pa sinabi?” hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Dahil naiinis siya, pinangako kasi ni Nicolo sa kaniyang iiwan nito ang asawa at magsasama na sila. Hindi naman kasi kasal si ni Nicolo at ang kinasama nitong si Annette kaya kahit paano ay nakampante siya.

More by Binibining mary

View all

You may also like

Urban

Sign in to join the discussion